Asher
MABINI ko siyang hinalikan, habang pilit na dinadama ang init sa ginagawa naming dalawa.
Kanina pa 'ko hindi mapakali, tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman hanggang sa hindi ko na kinayang pigilan pa ang pagkasabik at gigil sa babaeng pinakamamahal ko buhat nang makita at mayakap ko ito.
I took a deep breath.
Mula nang ipasundo ko siya sa bar kung saan ito pumapasok ay pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya, dahil tila ayaw niya akong pakinggan sa pagpapahinto ko sa trabaho nito.
D*mn it!
Hindi ko maintindihan kung ano ang gust
Reen NAALIMPUNGATAN ako nang mayroon akong maramdaman na tila humiga sa 'king tabi habang nakadapa sa isang katre. Sapo ang aking ulo ay umayos ako mula sa aking pwesto. Ramdam ko ang bigat nang talukap ng aking mga mata. Nais ko pa sanang bumalik sa pagtulog. Ngunit, hindi na 'yon natuloy nang mapagtanto ko na wala nga pala ako sa aming bahay. Bigla kong naidilat ang aking mga mata, nang marinig ang isang baritonong boses na nagmula sa aking gilid. "Breakfast?" Agad na hinanap ng aking mga mata kung saan nanggaling ang kanyang tinig. "Good morning," bati ko.
Reen TAHIMIK lamang ako habang pinagmamasdan si Maro sa pagbubukas nito ng mga regalo na kanyang natanggap ngayong kaarawan niya. Alam ko na masaya siya, kaya masaya rin ako dahil ngayon lang niya naranasan ang bagay na ito— ang makapag-celebrate ng kaarawan na bukod sa halos kumpleto ang handa, may mga regalo, clown, at mga bisita pa. "Hoy, Reen! Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo na lalo, ah!" bati sa 'kin ng isa sa mga kababata ni Kuya rito sa lugar namin. Kahit hindi ako okay, ay pinilit ko ang ngumiti sa kanya. "Okay naman," tipid kong sagot. "Mukhang hiyang mo ang trabaho mo ngayon
Reen "IHAHATID NA KITA." Ilang beses ko nang sinabi kay Kuya Marv na okay lang ako mag-commute mag-isa, pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagpilit na maihatid ako sa tinutuluyan ko. Okay lang daw na mag-isa akong pumunta kanina rito dahil maliwanag pa, ngayon kasi ay madilim na. Hindi kasi nito alam na mayroong naghatid sa akin kanina sa pagpunta rito, 'pagkat hindi ako mismo sa tapat ng bahay bumaba— apat na bahay ang dinaanan bago makarating sa aming bahay. "Okay lang talaga ako, Kuya. Kung ebike lang din ang gagamitin mo." Nangunot ang noo ko nang ngumisi siya sa akin. "Wala na 'yung ebike na sinasabi mo, okay?"
Reen MASAKIT na ang aking mga mata dahil sa kaiiyak, habang narito sa lugar kung saan nakasanayan kong puntahan kapag hindi ko na kaya ang sama ng loob na nararamdaman ko— ang dagat. Kanina ko pa kino-contact si Asher. Pero hindi siya sumasagot sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong malaman kung ano ang totoo, gusto ko lang marinig mula sa kanya kung tama ba lahat ng sinabi ni Kuya laban sa kanya. "Please, sagutin mo," bulong ko sa 'king sarili habang hinihintay ang pagtugon ni Asher sa tawag ko. Nakakaramdam ako lalo ng kabiguan, pero wala akong magawa kundi paglabanan ito. Ang sakit. Ang sakit-sakit na.
Two years later Reen Alas-siyete ng umaga nang magising ako mula sa 'king pagkakahimbing. Agad akong napahinga nang malalim, nang mapansin ko na nasa ibang kwarto ako. Umupo ako at sandaling ipinikit ang aking mga mata. Pagkatapos ay iniunat ko ang aking mga braso at humikab. Tahimik kong inayos ang hinigaan ko saka itinali ang aking buhok. Huminga ako nang malalim, bago kinuha ang aking phone para tawagan si Liller. "Yes?” bungad nito nang sagutin ang tawag ko. "Lier," mahina kong sambit. Napabuga ako ng hangin bago muling nagsalita, "Sensya na sa abala, ha? Hindi na naman ako nakauwi kagabi.
Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu
Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.
Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.