Ada Berondong Tua

Ada Berondong Tua

last updateHuling Na-update : 2024-10-10
By:  QueenyOngoing
Language: Bahasa_indonesia
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
85Mga Kabanata
3.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Gara-gara anting nyangkut, Hayu dan Aksa terpaksa menikah karena dianggap berbuat asusila. Padahal usia mereka terpaut jauh. Hayu yang lebih tua, tak mungkin memilih Aksa menjadi pendamping hidup karena bocah itu labil dan masih kuliah. Namun, jalan takdir jodohnya tenyata berbeda. Bagaimanakah kisah mereka?

view more

Kabanata 1

Gara-gara Arisan Keluarga

"Hindi ba at ito naman talaga ang gusto mo? Pwes pagbibigyan kita."

-------

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang lumapit na ito sa kaniya at biglang hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Anong ginagawa mo? Huwag! Tumigil ka!” sigaw niya nang pigilan nito ang dalawang niyang kamay gamit ang isang kamay nito at ang isa naman ay ginamit nito para hubaran siya.

“Sa totoo lang ay hindi ko pinangarap na gawin ang bagay na ito sayo.” sabi nito at pagkatapos ay idiniin siya nito sa sofa. Iniharang nito ang magkabila nitong mga binti sa magkabilang panig niya. “Ikaw ang may gusto nito kaya pagbibigyan lang kita at higit sa lahat ay wala kang karapatang umangal. Naiintindihan mo ba?!” tanong nito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kamay nito.

Pilit siyang umiling. “A-ayaw ko ng ganitong klaseng paraan… please, pakawalan mo ako Lawrence…” pakiusap niya rito at nag-uumpisa na ulit na mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

“What? E anong klase ang gusto mo huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.

Tinitigan niya ito at sinalubong ang mga matatalim nitong mga mata bago tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ganito ang gusto ko… ayoko ng s3x lang, gusto kong gawin iyon kasama ka oo pero may kasamang pagmamahal…” sambit niya habang nakatitig dito.

_________

NAPABUNTONG-HININGA si Asha habang kumakain ng mga oras na iyon. Hindi niya alam pero parang napaka-bigat ng gising niya nang umagang iyon. Bigla-bigla na lang pumasok sa isip niya ang kalagayan niya. Namatay ang nanay niya dahil sa sakit noong sampung taong gulang siya at dahil wala siyang kamag-anak na kilala ay pinatira siya ng dati nitong amo sa bahay nito at tinanggap na parang kamag-anak.

Kahit na ang tingin ng ibang tao sa nanay niya ay isang kabit. Sa mansyon na iyon na siya nagkaisip kaya hindi na rin siya tumanggi pa na tumira doon kapalit ng pagtulong niya sa mga gawaing bahay. Idagdag pa na napakabait naman ng lalaking amo niya at pinag-aral pa siya at binihisan. Nag-aaral siya ngayon sa isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa at graduating na siya sa kurso niyang Management Accounting.

Noong bata pa siya ay palagi niyang naririnig na kinukutya ang nanay niya at maging ang mga batang kalaro niya ay paulit-ulit na sinasabi na ang nanay niya ay isang kabit ngunit palagi ding sinasabi ng nanay niya na huwag niyang pansinin ang mga ganuong klaseng tsismis dahil hindi iyon totoo.

“Asha…” dahil sa pagtawag na iyon sa pangalan niya ay bigla siyang nahila sa kanyang pag-iisip. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang boss at padre de pamilya ng mansyon na iyon na nakatayo sa harap niya.

“Bakit po?” magalang na tanong niya rito.

Bahagya lang naman itong ngumiti sa kaniya. “May sakit kasi ang driver ngayon kaya ipapahatid na lang kita kay Lawrence.” sabi nito sa kaniya.

Sandali siyang natigilan nang marinig niya ang pangalan ni Lawrence at hindi niya namalayan na bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Si Lawrence lang naman ang taong nagpatibok ng puso niya simula noong bata pa siya kaya nga lang ay sukdulan ang galit nito sa kaniya.

“Ano nga yung sasabihin niyo sa akin Dad?” biglang may isang tinig na nagmula sa pinto ng kusina. Sa boses pa lang nito ay alam na niya kaagad kung sino iyon kaya awtomatiko niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi naglakas ng loob na salubungin ang mga mata nito. Bumilis din ng wala sa oras ang tibok ng puso niya at sa halip ay nagkunwari na lamang siyang busy pa rin sa kanyang pagkain.

“Gusto kong ihatid mo ngayon si Asha sa paaralan dahil—” hindi pa man natatapos ni Don Lucio ang sinasabi nito ay kaagad na nitong pinutol iyon.

“Busy ako.” maikling sabi nito.

