LOGINMagandang araw po.
THIRD PERSON’S POVSa loob ng lower library ng West Wing, tahimik na nakaupo si Charlotte sa isang malambot na sofa.Hawak niya ang isang lumang nobela, ngunit ang kaniyang mga mata ay kanina pa nakatitig sa iisang pahina.Ang kaniyang isip ay patuloy na binabagabag ng nakakaluray na konsensya. Ang bawat alaala ng marahas at mapusok na halik ni Niorr noong gabing iyon sa private rest suite ay tila isang matulis na patalim na sumasaksak sa kaniyang moralidad bilang isang kaibigan.Ahas ako... ahas ako sa taong nagpakain sa akin...Biglang bumukas nang marahas ang double doors ng library, na nagpatalon kay Charlotte sa matinding gulat. Pumasok ang head security guard, hingal na hingal at namumutla ang mukha.“Miss Charlotte! Kailangan niyo pong sumama sa akin sa East Wing ngayon din!” taranta nitong saad.Mabilis na napatayo si Charlotte, nalaglag ang hawak niyang libro sa sahig. “B-Bakit? Anong nangyari kay Vanessa? Ang baby?!”“Nagwawala ang kaniyang blood pressure, Miss Charlotte! Sa
Mabilis na lumipas ang mga oras at ang makulimlim na kalangitan sa ibabaw ng Figarlan Estate ay tuluyang nilamon ng kadiliman ng gabi. Alas-sais na ng gabi nang pumasok ang bulletproof na Maybach ni Niorr sa malawak na driveway. Bakas sa kaniyang matikas na mukha ang matinding pagod mula sa maghapong pakikipagpulong sa mga banyagang investors, ngunit ang kaniyang mga mata ay agad na naghanap nang pumasok siya sa main hall.“Nasaan si Charlotte?” malamig na tanong ni Niorr kay Sebastian na agad na kumuha ng kaniyang briefcase at coat.“Nasa lower library po, Sir Niorr,” pormal na sagot ng head butler habang yumuyuko nang bahagya. “Ayon po sa utos ninyo, hindi po siya lumabas doon at sinigurado po ng security na wala siyang naging problema.”Tumango si Niorr nang pinal, bahagyang lumambot ang kaniyang panga bago naglakad patungo sa kaniyang private study sa West Wing upang magpalit ng kasuotan at asikasuhin ang ilang huling email.Samantala, sa loob ng East Wing suite, ang tensyon sa pa
Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa balkonahe ng Master Suite sa West Wing.Ang bawat paghinga ni Charlotte ay tila may kasamang bigat na hindi niya maipaliwanag.Suot niya ang isang malambot na beige cashmere sweater na pinili mismo ni Niorr para sa kaniya mula sa mga bagong luxury box na dumarating araw-araw.Ngunit sa kabila ng marangyang telang nakabalot sa kaniyang balat, pakiramdam pa rin niya ay hindi siya nararapat sa lugar na ito.Naramdaman niya ang marahang pagdampi ng malalawak na palad ni Niorr sa kaniyang mga balikat mula sa likuran."You are overthinking again, Charlotte," mababa at baritonong bulong ni Niorr sa gilid ng kaniyang tainga. Ibinaba ng lalaki ang mukha nito, marahang idinampi ang mga labi sa makinis na leeg ng dalaga, na nagdulot ng banayad na panginginig sa buong katawan ni Charlotte."Niorr..." mahinang usal niya, pinihit niya ang kaniyang katawan upang harapin ang bilyonaryo. Ang kaniyang mga matang puno ng kawalan ng kasiguraduhan ay sumalu
Bumalik ang katahimikan sa loob ng napakalaking library. Ang tanging naririnig na lamang ay ang mahinang pagpatak ng ulan sa salamin ng bintana at ang mabigat na paghinga nina Niorr at Charlotte.Nakatayo pa rin si Charlotte sa gitna ng silid. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig pa rin, ngunit pakiramdam niya ay may napakabigat na dusa ang naalis sa kaniyang dibdib.Dahan-dahang humarap si Niorr sa kaniya. Hinawakan ng bilyonaryo ang dalawang balikat ng dalaga at inilapit ito sa kaniyang dibdib.“It's over, Charlotte,” malambing na bulong ni Niorr, inilalapat ang kaniyang noo sa noo ng dalaga. “You don't owe her anything anymore.”Sumandal si Charlotte sa matigas at mainit na dibdib ng lalaki. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, dinarama ang amoy ng mamahaling woodsy cologne nito at ang mabilis na tibok ng puso nito.“P-Paano po ang bata, Sir Nior
