MasukElena's Pov
"Ito ang mga dapat mong gawin." Maikli niyang sinabi sabay bigay sa akin ng mga listahan ng mga hindi at dapat kong gawin. Nahihilo ako sa dami ng letrang nakasulat sa papel. Is this how organized he was, like Cassandra told me? Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Gusto kong magreklamo dahil mukhang hindi naman ata ganito karami ang gawain ng isang sekretarya pero kailangan kong sumunod sa kanya dahil siya ang boss. "Anything else, sir?" Pormal kong tanong, nakatingin sa kanya. Ganoon din naman siya, nakatingin ng diretso at tila may kung anong inaabangan sa bawat pagdaan ng emosyon sa aking mga mata pero hindi ko ipinakita. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho. Hindi ako papayag na ang isang gabing iyon ang magpapaalis sa akin dito. Kaya kung kaya kong magpanggap na hindi ko siya kilala at umakto na walang nangyari ng gabing iyon. Gagawin ko. I know it was nothing to him, given the fact that he was a CEO—a powerful man in the city. I know that he fvcked a lot of women, so he mustn’t have remembered me that night. "You may leave." Malamig niyang sinabi, tumingin na ngayon sa kanyang monitor. Tumango ako kahit hindi niya nakita at kalmado lamang na naglakad palabas ng kanyang opisina. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa may tambayan area, para akong maduduwal sa nangyari at hindi ko maintindihan kung bakit...nanginginig ang aking tuhod at para akong hinahabol sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I clutched my chest, hands gripping the table while catching my breath. Umupo ako saglit habang iniisip kung ano na ngayon ang susunod na magiging hakbang ko. Hindi. Hindi ganito ang inaasahan ko na bubungad sa akin. At mas lalong alam ko na hindi habambuhay matatakasan ko ang aking boss dahil sa pagpapanggap kong hindi siya kilala. I was expecting him to bombard me with questions, but he just stared at me and made me leave. I shook my head. Breathe out. Composed and stood up to start fresh. Nagtimpla ako ng kape. "Kailangan mong galingan, hindi ka pwedeng mabigo dito, Elena." Bulong ko sa aking sarili. Dinala ko ang aking kape at lalabas na muna dito. Pinihit ko ang doorknob pero naramdaman kong may pumihit din sa doorknob sa labas. Kumunot ang noo ko, hinayaan na siya ang pumihit ngunit ganoon rin ang ginawa niya—hinayaan ako. Nagbilang ako hanggang tatlo sa isipan ko tapos ay pumihit pabalik pero ganoon parin ang ginawa niya. Tumikhim ako, huminga ng malalim—bago lang ako dito kaya kailangan ko ng mahabang pasensya. "Pihitin mo na, bibitawan ko." Mahinahon kong sinabi, pagbukas no'n ay lumuwa sa harapan ko si Mr. Monteverde na nagkasalubong ang kilay. "What are you doing here?" "Magtitimpla sana ng kape, sir." Simple kong sagot, pinilit na huwag mautal. Tiningnan niya ang kamay ko, binalik ang tingin sa aking mga mata. “For yourself?" Tinagilid ko bahagya ang aking ulo, "bakit po? Para kanino pa po ba?" Napapikit siya, mukhang naiinis. Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga, at namumugtong mga ugat na nagsilabasan sa kanyang kamay. Shit! Biglang nagpanic ang isipan ko sa naging reaksiyon niya. Paano kung mawalan ako ng trabaho? Gusto pa naman niya na perpekto bawat sagot at gawa mo. Ngumiti ako ng bahagya, ramdam kong natigilan siya. "Ano po bang kailangan ninyo sir?" "I called you, but you were not at your table." Malamig niyang sagot, kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganito—iyong tipong parang luluwa na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok sa bawat tingin pa lamang niya sa akin. I was never nervous because I was always confident, so I didn’t know what just happened. I gritted my teeth hard. Tightened the grip of the cup of my coffee. But stay calm in his eyes. Hindi ako sumagot, hinintay ko lang na magsalita muli siya dahil baka may masabi na naman akong hindi maganda. I need this job, so I have to behave and let him lead. "Ipagtimpla mo nga ako ng kape." Utos niya sa akin. Gusto kong magprotesta at sagutin siya pero hindi ko ginawa. Tinikom ko na lamang ang aking bibig at sinunod ang kanyang gusto. *** Pumasok ako sa kanyang opisina nang matapos akong magtimpla ng kanyang kape. Nakatuon parin ang tingin niya sa monitor at tila hindi na maalis ang tingin doon. "You're 2 minutes late." He said without even taking a glance my way. For God's sake, I never make coffee for someone because I always know