เข้าสู่ระบบChapter 2
HINDI alam ni Armea kung paano niya nagawang magmaneho pauwi sa bahay nila. Ilang beses siyang napilitang huminto sa gilid ng kalsada dahil sa walang tigil na pagpatak ng kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang mga nasaksihan.
Si Ethan at Seraphina. Ang nobyo niyang tatlong taon niyang minahal at ang kapatid niyang kahit kailan ay hindi niya itinuring na ibang tao kahit na hindi tao ang turing nito sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, hindi siya papayag na basta na lamang palampasin ang ginawang pagtataksil ng mga ito.
Kailangang malaman ng kaniyang ama ang lahat. Alam niyang hindi ganoon kaganda ang relasyon nila ng kaniyang ama, lalo na simula nang mamatay ang kaniyang ina. Ngunit umaasa pa rin siyang kahit sa pagkakataong ito ay kakampihan siya nito.
Pagdating sa mansyon, agad niyang iniwan ang sasakyan sa driveway at nagmamadaling pumasok sa loob.
“Daddy!” malakas niyang tawag.
Nakita niyang nakaupo sa sala ang kaniyang ama na si Don Ricardo Alarcon habang may hawak na baso ng alak. Katabi naman nito ang kaniyang madrastang si Veronica.
Parehong napalingon ang dalawa nang marinig ang kaniyang boses.
“Armea?” Kumunot ang noo ng kaniyang ama. “Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba may lakad kayo ni Ethan ngayong gabi?”
Lalong sumikip ang kaniyang dibdib nang marinig ang pangalan ng dating nobyo.
“Daddy…” Lumapit siya rito. “May kailangan po akong sabihin sa inyo.”
“Ano na naman ba 'yan?” iritableng tanong nito.
“Si Ethan po…” Napalunok siya habang pinipigilan ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha. “Nahuli ko po siyang may kasamang ibang babae.”
Napataas ang kilay ni Veronica.
“Talaga? At sino naman ang babaeng iyon?”
“Si Seraphina po.”
Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong sala.
Palipat-lipat niyang tiningnan ang dalawa, habang naghihintay ng anumang reaksiyon mula sa mga ito.
Ngunit sa halip na magulat o magalit, napabuntong-hininga lamang ang kaniyang ama.
“Is that all?”
Natigilan siya.
“P-Po?”
“Akala ko naman kung ano nang nangyari at ganiyan ka makasigaw pagpasok mo.”
Hindi makapaniwalang napatingin si Armea sa ama.
“Daddy, hindi n'yo po ba narinig ang sinabi ko? Nahuli ko si Ethan na nakikipagtalik kay Seraphina! At sinabi pa nilang ikakasal na sila!”
“I know.”
Napakunot-noo siya. Sa pag-aakalang mali lang ang pagkadinig niya. Pero nang makitang seryoso ang ama ay tila may malamig na bagay na bumalot sa kaniyang buong katawan.
“W-What?”
“Alam na namin ang tungkol sa relasyon nila,” kalmadong sagot ng kaniyang ama.
Hindi agad nakapagsalita si Armea.
“Alam… alam n'yo na po?”
“Yes. At wala akong nakikitang dahilan para gumawa ka pa ng eskandalo tungkol doon.”
Napaatras siya.
“Dad, paano n'yo nasasabi 'yan? Niloko po nila ako! Kapatid ko si Seraphina at nobyo ko si Ethan!”
“Lower your voice, Armea!” singhal nito. “Hindi mo kailangang magsisigaw dito!”
“Pero, Dad—”
“Enough!”
Napapitlag siya. Mula pagkabata ay takot na siyang mapagalitan ng kaniyang ama. Kaya kahit gusto pa niyang ipagtanggol ang sarili ay hindi niya nagawang magsalita.
“Armea, hija,” singit ni Veronica habang mahinahong ibinababa ang tasa ng tsaa sa mesa. “Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero hindi mo naman puwedeng pilitin si Ethan na mahalin ka kung ang kapatid mo talaga ang gusto niya.”
