เข้าสู่ระบบGood evening po dito.
Nakalapit na siya nang husto kay Niorr. Ang kaniyang magkabilang kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ng bilyonaryo, ang kaniyang mga daliri ay nakabaon sa lambot ng cashmere sweater nito, dama ang nanigas na kalamnan ng lalaki sa ilalim ng tela.“I-I'm sorry...” nauutal at nanlalaking-matang bulong ni Charlotte. Akma siyang bibitaw at aatras pabalik sa kaniyang pwesto upang humingi ng tawad sa kaniyang kapangahasan.Ngunit bago pa man tuluyang makawala ang kaniyang mga kamay, mabilis na gumalaw si Niorr.Inabot ng bilyonaryo ang kamay ni Charlotte na nakapatong sa kaniyang braso. Hindi nito tinabig ang dalaga. Sa halip, marahan ngunit mahigpit nitong hinawakan ang nanginginig na kamay ni Charlotte, pinipigilan itong lumayo.“It’s okay. I've got you. The glass is bulletproof and storm-grade. It won’t break,” mababang bulong ni Niorr, ang boses nito ay isang matibay na angkla sa gitna ng bagyo ng emosyon ni Charlotte.Niorr gently steadied her. Ngunit nang makalma na ang dalaga...
Nang matapos ang kanilang hapunan, unti-unting pinawi ng katahimikan ang mga huling halakhak na nagpalitan sa pagitan nilang dalawa.Sa sandaling iyon, pagkatapos nilang pagsaluhan ang simpleng pagkain sa ilalim ng liwanag ng kandila, pakiramdam ni Charlotte ay nag-iba ang takbo ng mundo.Tahimik na iniligpit ni Manang Flor at ng isa pang maid ang mga walang-lamang plato, nag-iiwan lamang ng dalawang baso ng tubig at isang mahinang ngiti bago sila tuluyang nagpaalam upang magpahinga na sa kabilang bahagi ng villa.Dahil wala pa ring kuryente at nananatiling delikado ang labas dahil sa hagupit ng bagyo, walang ibang pagpipilian ang dalawa kundi ang manatili sa main lounge.Ang silid ay maluwang, napalilibutan ng matataas na bintanang yari sa makapal na salamin kung saan tanaw ang nagngangalit na ulan at paghampas ng hangin sa mga puno ng pino. Ngunit sa loob, ang kapaligiran ay balot ng init mula sa fireplace at ng ginintuang liwanag ng mga kandilang nagkalat sa mga mesa at estante.Na
Si Vanessa.Maya-maya pa ay bumalik si Manang Flor kasama ang isa pang maid, dala ang hapunan.Walang mga pormal na plating. Isang malaking bandehado ng mainit na kanin, dalawang plato ng ginigisang corned beef na may patatas, hiniwang itlog na maalat na may kamatis, at isang platito ng pritong tuyo na umaamoy sa buong dining hall.Pagkaalis ng mga staff, naiwan silang dalawa. Ang tanging naririnig ay ang ulan at ang pag-huni ng nasusunog na kahoy sa fireplace.Tiningnan ni Charlotte ang pagkain, pagkatapos ay napatingin sa bilyonaryong nasa kabilang dulo ng mesa na seryosong kumukuha ng kanin at inilalagay sa sariling plato.Hindi napigilan ni Charlotte, isang mahinang tawa ang kumawala sa kaniyang mga labi.Napatigil si Niorr, ang hawak na serving spoon ay nanatili sa ere. Tumingala siya, ang kaniyang madilim na mga mata ay nagtatanong ngunit walang bahid n
Binalot sila ng napakakapal at napakalamig na kadiliman.Kasabay ng pagkawala ng mga ilaw ay ang biglaang paghinto ng mahinang hum ng main generator na kanina pa nagsisilbing artipisyal na pintig ng buong villa.Ang tanging natira na lamang ay ang nakakabinging hagupit ng hangin at ulan na marahas na humahampas sa makapal na salamin ng veranda.Napasinghap si Charlotte. Sa gulat niya, awtomatiko siyang napaatras. Ngunit bago pa man siya makalayo at tuluyang lamunin ng panik sa dilim, isang malakas at mainit na kamay ang mabilis na humapit sa kaniyang baywang.“Stay still,” ang mababa, baritono, at kalmadong boses ni Niorr ay umalingawngaw sa itaas ng kaniyang ulo, ilang pulgada lamang ang layo mula sa kaniyang tainga.Napasandal si Charlotte sa matigas na dibdib ng bilyonaryo.Ang init ng katawan ni Niorr ay tila isang matibay na pader na
