Se connecterChapter 111Samantha's POVHindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Kung alam lang niya ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon, baka siya rin ang unang matakot sa mga tanong na gusto kong itanong.“No. I’m just curious.”“Then stop being curious and start getting hungry,” biro niya.Napatawa ako nang bahagya. Ganoon naman siya, palaging may paraan para pagaanin ang pakiramdam ko.Pero sa kabila ng ngiti ko, hindi mawala-wala sa isip ko ang mga kilos niya.Nang naiserve na ang pagkain, nakita kong excited na excited siya. Para bang matagal na niyang hinihintay ang sandaling iyon.Nagtimpla pa siya ng sawsawan.Kumuha siya ng patis, pinigaan ng kalamansi, saka dinagdagan ng chili sauce. Hinalo niya iyon nang ilang beses bago tikman.Isang pamilyar na kilos na pilit kong itinatanggi.Medyo may kung anong kumurot sa puso ko.Pareho sila, nasabi ko na lang sa isip.Bawat subo niya ay nagpapakita ng pananabik. Para bang hindi lang simpleng pagkain ang nasa harapan niya kund
Chapter 110Samantha’s POVPapaalis na ako sa burol ni Mrs. Lyn Sanchez nang dumating din si James at si Grace. Andun kami sa labas.“Aalis na kayo?”“Yes, hinihintay ko lang si Basty,” sagot ko.“Hindi pala siya sumama?”“Oo eh.”“Tito Arthur, kamusta po?”“Okay naman, James.”Bumati rin si Grace kay Tito Arthur. Sandali kaming nag-usap tungkol sa burol at sa mga alaala namin kay Tita Lyn.“Iniwan na po tayo ni Tita Lyn,” malungkot na sabi ni James.“Oo nga, pero marami naman siyang nagawa sa buhay niya, and she is sleeping now, laid to rest,” sagot ni Tito Arthur. “At least, she lived a meaningful life. Marami siyang natulungan at napasaya. Hindi natin maitatangging may mga taong tulad niya na kahit wala na, mananatili pa rin sa alaala natin.”“Oo nga po.”Napatingin ako sa paligid. Tahimik ang lugar kahit may mga taong patuloy na dumarating upang makiramay sa pamilya ni Tita Lyn. May kakaibang lungkot talaga ang bawat burol. Kahit alam nating bahagi ng buhay ang kamatayan, hindi pa
Chapter 109Samantha's POVDumating din si Tito Art. Nang makita niya ako, sumenyas siya bago nilapitan ang mga anak ni Tita Lyn upang makiramay.Tahimik ko siyang pinanood habang nakikipag-usap sa pamilya. Halatang matagal na rin silang magkakakilala, at tiyak na marami rin siyang alaala kasama si Tita Lyn.Nang matapos na siyang makiramay sa pamilya, lumapit siya sa akin.“Mag-isa ka lang?”“Opo,” sagot ko.“Bakit hindi mo isinama ang asawa mo?”“Baka po kasi makakuha pa ng atensiyon, eh.”Bahagya siyang napakunot ng noo, kaya ipinaliwanag ko ang dahilan.“Halos lahat po ng kamag-anak ni Tita Lyn, kilala si Enrico. Baka kapag nakita nila si Bastien, sabihin nilang nabuhay si Enrico.”Tumango si Tito Arthur, tila nauunawaan ang ibig kong sabihin.Tahimik lang siyang nakikinig habang nakatingin sa mga larawang patuloy na ipinapakita sa screen.“Actually, he really looks the same,” bigla niyang sabi.Napatingin ako sa kanya.“Ako nga, natutulala kapag nakikita ko siya.”“Opo. Pansin ko
