Share

CHAPTER 8

CHAPTER 8

Nang gabing iyon, alam ko. Kung puppy love man ang nararamdaman ko kay Dindo, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Babae nga ako. Hindi ako tomboy tulad ng sinasabi ng mga tao. Gusto ko yung nararamdaman ko pero hindi pa ako handa. Pero paano ko nga ba iyon mapaglalabanan kung ang tanging alam kong ikinasisiya ko ay ang makita siya at makasama?

Nang pangatlong araw ng aming pagkikita ay tinuruan na niya ako magdive. Nang una natatakot ako.

"Sige na. Sabay naman tayong tatalon e."

"Kahit pa sabay tayo. Natatakot ako! Paano kung hindi na ako lulutang?"

"Paanong hindi ka lulutang?”

“E kung may bato diyan o kaya nakausling kahoy.”

“Wala, di ba nilalangoy natin ‘yan?”

“Kahit na, natatakot pa rin ako ‘no.”

“Sige para hindi ka matakot. Magkahawak tayo ng kamay na tatalon."

"Sige!"

Ngunit bago kami tumalon ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot. Nakayakap na rin siya sa akin bago namin n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status