แชร์

CHAPTER 239: See

ผู้เขียน: YULIANNE
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-22 09:46:06

PARANG NAKIPAGKARERA SI Cassie dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon. Ramdam niya rin ang pag iinit ng kaniyang pisngi.

Pagdating noon kay Charles, hindi naman din siya nakakaramdam ng ganito. Kalmado lang siya lagi at mabilis para sa kaniyang kontrolin ang sariling emosyon. Pero ngayon kay Cole? Isang tingin lang galing dito ay parang may sasabog na sa loob niya.

Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito dahil sa isang lalaki.

Mukhang nahulog na t
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Helen Estioko
thank u po sa update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 239: See

    PARANG NAKIPAGKARERA SI Cassie dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon. Ramdam niya rin ang pag iinit ng kaniyang pisngi.Pagdating noon kay Charles, hindi naman din siya nakakaramdam ng ganito. Kalmado lang siya lagi at mabilis para sa kaniyang kontrolin ang sariling emosyon. Pero ngayon kay Cole? Isang tingin lang galing dito ay parang may sasabog na sa loob niya.Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito dahil sa isang lalaki.Mukhang nahulog na talaga ang loob niya. Simula ng gabing iyon na iniligtas siya nito, parang hirap na si Cassie na kalimutan ang lalaki. Parang may kung ano rito na nakakapagpaalala sa kaniya lagi."Uhm..." Napatingin si Cassie sa mga mata ng lalaki at tila nakalimutan na nito ang mga dapat na salitang sasabihin.Sinalubong naman iyon ni Cole. Alam na niya agad ang ganoong klase ng tingin mula kay Cassie. Kagayang kagaya iyon ng tingin na ibinibigay sa kaniya ni Marga at ng iba pang mga babaeng gusto siya.Humakba

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 238: Like

    MABILIS NA PINAKAWALAN ni Cole ang palapulsuhan ni Cassie. Humakbang din ito palayo at seryosong naglagay ng sapat na distansya sa pagitan nila.Ramdam ni Cassie ang biglaang init sa pakiramdam pataas sa kaniyang mukha pati na sa bandang ilong. Napahawak siya doon at nagulat siya nang makitang may pulang likido na lumabas doon."H-Hala, nagnonosebleed ako!" bulalas niya at medyo nagpanic na.Hindi tuloy maiwasang mapatingin din ni Cole. Nakita niya ang pagdurugo ng ilong ni Cassie at wala sa sariling kumuha ng ilang piraso ng tissue mula sa kaniyang bulsa. Ibinigay niya iyon lahat kay Cassie. "Tingala ka lang. Titigil din iyan," aniya pa sa babae.Kinuha ni Cassie ang tissue at ipinunas iyon sa ilong habang nakatingala. "Bakit naman kasi bigla na lang akong na nosebleed?" wala sa sariling tanong na lang din niya sa sarili.Hindi na iyon sinagot pa ni Cole. Walang any ano ay binuksan na nito ang pintuan at lumabas na. Ramdam ni Cassie ang paghampas ng hangin sa mukha niya dahil sa bigl

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 237: Touch

    ANG PROBLEMA, WALA NAMANG alam si Cole sa mga damit pambabae... lalo na sa mga undergarments nila. Nakakatawa mang isipin pero iyon ang totoo. Parang malaking bangungot sa kaniya ang tatlong hook sa bra ni Cassie. Malaki ang pag iingat niya na hawakan iyon na hindi dumadampi ang kamay niya sa balat ng babae. Dahil doon, natagalan tuloy siya.Hindi maiwasang matawa bigla ni Cassie. Ang isa pang problema, dahil nakatalikod siya, hindi niya alam na lalaki ang nasa likuran niya ngayon. Ang alam niya talaga ay si Hyacinth iyon."Nakakainis iyang hook na iyan, 'di ba? At... parang mahigpit masyado pero keri naman. Siguro mas lumaki lang ang dibdib ko, 'no?" daldal pa ni Cassie bago napatingin sa dibdib niya. "Pero okay din, 'di ba? Mas gusto kaya ng mga lalaki ang babaeng may mas malalaking dibdib. 'Yung sakto lang ba... hindi iyong kagaya no'ng kay Lira na over na sa laki!"Tahimik pa rin si Cole. Sinubukan niyang bilisan ang ginagawa. Nang naihook ang huling metal sa bra, tatalikod na san

