“WHAT the hell is the meaning of this?!” Triana was finally relieved. It was Dexa. Mukhang kadarating lang nito sa bahay mula sa airport dahil bihis na bihis pa ito. She still wore her smokey make-up and a vibrant red lipstick. Biglang tumigil sa ginagawa si Xavier at malakas itong itinulak ni Triana. Sandaling tumiim ang bagang ng lalaki. “Didi! Help me!” Mabilis na tumayo si Triana at patakbong kumapit sa babae para magpasaklolo. Hilam pa rin ng luha ang kanyang mata. Ngunit mas nagulat siya nang bigla nitong binaklas ang kamay niya at malakas siya na dumapi sa kanyang pisngi ang palad nito. “Why does my husband seem to be moaning on top of you? Are you enjoying it?” sarkastikong wika ni Dexa. “Didi!” Nanlalaki ang mata ni Triana na tiningnan ang kanyang hipag. Sapo niya ang pisnging sinampal nito. She was used to calling her Didi since it was a Nepali term for an older sister. “Do not call me that! I knew something was wrong when I saw my husband enter a different room.” Nagta
KINABUKASAN nalaman ni Triana na wala na sa bahay ang mag-asawang Dexa at Xavier. Nakahinga naman siya nang maluwag nang ibalita iyon sa kanya ni Devance. She freshened up quickly. Itinuring na lang niyang isang masamang bangungot ang lahat. Malaki ang pasasalamat niya kay Devance dahil hindi siya nito iniwan. Takot na takot kasi siya kagabi at iniisip niyang baka balikan siya ni Xavier. “Are you ready?” tanong ni Devance nang pumasok ito sa loob ng kuwarto. At gaya ng nakasanayan ay galing ito sa swimming pool dahil nakatapi lang ito ng puting tuwalya. “I’ll have my tea.” Tipid siyang ngumiti at iniwas ang mata sa katawan nito, “Thanks about last night.” “Oh, don’t mention it. Let’s catch the flight at nine.” “A-About that, I think I changed my mind.” Nag-alangan siya biglang sabihin dito ang totoong rason. “But why?” His forehead creased. Alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan niya kaya ito biglang nagdesisyon na umuwi sa Pilipinas. She cleared her throat. “Caleb called a few
“DON’T you think it’s immature for you to do?” Hindi nakatiis na sita ni Austin kay Devance sa loob ng kuwarto katabi ng tinutuluyan nina Caleb at Triana. “Can’t you see it’s fun?” Devance clicked his tongue. He leaned his back on the cream-colored leather couch. Kanina pa niya pinagtitripan ang dalawa sa kabila. Gusto lang niyang mangulit dahil alam niya namang na-miss ng magkasintahan ang isa’t isa. Pinlano na niya ang mga gagawin kahit nasa eroplano pa lang sila kaya nakabili na siya ng bulaklak, at pagdating sa hotel tumawag siya sa room service para magbigay ng agahan sa katabing kuwarto. Giving this specific instruction and time intervals. Hindi naman kaila sa kanya na masyadong immature ang ginagawa niya. But he was enjoying it. He loved pissing her off. Natatawa na lang siya habang naiimagine ang inis na mukha ni Triana. He was just worried about what happened the other day. Bilib siya sa pagiging matapang nito dahil hindi ito nagmukmok at umastang tila walang nangyari. Pero
MAGKASABAY na naghapunan sina Devance at Austin kasama ang tatlong babaeng turistang nakasabay nila sa tour sa Tiger’s Nest kanina. They learned that the girls were Australian. Mukhang palaban ang tatlo na tila ba naghihintay lang ng pagkakataon na yayain nila ni Austin na magkaroon ng privacy. “Aren’t you going to do something to disturb the couple again?” biglang tanong ni Austin habang kumakain. Nagsalita lang ito nang mag-excuse ang tatlong babae na pupunta sa ladies' room para mag-retouch. Nagkibit lang ng balikat si Devance. “Nope, I was just making fun earlier. I want to respect their privacy, as long as Tri is happy. She deserves it.” “I see,” tipid na wika ni Austin. “A lot of things happened when you’re away from home. Muntik na akong maging mamamatay tao.” Bahagyang napailing si Devance nang maalala ang gabing muntik nang mapahamak si Triana sa kamay ng kanyang bayaw. Biglang naging interesado si Austin. Hindi niya pa nababanggit dito ang mga nangyari. “Why, what happe
