Share

Carrying My Ex-Boyfriend's Child
Carrying My Ex-Boyfriend's Child
Author: Misshimichi

Prologue: The Break-Up

Author: Misshimichi
last update Last Updated: 2022-09-04 00:05:41

NIKITA

"Becoming a parent is the most noble role that anyone can be." I said as I hold my tummy. 

'Yan ang katagang nababasa ko dati sa mga libro at ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan. 

['Babe, kita tayo ngayon, may sasabihin ako sayo.']

Basa ko sa text sa akin ni Kent, ang boyfriend ko. Tamang-tama, may sasabihin din ako sa kaniya. 

'We'll be having our baby Kent.' 

Napapangiti ako sa isipin kong iyun. We're both graduating students kaya hindi na rin magiging hadlang pa ang pagbubuntis kong ito sa pag-aaral ko. Ilang buwan na rin lang at gagraduate na kami. I took Bachelor of Science in Business Administration o BSBA, pareho kay Kent.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila ni mama ang tungkol sa pagbubuntis kong ito dahil ngayon ko palang din naman nalaman sa doktor, I'm three weeks pregnant. Nagpatingin na ako dahil napapadalas ang pagsusuka ko at pagkahilo.

Ngayon ay kakausapin ko si Kent para siya ang unang makaalam dito. Labis-labis man ang saya ko, kinakabahan pa rin ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni Kent dahil hindi niya alam o lingid sa kaalaman niya ang nangyari sa amin. Pero pinanghahawakan ko ang dati naming pinapangarap na kapag nakapagtapos kami ng pag-aaral ay magpapakasal kami at bubuo ng sariling pamilya.

Naglalakad ako papunta sa eksaktong lugar na sinabi niya dito sa park na madalas naming puntahan. Dating place naming kumbaga. Doon kasi kami nagpapalipas ng oras galing sa paaralan habang kumakain ng kwek kwek. 

Nabuo ang ngiti sa mga labi ko nang matanaw ko na si Kent na palinga-linga ang tingin sa paligid. He's sitting on our most favorite bench. 

"Ang gwapo ng daddy mo baby. Siguro naman malalahian ka rin ng ganyan." Natatawa kong kausap sa anak kong nasa tiyan kahit di pa naman talaga ito halata.

Ngunit 'di pa man ako nakakaparoon ay may nakita akong babae na lumapit sa kaniya. Napahinto ako saglit at pinagmasdan silang dalawa. Laking gulat ko ng halikan mismo ni Kent yung babae sa pisngi habang ang babae ay nakangiti sa kaniya. Bago lang siya sa paningin ko.

'Baka namimisinterpret mo lang sila Nikita... Oo tama 'di totoo 'yun baby. Your father doesn't have another woman okay? He loves your mommy.' 

Pag-aalo ko sa sarili ko. I shouldn't jump into conclusion yet.

Sana nga.

Lumapit na 'ko sa kanila nang matapos silang m********n, nagkukunwaring walang nakita dahil ayokong mag-isip pa ng masama si Kent. Ayoko lang din masira ang mood niya kapag sinabi ko ang tungkol sa pagbubuntis ko sa anak. Alam kong kat*ngahan ang tawag dito pero anong magagawa ko? Mahal ko siya at magkakaanak na kami. I have to be more reasonable.

"Ahh, k-kanina ka pa diyan?" Nagugulat pang tanong sa 'kin ni Kent nang makalapit ako.

"Ahh no, no. Actually nagmamadali pa nga 'ko eh. Nakakahingal tumakbo. Ano palang sasabihin mo, babe?" Pilit ang ngiting tanong ko sa kasintahan ko. 

Agad nitong inalis sa akin ang mga mata niya at tumingin sa babae. "Ahm Nikita, this is Lauren. Lauren t-this is N-Nikita." Nauutal nitong pakilala sa amin.

I felt a silent stab on my chest dahil hindi niya man lang ako pinakilala bilang girlfriend niya at tanging pangalan ko lang ang binanggit. Dati-rati kasi ay halos ipagsigawan niya na sa mga kakilala niya na ako amg girlfriend niya. Ngunit ngayon.. ay hindi. 

Inalis ko na agad ang isiping iyun dahil baka dala lang 'to ng pagbubuntis ko kaya kung anu-anong nalang ang naiisip ko at hindi 'yun maganda para sa anak ko.

