Tumambad na naman sa akin ang kadiliman. Alam kong may ilaw sa kwarto niya kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya sa maliwanag.
"Bakit ang dilim sa kwarto mo?" tanong ko. Baka isipin niya na paki-alamera ako. Ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam sa kaniya. Curious lang ako. Kung wala lang akong autophobia ay hindi ako maglalakas loob na pumunta dito.
"Don't like it," aniya. Kinumutan niya 'ko kanina kaya nakahiga ako habang nakatingin sa direction na pinanggalingan ng boses niya na balot na balot ng kumot.
Nasa bintana siya. Nakabukas ang bintana niya kaya pumapasok ang hangin mula sa labas. Masiyadong maginaw dahil sa lakas ng hangin dahil sa paparating na ulan at mula sa aircon.
Naka upo si Mr. Shein sa bintana niya. Hindi ko makita ang mukha but naaaninag ko ang hugis nito dahil sa konting liwanang mula sa pa minsan-minsang pagkidlat.
Nakatagilid siya sa akin kaya alam ko kung gaano katangos ang ilong niya. Naaaninag ko rin ang mahahaba niyang pilik mata at ang bibig niyang bumubuga ng usok dahil sa sigarilyo.
Nag yo-yosi siya. Wala siyang damit pang itaas kaya pati ang hubog ng katawan ay kitang kita ko rin. Nakatingin lang ako kung paano niya pagmasdan ang tahimik at madilim na kapaligiran sa labas.
Masiyado siyang misteryoso, masiyado siyang malungkot.
Nang bumaling siya sa gawi ko, pinatay niya ang yosi niya at nilagay sa ashtray na nasa gilid ng lamesa.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya. Kasi hindi ako makatulog. Isa ito sa iniisip ko bago ko permahan ang kontrata. Ayaw ko talaga na mag-isa ako kaya kapag nasa hospital si inay ay pinapapunta ko si Shiela sa bahay para samahan ako.
Iniisip ko kung sinong makakatabi ko sa kwarto. Inisip ko agad na si Mr. Shein marahil ang makakatabi ko dahil siya naman ang asawa ko but ang nangyari ay mag-isa lang pala sana ako sa kwarto ko dito sa bahay na ito.
Hindi ko aakalain na ako pala mismo ang pupunta sa kwarto niya para lang may makasama ako buong magdamag.
Mas mabuti na ito kaysa sa mamatay ako.
"Hindi ako makatulog," sagot ko. Sinirado na niya ang bintana at dahan-dahang lumapit sa 'kin. Naririnig ko na ang mga yabag ng paa niya.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko sensyales na nasa tabi ko na siya.
Iisa lang ang kumot sa kwarto na ito kaya naramdaman ko ang pagdampi ng paa niya sa paa ko.
"Kumain ka na?" narinig kong aniya sa tabi ko. Tumango ako. Nakaharap ako sa kisame. Hindi ko kayang humarap sa kaniya dahil kinakabahan ako.
Ramdam ko ang hininga niya sa balat ko kaya alam kong nakaharap siya sa akin.
Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko. Tahimik lang ako at hindi ko kayang mag reklamo. After all, binili niya ako.
"You should sleep," halos manayo ang balahibo ko sa boses niya malapit sa tenga ko. I could feel his nose on my cheeks.
"Amoy sigarilyo ka," hindi ko napigilang sabihin iyon sa kaniya. Naramdaman kong natigilan siya. Na offend ko ba siya? Pahamak talaga itong bibig ko minsan.
"Anong sabi mo?" ulit niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Naiinis na siguro ito panigurado sa 'kin. Ang daldal ko naman kasi.
"Wala. Goodnight," sabi ko at tumalikod sa kaniya. I heard him chuckled. Naramdaman ko na tumayo siya pero hindi ko na pinansin at pinilit ang sarili na makatulog.
Kinaumagahan, nang kapain ko ang higaan ay wala na si Mr. Shein sa tabi ko. Nilukob ng kaba ang dibdib ko sa kaisipang ako lang mag-isa.
