Share

KABANATA 15

CHAPTER 15

KUMAIN kami sa labas kinagabihan at kasama namin si Eli. Ito ay simpleng pagdiriwang sa naganap na kasal namin kaninang umaga. Si Jela naman ay tumawag, susubukan daw niyang humabol dahil may tatapusin pa sa eskwelahan.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang order dahil pakiramdam ko’y ang mata ng ibang taong ay tila sa amin nakatingin at nakabantay sa bawat galaw namin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may feeling na ganoon o pati si Arken ay nakahahalata rin. Hindi na siguro ako masasanay sa atensiyong ipinupukol nila sa amin.

"Is there something wrong?" maya-maya ay nagtanong na siya sa akin. Sumimsim muna siya ng wine at pinasadahan ng dila ang ibabang bahagi ng labi. Lahat yata ng mga kilos niya ay parang pinupukaw ang himaymay ng aking katawan.

"Wa-wala," nauutal kong sagot na may kasamang pag-iling.

"Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Parang alangan ka sa bawat galaw mo," puna niya sa ikinikilos ko.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emmy Mariano Siama
hi miss blue,available pb yung bubbly book m
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status