Share

Chapter 024 - Why Ashley?

Author: Eliana Asher
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-29 23:07:07

SENNA

Kinabukasan, paggising ko ay dalawang bagay agad ang pumasok sa isip ko.

Una, empleyado na naman ako ng Ellington Biopharm Corporation.

At pangalawa, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit walang nangyari kay Lucien nang hawakan siya ni Ashley.

Mas madali sanang problemahin ang una. Kahit nakakainis isipin na basta na lang akong ibinalik ni Lucien sa trabaho nang walang pahintulot ko, naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginawa noong gabing nawala ako sa kagubat
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dhenz
isipin mo n lng hnd anak ng asawa mo kuno c ashley dapat isipin mo ung cnasabi ni dr adrian n biological connection naku sana ipa DNA ni lucien clang dalwa ni ashley snamalaman agad na anak nya c ashley hehe
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
thank u miss author 🩷
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 053 — The Revelation

    SENNATatlong araw.Iyon lang ang sinabi ng laboratory na kailangan naming hintayin, pero pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabang tatlong araw ng buhay ko.Sinubukan kong maging normal. Pumasok ako sa trabaho, inayos ang schedule ni Ashley, kinausap ang doctors niya, at ginawa ang lahat ng kailangan kong gawin bilang executive assistant ni Lucien. Pero sa tuwing may notification ang cellphone ko, automatic akong napapatingin.At mukhang hindi lang ako ang ganoon.Isang hapon, pagpasok ko sa private office ni Lucien, naabutan ko siyang nakatingin sa cellphone niya. Nang mapansin niya ako, agad niya iyong inilapag sa desk at hinila palapit ang isang folder.“Checking again?” tanong ko habang pumapasok sa loob.“No,” sagot niya habang kunwari ay abala sa folder.Napatingin ako sa screen ng phone niya. Malinaw namang bukas ang inbox.“Liar,” sabi ko habang pinipigilan ang ngiti.“I was checking something else,” depensa niya habang binubuksan ang folder.“Yeah, sure,” sagot ko habang umuu

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 052 — I Need the Truth

    SENNAKinabukasan, paggising ko, iyon agad ang unang pumasok sa isip ko.Paternity test.Mahimbing pa ang tulog ni Ashley sa tabi ko, yakap ang stuffed bunny niya habang halos kalahati ng mukha ay nakabaon sa unan. Ilang minuto ko lang siyang pinagmamasdan bago ko marahang inayos ang buhok na nakatakip sa noo niya.Buong buhay niya, ako ang gumagawa ng mga desisyong sa tingin ko ay pinakamabuti para sa kanya. Ako ang pumipili ng doctors, pumipirma sa medical forms, nagdedesisyon kung kailan siya kailangang magpahinga at kung ano ang kaya niyang harapin. Siguro kasama na rin doon ang desisyong alamin ang katotohanang matagal ko ring hindi kayang ibigay sa kanya.Hindi ko alam kung si Lucien nga ang biological father niya, pero sigurado ako sa isang bagay—hindi ko kayang manatiling walang sagot habang buhay.Kaya nang makarating kami sa office nang umagang iyon, ako mismo ang pumunta sa private office ni Lucien.Nasa likod siya ng desk at tahimik na nagbabasa sa laptop. Nang makita niya

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 051 — What If You Are?

    SENNA“No,” bulong ko habang napapailing.Hindi dahil sigurado akong mali si Lucien. Ang totoo, iyon mismo ang kinatatakutan ko—na baka tama siya.Ako ang kailangang pumayag sa paternity test dahil ako ang legal guardian ni Ashley. Hangga’t hindi napapatunayang ama niya si Lucien, wala itong authority na magdesisyon para sa anak ko, at biglang parang napakabigat ng simpleng salitang yes o no.“Senna—” panimula niya, pero agad akong umiling.“Hindi natin puwedeng sabihin na dahil ikaw ang may-ari ng room, ikaw na agad iyong lalaking kasama ko,” sabi ko habang mas bumibilis ang tibok ng puso ko. “At hindi rin dahil zero percent si Mavix, automatic na ikaw na ang tatay ni Ashley.”“I’m not saying that,” sagot ni Lucien habang nananatiling kalmado. “I’m saying there’s enough reason to find out.”Napahawak ako sa noo.“Pero parang ang bilis,” sabi ko. “Parang kahapon lang iniisip ko kung sino iyong lalaking nasa room. Ngayon ako na ang kailangang magdesisyon kung ipa-paternity test kita sa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 050 — Could It Be You?