“Busy ka na naman? Saan ka na naman pupunta? Pwede ba, Lawrence. Tigil-tigilan mo na ang paglalakwatsa mo. palagi ka na lang umaalis at ni hindi mo na nagagawa ang mga dapat mong gawin.” sermon nito bigla sa anak kasunod ng isang mahabang buntong-hininga.

Dahil doon ay sumabat na siya sa usapan ng mga ito dahil baka mamaya ay mag-away pa ang mga ito dahil lamang sa kaniya. “Sir hindi na po kailangan. Magcocommute na lang po ako.”

Binalingan siya ni Don Lucio at bahagyang umiling. “Hindi hija. Lawrence, ihatid mo siya ngayon din.” matigas na sabi nito sa anak nitong nakatayo sa harap nito.

Sa puntong iyon ay tinapunan siya ng matalim na tingin ni Lawrence at kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. “Arte-arte ka pa, e alam ko namang ito ang plano mo.” inis na sambit nito na ikinapanlaki ng kanyang mga mata at dali-daling umiling.

“Hindi. Hindi ko…” hindi niya magawang ituloy ang kanyang sinasabi dahil pakiramdam niya ay may daan-daang piraso ng karayom ang tumusok sa kanyang dibdib. Palagi itong ganito sa kaniya, kahit na anong kabutihan ang ipakita niya rito ay wala itong silbi dahil nakatatak na sa isip nito na masamang tao siya. Hindi niya na kayang baguhin pa ang tingin nito.

“Lawrence!” muling saway ng ama nito ngunit mas naging madilim lang lalo ang mukha nito. “Paano mo naatim na sabihin kay Asha ang mga ganyang bagay?” hindi makapaniwalang tanong nito sa anak ngunit alam niya na walang pakialam si Lawrence kahit na pagalitan ito ng ama.

Ilang sandali pa ay nakita niya ang paggalaw ng panga nito ngunit ibinuka din naman ang bibig. “Sumunod ka sa akin.” malamig na sabi nito.

Dahil doon kahit na hindi pa man niya natatapos ang kanyang kinakain ay dali-dali na siyang tumayo at inilagay sa sink ang kanyang pinagkainan bago patakbong sumunod sa papalayong si Lawrence dala ang kanyang bag.

Wala siyang oras na sinayang dahil natatakot siya na baka magalit na naman ito sa kaniya at iwanan siya nito lalo pa at alam niyang labag na labag sa kalooban nito ang gagawin. Sa kabila ng galit nito sa kaniya, ang simpleng pagkakalapit nila ng ganun ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kilig.

Hindi niya namamalayan na paglabas niya pala ng gate ay inaabangan na siya nito at bigla na lang nitong hinablot ang kanyang braso at bago pa man siya makapag-react ay tumama na ang kanyang likod sa hood ng kotse na nakaparada sa likod niya.

“Aray… Lawrence, nasasaktan ako…” mahinang sabi niya rito ngunit nakita niya na puno lang ng pangungutya ang mga mata nito na may kasamang matinding pagkamuhi.

“Kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo ng ituloy pa dahil hinding-hindi ako magiging katulad ni Daddy na papatol sa babaeng kagaya ng nanay mo!” galit na galit na sambit nito.

Hindi siya nakapagsalita nang mga oras na iyon at napatitig lang dito hanggang sa pabagsak siya nitong binitawan. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang tingin din nito sa kaniya katulad ng ibang mga tao. Isa pa, alam niya ang lugar niya kahit na may gusto pa siya rito ay hindi naman ibig sabihin nun na aakitin niya ito dahil imposibleng gawin niya iyon lalo pa at muhing-muhi ito sa kaniya.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Selamat datang di dunia fiksi kami - Goodnovel. Jika Anda menyukai novel ini untuk menjelajahi dunia, menjadi penulis novel asli online untuk menambah penghasilan, bergabung dengan kami. Anda dapat membaca atau membuat berbagai jenis buku, seperti novel roman, bacaan epik, novel manusia serigala, novel fantasi, novel sejarah dan sebagainya yang berkualitas tinggi. Jika Anda seorang penulis, maka akan memperoleh banyak inspirasi untuk membuat karya yang lebih baik. Terlebih lagi, karya Anda menjadi lebih menarik dan disukai pembaca.

Rebyu

Rini Ermaya
Rini Ermaya
Kesian Hayu. Suaminya tengil ...
2024-10-15 13:15:05
1
0
Muhammad Nur Fakhri
Muhammad Nur Fakhri
Seru banget. Si Aksa lucu tapi ngeselin ...
2024-10-12 14:38:30
1
0
Upower Upower
Upower Upower
kapan update min
2024-09-21 18:49:12
2
1
85 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status