Napatingin siya rito.
“Tita Veronica, alam n'yo rin po ang tungkol doon?”
“Of course. Seraphina is my daughter. Natural lang na sabihin niya sa akin ang tungkol sa relasyon nila.”
“Kung ganoon, bakit hindi n'yo sinabi sa akin?”
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Dahil wala rin namang magandang maidudulot kung malalaman mo,” sagot ng kaniyang madrasta.
Napatawa siya nang mapait.
“Walang magandang maidudulot? Anim na buwan nila akong niloloko! At sa loob ng anim na buwang iyon, hinayaan n'yo lang akong magmukhang tanga?”
“Watch your words, Armea!” babala ng kaniyang ama.
“Dad, anak n'yo rin po ako!” Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng kaniyang boses. “Puwede ba kahit minsan, kampihan n'yo naman ako!”
Sandaling natahimik ang ama bago nito inubos ang laman ng baso.
“Kung tapos ka na sa pagdadrama mo, may mas importante tayong kailangang pag-usapan.”
Napakurap siya.
Mas importante? May mas importante pa ba kaysa sa katotohanang pinagtaksilan siya ng sariling kapatid at ng lalaking mahal niya? Gayunpaman, kalmado s'yang naghintay sa sasabihin nito.
“A-Ano po iyon?”
“About the company.”
Napakunot ang kaniyang noo.
“Ano naman po ang tungkol sa kumpanya?”
“We're having financial problems, Armea. At kung hindi tayo makakahanap ng paraan para maresolba iyon, posibleng mawala sa atin ang lahat.”
Hindi siya agad nakapagsalita.
Bagama't alam niyang may mga pinagdaraanan ang kanilang kumpanya, hindi niya inakalang ganoon na pala kalala ang sitwasyon.
“G-Gaano po kalala?”
“Malala enough para manganib ang mga shares na iniwan sa 'yo ng Mommy mo.”
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
“W-what?!”
Ang mga shares na iyon ang tanging malaking pamana sa kaniya ng kaniyang yumaong ina. Kaya kahit kailan ay hindi niya hahayaang may mangyari roon.
“P-Paano nangyari iyon, Daddy?”
“Hindi mo na kailangang malaman ang lahat ng detalye. Ang mahalaga, may paraan pa para maisalba natin ang kumpanya.”
“Ano pong paraan?”
Nagkatinginan muna ang kaniyang ama at madrasta bago muling ibinaling sa kaniya ang atensyon.
“Kailangan mong magpakasal.”
Natigilan siya.
“P-Po?”
“You heard me. Kailangan mong magpakasal kay Lucien Alexander Monteverde.”
Parang may kung anong malakas na bagay na bumagsak sa kaniyang dibdib.
“Lucien Alexander Monteverde?”
“Yes. Ang tagapagmana ng Monteverde Group.”
Hindi makapaniwalang napailing siya sa narinig.
“Dad, you're joking right?”
“Do I look like I'm joking?”
“Pero hindi ko naman po siya kilala! Paano n'yo ako ipapakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita?”
“That's not important. Ang mahalaga, pumayag ang pamilya Monteverde na tulungan tayo kapalit ng kasal ninyo.”
Napahawak siya sa kaniyang noo.
Hindi pa man siya nakakabangon mula sa pagtataksil nina Ethan at Seraphina ay panibagong problema na naman ang ibinabato sa kaniya.
“Daddy, hindi po ako puwedeng basta na lang magpakasal sa kung sino-sino!”
“Then be prepared to lose everything!”
Napapitlag siya sa lakas ng boses nito.
“Kapag hindi ka pumayag, hindi ko maipapangakong maisasalba pa ang kumpanyang ito. Pati ang mga shares na iniwan sa 'yo ng ina mo ay maaaring tuluyang mawala!”
Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya kayang mawala ang pamana ng kaniyang ina. Ngunit hindi rin niya kayang basta na lamang ipagkatiwala ang kaniyang buong buhay sa isang lalaking hindi niya kilala.
“Dad…” Huminga siya nang malalim. “Puwede po bang bigyan n'yo muna ako ng panahon para mag-isip?”
Kumunot ang noo nito.
“Armea—”
“Please, Dad. Hindi ko naman po sinasabing ayaw ko. Kailangan ko lang po talagang pag-isipan ang bagay na alam kong magpapabago sa buhay mo.”
Matagal siyang tinitigan ng ama bago ito napabuntong-hininga.
“Fine. Pero huwag mong patatagalin ang desisyon mo. Hindi tayo puwedeng maghintay nang habambuhay.”
Mahina siyang tumango.
“Salamat po.”
Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng mga ito. Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad patungo sa hagdan. Sa bawat hakbang niya ay pakiramdam niyang lalo lamang bumibigat ang kaniyang dibdib.
Kanina lamang ay excited siyang ipagdiwang ang kanilang third anniversary ni Ethan.
Ngayon, wala na siyang nobyo, pinagtaksilan pa siya ng sariling kapatid, at kailangan pa niyang pag-isipan ang pagpapakasal sa isang estranghero upang hindi mawala ang pamanang iniwan ng kaniyang ina.
Napahinto siya sa kalagitnaan ng hagdan at napahawak sa rehas.
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning tiisin ang lahat.
At higit sa lahat, hindi niya alam kung ano ang magiging kapalit ng desisyong kailangan niyang gawin
Chapter 8MATAGAL na nakatitig si Armea sa dalawang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero. Ilang beses niya iyong binasa, umaasang baka may makuha siyang palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit bukod sa mga salitang nakasulat ay wala na siyang ibang impormasyon.Your husband isn't the man you think he is.Napabuntong-hininga siya bago muling tiningnan ang numero. Hindi niya iyon kilala. Wala rin naman siyang maalalang taong maaaring magpadala sa kaniya ng ganoong mensahe, maliban kay Ethan.Lalo na't halos pareho lamang ang sinabi nito nang magpunta sa kaniyang café kanina. Ngunit bakit naman gagawin iyon ng dating nobyo? Hindi ba't masaya na ito sa piling ni Seraphina? Bakit kailangan pa nitong makialam sa buhay niya gayong wala na silang relasyon?Napailing siya.“Kung ikaw 'to, Ethan, napakababaw mo naman,” mahina niyang bulong.Muli niyang binasa ang pangalawang mensahe.“If you really want to know who Lucien Alexander Monteverde is, start by asking him about his p
MAKALIPAS ang isang oras ay handa nang umalis si Armea papunta sa kaniyang café.Paglabas niya ng mansiyon ay nakita niyang naghihintay sa driveway ang isang itim na sasakyan. Nakatayo sa tabi nito si Mang Tony.“Good morning, Ma'am!”Napangiti siya. “Mang Tony! Kayo pala ang maghahatid sa akin?”“Opo. Si Sir Lucien na po ang nag-ayos.”Napakurap siya.“Si Lucien?”“Opo. Kinausap niya po ang Daddy ninyo para rito na po ako magtrabaho bilang driver ninyo.”Natigilan si Armea. Hindi niya inaasahan iyon. Si Mang Tony ang isa sa iilang taong naging mabuti sa kaniya sa mansiyon ng mga Alarcon. Simula pagkabata ay ito na ang madalas maghatid at magsundo sa kaniya.Kaya nang malaman niyang maaari pa rin niya itong makasama, hindi niya napigilang mapangiti.“Talaga po?”“Opo, Ma'am. At saka mas gusto ko rin pong dito na lang magtrabaho.”“Bakit naman po?”Bahagyang natawa ang matandang driver. “Mas mabait po kasi ang amo ko rito.”Hindi niya napigilang matawa. “Naku, Mang Tony!”Ngunit sa kab