"N-naalala mo no'ng bago m-maging tayo?" Baling sakin ni Kent. 'Di ko alam pero unti-unting nanginig ang katawan ko't nagbabadya ang mga luha ko. Sana mali ang naiisip ko ngayon.

Ayoko na sanang isipin pero sa paraan ng pag-iwas niya sa 'kin ng tingin ay unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko nagugustuhan ang maaaring takbo ng usapang ito.

"S-siya yung k-kinuwento ko sa 'yong m-minahal ko dati." Dagdag nito. 'Di ko alam kung ano pa ang saysay ng sinasabi niya ngayon. Hindi ko makuha ang punto. "'D-di ko a-akalain ang pagbalik niya. 'D-di ko a-alam pero parang bumabalik ang dati kong nararamdaman sa kaniya." 

Doon nagsimulang magbagsakan ang mga nagbabadya kong luha kanina. Ang sakit... ang sakit-sakit. Ibig sabihin, hindi niya ko minahal? One year and a half niya kong niloko at pinaasa sa inaakala kong pag-ibig niya sa 'kin? Nasasaktan ako. Kainis! Kung kailan nakabuo na kami.

"I'm s-sorry Nikita. 'D-di ko sinasadya, but I'm b-breaking up with you." Lumuluha niyang sabi. 

Naninikip ang dibdib ko at parang nabingi ako sa mga katagang lumabas sa bibig niya na parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Nakamamatay na sakit na parang mahirap pang isalba.

Ayokong maging selfish pero pa'no ang anak ko? Baka h-hindi siya mahalin ng tatay niya. Baka ipagkaila siya ito o baka 'di niya to kikilalanin bilang anak dahil lamang sa pagpupumilit kong makasama siya. 

Kahit sabihin nating mabubuo kami, kapag hindi ko siya binitawan magiging pilit lamang ang pamilyang kalalakihan ng anak ko... at ayokong mangyari 'yun. Ayokong lumaki ang anak ko sa isang pilit na pamilya na binubuo ng dalawang taong hindi buo ang pagmamahalan sa isa't isa.

'Baby, okay lang ba sa 'yong ako nalang muna ang mag-aalaga sa 'yo? You both deserve to be happy right? Pero gagawin ko 'to para sayo--sa inyo. Bubuhayin kita sa abot ng makakaya ko baby.' Saad ko sa isip saka ngumiti sa isiping iyun.

"Ah, o-okay lang. Sana maging m-masaya kayo. M-mahalin mo siya nang higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya. I'm h-happy for you. You're now free Kent. T-thanks for everything." Tanging lumabas sa mga bibig ko bago nagkaroon ng lakas ang mga paa ko upang talikuran siya. 

Ang sakit. Pagtalikod ko, doon na naglalabasan ang galon-galong luha sa mga mata ko. Nahihirapan akong maglakad dahil natatakpan ng luha ang paningin ko. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi basta nakauwi ako ng bahay na nanlulumo't walang tigil ang pag-iyak. Pagpasok ko ay nakita ko agad si Mama pagkapasok ko.

"Anak," "Ma," sabay naming sabi ni mama. 

"Ba't ka umiiyak?" Tanong sakin ni mama saka ako nilapitan.

"Ma, please don't be mad at m-me." Nakikiusap na pahayag ko sa ina ko.

"Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong sakin.

"Ma, 'di ko sinasadya. M-ma, I made a mistake." Umiiyak na sumbong ko sa nanay ko.

Bakit ganoon? Paano niya 'ko napaniwalang minahal niya ako sa mahigit isang taon naming pagsasama? Ginawa niya 'kong panakip-butas upang ibsan ang pangungulila niya sa dati niyang kasintahan.

"'Di kita maintindihan. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Nikita?" Naguguluhang tanong sakin ni mama.

"Ma, b-buntis ako." Nag-angat ako ng tingin sa ina ko at gulat ang rumehistro sa mukha niya. Hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig ko. 

"What? Nagpabuntis ka ng di man lang nagpapakasal muna? Teka h-hindi ko maintindihan. Ikaw, buntis? Papaano 'yun? Anak, 'di ka pa tapos mag-aral. Ganyan ba'ng tinuro namin sa 'yo? Pumayag kaming makipagboyfriend ka dahil may tiwala kami sa 'yo. A-akala namin matalino ka and you'll always make the right choice. Nasaan ang ama niyan?" Galit na sigaw sakin ni mama na mas nagpaiyak pa sakin. I can feel the disappointment in every word that came out from her mouth.