Agad akong tumakbo papalabas ng kwarto niya. Sinubukang hanapin si Mr. Shein. Pero sa sobrang laki ng bahay niya ay hindi ko siya makita.
Anytime ay maiiyak na 'ko. Nagpatuloy ako sa pag hahanap hanggang sa makarating ako sa sala.
Nakahinga ako ng maluwag ng may nakita akong lalaki sa couch, nakaupo at nagbabasa ng magazine. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Sino ka?" tanong ko.
Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Walang emotion ang mga mata niya. Nang suyurin ko ang katawan niya, masasabi kong gwapo siya. Aside sa may magandang mukha, maganda rin ang hubog ng katawan niya.
May sinulat siya sa isang papel at inabot sa 'kin.
'I'm your bodyguard.' Aniya. Bodyguard? Bakit may bodyguard ako?
"Si Mr. Shein ba nagsabi sa 'yo?" tanong ko at tumango siya. Hindi ba siya nagsasalita?
"Hindi ka ba nakakapagsalita?" tanong ko. Hindi siya nag react. Nakatingin lang siya sa akin. Siguro, oo.
"Nasaan pala ang asawa ko?" tanong ko sa kaniya. Nakitang kong nagsulat na naman siya sa papel. Nakakainip naman kausapin siya.
'He's busy,' basa ko sa sulat niya. Nagkibit balikat nalang ako. It's his life, bahala siya. Basta may makasama lang ako, ayos na iyon.
"Come, let's eat." Sabi ko sa kaniya at inaya siya sa kusina. Ayos lang naman siguro pakialam ko fridge niya.
Nang mapadaan kami sa glass door, natigilan ako ng mapansin ang reflection ko sa salamin.
Magulo pa ang buhok ko. Ang pangit ng itsura pero mas naagaw ng attention ko ang namumulang bahagi ng balat ko na nasa bandang leeg ibabaw konti sa dibdib.
Napahawak ako dito.
Bakit namumula ito? Kagat ba ito ng lamok? Humarap ako sa bodyguard.
"Kagat ba ito ng lamok?" tanong ko. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa itinuturo ko.
Nagsulat siya sa papel.
"Maybe," aniya. Tumalikod ulit ako para tignan. Really? Kagat ng lamok ito? Isang batalyon ba ng lamok kumagat dito at masiyadong malaki ang pamumula ng balat ko?
Ipinagsalawang bahala ko nalang at pumuntang kusina.
"Umupo ka nalang diyan. Magluluto muna ako. What do you want?" Sabi ko habang pinapaki alaman ang fridge ni Mr. Shein.
Ay oo nga pala, hindi pala siya nagsasalita. Humarap ulit ako sa, ano nga ulit pangalan niya?
"Anong pangalan mo?" tanong ko.
Nagsulat siya sa papel saka binigay sa 'kin. Seryoso, time consuming siya kausap.
"Harold and I want chicken adobo." Sabi nito. Chicken adobo? Tamang tama pala dahil specialty ko yata ang chicken adobo.
"Alright." Sabi ko at kumuha ng ingredients sa fridge.
Nang maluto na ang adobo ay sabay kaming kumain ni Harold. Magana siyang kumain, halos naubos niya ang kanin.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Iniisip ko si Mr. Shein. Paano ko pala gagawin ang wife duties ko for him kung busy siya lagi?
"Nasaan pala ang asawa ko? I mean, alam mo kung nasaan siya? Balak ko sanang dalhan siya ng lunch niya mamaya."
Naubo bigla si Harold kaya nataranta ako at binigyan siya ng tubig. Dagan dahan naman kasi sa pagkain para hindi mabilaukan.
Nang makainom na siya ng tubig ay tumingin siya sa akin. Naghihintay ako ng sagot niya. Kumuha siya ng ballpen at papel saka sumulat ulit.
"You can't talk to him. He's really busy." Basa ko. Siguro sinabihan siya ni Mr. Shein na hindi siya disturbuhin. But I'm sure, he won't mind kung kaibigan niya ang uutusan ko.
