Share

Chapter 53

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2023-05-02 15:22:22

Dumating ang araw ng birthday ni Lucas. Mabuti na lang din ay dumating ang in-order ko sa ibang bansa na drone. Iyon ang birthday gift ko sa kaniya dahil bukod sa pagiging magaling na engineer ni Lucas ay mahilig din siyang mag-adventure. Nahirapan pa nga akong maghanap ng ireregalo sa kaniya dahil lahat naman yata ay nasa kaniya na except sa drone. Hapon hanggang gabi ang birthday ni Lucas at medyo na-late pa nga kami sa call time dahil sa pag-aayos naming tatlo nila Stella at Caroline.

"Liam! Where's the birthday boy?" tanong ko kay Liam pagkatapos kong bumeso sa kaniya.

"He's with his friends malapit sa swimming pool area. Ang ganda mo ah!" sagot at puri naman siya sa akin.

Bahagya naman akong natawa at tinapik na lang siya sa balikat.

"Thanks! Ikaw rin. Puntahan ko lang muna si Lucas para ibigay 'tong presents ko sa kaniya," paalam ko naman.

Tumango lang naman sa akin si Liam at kumaway dahil mukhang may pupuntahan din siya. Nagkasalubong lang kasi kami roon. Ang dalawa ko namang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 72

    Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 71

    "Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 70: After Flashback

    [After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 69

    Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan lang naman ako ng anak at dahil 'yon sa pananakit sa akin ni Cristiano. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako lumaban sa kaniya ay sana hindi iyon nangyari. Kung nag-stay na lang sana ako sa kwartong 'yon at indahin ang pananakit niya sa akin.Tulala lang ako habang naka-upo sa hospital bed. Kanina pa ako iyak nang iyak doon at paminsan-minsan ay hihinto ako kapag napagod. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang hinihintay kong anak. Hindi ko man lang siya nahawakan, nakita, at kahit kailan hindi ko na siya makikitang lalaki pa kasama ako."Eat this so you can get some strength. Tinawagan ko na si Sabrina," sabi ni Cristiano.Hindi siya umalis sa tabi ko kanina pa kahit na nakailang beses na akong pagtaboy sa kaniya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko ang mga magulang at kapatid namin na sabik na sabik sa pagdating ng magiging anak ko p

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 68

    "Bakit sa akin mo ibinabalik ang mga salitang dapat sa'yo? You're the who's cheating here at hindi ako!" dagdag na sabi ko sa kaniya.Siya naman talaga ang nanloloko sa aming dalawa at hindi ako. Binalikan niya ang ex niya kinikita niya ito ng patago. Niloloko nila kami ng asawa ni Francine."So, bumabawi ka nga? You're doing this to shame me?! Ang kapal ng mukha mo! Pinakasalan lang kita dahil nabigla ako at dahil sa batang dinadala mo! I agree to marry a girl but nothing like you!" patuloy niya.Pinalis ko ang mga luha ko at umiling sa mga sinasabi niya. Kahit isa ay walang katotohanan doon dahil ang pagloloko ay ang bagay hinding-hindi ko kayang gawin dahil alam ko ang pakiramdam no'n. "Hindi ako bumabawi. Hindi kita niloloko-""Stop lying!" sigaw niya dahilan nang pagkahinto ko sa pagsasalita."Alam mong gusto ka ni Liam kaya ka sumasama sa kaniya! Sana pala sa kaniya ka na lang nagpakasal! Nagpakipot ka pa no'ng una pero gusto mo rin pala!" sunod-sunod niyang sabi sa akin.Halos

  • Billionaire's Unwanted Wife   Chapter 67

    "I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status