Tumingin si Niorr sa direksyon ng alcove sa likod ng kaniyang desk.“Charlotte,” malumanay na tawag ni Niorr. “You can step out now.”Natigilan si Vanessa. Biglang napahinto ang kaniyang pagwawala, nanlaki ang kaniyang mga mata habang dahan-dahang humaharap sa gilid ng silid.Mula sa likod ng makakapal na velvet drapes, dahan-dahang lumabas si Charlotte.Namumutla ang dalaga, ang kaniyang mga mata ay pulang-pula sa pag-iyak, ngunit sa kaniyang mukha ay wala na ang dating takot—pinalitan na ito ng matinding pait, pagkabigo, at ang malinaw na katotohanan.“C-Charlotte?” nauutal na usal ni Vanessa. “N-Nandiyan ka?”Tinitigan ni Charlotte si Vanessa. Ang babaeng inakala niyang nagligtas sa kaniya, ang babaeng paulit-ulit niyang pinrotektahan at kinauutangan ng loob, ay tiningnan lang pala siya bilang isang basahan at gamit na pambait.“Narinig ko ang lahat, Vanessa,” mahinang wika ni Charlotte, ang kaniyang boses ay nanginginig ngunit may linaw. “Narinig ko kung paano mo ako tingnan... ku
Ang private library sa West Wing ng Figarlan mansion ay isang napakalaking silid na gawa sa mamahaling dark mahogany wood at napapalibutan ng libo-libong mga lumang libro.May malaking fireplace sa gilid, at sa gitna ay ang maawtoridad na mesa ni Niorr. Sa likod ng mesa ay may isang lihim na recessed seating area—isang alcove na natatakpan ng makakapal na velvet drapes at antique bookshelves.Ipinwesto ni Niorr si Charlotte sa loob ng alcove.“Stay here,” mahinang bulong ni Niorr, habang inaaayos ang kurtina upang bahagya lamang itong nakatagilid—sapat para makita at marinig ni Charlotte ang buong silid nang hindi siya napapansin ng sinumang nasa pinto. “Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi.”Napakagat-labi si Charlotte, nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakaupo sa leather couch sa loob ng alcove. Ang kaniyang puso ay pumipintig sa takot at kaba.Ilang minuto lamang ang lumipas, narinig ang malalakas at marahas na hakbang mula sa pasilyo.Bumukas nang malakas ang doub
Sylviea’s Point of ViewFigarlan Tower.Halos dalawang lingo na matapos ang nangyaring insedente sa Sky Island Paradise project. Isa sa tatlong major investors ang umatras kahit pa hindi pa natatapos ang ginagawang investigation sa nangyari.Ang totoo, halo halo na ang mga dahilan ng kaba at takot k
Sylviea's Point Of View“Viea, go to the exit. Now.” Anito na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko! Bakit? Bakit niya ba ako inaalala ng ganito?“N-Niro—” nahinang saad ko pero hindi ko magawang tapusin.Whoosh!Isang mabilis na ningas ng asul na apoy ang gumuhit sa kisame—isang flash fire. Hind
Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?”“D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka p
Sylviea De Guzman’s Point Of ViewMarahan kong imunulat ang mga mata ko, umaga na pero pakiramdam ko kulang ako sa tulog.Agad akong napabalikwas ng bangon ng maalala ang ginawa ko kagabi, agad kong sinilip kung nasa ilalim nga talaga ng unan ko ang folder na kinuha ko.Nandito nga.Kasabay noon, ta