"How about Richmoon? Can you call him?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko. What? Anong mali doon?
Sumulat ulit siya and this time ay parang pagalit na.
"Why would you call him? Do you like him?" tumingin ako sa kaniya at masama ang tingin niya sa 'kin. Bakit galit siya?
"Easy. Gusto ko lang naman na makisuyo sa kaniya para dalhan si Mr. Shein ng pangtanghalian niya. It's my duty as his wife." Sabi ko. Natahimik siya bigla at unti-unting nawala ang galit sa mukha niya.
Nagsulat siya ulit. "Fine," sabi nito. Ngumiti ako at nagpasalamat.
"Kumain ka ulit," sabi ko.
Naglinis lang ako sa malaking bahay ni Mr. Shein, inuutusan ko si Harold na buhatin ang mga mabibigat na bagay sa loob. Maganda ang interior design ng bahay niya pero sa labas, ang daming patay na puno. Nagmumukha itong haunted mansion kaya hindi nababagay ang bahay sa ambiance ng lugar.
Kakausapin ko si Mr. Shein mamaya kung pwede ko bang linisan ang labas.
Nang magtanghalian na ay nagluto na 'ko para kay Mr. Shein at sa lunch namin ni Harold.
Nasa tabi ko siya at tinitignan ang mga ginagawa ko. Nang ilalagay ko na sa lunchbock ay inayos ko ng mabuti para aesthetic.
Malapit na 'kong matapos ng kinalabit ako ni Harold kaya napatingin ako sa kaniya. Agad niyang binigay sa 'kin ang isang pirasong papel na sinulatan niya.
"Bakit mo pinapaganda?" basa ko sa sulat niya. Itong pagkain ba ang tinutukoy niya?
"Para naman ganahan siya sa pagkain." Sabi ko. Tamang-tama naman dahil pumasok si Richmoon.
"Hello Lorelay, hello H-" nabitin sa ere ang sasabihin niya nang bigla itong natahimik. Nakatingin ito kay Harold kaya lumingon ako sa katabi ko at nakitang nakatingin lang ito kay Richmoon.
"Oh okay," sabi ni Richmoon. Kunot noong nagpapalit palit nang tingin ako sa dalawa. Anong nangyayari?
"So bakit mo pala ako pinatawag Lady Lay?" tanong ni Richmoon. Andito na naman tayo sa Lay Lay na iyan. Nakakailang.
"Huwag mo na akong tawaging Lady Lay, Richmoon. Lalay nalang if you want." Sabi ko. Nakita ko siyang sumulyap kay Harold at agad na napatayo ng tuwid bigla. Tumikhim siya at hilaw na ngumiti.
Kinuha ko ang lunchbox at lumapit kay Richmoon. "Pakibigay ito kay Mr. Shein. Sabi kasi ni Harold ay busy raw siya." Nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya at agad siyang napaatras. Muntik pang nahulog ang lunchbox.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Wala akong sakit." Sabi ko.
"No, I mean. Yeah. You're perfectly fine. Sorry, nagulat lang ako." Aniya at sumulyap ulit kay Harold. Nakita kong may namumuo ng pawis sa mukha niya.
"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong. Lumapit ako sa kaniya at agad na nilapat ang kamay ko sa noo niya to check if may lagnat ba siya.
"Sweet Jesus!" Agad siyang napaatras. This is too much.
"Wala nga akong sakit." Naiinis na sabi ko na.
"I k-know. Huwag ka l-lang lumapit." Aniya. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Siya ang lumapit sa 'kin. Hindi ako!" Aniya kay Harold. Nang tignan ko si Harold ay madilim ang mukha niya habang nakatingin sa amin dalawa ni Richmoon.
"I'm leaving," sabi ni Richmoon at nagmamadaling umalis sa harapan namin na para bang may hinahabol. Weird.