"I'm sorry ma. A-akala ko kasi magiging masaya kami. A-akala ko, magiging masaya siya." Umiiyak pa ring sabi ko.

"'Di ko alam ang gagawin ko sa 'yo, Nikita. Kung nandito lang ang papa mo, baka inataki na 'yun. Ano ba naman 'yan, Nikita?" Nauubusan ng pasensyang sabi ni mama. 

Ano ng gagawin ko?

Alam nilang may boyfriend ako pero hindi ko pa napapakilala sa kanila ng harap-harapan. Ganoon din si Kent dahil.. hindi ko rin alam pero natatakot kaming ipakilala ang bawat isa sa mga magulang namin. Lalo na ako, natatakot akong makilala ang mga magulang ni Kent bilang girlfriend niya.

Umakyat na agad ako sa taas dahil hindi ko na kaya ang sakit sa dibdib ko. Nahihilo na rin ako at gusto kong umiyak ng umiyak pero baka makasama sa baby ko kaya pipilitin ko ang sarili kong tumahan.

Buong hapon lang ako umiyak nang umiyak. Wala pa 'kong gana kumain simula kanina. Bumaba ako para maghanap ng pagkain ngunit wala si mama sa baba. Bigla na naman akong kinabahan dahil baka sabihin niya na sa tatay ko. Sobrang gulo na ng isip ko ngayon kaya sana huwag muna nilang ipamukha sa 'kin ang kat*ngahan kong 'to dahil alam na alam ko na.

'Nagugutom ka na ba anak? Wag kang mag-alala mahal ka pa rin ni mama.' 

Napangiti ako ng mapakla sa isiping iyun. Anak ko nalang ang tanging pinagkukuhanan ko ng lakas. Kaya ko pinilit tumahan para hindi na rin masaktan ang anak ko.

Kumuha ako ng itlog at hotdog sa fridge saka niluto. 'Yan na muna ang kakainin ko. Nahihiya na 'ko kay mama dahil binasag ako ang tiwala niya---nila sa 'kin.

Habang kumakain ako ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong text.

['Nik, si Hanz 'to. Uwi ako diyan. Kita tayo! Miss na kita Witch.] Mensahe sa 'kin ng kababata kong si Hanz. Darating ang matalik kong kaibigan. 

'I can't wait. I want to see him soon. Baby makikilala mo na si Tito Hanz mong Wizard'

Napangiti ako sa isipin kong 'yun. May makakaramay ako ngayon. Kailangan ko ng kaibigan ngayon na mapagkakatiwalaan.

By the way, I'm Nikita Arellano and I'm carrying my ex-boyfriend's child.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Author's Note

    Hi! You're reading this now which means you've reached the epilogue. Before anything else, I just want to thank each and everyone of you for being with me throughout the story. It took me almost 3 years, I think, to finish this one and I'm very sorry for that. I was very busy with school and now that I'm already a Civil Engineer (just passed the boards) that is when I started writing again. Thank you for being patient and understanding. I enjoyed reading all of your comments. I hope this is not the last time that we will meet. I'll be more responsible in my next story (if given a chance again, lol). Nikita and Kent are now signing off!

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Epilogue

    KENT"Noah, kailan ka magbabagong bata ka? Tingin mo nakakatuwa 'yung ganyan? Nakakatuwa bang manakit?" Rinig kong kausap ni Nikita sa pangalawa naming anak na si Noah."Mom, hindi ko talaga 'yun girlfriend. I don't know why she's insisting." Pagtatanggol ni Noah sa sarili niya."What's happening here?" Singit ko na dahil paniguradong magagalit na naman si Nikita sa kaniya. "Hi, babe.""Ito kasing si Noah, may pumunta na naman ditong babae na nagpakilalang girlfriend niya na naman. Jusme, Kent! Hindi ka naman babaero dati, hindi rin naman ako lalakero, pero bakit 'yung anak mo, napakababaero?" Frustrated na pagsusumbong sa akin ni Nikita."Mom, I told you hindi ko po siya girlfriend. E sa.. sa.. nahalikan ko siya kahapon. Kasi naman, 'yung tropa niyang baliw sinadyang patirin siya kaya sa 'kin siya bumagsak. Tapos.. tapos.." Pahina nang pahina ang boses nito. "Tapos?" Sambit ko."Tapos ayun, hinalikan ko-""Anak ka ng batang maharot! Ilang taon ka nga lang ulit?" Labis na pahtitimpi