Matapos ang tanghalian, muling bumalik si Niorr sa kaniyang trabaho, habang si Charlotte ay tumulong sa caretaker sa pag-aayos ng mga plato.Isang araw lamang silang nandito, ngunit pakiramdam ni Charlotte, ang villa na ito ay isang hiwalay na uniberso kung saan maaari siyang huminga nang maluwag.Pagsapit ng alas-tres ng hapon, muling nagbago ang ihip ng hangin.Ang kalangitan, na kanina ay kulay abo lamang, ay muling nagdilim na tila gabi. Ang hangin na humahampas sa mga puno ng pine sa labas ng villa ay lalong bumagsik, sinasabayan ng malalakas na patak ng ulan na tila mga batong tumatama sa bubong.Nakatayo si Charlotte sa may pasilyo malapit sa kusina nang lumapit ang may-edad na caretaker na si Manang Flor. May dala itong mga dagdag na kandila at emergency lamps.“Hija, ipinaalam sa akin ni Sir Sebastian na lalong lumakas ang signal number ng bagyo,” wika ng matanda, ang mukha ay bakas ang pag-aalala. “Malamang ay abutin pa tayo ng panibagong gabi bago talaga makapasok ang clear
“We cannot leave today.”Napatigil si Charlotte.Ang mga salitang iyon ay tila isang malakas na kulog na yumanig sa kaniyang sistema. Dalawampu’t apat na oras pa?Isa pang gabi sa ilalim ng iisang bubong kasama ang lalaking asawa ng kaniyang kaibigan? Ang lalaking halos halikan niya kagabi?Mabilis na humarap si Charlotte. “P-Paano po si Vanessa? Baka atakihin ulit siya kapag nalaman niyang hindi tayo makakauwi ngayon! Buntis siya, b-baka…”Agad na lumapit si Niorr sa kaniya. Hindi man lang nito tiningnan si Sebastian na tahimik na umatras at lumabas ng lounge upang bigyan sila ng privacy.“Charlotte,” marahang utos ni Niorr, napansin ang pamumutla ng dalaga.“Pero Sir—N-Niorr… buntis si Vanessa. Alam kong nag-aalala siya nang sobra—”“She is safe,” putol ni Niorr, ang kaniyang boses ay may halong awtoridad na nag-uutos na maniwala si Charlotte sa kaniya. “The main mansion has a state-of-the-art medical wing. I have three specialists monitoring her around the clock. The security team
“Gagawin ko lang ‘to para masiguradong ligtas ang anak ko paglabas niya. At sa oras na mailabas mo na siya… doon magtatapos ang lahat ng koneksyon natin. You will go back to your cell, and I will take my son. Never to see you again.”“Deal,” maikli niyang sagot, ni walang pag-aalinlangan. Na para b
“Ginamit kita, Niro,” matigas niyang diin. “I played the sweet, runaway bride, and you fell for it. Kung hindi lang ako na-double cross ni Marcus. Tatakasan narin sana kita, nasa ibang bansa na sana ako ngayon, nagpapakasarap sa pera mo.”“Paano ang anak natin?” nanginginig ang boses kong tanong. T
“I’ll take care of it! Just don’t stress yourself. Makakasama 'yan sa baby natin…”Sandali akong napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi niya sa Video.Baby natin?Parang may malakas na bombang sumabog sa loob ng utak ko. Tumigil ang pag-ikot ng paligid. Dumilim sa galit ang paningin ko!Para
Sylviea’s Point Of View“Someone’s planning to k*ll you!”Parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko mula kay Aries. Nakatingin lang ako sa kaniya, pilit na pinoproseso ang mabibigat na salitang binitawan niya.Pap*tayin?Ako?Unti-unting umiling ang ulo ko.Nanlamig ang mga kamay







