ANMELDENAlas-tres ng hapon, kakaunti lang ang mga tao sa coffee shop.Pagpasok ni Aera, agad niyang nakita si Chriztle.“Pasensya na, na late ako,” sabi ni Aera habang lumalapit at umuupo sa tapat nito.“Hindi, maaga lang talaga akong dumating,” sagot ng babae sabay ngiti. Totoo at magaan ang ngiting iyon walang bakas ng awkwardness o pilit na pagpapanggap na inaasahan ni Aera.Pumunta muna saglit si Aera sa counter para umorder ng Americano. Habang naghihintay, pareho silang tahimik na nakaupo.Pagdating ng kape, tila nag hihintay sila kung sino ang unang magsasalita hanggang sa si Chriztle na ang bumasag sa katahimikan.“Ako na ang mauunang bumati sa’yo,” kalmado ang tinig. “Congratulations. Karapat-dapat ka talagang manalo.”“Salamat. Maganda rin ang gawa mo. Sabi ng mga hurado, nahirapan silang pumili.”“Hindi na natin kailangang magpalitan ng mga pormal na salita,” marahang umiling ang babae habang humihigop ng kape.“Tanggap ko ang pagkatalo. Ang serye mong ‘Rebirth’... may isang bagay
Halos hating gabi na ng makauwi sila ng bahay. Pero hindi pa rin nag pahinga ang mag asawa. Isang ilaw nalang ng desk lamp ang nakabukas sa loob ng study room ni Ethan.Nakaupo si Aera sa likod ng mesa, hawak ang kristal na tropeo. Paulit-ulit niyang hinihimas ang mga salitang nakaukit sa ibaba nito—“Champion ng Big Fashion Show.”Hindi ito panaginip.Nanalo siya.Talagang nanalo siya.Naka-on ang screen ng kanyang cellphone. Nasa contacts siya, at malinaw na nakikita ang pangalang Chriztle.Nakahover ang daliri niya sa call button.Ilang beses niya itong gustong pindutin.Ilang beses din siyang nag-atubiling umatras.Ano ba ang sasabihin niya?“Salamat sa pagbati mo”? Masyadong pormal.“Maganda rin ang gawa mo”? Parang awa ng nanalo sa natalo.“Magkape tayo minsan”? Baka isipin nitong nagmamayabang siya.Sumandal si Aera sa upuan at pumikit.Si Chriztle ay laging matatag, mayabang sa mabuting paraan, mahusay, at hindi marunong sumuko.Pero ngayong gabi, natalo siya.Natalo siya ni A
Pagkasara ng mabigat na pintong kahoy ng judging room, dalawa na lang silang natira sa pasilyo sina Aera at Chriztle.Mula sa malayo ay maririnig ang ingay ng mga manonood na lumalabas na ng venue; huminto na rin ang musika. Masyadong maliwanag ang mga ilaw sa pasilyo, kaya ang kanilang mga anino ay humaba at nagtagpo sa makintab na sahig na marmol.Sumandal si Chriztle sa pader, kumuha ng isang kahon ng mints mula sa kanyang bag, naglabas ng dalawang piraso, at iniabot ang isa kay Aera.“Gusto mo?”“Salamat,” kinuha ito ng babae.Nanatili silang nakasandal sa pader nang magkatabi walang nagsasalita, tahimik lang silang naghihintay.“Kinakabahan ka ba?” biglang tanong ni Chriztle sa isang mahinang boses.Nag-isip si Aera at tapat na sumagot: “Medyo. Pero mas nangingibabaw ang kapayapaan.”“Kapayapaan?” lumingon ang babae sa kanya. “Hindi ka ba curious sa resulta?”“Curious din,” tumango si Aera. “Pero anuman ang maging resulta, ibinigay ko ang lahat ngayong gabi. Wala akong pinagsisis