---------
Kasama ko si Harold sa labas. Naglilinis ako ng buong bahay. Sinabihan ko siya na huwag niya 'kong iiwan kaya wala siyang nagawa kun'di samahan ako kahit saan man ako magpunta.
"Harold, paki abot nga iyong shovel. Magbubungkal ako ng lupa." Sabi ko sa kaniya nang mapansin na biyak-biyak ang lupa sa labas ng bahay ni Mr. Shein.
Kinuha niya ang shovel at nang aabutin ko na sana ay agad niyang inilayo ito.
Dahil hindi siya nakakapagsalita, kanina pa kami tahimik lang at walang kibo sa isa't-isa. Hindi rin naman ako nagtatanong dahil nakakainip mag hintay sa sagot niya na isinusulat pa niya sa isang pirasong papel.
Agad kaming naglabas ng hose at ikinabit sa gripo sa labas para binyagan ang lupa."Harold, pakihawak muna ng hose. Ililigpit ko lang itong mga equipment." Hinintay ko siyang makalapit sa akin para maabot ang hose.
Agad niyang kinuha ang hose sa kamay ko, nang tumalikod ako ay napatili ako nang sa akin tumama ang tubig.
What the fvck!
Nang lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang walang emotion na nakatingin sa 'kin.
Hello everyone, I don’t know kung may nakaabot sa chapter na ito dito banda e. Haha. As you see, iyong tatlong book e posted na as separate book pero dahil may ibang readers na hindi yun mahanap so I decided na isama ang apat na book dito.Naisip ko po na dagdagan pa ito ng isa pang book na hindi pa nababasa or hindi ko pa na post. Agree ba kayo na dagdagan ko pa? Story po ito ni Laris Shein.Hesitant akong ipagpatuloy siya kasi baka mamaya e wala palang nagbabasa na ng story na umabot hanggang dito. Haha. What do you think po? Dapat ko bang ipagpatuloy? Or hindi? Wait po ako sa reply niyo.Kapag umabot ito ng siguro 100 comments (chareng), ipagpapatuloy ko ang 5th book.SALAMAT PO. WAITING AKO SA REPLY NIYO LAHAT. (Sana meron. huhu)
HULI(THIRD PERSON)“Are you not bothered na laging kuya mo ang napupuri?” Rit smiled at the ladies at umiling.“Why would I?”“He’s the eldest so hindi ba parang sa kaniya una mapupunta ang yaman ng pamilya niyo?”Dalawa lang sila ni Kuarter yet they were always be compared to each other by the lads.“I can get rich if I want,” Rit answered as he si pped his wine from the glass.“Your parents allowed you to drink?” manghang tanong ng mga kaedaran niya na kasama sa social gatherings ng elites.“Yeah. I have an amazing parents,”Kanina pa gustong umuwi ni Rit. Wala lang siyang choice kun’di makipagplastikan sa mga taong kailangan niyang makasalamuha.He’s a college student but already reigning an empire at the young age. Even the Shein didn’t know that. Rit pretended to be dumb and a weakling baby where in face he’s dangerous like his ancestors.Bored niyang tinitignan ang ilang mga numero na pumapasok sa bank account niya. Profits from the investments he made since he was in high schoo
ZEYM“Coffee?” nag-angat ako ng tingin at nakita si Eli na inaabutan ako ng kape. Si Sico ay kausap si Rachelle kasama ni Lando.“Ang lalim ng iniisip. Tungkol ba ito kay Hanny?”“Kua said that he saw her. Naaawa ako sa anak natin. Kung saan maayos na siya, bumalik na naman ang trauma niya.”“Baka kamukha lang ni Hanny ang nakita niya. We’re there at nakita naming nilibing ang abo niya,”Alam ko. Lahat din nang nakakita ay sinabing patay na si Hanny. Ang amin lang ay sana makalimutan na ni Kua ang batang iyon dahil ayaw naming makita siyang pawisan na gumigising sa gitna ng gabi.Hinawakan ni Eli ang kamay ko at ngumiti. “Everything will be fine. Dalawa tayong ina niya ang magtutulungan para malampasan niya ulit ang mga bangungot ng nakaraan niya.”Eli is right. Dapat kong alisin ang mga negatibong ideya sa isipan ko.Enjoyin ko nalang ang outing namin ngayon. Narito kami lahat sa bahay ni Eli at Sico. Nandito rin si daddy Zee kasama ni Doc Mia at ibang mga kaibigan ni papa gaya ni unc