when to voice out my opinion. Huminga ako ng malalim, pinakalma ang aking sarili. "I'm sorry sir, hindi kasi ako sanay na—" Nag-angat siya ng tingin kaya hindi ko natapos ang aking sasabihin. "Don't make excuses, Navarro. You have work, and you have to obey every rule I said in the list I gave you." May diin sa bawat salitang kanyang sinabi, kinagat ko ang aking dila upang hindi ako makapagsalita ng maganda. Come on, Elena. You can do this. You have to. Tumango ako, nilunok ang aking pride. "Yes, sir, I understand." Sa sahig lang ang tingin ko, hindi alam kung anong dapat kong gawin. Ito ang unang beses na natapakan ang pride ko ng taong hindi ko naman kilala. Alam ko kung ano ang gusto ko, ginagawa ko ang lahat ng best ko pero hindi niya parin nakita. "And didn’t you just read the rules?” Tukoy niya sa papel na binigay sa akin. “I said I need my coffee for about 5 minutes. Not rushed. Not even lukewarm.” What the…hell? Napalunok ako, tumango at wala ng magawa kundi sundin ang kanyang gusto. But I know I’ll be better. I know I will. And I make sure that I will. Pero mukhang sinusubukan ata ni Mr. Monteverde ang pasensya ko dahil sa kanyang sinabi. “Since you cannot follow simple instructions,” inilagay niya sa lamesa ang kanyang mga kamay. Tumingin sa akin ng maigi, ako naman ay gusto na lang na kainin ng lupa upang makaalis na sa sitwasyon ito. “You have to work until you finish giving me a hundred copies of this.” Turo niya sa mga sandamakmak na papel na nasa gilid ng kanyang lamesa. Umuwang ang aking labi, gustong magsalita pero hangin lamang ang lumalabas sa aking bibig. Pinikit ko ang aking mga mata, pinakalma ang sarili. “I will do it, sir.” Magalang kong sinabi saka kinuha na ang mga iyon. “Magaling ka namang sumunod sa gusto ng iba.” Sandali siyang tumigil. “Mas magaling ka lang umalis pagkatapos.” At natigilan ako sa kanyang sinabi. So he remembered? Of course, he did.Elena’s Pov Matapos ang naging tagpo namin ng kapatid ko at ni Spencer, hindi na ulit iyon naulit, pero alam kong hindi iyon ang huli. Pero imbes na unahin pa sila, mas inuna ko na lamang ang mga bagay na dapat kong gawin. Nang matapos na ako, nagpaalam na ako sa mga naiwan dahil kailangan ko na talagang umuwi sa condo. May napag-usapan kasi kami nina Cassandra at Stacey na mag-iinom kami sa rooftop ngayong gabi. Pero pagdating ko sa rooftop, hindi ko akalain na may iba pa pala kaming makakasama doon. What the hell? Why are they here, too? Sina Liam at Enzo ay kalmadong nakaupo sa upuan, habang ako naman ay natigilan sa aking nakita. Saglit na nagkatitigan kami ni Enzo. Hindi siya umiwas ng tingin, kaya ako na lamang ang umiwas ng tingin. Dumako ang paningin ko kay Cassandra habang nag-aayos ng pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ininguso niya si Stacey, na ngumisi lamang. “Halika na, Elena.” Tawag niya sa akin. Napapikit ako sa inis, pero sa huli, wala
Elena’s Pov “Hindi mo ba kami nami-miss, bunso?” Madramang sinabi ni Margaux nang makasakay kami sa elevator. Mabuti na lamang at walang tao, kaya ayos lang kahit mag-drama pa siya ng ilang oras diyan hangga’t walang tao. Basta, ang importante ay matapos ko na ito. Pagkarating namin sa condominium na balak nilang kunin, huminto kaming tatlo sa may pintuan. Nang hindi ko pansinin si Margaux, marahas niyang hinablot ang pulso ko. Kumunot ang aking noo nang nilingon ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. What the hell does she want? “Nagsasalita ako dito, Elena.” “Bakit? Sinabi mo bang sumagot ako?” Pabalang kong sagot at inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa pulso ko. Binuksan ko na ang pintuan. Naramdaman ko ang maginaw na simoy ng hangin na yumakap sa aking katawan—tila isang babala na hindi ko dapat balewalain. Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng pintuan. Pagtingin ko sa likuran, nakahalukipkip si Margaux—wala na ang usual niyang malambing n
Elena’s Pov Mukhang nagmamadali ata ang araw dahil Lunes na, at ngayon na ang araw kung kailan makikita ko na ang mysterious na kliyente ko, ‘kuno’. Nagpunta ako kay Mr. Monteverde upang kumpirmahin kung matutulog pa rin ba iyon, dahil siya naman ang may email ng taong iyon. Simula nang nalaman kong may namamagitan na sa kanila ni Veronica, hindi na rin ako pinapatawag sa opisina niya. Pero madalas ay may baon na nakadisplay sa lamesa ko. Wala namang kahit anong clue kung sino, pero kinakain ko kapag gutom ako. Kung may lason, eh di mamatay ako. Pero hindi ko naman iniisip na galing kay Enzo iyon. Noong pagbintangan ko si Liam, hindi rin naman raw siya. Sino kaya ang nagbigay? Anyway, taas noo ko nang naglakad patungo sa kanyang opisina at kumatok ng tatlong beses sa kanyang pintuan. Wala akong narinig na sagot, pero binuksan ko pa rin ang pintuan at halos mapaatras ako nang makita ko kung ano ang nakita ko. I was too stunned to make a step, but I composed myself