“I’M SORRY, darling.” Nangilid ang luha ni Triana nang tingnan ang kasintahan. Kaagad silang bumalik sa hotel dahil pati sa kanya ay nag-text din ang ama ni Devance. He was asking where they were at the moment. Mukhang sinisiguro rin nitong magkasama talaga sila ng lalaki. “No need to be sorry. You know I always understand you, somehow naman na-predict ko nang ganito ang mangyayari oras na makasal ka. And I settled with it, right? I’m happy at least we’re together even for two days.” Niyakap siya ni Caleb nang mahigpit. Maya-maya pa ay tinulungan siya nitong mag-empake ng gamit. Nakagat ni Triana ang pang-ibabang labi nang matapos maayos ang kanyang mga gamit. Binalot ng sobrang lungkot ang puso niya. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita. She knew Caleb was a very busy man, and he would always make time for her. Patunay na kahit milya-milya ang layo nila ay gagawa ito ng paraan magkita lang sila. Niyakap niya ito nang mahigpit mula sa likuran. “I’ll miss you. Gagawa ako n
GALIT na hinawi ni Dexa ang ilang crystal vase na may mga pulang rosas mula sa bedside table nang marating ang kanyang silid. Nagsibasagan ang lahat ng mga vase at hindi pa siya nakuntento dahil nakuha pa niyang sipain ang isa sa mamahaling collection niya ng ceramic vase mula sa China na naitalang ginawa pa noong Qing Dynasty. Huli na para makaramdam siya ng pagsisisi dahil tuluyan nang nabasag iyon.“Damn you, bitch!” Nangangalaiti siya kay Triana at masamang-masama ang loob niya sa ama pati na rin sa bunsong kapatid. Pinagkaisahan siya ng mga ito.“Mga sinungaling!” Nagpupuyos ang loob niya sa galit. Alam niyang hindi perpekto si Xavier, pero sigurado siyang mahal siya nito at hindi nito magagawa ang inaakusa ni Triana. He promised her to start a new life with her before they got married two years ago. Nangako rin ito na para sa kanya ay magbabago na ito, at naniniwala siya sa asawa.Mabilis niyang tinungo ang walk-in closet. Laman niyon ang mga collection ng mamahaling bag at sapat
DUMATING ang Festival of Lights at gaya ng inaasahan ay naging abala ang pamilya Chaudhary sa mga bisitang dumating sa bahay mula pa sa iba-ibang panig ng mundo. They were Akhil’s relatives and there was a feast for a few days. Dumating rin ang ina ni Triana kasama ang kambal para maki-celebrate sa kanila. The house was full of colorful lights. Pakiramdam ni Triana ay equivalent ito ng Christmas sa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa kabisado ang sandamakmak na festivals na ginagawa sa bansang ito. But one of the things that surprised her was that their calendar year was approximately more than fifty-six years ahead compared to the Gregorian calendar. Bawat natutunan niya sa heritage ni Devance, namamangha siya. Halos buong linggo ang celebration at aminado si Triana na napagod siya sa pag-estima ng mga bisita. Gabi-gabi rin na magkasama sila ni Devance sa loob ng kuwarto nito dahil baka makahalata ang mga tao roon na hindi sila nagtatabi matulog. Wala rin patid ang reklamo
MULING naging tahimik ang bahay matapos ang Festival of Lights. Umuwi na rin sa Pilipinas ang pamilya ni Triana at mukhang nag-enjoy naman ang mga ito lalo na sina Travis at Tristan. At ngayon nagkaroon sila ng family meeting sa loob ng library sa third-floor ng bahay. “We will proceed with the European trip. You will join us to meet different investors and attend several business conferences as part of your training before I appoint you as the top-ranking executives of the company. Being the Chairman and the CEO is no joke, I’m telling you,” paliwanag ni Akhil sa mag-asawa. Katabi nito si Gracia na tahimik lang na nakikinig. Tumango lang sina Triana at Devance. “We’ll do everything to help you grow your empire, Dad.” “With my guidance. I know you will,” tiwalang sabi ni Akhil. “I admit I’m easy-go-lucky, but I took my studies seriously when I went to Oxford.” Devance sounded proud. Tumingin ito kay Triana at kumindat. Bukod kasi sa flight school sa Amsterdam, kumuha rin siya ng bu