Share

KABANATA 13

CHAPTER 13

"AGAD-AGAD?" tanong ko nang makabawi mula sa pagkatula.

“Bakit? May problema ba kung ganoon ang gawin natin?"

Tumayo ako at tinalikuran siya. Malalim ang hugot ko ng hininga. Parang baradong barado ang dibdib sa maaaring kahihinatnan nito.

"How about our family? Tanggap ba nila? Payag ba sila? Hindi ba sila magtataka?" sunod-sunod kong tanong.

"We're adults. Kung anuman ang desisyon natin ay kailangan nilang tanggapin. Wala naman sigurong masama sa gagawin natin. I think this is right. For Eli, for us, and for our family." Tumabi siya sa akin.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinihit para humarap sa kanya. Nakikiusap ang pagod niyang mga mata. Parang sinasabi na huwag nang makipagtalo.

Pareho lang din naman kaming nahihirapan, parehong kapakanan ni Eli ang iniisip. Walang problema sa side ko dahil tanggap siya ni Papa pero ako, tanggap kaya ako ng pamilya niya?

"Kailan ang balak mong maidaos ang kas

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status