ZEYMIsang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong basahin ang libro na binili ni Lando sa akin. Kanina pa ako nakangiti na parang baliw pero ang totoo ay umuusok na itong ulo ko sa inis sa kaniya.“Sweetie, you want te—err what happened?” nabitin sa ere ang sasabihin niya nang makita ang itsura ko.“You wanna die?”He looked confuse.“What’s this?” sabi ko at pinakita sa kaniya ang librong binili niya.“A book?” hindi niya sure na sagot. Bigla siyang napalunok nang makita na mas lalong lumabas ang kunot sa noo ko.“Mukha ba akong s3x addict?” nanlaki ang mata niya at tinignan ang libro na hawak ko. Mukhang na-realize niya anong libro ang binili niya sa akin.“Ah—actually, I forgot something—"“Come here,”Magpapalusot pa siya para makaalis.“What?”“I said, come here,”Napalunok siya at kinakabahan na humahakbang papunta sa akin.Do I look like a monster at ganiyan siya katakot?Umupo siya sa kama, sa tabi ko. Lumapit ako sa kaniya na agad niyang ikinapikit. Akala
Nasa likuran ako ni Kua at tinitignan namin ang mga tao na hinahatid ang abo ni Hanny sa paglalagyan niyo.Akala ko nga ay ilalagay ng pamilya ni Hanny ang abo niya sa bahay but it turned out na ilalagay din pala pa rin nila ito sa sementeryo.I’m wondering bakit kailangan e-cremate kung ililibing din pala nila?Kung sabagay, mula sa nalaman ko ay minamaltrato ang bata kaya siguro ayaw ng pamilya niya panatilihin ang abo nito sa bahay nila.Nasa malayo kami ni Kua, umiiyak ang anak ko habang nakatingin sa malaking picture portrait ni Hanny.Hindi ko siya kilala personally, pero kung sino man siya, alam kong mabuting bata siya dahil gustong gusto siya ng anak ko.Matapos ang libing, umuwi na kami agad.Sinalubong kami ni Rit na nag-aalala sa kuya niya. Kua on the other hand went to his room. Ayaw niya sigurong makita na nag-aalala kami sa kaniya.“Is he gonna be okay, mama?” tanong ng anak ko.Tumango ako.“Yes cause your brother is strong anak,”“I’m afraid he’s not, mama,” tumingala
ELIZABETHMy boys were so OA to the point na hindi ko alam kung miinis o matatawa ako sa pinaggagawa nila. It’s been almost 2 weeks nang makalabas ako, at naghihilom na ang sugat ko.Nakauwi na nga rin kami ni Sico sa bahay namin, and as for Kua, he asked Zeym to stay with us. Zeym agreed dahil aalis rin naman sila ni Lando for 1 month.Alam na kung saan ang pakay nila. Anyway, masaya kaming lahat para kay Zeym. Kung ano ang trato sa kaniya ng lahat no’ng sila pa ni Sico, ay ganoon pa rin naman ngayon.It’s just that, everyday na siyang nakangiti at blooming. Halatang masaya siya sa piling ni kuya Lando.Kakabalik lang ni Sico sa trabaho, dahil halos ayaw niya akong iwan mag-isa sa bahay lalo’t kapag may pasok ang mga bata kaya natagalan talaga ang pagbalik niya. Tambak na ang trabaho niya sa opisina.Si Rit, sa public school pa rin siya pumapasok. I asked him kung gusto ba niyang lumipat ng school noon kung nasaan ang school ng kuya niya, he firmly said NO kahit na lagi niyang ginaga