Elena’s Pov Wala namang sinabi sa akin si Stacey, kahit pilit ko siyang pinapakuwento, pero agad na humaharang si Cassandra, kaya sa huli ay wala rin akong nalaman. Hindi ko na rin pinilit kasi hanggang ngayon, lutang pa rin ako. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, dinistansya ko ang aking sarili kay Mr. Monteverde at mas napalapit naman kay Mr. Buenaventura. Hindi naman siya mahirap pakisamahan, lalo pa't magkaiba ang kanilang ugali. He was carefree, observant, and talkative. Na kahit walang kwentang bagay, pag-uusapan pa rin namin. “Alam mo, dapat ibang tao na lang ang isama mo dito sa susunod,” utos ko sa kanya. Paano niya ako dinala dito sa tabing-dagat? Weekend kasi, kaya naisipan niyang magliwaliw muna kaming dalawa para i-relax ang utak namin. Sobrang dami kasing kliyente ang dumating. Nakita niya kung paano halos sumabog ako dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging mainit ang ulo ko nitong mga nagdaang araw. Naintindih
Elena’s Pov The whole time, neither of us spoke even a single word. Tanging ang kalansing ng kubyertos at ang lakas ng tibok ng aking puso ang naririnig ko. Iniiwasan kong tingnan ang gawi ni Enzo at nakatuon ang mga mata ko kay Liam, na nakatitig lang sa akin. “By the way, Elena,” Veronica broke the silence between us. My gaze turned to Veronica, who was sitting beside me; even the two gentlemen stared at her, waiting for something she wanted to say. “You're the former secretary of Enzo, right?” tanong niya, tumango ako. Paano niya nagawang kaswal lang kong tawagin ang pangalan ng lalaki? At ang lalaki naman ay hinahayaan lang si Veronica, tila ba…proud pa siya sa babae. At ano ba ang pakialam ko? I tried so hard to divert my attention, but his presence always gets me. Tila may magnet siyang dala kaya lagging nakatuon sa kanya ang aking atensyon kahit wala naman siyang ginagawa. Pero syempre, hindi ko pinalahalata iyon. “Yes,” tipid kong sagot sa tanong
Elena’s Pov I tried so hard to think of anything. Busied myself with my work and even tried to distract myself with other things. Pinilit kong iwasang isipin ang naging usapan namin ni Miss Asuncion, pero sadyang lalo lamang ginugulo ni Mr. Buenaventura ang lahat dahil kumatok na naman siya sa desk ko. Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung siya ba iyon. Alam ko na kasi agad na iyon dahil sa kanyang pabango at siya lang naman ang gumagawa niyan. “What?” tanong ko, sabay angat ng tingin sa kanya. His two dimples immediately showed up na ngayon ko lang napansin sa tagal naming magkasama. Napalunok ako. Bakit bigla-bigla ko na lang naramdaman ang ganito? Bakit pakieamdam ko ay… I looked at my monitor, blinked twice, and shook my head. I know he finds me weird, but I didn't look back at him once again. Damn him! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit parang lalo lamang gumugulo ang isipan ko gayong klaro na sa akin ang lahat? “Sumpa talaga ang ma
Elena’s POV “What?!” sabay nilang sigaw. Mas lalo akong nilapitan ni Stacey. Lasing na siya kanina, pero tila biglang nawala ang tama ng alak nang marinig ang sinabi ko. “You were already hired in his company when you resigned from Mr. Monteverde?” pag
Elena’s Pov “Why would you hire me if you don’t mind me asking, Mr. Buenaventura?” Iyon na lamang ang naging tanong ko dahil naghihintay siya sa kung anong sasabihin ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko. He leaned back at the backrest of the chair, didn’t let go of his gaze towards mine.
Elena’s Pov “Miss Navarro,” narinig kong tawag ni Mr. Monteverde, kaya agad akong tumayo at pinuntahan siya sa may pintuan ng kanyang opisina. “I’ll be having a visit with Mr. Buenaventura and requested me to bring you,” nap
Elena's Pov Nakatingin lang ako sa kawalan habang naririnig ko ang maraming boses sa aking paligid na kumukuha ng pagkain, ulam, at kung anu-ano pa. Nasa cafeteria kami dahil lunch time pero hindi ko ramdam na