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 59: Where It All Started

    KENT"Hoy!" Pagtawag pansin ko sa kaklase kong umiiyak ngayon sa ilalim ng puno. "Hoy!" Tawag ko ulit nang hindi man lang ako nililingon. Kilala ko siya pero hindi ko pa nakakausap. She's always with the girls at lalong hindi rin ako palakaibigan. I only talk to my classmates about school. "Hoy may pasok pa tayo." Tawag ko ulit sa kaniya. Nag-angat ito ng tingin pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa mata. Para siyang bata na nagtatakip ng mata habang umiiyak kasi inaway ng mga kalaro. I tried to sit near her. Maganda itong lugar na napili niya para umiyak. Kaunti lang ang mga tao na dumadaan. Harap kasi ito ng field at parang kagubatan na ang likod. "Are you okay?" Tanong ko pa rin sa kaniya kahit napaka-estupido ng tanong kong iyun. Kita ko na ngang umiiyak, tatanungin ko pa. Hindi niya 'ko sinagot at bumalik sa pagkakayuko. I'm not the type of person na mahilig manghimasok sa buhay ng iba but I always see her smile and laugh in class. I know she has a boyfriend kaya nakakapagt

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 58: Proposal

    NIKITANakauwi na kami galing sa Paris. Limang araw lang kami doon dahil may trabaho pa kami ni Kent.Kasama ko ngayon si Levi sa bahay. Ngayon namin bibisitahin si papa at mamaya ay isasama ko rin si Levi sa trabaho. Basta may hawak lang siyang libro na babasahin ay hindi siya mahirap isama kahit saan. Mabuti na rin 'to kaysa magbabad sa iPad o cellphone. He also doesn't like nursery rhyme. He thinks it's too young for him. Akala mo dalawampung taong gulang na kung makapagsalita. I just make sure na hindi pangit ang mga libro na binabasa niya. Malay ko ba kung may bed scene na pala siyang nababasa. Mabuti ng nag-iingat.Going back sa naging trip namin sa Paris, ang dami naming pinuntahan. Kakapagod ang mag-ama kapag nagsama. Ginagawa akong taga-picture slash yaya.Naalala ko pa nga 'yung paghahanap ng anak ko nong portrait ni Mona Lisa sa Louvre Museum. Tinatawanan pa namin siya. N

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 57: à quoi s'attendre?

    NIKITA"Babe?" Napalingon ako kay Kent nang marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. "Is there anything wrong?""Ah, no. Nagchat sa 'kin si mama, gising na raw si papa." Banggit ko rito. "That's good news." Tumango ako sa sinabi nito. I'm very happy na sa wakas ay gising na si papa. I can't wait na umuwi na ng Pilipinas. Pero alam kong hindi naman pwede 'yun. Kent still has business to do here at masaya ang anak kong makapamasyal kaya hindi nalang siguro muna kami uuwi. Besides, limang araw nalang naman kami rito. I'll just give mama a call once we go back to our hotel. "I'll call mama later sa hotel." Tumango naman si Kent sa sinabi ko. I'm so glad na gising na rin sa wakas si papa. I know hindi pa kayang magtrabaho ni papa kaya siguradong hindi pa ako makakabalik ng America. America? Ngayon ay napapaisip na 'ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba 'ko ng America or are we going to stay here for good. I mean, I haven't talk to Kent about his plan or kung ano ba talaga ang estado

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 56: Des moments à Paris

    NIKITA"How's work, babe?" He asked me when I enter the car. "Tiring. Ang aga mo naman atang matapos sa trabaho mo?" Sabi ko. This past few days he's so busy working on his proposal na ipepresenta niya raw sa Paris. Halos sa kumpanya na nga siya natutulog dahil doon. Gustong-gusto niyang sinusundo ako pero ako 'yung umaayaw dahil pagod nga naman siya. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya kapag nagdrive nang puyat. Besides, he has his mini rest room in his office kaya doon ko nalang din siya pinapatulog. "Well, I missed you. I wanna see you both." He said as he reach for my seatbelt at siya na ang nagtuck in. "Where's my kiss?" Dahil naaawa ako sa kaniya ay 'di na rin ako nagpabebe pa at binigyan nalang siya ng halik sa pisngi. Pero dahil sugapa 'tong unggoy na 'to, humabol pa ng halik sa labi. "Babe, can you clear your schedule for me next week? I want to visit Paris with you two. It'll be our first family vacation." We're on our way to hospital para sunduin si Levi. Si mama na mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status