Ang suot ng model ay isang damit na hindi kayang ilarawan ng simpleng salita.Ang itaas na bahagi ay gawa sa napakadetalyadong lace embroidery na may disenyong Victorian. Ang ibabang bahagi naman ay pinagtagni-tagning telang reflective tech fabric na may modernong tabas.Pagdating ng modelo sa gitna ng T-stage, ginawa niya ang isang bagay na hindi inakala ng lahat dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay kung saan nakasuot ang isang aksesoryang mukhang antigong manilya.Pagkatapos, pinindot niya ang isang mekanismo sa manilyang iyon.Sa isang iglap, lahat ng fiber optics sa damit ay umilaw ang buong kasuotan ay tila nabigyan ng buhay. Dumaloy ang liwanag at anino, at sa sandaling iyon, nagtagpo ang nakaraan at hinaharap.Sumabog ang pinakamainit na palakpakan ng gabi sa buong venue. Pati ang madalas ay seryosong si Anna Sy ay tumayo at buong lakas na pumalakpak.Natahimik ang buong backstage. Alam ng lahat sa team ni Aera na ang show ni Chriztle ay maituturing na masterpiece.Naka
Ang deep-sea blue na gown ay humakbang patungo sa gitna ng spotlight.Sa sandaling iyon, tila huminto ang oras. Ang laylayan ng gown ay bumuka sa runway na parang alon sa dagat.Ang seda sa ilalim ng mga ilaw ay nagpapakita ng kinang ng kailaliman ng karagatan minsan ay madilim, minsan ay maningning. Mabagal ang bawat hakbang ni Rose, tila sinusukat ang distansya mula sa pagiging wasak tungo sa pagiging buo. Walang emosyon ang kanyang mukha, ngunit may kung anong kislap sa kanyang mga mata isang uri ng pag-asa na kahit dumaan sa matinding dilim ay naniniwala pa rin sa liwanag.Nakatahimik ang lahat. Pati ang tunog ng mga camera ay huminto. Pinagmamasdan ng lahat ang asul na tila dagat habang dahan-dahang naglalakad patungo sa dulo ng runway, lumingon, huminto, at nagsimulang maglakad pabalik.Ngunit nang nasa gitna na siya ng runway, isang aksidente ang nangyari.Ang isang dulo ng laylayan ay sumabit sa isang metal buckle sa gilid ng T-stage. Narinig ang tunog ng napunit na seda.Nap
Araw na ng Fashion Show. Alas sais pa lang ng madaling araw, nasa backstage na ng Convention Center si Aera.“Model group, i-confirm ang attendance! Hair and makeup team, i-check ang mga gamit! Clothing team, huling bilang na!”Binagtas ni Aera ang abalang grupo ng mga tao patungo sa pinakaloob na VIP preparation room. Ito ang kanyang nagsisilbing command center at dito rin isinasagawa ang huling adjustment para sa finale series.Pagbukas niya ng pinto, tatlong disenyo para sa finale ang nakasuot na sa mga mannequin, tila tahimik na naghihintay sa ilalim ng malambot na ilaw. Isang mahabang bistidang kulay deep-sea blue na yari sa seda, na ang tabas ay parang umaagos na alon; isang kulay gray-black na leather-stitched top na may mga metal buckles sa balikat na kumikinang sa lamig; at ang huli ay isang ivory white na chiffon set, na ang mga layer ng tela ay tila mga pakpak na muling nabuo matapos mabasag.Lumapit siya sa deep-sea blue na gown at dahan-dahang hinaplos ang tela. Ito ang d
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa
Punong-puno ng tao ang ball room, pero wala siyang nakikita na kakilala niya.Mag-isa lang siya sa labas ng waiting area, at bigla siyang nakaramdam ng lungkot.Sana kasama niya si Aera. Dahil kung kasama niya ito ay siguradong sasamahan siya nito at palalakasin yung loob niya. Magkakaroon ulit siy
“Zach, pasok tayo sa kwarto at doon tayo mag-usap.” bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.Agad naintindihan ni Zach ang ibig sabihin. “Sige.”Yumakap si Serene sa bewang niya, pumikit, at tumingkayad para halikan siya. Sa sobrang lambing nito, pumikit din si Zach at bumigat ang paghinga niya.P







