[MELODY'S POV]
Walang ibang bumabagabag sa isip ko nang malaman kong may ibang karelasyon sa ‘US’ si Gabriel. Parang manhid na rin ang buo kong katawan at pati na ang tainga ko’y tila wala nang marinig. Mula sa ‘UNKNOWN NUMBER’ ang litrato ni Gabriel at ng babae nito ang sinend sa ’kin. Wala ni isang sumagi sa isip ko na mangyayari iyon, ngunit heto nangyayari na. Habang nagmumukmok, narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Si Gabriel ang pangalang naka-flash sa screen ng cellphone ko, una, nag-iisip ako kung sasagutin ko ba o hindi? Tila ayaw ng isip ko na ito’y sagutin pero puso ko, pilit na gusto s’yang unawain. “Walang magagawa ang pag-iyak mo riyan," saad ng lalaking kanina pa pala nakahayag ang mga kamay nito sa 'kin habang hawak ang aking cellphone at tila sinasabing sagutin ko ang tumatawag. Ngunit parang istatwa ako na parang walang narinig, 'wala naman talaga, eh!' kausap ko sa aking isipan. Inilapit n’ya sa mukha ko ang cellphone at may tinig na nagmumula roon. Shet! He already clicked the answer button. Tila naman natauhan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Boses ‘yun ni Gabriel! In fact naman, I already miss him, miss his voice, and his baby face. Isang malakas na hangin ang pinakawalan ko mula sa bibig ko at saka itinuon ang cellphone sa tainga ko. Nanatili akong nakahalukipkip at hinihintay ang sasabihin nito. Marami akong naririnig na tawanan ng babae sa kabilang linya, isinawalang bahala ko iyon at muling hinintay ang sasabihin ni Gabriel. Ilang oras na rin kaming tahimik kaya naman inunahan ko na s’ya. Pinahid ko ang mga luha ko at animo'y walang nangyaring iyak sa boses ko. “Gabriel! I really miss you, honey!" saad ko. Nagpanggap ako na parang walang nalalaman tungkol sa kaniya at sa babae n’ya. Sinundan ko pa ito ng katagang…. “Thank yo—," hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla itong magsalita. “M-Melody, t-th-the-there's nothing to thank you," nauutal na saad nito. Ramdam ko ang susunod na mangyayari. ‘Wag please, maawa ka! Natagalan s’ya bago makapagsalitang muli. “M-Melody…….” nauutal na pauna nito. Naluluha na naman ako ng mga oras na 'yon kaya hindi na muna ako nagsalita dahil baka malaman nito. Eh, ano naman? Bakit ako takot? Kasalanan n’ya, ‘di ba? “Melody, I am, I am, I am," paulit-ulit na wika nito. Siguro'y natatakot din ito, o ‘di kaya naman ay kinakabahan. Hindi na ako makapaghintay! Ako na wari ko’y pinanindigan na ang pagiging istatwa, nanatiling nakatikom ang bibig. “M-Melody I am sorry for this, w-we h-have to break up,” saad nito mula sa kabilang linya. Ha? Nababaliw na ba s’ya? Totoo ba ‘to? ‘Wag! Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. "We have to break up." "We have to break up." "We have to break up." Paulit-ulit na nag-sink in sa utak ko ang mga salitang binitawan n’ya. "Why? Anong dahi—" sunod-sunod kong tanong ngunit hindi na iyon natapos nang babaan na ako ng cellphone. Palaayos ako ngunit ngayon na nangyayari ang lahat ng ‘to, pakiramdam ko ang pangit pangit ko. Dahil ba pinagpalit ako? O dahil sadyang pangit ako? Naisip ko ang lalaking kanina pa nakatayo sa harap ko. Si David, ang secretary ng kumpanya ko. Pogi ito at maskulado, wala ng mapaglagyan ang kagwapuhan nito. Lalo pang nagpapogi sa lalaki ang dimple nito sa kanang bahagi ng pisngi niya. Sa totoo lang mahal ko na s’ya noon pa kahit na may boyfriend pa ako noon. Si David ang tinutukoy ko. Pero sa kabila noon naisip ko rin si Daddy na nasa Manila, may cancer ito at kailangang i-chemotherapy three times a day. Hindi pa rin nito alam ang lahat-lahat ng ‘to. Actually, kahit ‘yong may boyfriend ako, ‘di pa rin n’ya alam. Pero wala yata akong balak na sabihin ‘yon sa kanya. Ang mommy ko naman, may mahal ng iba, nakipaghiwalay ito kay Daddy noong malaman n’yang