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 236: Hook

    NAWALAN NG BALANSE SI MARGA. Muntikan na itong matumba sa lapag pero nakatayo pa rin naman ito kahit papaano. Mas lalo lang itong nainis kay Cassie."Anong karapatan mong dapuan ako ng kamay mo?!" Binalingan niya ang mga kaibigan. "Hawakan niyo nga iyan! Turuan niyo ng leksyon!"Sinenyasan ni Marga ang mga alipores at agad naman sumunod ang mga ito. Sinugod nila agad si Cassie ng sabay sabay. Pero buti na lang, kahit na hindi naman katangkaran si Cassie, nakaiwas siya sa mga ito, lalo na sa isa na muntikan pa siyang kalmutin sa mukha. Dahil sa pag iwas, nakuha niyang hablutin ang buhok nito at talagang naitulak sa lapag."Hindi niyo alam rumespeto sa kapwa niyo, ah? Ngayon, tuturuan ko kayo kung paano!" asik ni Cassie, medyo nawawalan na rin ng pasensya."AHHH! Bitawan mo ako!"Napabagsak silang dalawa sa floor. Ang ibang babae naman ay talagang hindi na rin nakapagpigil at talagang nakigulo na rin. So rang gulo na at catfight na talaga ang nangyari.Ilang saglit lang, may mga estudy

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 235: Push

    HINDI MAIWASANG MATAWA ni Hyacinth pagkabasa ng mensahe ni Leo. Anong tingin nito sa sarili? Boss niya ba ito para manduhan siya nga ganito? Hindi naman niya obligasyon na bigyan ng kasaguran, eh. Inignora niya lang talaga ito.Natawa si Rico sa driver's seat. "Alam mo, Hya... divorced na kayo ni Leo, 'di ba? Pero bakit umaakto siya na parang hindi pa siya nakamoved on? Talaga bang nagustuhan ka niya noon?""Ewan ko," balewala lang na sagot ni Hyacinth, halos hindi na interesado ang tono nito."Kanina kasi noong nasa store tayo tapos nakaakbay ako sa iyo? Parang gusto na niyang hiwain 'yung kamay ko mapalayo lang sa iyo, eh," nakangising sambit ni Rico. "Hay... delekado palang maging fake boyfriend mo, Hya...""Ayaw mo ba sa ganitong set up? Naduduwag ka na agad? Kung ayaw mo, tatanungin ko na lang sina Kuya Miguel o Kuya Aries at baka pumayag pa sila..." sagot ni Hyacinth."Wait, hindi sa gano'n, okay? Hindi sa ayaw ko! Alam mo namang malakas ka sa 'kin, eh! Gagawin ko ang lahat para

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 234: Answer

    NANG WINARNINGAN SILA NI HYACINTH, walang naniwala ni isa sa kanila. Pero ngayong nanggaling na ang mga salita kay Rico Melendez mismo na mas may napatunayan na sa buhay, kinabahan sila bigla. Nawala lahat ng confidence nila sa katawan.Pero in denial pa rin talaga si Shaina. Pilit siyang umismid at nagmukhang matapang sa harap nila. "Bakit kasi kayo nakikinig kay Rico Melendez na iyon? May relasyon sila ni Hyacinth kaya ibig sabihin lang no'n, sinasabotahe niya tayo! 'Wag kayong masyadong paniwalain doon!"Kabado si Jasmine lalo at tumingin sa direksyon ni Leo. "Anong tingin mo dito, Leo?" lakas loob niyang tanong sa lalaki.Ang tingin ni Leo ay nakadako sa exit kung saan dumaan sina Hyacinth at Rico palabas. "Hindi ko personal na kilala iyang legendary doctor na iyan at never ko pa siyang nakausap sa personal. Pero iyang si Rico Melendez... malaking pangalan iyan sa business world. Malawak talaga ang koneksyon niyan. Kaya kung sinabi niyang kilala niya ang legendary doctor at babae

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 07: Soon

    "SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 03: Dyosa

    "BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 02: Divorce

    "H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 01: Birthday

    WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status