Share

KABANATA 3

Author: Joysooyaa
last update Last Updated: 2024-07-31 02:26:45

PINUNASAN ko ang pawis sa mukha ko at pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay ni Xian bago ko pinihit ang door knob. Gumaan kahit papa'no ang loob ko dahil nakausap ko sila Stacey kagabi. Napamura ako sa aking isip nang nakita ko ang oras sa suot kong relo.

"I'm sorry, I'm late," nakayuko kong sabi pagpasok ko.

"It's okay," walang gana n'yang sagot na hindi manlang ako tiningnan.

Kumunot noo ako nang dumapo ang mata ko sa hawak n'yang plato. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para magpigil ng tawa. Kasing kulay ng buhok n'ya ang hotdog na prinito n’ya, mistula itong uling na pahaba. Tanging puting bathrobe lang ang nakatakip sa katawan n'ya, at tumutulo dito ang tubig na nanggagaling sa buhok n’ya. Luminga-linga ako sa paligid.

Bumalik siya sa kitchen counter. "Have a seat."

"Sir, ako na jan. M-magbihis ka muna," mahina kong sambit.

Binitawan n'ya ang hawak n’yang kutsilyo, at humarap s’ya sa gawi ko. "Bakit? Naiilang ka ba sa suot ko?"

Tumaas ang balahibo ko dahil sa malalim n'yang boses.

"Hindi po, sir," taas noo kong sagot.

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan n'ya ang lace ng suot n’yang bathrobe para hubarin ito. Lumunok ako ng laway, at nataranta ako kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Malakas n'yang tawa ang pumalibot sa paligid.

"Pasalamat ka at nag-brief pa ako," seryoso niyang sabi.

Damn Xian!

"As if this is your first time seeing me naked."

BAHAGYA akong umurong nang umupo si Xian sa tabi ko. Ramdam ko ang bawat titig na binabato n'ya sa’kin.

"I wish you'd respond to my kiss when I proposed," seryoso n’yang sabi.

May kung anong tumusok sa puso ko.

"Alam mo kung ano ang nasa isip ko nung araw na 'yon? Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumutugon..."

Binaba ko ang hawak kong iPod at tiningnan ko s'ya. Nanatili s'yang nakatitig sa akin; Magkahalong sakit at lungkot ang nakapalibot sa mata n'ya.

"Kung hindi ako umalis at nanatili ako sa tabi mo... matututunan mo rin ba akong mahalin katulad ng kay Aiden?"

Umiwas ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa hawak kong iPod.

"Siguro hindi." Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. "Binaboy kita," nagtiim bagang s’ya, "kaya kahit kailan hindi mo ako magugustuhan."

"Tungkol sa meeting ang pag-uusapan natin sir, hindi ang nakaraan," seryoso kong sabi.

"I only have one wish, Scarlet." Huminga s'ya ng malalim. "Let's not meet again, baby."

Sumikip ang dibdib ko kasabay ng pagdampi ng mainit na likido sa aking pisngi.

"Please resign as my secretary.”

I'm sorry Xian but I need this job.

NAKAHIGA ako sa kama ng hotel na tinutuluyan ko habang pinagmamasdan ko ang engagement ring na binigay sa’kin ni Xian nung nag propose s’ya 5 years ago. Mainit na likido ang dumampi sa pisngi ko nang pumikit ako at inisip ang nangyari nung araw na ‘yun.

NAKAKUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang pamilyar na bahay. Bagong pintura ito at halatang kaka-renovate lang nito.

“Sa tapat ng bahay na ‘yan tayo unang nagkita.”

Suminghap ako nang inalis ni Xian ang seatbelt sa katawan ko.

Nag angat s’ya ng ulo dahilan ng pagtama ng mata namin. “Muntik ko nang masilayan ang panty mo nung araw na yun,” natatawa n’yang sabi.

Mas uminit ang pakiramdam ko dahil dumadampi ang hininga n'ya sa balat ko. Hinawakan ko s'ya sa pisnge at marahan ko itong hinaplos. May gasgas ang mukha n’ya ngunit hindi ‘yon naging dahilan para mabawasan ang ka-gwapuhan n’ya. Kitang-kita ang band-aid sa noo n’ya dahil nakataas ang buhok n’ya.

“Mahal kita, panghawakan mo ang salitang ‘yan,” mahina kong sabi bago ko s’ya hinalikan sa labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Another Way of Bullying   KABANATA 14

    "Bakit ginabi ka sa pag-uwi kahapon?" tanong ko kay Stacey habang naglalakad kami papunta sa HM laboratory. Dapat next Wednesday pa ang finals namin sa Kitchen Essentials pero ginamit na namin ang araw na para sa Macro Tourism. "May inasikaso lang." Abala sa pag-aayos ng ingredients ang mga kaklase namin nang makarating kami sa laboratory. Lumapit kami kay Sam na nagpupunas ng mga gamit na nakalagay sa assigned kitchen counter ng aming grupo. "Good morning, angel," nakangiti n'yang bati habang nakatingin kay Stacey na walang emosyon s'yang tiningnan. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang kaba. Strikto si Chef tuwing laboratory dahil pagkain ang ginagawa namin. Natuon ang atensyon ko sa lalaking pumasok. His well-ironed chef's uniform was dazzling as he walked towards us. "Good morning, baby," he said with a husky voice. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mata. Isa lang ang panalangin ko ngayong araw, sana hindi s'ya ang maging kapare

  • Another Way of Bullying   KABANATA 13

    HINDI mawaglit sa isip ko ang sunod-sunod na pagsampal ko kay Xian kagabi. "Tungkol sa nakita ko..." Tinuon ko ang atensyon ko kay Stacey. "Yung nakapatong sa'yo si Xian." Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalinlangan kung ayos lang ba ang pagtanong n'ya tungkol sa nangyari kagabi. Mahinang tawa ang pinakawalan n'ya. Lalong sumingkit ang mata n'ya dahil dito. The mole under her right eye was so captivating. "'Wag mo na pala sagutin." My hand reached her shoulder as we walked towards gate. "Sa ganung paraan n'ya ako binu-bully," pinilit kong 'wag gumaralgal ang boses ko. Agad n'yang inalis ang kamay ko at hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat para iharap sakan'ya. "What the fuck!" Pinilit kong umukit ang ngiti sa labi ko bago ko ginulo ang buhok n'ya. "Okay lang ako, don't worry." "Fuck Scarlet! Hindi okay 'yon!" bulyaw n'ya dahilan ng pagtingin ng mga studyanteng dumadaan sa harapan namin. Malalim na hininga ang hinugot n'ya. "Magsumbong ka sa Dean o kung ayaw mo ako n

  • Another Way of Bullying   KABANATA 12

    KUMALAS si Xian sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan n'ya ako sa magkabilang pisngi. His forehead was covered of his wet hair. "I'm afraid of lightning," kusa 'yon lumabas sa bibig n'ya kahit hindi ko naman tinanong. "Uuwi na ako," paalam ko pero bago pa man ako makahakbang, kinarga n'ya na ako at sinakay sa sasakyan n'ya. "Xian!" madiin kong sabi habang kinakabitan n'ya ako ng seat belt. "Let me sleep with you, Scarlet," he said before he started the engine. I sighed as I looked to the car window that almost filled of rain drops. Siguro naman maiintindihan ni Stacey ang sitwasyon ko. Hindi ko naman gusto na sumama sa lalaking 'to. "What's the address of your friend's house?" Kumunot noo ako nang narinig ko ang tanong n'ya. Humarap ako sakan'ya na nakatuon lang ang atensyon sa kalsada. "Pa'no mo nalaman na sa bahay n'ya ako matutulog ngayong gabi? Sinusundan mo ba ako?" He took a glimpse in the right side. A smile formed to his lips as he go back his attention to the

  • Another Way of Bullying   KABANATA 11

    NAPABALIK ako sa wisyo ko nang nag ring ang cellphone ko. Agad akong bumangon sa kama nang narinig ko ang boses ni Xian sa kabilang linya. "I want you to go to my house tomorrow." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Sir, I filed a one week leave." "I don't care miss Collins!" madiin n'yang binigkas ang last name ko bago n'ya pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako bago ako bumalik sa kama para ipagpatuloy ang pagbuklat ko ng magazine. BAKIT hindi mo manlang sinabi sa'kin na nasunog ang inuupahan mo?" Binaba ni Stacey ang nakasupot na bondpaper sa mesa bago s'ya uminom ng tubig. "Pa'no kung may nangyaring masama sa'yo habang natutulog ka sa kalsada?" bakas sa boses n'ya ang pag-aalala. "Okay lang ako, Stacey." Napatingin ako sa nilapag n'ya. "Ano 'yan?" Binuksan ko ito at kumuha ako ng isang papel. "Dalawa na ang part time job mo tapos nag tu-tutor ka pa?" "Tumaas na naman kasi ang upa ng tinitirhan ko kaya kailangan ko ng ekstrang pera." Tumayo s'ya at sinubo n

  • Another Way of Bullying   KABANATA 10

    "SCARLET!" hinihingal na sabi ni kuya Daryll. Nakatira s'ya malapit sa inuupahan ko. Inalis ko ang earphones sa tainga ko. "Nasusunog ang bahay—" Hindi ko na hinintay na matapos ang sasabihin n'ya. Agad akong tumakbo ng mabilis patungo sa apartment ko nang nakita ko ang makapal na usok na nanggagaling dito. Bumungad sa'kin ang mga kapit bahay namin na naghahakot ng kan'ya-kan'ya nilang gamit. Hinawakan ko ang dulo ng box na buhat ni ate Levy, ang landlord ng inuupahan ko, para tulungan s'ya. Natupok na ang buong bahay kaya wala na akong mai-sasalba pa. Mabuti nalang at mga damit ko lang ang naroon dahil sa locker ng AC University ko nilalagay ang mga importante kong gamit. GUMUHIT ang ngiti sa labi ni ate Tessy nang nakita n'ya ako. Karga n'ya ang dalawang taong gulang n'yang anak habang ang isa naman ay mahimbing nang natutulog sa nakalatag na karton. Umupo ako sa tabi n'ya at kinuha ko ang supot sa bag ko. "Kumain muna po kayo," ani ko sakan'ya. Ngumiti s'ya ng malapad bago

  • Another Way of Bullying   KABANATA 9

    MAY kung anong kumurot sa puso ko nang naalala ko ang mga paghihirap ko dati. Dumapo ang atensyon ko sa litrato ni Xian na nasa magazine. Magulo ang buhok n'ya at may mantsa ng lipstick ang gilid ng labi n'ya. Ngumiti ako nang nabasa ko ang nakasulat sa gilid ng litrato. 'Scarlet's red lipstick'NAKAUKIT ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang silver na gate ng AC University. Sa itaas nito nakalagay ang malaking pangalan ng paaralan na naka Britannic bold. Mayro'n itong crown na logo sa itaas ng AC. Dumiretso ako sa cr para mag-ayos. Kasalukuyan akong naglalagay ng pulang lipstick sa labi ko nang nakita ko ang repleksyon ni Xian sa salamin.Tumalikod s'ya at sinara n'ya ang pinto.Nilapag ko ang hawak kong lipstick bago ako humarap sakan'ya. "Wala kana talagang pinipiling lugar!" singhal ko."Baby!" Uminit ang pakiramdam ko dahil sa malalim n'yang boses. Nakatitig sa'kin ang mapungay n'yang mata habang naglalakad s'ya palapit sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng laway nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status