Share

CHAPTER 24 : KUTOB

Agad kumulo ang galit ni Victor nang makita si Sophie na nagpipilit makawala sa pagkakahawak ng isang lalake. Mabilis niyang dinakot ang balikat nito at ubos lakas na iniikot paharap sa kanya. Tulak ng matinding galit at ng adrenaline sa katawan, isang malakas na straight na suntok ang ipinadapo niya sa mukha ng lalake.

BULAGTA!

Nagkagulo ang mga tao at pumalibot kina Sophie, Victor at sa lalaking sinuntok.

“Ikaw na naman!” Ang galit na sigaw ni Victor nang mapagsino ang kanyang sinuntok.

“Ikaw rin ulit?” Ganting tanong nito nang siya naman ang makilala.

Naguguluhang pinaglipat-lipat ni Sophie ang tingin sa dalawang lalake.

“Magkakilala kayo?” Tanong niya sa dalawa.

Itinukod ang siko sa buhangin, nagtatawang hinarap ng lalake si Sophie.

“Alam mo, Miss beautiful, ‘yang boyfriend mo…”

Isang suntok ang muling pinakawalan ni Victor. Muli

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status