Chapter 109Samantha’s POVNakatanggap kami ng isang malungkot na balita. Namatay na si Tita Lyn Sanchez, isa sa mga board member ni Tita Amanda noon.Naalala ko pa kung gaano niya ako kadalas tuksuhin kay Enrico. Kapag nagpupunta siya sa ibang bansa, binibilihan niya ako ng mga sexing damit para raw hindi ako tumandang dalaga at mabastos ni Enrico. Nakakatuwa talaga siya. Minsan, kahit hindi mo alam kung matatawa ka o mahihiya sa mga sinasabi niya, mapapangiti ka na lang talaga.Eighty-two years old na siya nang mamatay, pero bago iyon ay nagkaroon na siya ng Alzheimer’s disease. Dumating sa puntong wala na siyang nakikilalang mga tao, kahit ang sarili niyang mga anak.Nakakalungkot talaga kapag unti-unting nawawala ang mga alaala ng isang tao. Parang unti-unti ring nawawala ang bahagi ng pagkatao niya, pati na ang mga masasayang sandaling pinagsaluhan ninyo. Masakit isipin na ang isang taong minsang naging masayahin, madaldal, at puno ng buhay ay darating sa puntong hindi na niya ma
Chapter 108Samantha's POVPinagmamasdan ko si Bastien.May gusto sana akong itanong sa kanya, pero hindi ko iyon ginawa. Ayokong sirain ang masayang sandaling iyon, lalo na't naroon si Ezee at ang buong pamilya ko.Biglang pumasok ang nurse upang ibigay ang discharge slip ni Ezee. Ipinaliwanag niya ang mga dokumentong kailangan naming pirmahan bago kami makaalis ng ospital.Pagkatapos nito, dumating naman ang doctor upang magbigay ng mga huling bilin tungkol sa pangangalaga kay Ezee.“Balik kayo sa clinic ko after a week, ha, para masigurado nating okay na okay na si Ezee.”“Yes, Doctor,” sagot ko.Naupo ang doctor sa tabi ng kama at ngumiti sa anak ko.“Are you ready to run, Ezee?”“Yes!” malakas na sagot ng anak ko, na para bang wala siyang pinagdaanang aksidente.Napatawa kami sa kanyang kasabikan.“Oops, that's a no-no,” agad na paalala ng doctor.Napahinto si Ezee at napatingin sa kanya.“Hinay-hinay lang sa kilos. Bawal magbuhat ng heavy things or anything na mapapagod ka. I ad
Chapter 107Samantha’s POV“Son,” bati ni Bastien kay Ezee nang dumating kami sa ospital para sunduin sila.Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko sa tuwing naririnig kong tinatawag ni Bastien na anak si Ezee, kahit alam kong iba ang tunay nitong ama. Wala akong nakikitang pag-aalinlangan sa paraan ng pakikitungo niya sa anak ko. Kung paano niya ito yakapin, kausapin, at alagaan, para bang matagal na silang mag-ama.“Dad!”“I missed you, buddy!”“Me too, Dad!”Agad na lumapit si Ezee kay Bastien at yumakap sa kanya. Mahigpit din siyang niyakap ng asawa ko, saka marahang hinaplos ang buhok nito. Kitang-kita ko kung gaano niya ito nami-miss, lalo na't ilang araw din silang hindi nagkasama dahil sa mga nangyari.“I’m sorry I wasn't there when you had that accident.”Bahagyang kumalas si Bastien sa pagkakayakap upang tingnan nang mabuti ang mukha ni Ezee. May bahid pa rin ng pag-aalala sa kanyang mga mata, na para bang hindi pa rin siya
Chapter 2Samantha’s POVHabang abalang-abala ako sa pag-type ng memo na ipapadala ko sa opisina ng mga executives, biglang dumaan ang napakakisig kong crush na si James Lucas. Nakasuot siya ng kulay blue long-sleeved polo, pagkatapos ay nakaputing slacks. Ang neat niyang tingnan at mukhang ang ba
Chapter 1:Samantha Gomez POVNautusan ako ni Ninang Amanda na pumunta sa kanilang bahay para makuha ang ilang dokumentong naiwan niya sa kanyang home office.Umakyat na ako sa hagdan nang marinig kong parang may nagkakarambola sa isang silid na naroon. Bahagyang nakabukas ang isang pinto, kaya da
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni







