Share

Chapter 24

XXIV

MAAGANG gumising si Astrid nung araw na iyon. Hindi siya pumasok sa club kagabi sa takot na baka itakas ni Davin si Debbie at hindi niya na ito makita pa kaya nagpasya na lamang siyang huwag munang pumasok. Nagpaalam naman siya kay Emma at mabuti na lamang at pumayag itong umabsent siya.

Maaga siyang naghanda ng almusal nilang mag-ina.

Nang bumangon si Debbie at pumunta sa kusina ay saktong nakaluto na siya kaya hinanda niya na ang lamesa para makakain na sila.

"Halika na anak, habang mainit pa itong sinangag na niluto ko." Nakangiting yakag niya rito at ipinaghila ito ng upuan. Agad naman itong umupo pero hindi ito gumalaw bagkus ay nangalumbaba ito at tinitigan siya.

"Kilala mo naman pala ang Papa ko 'Ma, bakit hindi mo siya hinanap?" Tanong nito. Bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at walang maapuhap na salita na isasagot sa anak niya.

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Alam mo ang buong pangalan niya 'Ma, pero hindi mo siya hinanap. Ang tagal kong pinangarap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status