may cancer ito. Kaya imbes na si mommy ang mag-asikaso ng company, heto ako. “Ok ka lang?" napabalikwas ako nang marinig ko ang tinig na ‘yon. Tumingala ako upang tignan ang pinanggalingan ng tinig, si David. Loko-loko ba ‘to? Alam n’yang umiiyak, ok lang? “Yes, I am alright,” pagkukunwari ko. Bigla itong umupo sa tabi ko at nagsimulang hagudin ang likod ko. Napatingin ako kay David nang magsalita ito. “Narinig ko ang lahat," makahulugang wika nito. Muli na naman nitong naagaw ang atensyon ko… “It's ok, I'm still here for you,” panghihimok pa nito. Hindi ko pinahalata ang pamumula ng pisngi ko at ang sobra kong kilig. Ane kebe. Napaka-gentleman n’ya talaga! Gusto kong makalimutan ang lahat-lahat ng nangyari ngayong araw kaya niyaya ko si David uminom. Agad naman itong sumama, pero ayoko munang isipin na napipilitan lamang ito. Pumunta kami sa resto malapit sa company. Um-order ako ng apat na bote ng alak at ng kaldereta, shanghai, at iba pa. Samantalang si David, tanging juice at pizza lamang. “Bakit tayo nandito?” sarkastikong tanong ni David habang tinutusok ng tinidor ang piraso ng pizza. Iniangat ko ang ulo ko at tuwid na sinagot ito. "I want to forget all of this,” I replied. Sa mga sumunod na nangyari ay mas nararamdaman ko ang pagkahilo. Nang tatayo na ako, sumiring ako at ‘di ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang ay inihatid ako ni David sa dorm ko. ****_____**** Napabalikwas ako nang marinig ko ang malakas na tinig. "What the f*ck!” sigaw ni David at nanlalaki ang mata na mukhang nagulat din. Anong nangyari? My gosh, magkatabi kaming natulog?..........[MELODY'S POV] Hindi niya ba talaga alam? In-public ko iyon, ah. Pogi ni David kapag nagagalit, haha. Tinitigan ko siya upang ipahiwatig na kumalma muna ito ngunit patay malisya lamang ang gungg*ng. Naramdaman kong wala lang sa kaniya ang ginawa ko kaya tumahimik na lang akong muli. "David, have a sit and please, calm down," pakiusap ni Daddy kay David. Sumunod naman ito. Maya-maya, may inilabas na papel si Daddy, iyon iyong papel na pinapirmahan sa 'kin kanina. Isang agreement paper for our wedding. Daddy, hindi ka na ba talaga makapaghintay? Bruh. 'Di man lang niya kinausap si David? Agarang iniabot ang papel? Kinuha ni David ang papel sa ibabaw ng mesa at binasa ito. Habang binabasa niya iyon, napansin ko ang pamumula ng pisnge niya at pamamawis ng kaniyang noo. Ang hindi ko inaasahang pagkakataon, bigla siyang tumayo. "Sumusobra na!" bulyaw niya kasabay ng pagbalibag nito ng papel sa mesa. Sadyang nakakagulat ang inasal niya. Dahil sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya n
[DAVID'S POV] Nakakapagsisi, nakakapagsisi na iniwan ko si Ms. Melody na mag-drive mag-isa. Hindi ko naman kasi alam na ang babaeng mayaman na si Ms. Melody ay hindi marunong mag-drive. This time, Ms. Melody is on rest room, sabi sa 'kin ng doctor kailangan lang daw nitong mgpahinga ng higit twenty-four hours. Iyon daw ay para lang sa lakas ng utak niya. (What the fuck, bobo ba siya? Charr) Hindi daw naman masama ang tama nito. Pero naaawa ako sa kaniya sa sobrang ma-pride ko, napahamak ang.............Mahal ko. Habang nakayuko at nag-iisip-isip, biglang dumating sina Bianca at Richelien, humahangos silang lumapit sa akin, pinagdala ko sila ng prutas dahil bawal kong iwan si Ms. Melody. Tinapik ni Bianca ang aking balikat habang hinahagod naman ni Richelien ang aking likod. 'Di man ako nakatingin ramdam ko ang presensya ng mga ito. "David," tawag ni Richelien sa ngalan ko. Tumingala ako upang sagutin siya subalit biglang nagsalita si Bianca. "David, everything will be alright," p
