Share

CHAPTER 6

Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.

Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.

Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.

T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!

Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status