Share

Kabanata 11

Naabutan ako ng ulan at hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Tinawagan ko na ulit si Nene at nagsabing may inutusan na itong tauhan.

Malakas ang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang malaya kong napagmamasdan sa loob ng aking sasakyan. Ang sunud-sunod na mga pagpatak ng butil nito na siyang nagpapadilim sa paligid ang labis kong kinatatakutan. Hindi kinakaya maging ng windshield ang mabilis na pag-agos nito.

Napatingala ako sa aking kinauupuan at napabuntonghininga na lamang. Pagod na pagod ako dahil sa maghapong pagiging abala sa naganap na kasalan kaya't gusto ko na sanang matulog at hayaan na lamang na tumila ang ulan.

Naisip kong sa mga nakalipas na taon ng aking buhay naging abala din ako. Naging abala sa mga taong itinuring kong bahagi nito. Na minahal ko ng lubos at nirespeto. Ngunit ngayon, naisip kong sumubra pala ako. Na dapat pala ay nagbigay ako para sa aking sarili ng konteng pagpapahalaga

Shein Althea

Unedited.

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status