[MELODY'S POV] "Iyang bracelet mo, hindi ba si David ang nagbigay sa 'yo niyan?" seryoso kong tanong kay Ms. Guezon. Natagalan siyang makapagsalita. Umiling ako na tila'y ipinapahiwatig sa kaniya na naghihintay ako ng kasagutan. "Opo, Ms. Melody," saad niya habang nakayuko lamang. Tssk...... Feeling Innocent. "Ang bracelet na iyan, ang bracelet na suot noong babae sa bar." pumitik ako sa hangin saka muling itinuon ang atensyon kay Ms. Guezon. "Ibig sabihin, ang babaeng iyon ay ikaw." turo ko sa babae. May sasabihin pa sana ako nang biglang dumating si William, ang assistant ko. "Sandali, ma'am! 'Di ba, nabibili naman ang bracelet na iyan kahit saan?" nagtaas ako ng dalawang kilay at pranka siyang tinanong. "Ano ang iyong ibig sabihin Mr. William?" humakbang siya palapit sa akin. Mabait naman si Mr. William, seryoso din minsan nga lang matalas magsalita ang dila niya, may kagwapuhan din, pero para sa 'kin, mas gwapo pa rin si Mr. David. Tama naman siya, pero hindi ako papayag na
[MELODY'S POV] "Wala kang karapatan para lasapin ang boyfriend ko na ngayon ay fiancee ko na!" galit na sigaw ko sa babaeng naka-upo pa rin sa kabilang gilid ng kama. K*pal ng mukha ng babaeng ito. Why David did drunk? Don't tell me, na ang babaeng ito ang umakit. Pagbukas ko ng pinto, nakasapupo ang babaeng ito? "Eww," saad ko sa isip ko matapos kong maibalik ang kasuotan nang lalaking 'to, si David. Nag-iinarte? Subalit katakatakang hindi lumalaban ang babaeng kalapuyong ni David kanina, bagkus nakatalikod ito na parang may tinatago. Yah! Hindi kaya 'yon isang patalim? Nako, hindi! [Over acting?] "Huy! Taas ang kamay!" Ma-awtoridad kong utos sa babae, na agad naman niyang sinunod. Walang hawak? Pero ano iyong nakataklob sa mukha n'ya na mukhang itinatago n'ya? Hyystt.... Nevermind. Inilipat ko ang aking tingin kay David na tulog na tulog pa rin. Napabuntong hininga na lang ako at inakay ang lalaki saka isinakay sa kotse. Hindi ko alam kung saan ang bahay n'ya kaya idinaretso
[DAVID'S POV] Lasing na ako, wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Ni kahit gatiting na pag-aalala ay wala na akong alam. Sa isang bar, kung saan nagulat ako kung bakit parang ang babaeng nasa top of stage ay familiar. Sabi ko na nga ba, si Ms. Guezon. Nag-aano s'ya dito? Bakit s'ya sumasayaw? Pr*stitute? Nevermind. Nakatulala habang nilalagok ang isang baso ng wine. Napatingin sa 'kin si Ms. Guezon at nagtama ang aming mga mata. Kaligayahan ang aking nasilayan sa mga mata ni Ms. Guezon nang magtyempo ito. Natapos na ang dancers, naramdaman kong may yumayakap sa likod ko, Hindi ko man lingunin, subalit ramdam ko ang presensya nito. Pipigilan ko sana ito subalit parang na-stocked na ako sa pagkakaupo nang hawakan n'ya ang magkabila kong dibdib. Nalulula, nahihilo at nasusuka ang pakiramdam ko dahil na rin siguro sa dami ng nainom ko. "Do you want some fun?" saad ng babaeng nasa likuran ko, si Ms. Guezon. Sa tono pa lang ng boses nito'y tila makahulugan. Hindi ako tumugon
[MELODY'S POV] "Ano ba 'yan, Ms. Melody!" bulyaw sa 'kin ni David. Psssttt..... Tumakbo ako at tinakpan ang bunganga ng lalaki saka naglinga-linga upang tingnan kung may nakarinig sa kaniya. "David, ano ba? Baka may makarinig sa 'yo!" bulong ko dito habang nakatuon ang mga palad ko sa chest nito. Boommm.. Sabog! Itinulak n'ya ako at nagtatakang tinanong ako. Tingnan mo 'to, simula pa lamang ay limot na ang role n'ya sa pagiging honey bounch ko! "Bakit?!" mahina ngunit madiin ang pagkakasabi nito. Lalaki talagang 'to, oh. "Honey! Honey! Ano ka ba?" pagtatama ko rito. Mukha namang naalala na n'ya. "Ikaw kasi eh, paspasan pa naman ako, tapos i-pa-prank mo lang pala ako." kamot-noong saad nito. Haha, eh, pa'no ba naman, gusto kong makita kung gaano ka hyper ang lalaking 'to. "Oh, oh, sorry na!" saad ko dito. Naglakad ako papuntang swevel chair, at naupo. Pinaupo ko rin si David, syempre. Pagkaupo n'ya ay agara n'ya ulit akong tinanong. "So, bakit nga?" in fact, I want to be with hi