    SENNAHindi ako agad nakasagot.Nakatayo lang ako sa harapan ni Lucien habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang request niya. Isang simpleng tanong lang iyon, pero pakiramdam ko ay napakalaki ng maaaring magbago depende sa magiging sagot ko.Paternity test.Kay Ashley.At si Lucien ang gustong i-test bilang posibleng ama.“With your approval, pwede bang ipa-paternity test natin si Ashley?” ulit ni Lucien habang hindi inaalis ang tingin sa akin.Napakurap ako bago tuluyang nakabawi.“Bakit?” tanong ko habang kusang humihigpit ang hawak ko sa gilid ng desk. “Bakit gusto mong gawin iyon?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“I think you already know why,” sagot niya habang mababa ang boses.“Hindi,” sabi ko agad habang umiiling. “Gusto kong marinig iyon mula sa’yo.”Hindi siya nagsalita, at mas lalo lang akong kinabahan.Nasa ibabaw pa rin ng desk ang lahat ng ebidensyang kanina pa namin pinag-uusapan—ang old hotel records, ang keycard activity ko, at ang paternity test ni Mavix na malin

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 049 — Zero Percent

    SENNAHindi agad gumalaw si Lucien habang hawak ko ang cellphone ko.Parang hinihintay lang niya kung ano pa ang susunod kong sasabihin, pero ramdam kong mas naging alerto siya nang banggitin ko ang tungkol sa paternity test. Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Paternity test?” tanong niya.Tumango ako at binuksan ang lumang laboratory result na ilang taon ko nang nakatago sa email ko.“Ginawa namin iyon kay Mavix,” sagot ko habang hinahanap ang PDF. “Hindi ko na sana gustong balikan ’to, pero sa tingin ko, kailangan mo na itong makita.”Lumapit siya nang kaunti.Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang cellphone sa kamay ko. Matagal ko nang alam ang katotohanang nakasulat sa file na iyon, pero ngayon lang ako natakot nang ganito sa maaaring ibig sabihin nito.Binuksan ko ang PDF at inilapit ang screen sa kanya.“Here,” sabi ko habang itinuturo ang result.Tahimik niyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ko.Hindi ko inalis ang tingin sa mukha niya h

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 048 — The Wrong Room

    SENNAHindi ko maalis ang tingin sa papel na nasa harapan ko.LUCIEN ELLINGTON — ROOM 1816.Ilang segundo akong nakatitig lang sa room number na iyon habang pilit inuunawa ang ibig sabihin nito. Room 1816, ang kuwartong tatlong beses kong sinubukang buksan gamit ang keycard ko noong gabing iyon.At ngayon, malinaw na nakasulat sa hotel record na hindi iyon nakapangalan kay Mavix.Kay Lucien iyon.“Hindi puwede…” bulong ko habang hindi pa rin maalis ang tingin sa papel. “Baka may mali lang sa record.”Hindi agad sumagot si Lucien. Tahimik lang siyang nakatayo sa kabilang side ng desk habang pinapanood akong pilit iproseso ang impormasyong nasa harapan ko.“I checked it more than once,” sabi niya habang mababa ang boses. “The suite was registered under my name.”Napailing ako habang napapahawak sa noo.“Pero akala ko…” panimula ko bago muling tumingin sa kanya. “Akala ko room ni Mavix iyong pinuntahan ko.”“That’s what you assumed,” sagot ni Lucien habang nananatiling kalmado. “But ther

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 004- Rejected by My Own Family

    SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 003- She’s Not My Daughter

    SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 002- The Betrayal

    SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 001- A Mother’s Desperation

    SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status