MasukCHAPTER 9“Hindi pwede, Sir! Iyon ang hindi ko po kayang gawin!” mariin kong tutol. Bakit naman ako titira sa condo niya? Nahihibang na ba siya? Wala namang sekretaryang nakikitira sa bahay ng kanyang boss!“Why? I want to take care of my own son, Callie. You will move into the condo, and we’ll go get your things. Give me your address,” matigas niyang utos habang nakakunot ang noo ang ekspresyong madalas kong makita kapag naiinis na siya sa trabaho. Bahagya pang umigting ang kanyang panga.“Sir, alam niyo naman po ang sitwasyon natin. Sana po ay pag-isipan ninyong mabuti. Kinikilala ko naman po ang karapatan ninyo bilang ama ng aking anak! Pero hindi po kailangang umabot sa punto na sa iisang bubong na tayo titira,” mahaba ngunit matatag kong paliwanag.Nanatiling malamig ang kanyang paningin sa akin, tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. Ngunit kailangan kong panindigan ang aking desisyon."Fine, I'll give you what you want,"Nagulat ako sa ginawa niyang pagpayag. Hindi ko inaasaha
CHAPTER 8Napaawang ang aking mga labi. Ilang beses ko itong binuksan, ngunit walang salitang lumabas sa aking bibig. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Kahit naka-full ang aircon sa loob ng sasakyan, parang biglang uminit ang paligid. At kahit malaki naman ang puwang sa pagitan naming dalawa, pakiramdam ko ay sumikip nang husto ang buong espasyo.“N-naaalala mo, Sir?” nauutal at halos pabulong kong tanong.“No, I’m just testing you.” walang emosyong sagot niya habang ibinaling muli ang tingin sa daan. “Now I’m certain that child is mine.”Ang dali-dali kong mahuli! Wala na. Sigurado na siyang siya ang ama ng batang dinadala ko sa aking sinapupunan.“Sir, please, nakikiusap po ako. Pwede po bang itago na lang natin ito? Sana po ay walang ibang makaalam na anak ninyo ang dinadala ko…” pakiusap ko sa kanya.Dahil kahit anong mangyari, kahit baliktarin pa ang mundo, ako pa rin ang magmumukhang masama. Ako ang may kasalanan. May karelasyon siya, at siguradong masisira ang lahat ng
CHAPTER 7"Congratulations! You are having a baby boy!" maligayang anunsyo sa amin ng doktora. Napangiti ako at parang lumutang sa tuwa ang aking puso. Lalaki ang magiging anak ko! Hiniling ko na sana ay babae kasi parang ang sarap damitan ng mga batang babae. Ngunit kahit ano pa ang kasarian niya, tatanggapin ko siya ng buong puso at mamahalin ko ng buong-buo."Finally, a Victoriaux's heir that I've been waiting for," Sir Julian said while smirking. Naguguluhan pa rin ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano niya nalaman na siya ang ama? Magiging masaya ba ako na magkasama naming inalam ang kasarian ng anak namin? O makakaramdam ako ng pangamba dahil ito na ang simula ng pagbabago ng buhay namin ng aking anak? "Congratulations for your first child, Mr. Victoriaux," ani ng doktor at nakipag-kamay pa ito kay Sir Julian.Habang nakatitig ako kay Sir Julian ay bumalik sa aking mga alaala ang mga sinabi niya noong tinanong niya ako kung sino ang ama ng aking dinadala
CHAPTER 6“Are you okay? Does it hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa aking tiyan. Ayokong may makakita sa aming dalawa at mapag-usapan pa kami ng iba. “Ayos lang po ako, Sir…” sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, ang paghawak sa aking tiyan.Lalong tumibay ang aking kutob. May alam siya… May alam siya… Ngunit mas nakakatakot pa rin ang kanyang pananahimik. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.Ibinahagi ko sa aking matalik na kaibigang si Monica ang lahat ng aking pagdududa. Nasa loob na ako ng aming apartment, at nakapatong sa aking kandungan ang isang lalagyan ng mangga at bagoong. Kahit gabi na ay patuloy pa rin akong kumakain, ito kasi ang gusto ng aking anak ngayong gabi.“Kinakabahan din ako para sa’yo, Callie. Base sa mga kwento mo, parang may kutob na rin akong may alam siya,” sabi niya habang maingat na kinukutkot ang kanyang kuko. Magkaibigan na kami mula pa noong senior high school, at saba
CHAPTER 5“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya.Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa aking katawan. Pinipili ko ring magsuot ng kulay itim upang mas lalong matakpan ang aking tiyan. Hindi ko pa rin nasasabi sa aking mga magulang ang tungkol dito. Kapag nag-uusap kami sa isang video call ay mukha ko na lang ang aking pinapakita sa kanila. Napansin nga nila na medyo nagkaroon ako ng laman ngayon. Ganado akong kumain ngayong buntis ako. Kung ano-ano na lang ang aking cravings, na kahit madaling araw ay naghahanap pa ako ng pagkain. Dahil doon ay nadagdagan ang aking timbang.“When is your next check-up?” tanong niya sa akin. Mula sa kanyang laptop ay umangat ang tingin niya sa akin.Nang malaman niyang buntis ako ay napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Sir Julia
CHAPTER 4Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang marinig ko iyon mula sa mga labi ni Sir Julian."Sir, pasensya na po. Hindi naman po magkakaroon ng problema kung magtatrabaho ako habang buntis ako, Sir. Hindi na po mauulit 'to," pagpapaliwanag ko.Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Dahil ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para mayroon akong igagastos sa panganganak ko. Mag-isa ko lang siyang bubuhayin, kaya kailangan ko ng pera. Malaki ang kinikita ko rito sa kumpanya.Napailing siya at mas lalong nagalit sa aking sinabi. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kasama naming nurse na nakatayo sa gilid.“Can you leave us alone for a moment? I just want to talk to her privately,” malamig na utos niya. Napayuko agad ang nurse at halos makita ko ang pangamba sa kanyang mga mata sa tigas ng boses ni Sir Julian.Lumapit agad ito sa akin nang marinig namin ang pagsara ng pinto, isang senyales na lumabas na ang nurse.“When did you find out you were pregna
CHAPTER 3Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap para sa akin na itago ang aking pagbubuntis. Madalas ay inaantok ako, at ilang beses na akong nahuhuli ni Sir Julian na nakakatulog sa oras ng trabaho.“Aren’t you getting enough sleep at night?” nagtatakang tanong ni Sir Julian dahil nahuli na
CHAPTER 2Malayo ako sa aking pamilya. Nandoon sila sa Negros habang nandito naman ako sa Cebu, nagtatrabaho at naghahanap-buhay ng mag-isa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sundalo ang Kuya ko ngunit mayroon na itong sariling pamilya. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng tulong sa a
CHAPTER 1Ang maririnig mo lang sa loob ng office ay ang tunog ng pagtitipa sa keyboard. This is the usual day in the office. Tahimik, pormal, at puno ng trabaho.I slowly lifter my eyes and stared at Sir Julian's direction.Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Binitawan ko ang h







