Khaliyah POVNgayong araw, ako ang inatasan ni Amedeo Salvatore na mag-asikaso ng party para sa mga business partners ng pamilya nila. Sa isang private swimming pool resort gaganapin ang event. At dahil gusto kong mapa-bilib si Amedeo at Nolan, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa pag-aayos nito. Isa pa, gusto ko rin nito kasi nakakalabas-labas ako at nakakasalamuha sa ibang tao, hindi ‘yung puro nasa mansiyon na lang. Umay na umay na akong kasama ang mga tauhan ni Nolan, pati na rin ang nakakasuklam na mukha ni Nolan.Pagkaputol pa lang ng tawag ni Amedeo sa akin kaninang umaga, agad na akong naglista sa notebook ng mga kailangan ko. Venue, caterer, drinks, music, lights, seating arrangement. Lahat ng naisip kong kailangan, sinulat ko agad kasi kailangan ma-perfect ko ang inuutos ni Amedeo. Hindi raw kasi ito isang ordinaryong okasyon, mga milyonaryo at billionaire kasi ang darating mamayang gabi. Tiyak na isang pagkakamali lang, sisirain nito ang tiwala sa akin nila Amedeo, ayoko na
Larkin POVPagkauwi ko sa mansiyon ni Don Yanu Vanguardia, nakatingin agad ang ibang mga kasamahan kong assassin at hitman. Nakita kong nakaupo si Don Yanu sa malaking silya niya na gawa pa sa imported na kahoy at may hawak na baso ng alak. Sa akin agad ang tingin niya. Alam kong nag-aabang siya ng ulat ko tungkol sa nilakad ko ngayong araw.“So, anong balita sa nilakad mo, Larkin?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Nakita ko na po sa wakas si Khaliyah. Magaling na siyang lumaban. Kanina ko lang siya nakita sa training area ng manisyon ni Nolan. Kayang-kaya na niya sina Bak at Bok. Hindi ko na siya makilala, Don Yanu. Parang hindi na siya ang babaeng naging asawa ko.”Tumango lang ang naging sagot ni Don Yanu habang dahan-dahang nilagok ang laman ng kanyang baso. “At si Nolan? Anong balita sa ugok na iyon?”“Masaya ho sila. Ang sweet. Parang mahal na mahal na siya ni Khaliyah... Don Yanu, mukhang hindi na ako parte ng mundo niya
Larkin POVSinunod ko na si Don Yanu. Tahimik na akong nagmamasid sa paligid. Tanging huni ng mga ibon ang naririnig ko dito habang nasa itaas ako ng malaking puno sa gubat sa likod ng mansiyon ni Nolan. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang buong lawak ng estate nila. Ang puting mga pader, ang matataas na gate, ang hardin na sobrang pulido at ang training area na malapit sa likod ng property.Hindi ako pumasok doon para gumawa na ng gulo. Hindi pa sa ngayon.Ngayon, nagmamasid lang ako. Pinag-aaralan ko ang galaw ng mga tao sa loob. At higit sa lahat, gusto ko lang... gusto ko lang makita ulit si Khaliyah.Tatlong buwan na ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita. Tatlong buwan kong iniisip kung okay lang ba siya, buhay pa ba siya, nabuntis na ba siya ni Nolan. Hindi ko alam kung anong hitsura niya ngayon, kung kamusta na siya. Pero hindi ko inasahang sa araw na ito... makikita ko siya ulit.Natanaw ko siya kaya napangiti ako.“Damn,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya
Khaliyah POVNapapangisi ako kasi lahat ng lakad nilang mag-ama, kasama na ako. Lahat ng ginagawa nila, alam ko na, lahat ng malilibag nilang trabaho at gawain. Marami na nga rin akong nasaksihan na mga taong pinatay nila. Nung una, hindi ko pa kaya pero nung tumagal ay nasanay na ako. Pero ang sakit makakita ng ganoon, lalo na’t alam mong may pamilyang malulungkot sa pagkawala ng miyembro nila.Nasa meeting naman kami ngayon, siyempre, biglang puri ako palagi ni Amedeo, oo, sinasama na rin nila ako sa mga secret big meeting nila about sa business.Tahimik ang loob ng malawak na conference room sa loob ng gusaling pagmamay-ari ng pamilyang Salvatore. Ilang segundo lang ang dumaan pero parang ang tagal ng katahimikan habang nag-iikot ang mga tingin ng mga miyembro ng board, naroon din si Amedeo na seryosong nakamasid sa laptop sa harapan. Nasa kanan ko si Nolan, habang nasa kaliwa ko ang isa sa mga head ng logistics. Lahat sila, abala sa pakikinig kay Nolan habang nagsasalita ito tungk
Larkin POVSa loob ng tatlong buwan, parang naging ibang tao na ako. Ang dating Larkin na halos patayin at pagtulungan ng mga tauhan ni Nolan, ngayon ay isa nang kinikilalang mandirigma sa ilalim ng kampo ni Yanu Vanguardia. Hindi ko rin inakala na darating sa puntong ito ang buhay ko. Pero simula nang magkalayo kami ni Khaliyah, pinili kong huwag nang maging mahina. Nagpalakas talaga agad ako matapos akong gumaling sa mga pagkapilay ko.“Impressive, Larkin,” ani Yanu habang nakatayo sa harap ng training ground. “You learn fast. Faster than anyone I’ve seen.”Napatingin ako sa mga kamay kong may sugat pa, na may bahid ng dugo mula sa huling hand-to-hand combat training namin. Hinihingal pa ako pero tumango lang ako bilang sagot. “Thank you, sir. I’m just doing what I must.”Tinapik niya ang balikat ko. “Hindi ka lang basta tauhan ko ngayon. You’re one of us.”Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko roon. Masaya? Ikinararangal? O lalong nalulungkot sa dahilan kung bakit ako nandito.
Khaliyah POVKanina pa ko kinakabahan, pero ayokong ipahalata. Suot ko ang all-black fitted combat outfit na nirekomenda pa ni Bak. Nakapusod ang buhok ko, wala akong suot na alahas at nakasapatos ako ng pang-training na ginamit ko nitong mga huling buwan.“Are you ready?” tanong ni Amedeo na nasa bleachers sa gilid ng training ground sa likod ng manisyon. May hawak siyang basong may lamang whiskey. Malamig ang mata niya habang nakatingin sa akin. Parang tinitignan niya kung may ibubuga na ba talaga ako.Tumango ako habang diretso ang tindig ko. Dapat makita ni Amedeo na malakas na ako. “Ready na po.”Nasa tabi niya si Nolan. Nakakunot ang noo nito, halatang tutol sa laban. Pero hindi siya nagsalita. Alam niyang hindi na niya ako mapipigilan. Ito ang araw na mapapatunayan kong hindi lang ako palamuti sa tabi niya—na may kakayahan din ako. Tapos na kasi akong magpakitang-gilas sa mga negosyo nila, na talaga namang malaki ang naitulong ko. At, oo, napuri rin ako doon ni Amedeo. Kaya dit