CHAPTER 6 MAAGANG nagising si Armea dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa malaking bintana ng kaniyang silid. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang kisameng hindi pamilyar sa kaniya.Napakurap siya nang maalalang wala na pala siya sa mansiyon ng kaniyang ama. Nasa bahay na siya ng kaniyang asawa.Oo, Asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya kay Lucien Alexander Monteverde. Isang lalaking halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito, ngunit ngayon ang magiging bahagi na ng kaniyang buhay.Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang bumangon. Hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Ngunit hindi rin niya maikakailang naninibago siya sa kaniyang bagong sitwasyon.Kahapon lamang ay isa siyang dalagang malayang umuuwi sa sariling bahay. Ngayon ay may asawa na siya at nakatira na sa isang mansiyong halos hindi niya kabisado ang bawat sulok.Napatingin siya sa kaniyang kaliwang kamay. Nandoon ang isang kumikinan
MAKALIPAS ang tatlong araw mula nang ialok ni Lucien Monteverde ang kasal kay Armea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang naging pag-uusap nila.Nakaupo siya sa loob ng kaniyang café habang paulit-ulit na binabasa ang marriage agreement na ipinadala ng abogado ni Lucien. Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan upang mailigtas ang pamana ng kaniyang ina, ngunit sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na tuluyang mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan nito, lalo lamang siyang nahihirapang tumanggi.Hindi niya mahal si Lucien. Sa katunayan, halos wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao nito maliban sa pagiging isang makapangyarihang negosyante. Ngunit sa kasalukuyan, ito lamang ang taong may kakayahang tumulong sa kaniya nang hindi niya kailangang lumapit sa kaniyang ama.Napabuntong-hininga siya bago tuluyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong ibinigay sa kaniya ng lalaki.KINABUKASAN, nagtungo
Chapter 4Napalingon siya kay Lucien. “Ah, wala naman. It's just…” Muli niyang tiningnan ang litrato. “Parang pamilyar kasi ang school na 'to.”Tumango-tango lang ang lalaki, habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.“Dito rin po ba kayo nag-aral?”“Yes.”Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kumunot-noo siya, at hindi makapaniwala sa narinig.“Really? Anong year ka nag-graduate?”“Why?”“Wala lang. Kasi parang same school tayo.”Bahagyang ngumiti si Lucien.“I know.”Kumunot pa lalo ang kaniyang noo.“You know?”“Yes.”“Then… magkakilala na ba tayo noon?”Sandaling natahimik ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon nito. Kanina ay napakalamig at seryoso nitong kausap, ngunit ngayon ay tila may kung anong alaala itong binabalikan.“Lucien?”Muli itong tumingin sa kaniya.“Do you remember helping someone back in senior high school?”“Helping someone?”“Yes. Someone who had almost nothing back then.”Napaisip siya. Marami siyang nakilalang estudyante noong
Chapter 3“Are you sure you don't want me to accompany you, Ma'am?”Napalingon si Armea sa driver na si Mang Tony habang inaayos ang strap ng kaniyang handbag.“It's okay, Mang Tony. Kaya ko na po. Dito na lang po kayo maghintay sa akin.”Tumango naman ito bago muling sumakay sa sasakyan.Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago itinaas ang kaniyang tingin sa napakataas na gusaling nasa kaniyang harapan.MONTEVERDE GROUPHindi niya akalaing darating ang araw na personal niyang pupuntahan ang kumpanyang ito. Lalo na para makipag-usap sa lalaking nais ipakasal sa kaniya ng kaniyang ama.Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa kaniyang buhay.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang ginawang pagtataksil nina Ethan at Seraphina.Tatlong taon. Tatlong taon niyang minahal ang lalaking iyon. Tatlong taon siyang naniwalang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.Ngunit sa isang iglap ay naglaho ang lahat.At ngayon, heto siy







