LOGINNgayon mo lang nakita? Mahal mo pero iba ang pinapanigan mo?
Nora“Emily,” sabi ni Asher ng makababa na kami pareho ng sasakyan matapos niyang mai-park ng maayos.Siya ang nagdrive ng kotse ko habang nakasunod naman ang driver niya na dala ang sasakyan nito.“You can leave,” sabi ko sabay talikod, ni hindi ko na ginawang magpasalamat.Ngunit pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso kaya naman kunot ang noo ko ng tignan siya.Tila naman napaso itong binitawan ang braso ko ng makita ang aking reaksyon.“I’m sorry. Gusto ko lang sana na makausap ka.”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan.”“I’m really sorry, Em.”Natigilan ako.Em? Is that how he calls Emily?Wala akong matandaan kaya bukod sa pagkagulat dahil first time kong marinig iyon ay wala na akong iba pang damdamin na naramdaman.Maybe even Emily had lost hope for him kahit wala na ang kamalayan niya sa sarili niyang katawan.“Mr. Bennett,” sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Tapusin na natin itong charade na ito. We’ve signed the divorce agreement, so we should end thing
NoraHindi ko alam kung bakit ako nandito.Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.Parang instinct lang.At iyon ang mas nakakagulo.Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na halos hindi ko naman iniinom. Sapat ang ilaw para makita ang mga tao, pero hindi ganoon kaliwanag para basahin ang bawat emosyon sa mukha nila.Napabuntong hininga ako ng maalala ng sabay-sabay ang tatlong lalaking salitang lumilitaw sa harapan ko.Sina Andres, Asher at Devon.Parang sabay-sabay silang pumapasok sa utak ko, walang paalam, walang pahinga. Hindi ko man gustuhin, hindi ko sila mataboy.Napabuntong-hininga ako at iniikot ang baso sa kamay ko, pinagmamasdan ang paggalaw ng likido sa l
NoraPaano niya nalaman?Iyon ang unang tanong na paulit-ulit na umikot sa isip ko matapos magsara ang pinto sa likuran ni Devon. Hindi ko maalis ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina, na para bang kahit wala na siya roon ay may bahagi pa rin ng hangin na nananatiling kanya.Paano niya nalaman ang tungkol kay Andres… at ang mas nakakagulat—ang tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang Nora Dumont?Hindi iyon impormasyong basta-basta nakukuha. Hindi iyon tsismis. At lalong hindi iyon bagay na puwedeng panghimasukan ng isang taong, sa lahat ng alam ko, ay wala namang koneksyon sa akin—o kay Emily.Napapikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan ko, pilit inaalala ang itsura niya kanina. Hindi ang mga biro niya. Hindi ang panunukso.Kundi ang seryosong mukha niya.Ang paraan ng pagtingin niya sa akin.At ang boses niyang mababa, matalim, at walang halong biro nang sabihin niya—“Mag-ingat ka.”Hindi iyon babala na basta puwedeng ipagsawalang-bahala.At iyon ang dahilan kung bakit h
DevonMaaga akong nagising, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Hindi dahil may mahalaga akong meeting o deadline na hinahabol, kundi dahil hindi ako pinatulog ng sarili kong isip.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang usapan namin ni Cesar—ang tungkol kay Andres, sa koneksyon nito sa underground, at sa mas nakakabahalang detalye na may kasama itong babaeng leader din ng isang organization sa underground.Hindi iyon simpleng coincidence.At lalong hindi iyon bagay na puwede kong ipagwalang-bahala.Tahimik ang buong unit ko habang nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang unit na katapat lang din ng sa akin. May hawak akong tasa ng kape, pero matagal na itong malamig. Hindi ko man lang namalayang hindi ko na pala iyon iniinom.Iisa lang ang malinaw sa akin.Kailangan kong makita si Emily.Hindi mamaya. Hindi bukas.Ngayon.Gustuhin ko man na katukin siya ay hindi ko ginawa. Magkapitbahay lang kami pero alam ko na hindi niya ako tatanggapin doon kung sakali.Pagdating ko sa Hill
Devon“Sigurado ka ba?”Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko habang nakatingin kay Lee. Nakapamaywang ako sa harap ng mesa, bahagyang nakayuko, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.“Yes, Sir,” sagot niya agad, halatang nagmamadali. “Hindi nawawala sa paningin ng mga bodyguard kay Miss Hills.”Mas lalo akong napakunot ang noo. “Hindi iyon ang tinatanong ko.”Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. “They met, Sir. During dinner.”“Anong pinag-usapan nila?” mas mariin kong tanong.“Research collaboration,” sagot niya. “Kagaya ng sa atin ngunit hindi tinanggap ni Ms. Hills. Mukhang hindi niya nagustuhan na pag-usapan ang negosyo over dinner at kasama pa ang kanyang mga magulang.”Napasandal ako sa aking upuan at sandaling natahimik ang buong opisina habang iniisip ko ang sinabi niya.Research collaboration.Seryoso talaga siya sa sinabi nya nung gala?“Interesting…” bulong ko, halos sa sarili ko lang. “Mukhang seryoso ang Andres na ‘yon na makalapit kay Emi
NoraHindi ko kailangang magsalita para maramdaman kung gaano kabigat ang hangin sa mesa. Pagkaupo ko pa lang, ramdam ko na agad ang tensyon—hindi iyong halatang tensyon na may sigawan o pagtatalo, kundi iyong mas delikado. Tahimik. Nakabalot sa maayos na ngiti at magagalang na salita.Mas mahirap kalabanin ang ganitong klaseng sitwasyon.Pinili kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Kahit ang mismong paghinga ko, sinigurado kong kontrolado. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ito.Sobra ang pagpipigil kong ipakita ang galit na nararamdaman ko.Si Andres na siyang pumatay sa akin at sa mga magulang ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangiti habang katabi ang isang babaeng may mukha ko bilang Nora Dumont.Umupo ako nang maayos at inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan. Saka ko lang hinayaan ang sarili kong magmasid, pero hindi halata. Hindi direkta. Sanay na ako sa ganitong galawan—yung nakatingin ka pero hindi mukhang nag-oobserba.Nakangiti ang
NoraNews about Hills Care Pharmacy spread like wildfire.Halos araw-araw ay may bagong email, bagong tawag, bagong request for meeting. Hindi na ito simpleng internal expansion plan ng Hills Pharma—naging usap-usapan na ito sa business circles.Sa pag-uusap namin ni Matt ay nalaman ko na maraming n
NoraTahimik ang opisina ko sa Hills Pharma, pero ang table ko ay puno ng papeles, projections, at annotated drafts. Nakabukas sa harap ko ang final proposal para sa Hills Care Pharmacy—ang retail arm na matagal ko nang gustong itayo.Hindi ito impulsive decision. Pinag-aralan ko itong mabuti matapo
DevonTahimik ang opisina ko, pero hindi ang isip ko.Floor-to-ceiling glass ang harapan ng building, kita ang skyline—malinis, organisado, predictable. Isang mundo na kayang kontrolin ng tamang numbers, tamang strategy, tamang leverage.Pero may mga bagay na hindi nadadaan sa quarterly reports.“An
DevonMatagal na akong sanay magbasa ng tao.Sa kagaya kong hindi lang dito sa bansa ang negosyo, mahalaga iyon—micro-expressions, shifts in posture, involuntary reactions. Mas marami kang nalalaman sa hindi sinasabi kaysa sa direktang binibitawan ng bibig.Kaya nang makita kong bahagyang naging sti







