공유

Chapter 12

last update 최신 업데이트: 2025-12-16 18:58:20

WALA nang nagawa si Vanessa kunʼdi ang sumama sa asawa niyang naambunan yata ng kabaitan. Daig pa yata ang asawa na pinapangarap niya noon. Dinaig pa nag mga fictional characters sa pocketbook na gusto niyang mapangasawa noon. Gusto lang naman niyang sunduin siya nito pero mas sobra pa yata ang ginawa ng lalaki. Nakasundo pa nito agad ang ama niya na mahirap paamuhin.

Napailing na lang si Vanessa, hindi na nga niya mabilang kung ilang ulit siyang napailing. Nagtataka talaga siya kung ano ang nangyari sa asawa niya. Imposible naman talaga diba kung bumait na lang ito bigla. Naisip niya tuloy na baka nauntog ang ulo nito sa sahig kaya bilaang bumait. Pero imposible, bulong na naman niya.

Pinagmasdan niya ang lalaki habang kinukuha ang mga maleta niya upang dalhin sa loob ng bahay nito. Ito ang gusto niyang gawin ni Gian noong bago palang silang kasal ngunit iba ang ginawa nito, mas malala pa sa babaing nasa menopausal stage. Tutok na tutok lang siya sa ginagawa ng asawa. For the first t
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 14

    PADABOG siyang umupo sa sofa upang ipakita na hindi niya nagustuhan ang desisyon ng Mommy at Daddy niya. At her age, seventeen, she want to explore on her own and make her own decision but unfortunately, she just can’t. Kailangan kasi na ang mga magulang niya ang palaging nasusunod.Inis niyang tiningnan ang kaniyang Daddy. “Dad naman! Gusto ko ngang pumunta roʼn!”“Ang tigas talaga ng ulo mo, Vanessa. Masama nga ang panahon, kung babyahe ka ay may tendency na mapahamak ka. Hindi mo ba ako maintindihan?” kalmadong wika ng Mommy niya. “Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin.”“But, Mommy, birthday ni Mae bukas at doʼn sa isla ang venue. Kung hindi ako luluwas ngayon, hindi ako makaka-attend ng party niya,” hirit niya. Baka sakaling makalusot at payagan siya.“You’re worried about your cousin’s birthday but you’re not thinking about your safety! Walang lalabas ng bahay without my consent. Go up to your room, Vanessa!” her Dad commanded.Ang Daddy niya ang batas kaya wala na siyang na

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 13

    UMUPO si Vanessa sa kama at kinuha ang unan na nasa tabi niya at ginamit niya upang ihampas sa guwapo at flawless na mukha ni Gian. Mukha na alagang-alaga. Napamura ang asawa niya dahil sa ginawang paghampas niya ng unan dito. Napangiwi siya, mukhang napalakas yata ang paghampas niya.Inilagay niya sa gilid ang unan at lumapit siya sa asawang nakapikit pa rin at minamasahe ang ilong na natamaan ng unan. Nakagat niya nang mariin ang ibabang labi nang tumabi siya sa asawa at tiningnan ang matangos na ilong nito. Nasa tamang form pa naman ang ilong ni Gian. Walang dapat ikabahala.Loko-loko rin naman kasi, ang bastos ng bunganga. Kasalanan din naman nito kung bakit niya ito nahampas ng unan, wala kasing preno magsalita. Sinabi ba namang siya na lang daw ang kakainin nito. Hindi naman siya pagkain eh. Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ng asawa kanina.Paano kaya kung kainin siya ni Gian? Masarap kaya? Kung kakainin siya ng asawa, promise, hindi siya mag-iinarte. Napailing siya,

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 12

    WALA nang nagawa si Vanessa kunʼdi ang sumama sa asawa niyang naambunan yata ng kabaitan. Daig pa yata ang asawa na pinapangarap niya noon. Dinaig pa nag mga fictional characters sa pocketbook na gusto niyang mapangasawa noon. Gusto lang naman niyang sunduin siya nito pero mas sobra pa yata ang ginawa ng lalaki. Nakasundo pa nito agad ang ama niya na mahirap paamuhin.Napailing na lang si Vanessa, hindi na nga niya mabilang kung ilang ulit siyang napailing. Nagtataka talaga siya kung ano ang nangyari sa asawa niya. Imposible naman talaga diba kung bumait na lang ito bigla. Naisip niya tuloy na baka nauntog ang ulo nito sa sahig kaya bilaang bumait. Pero imposible, bulong na naman niya.Pinagmasdan niya ang lalaki habang kinukuha ang mga maleta niya upang dalhin sa loob ng bahay nito. Ito ang gusto niyang gawin ni Gian noong bago palang silang kasal ngunit iba ang ginawa nito, mas malala pa sa babaing nasa menopausal stage. Tutok na tutok lang siya sa ginagawa ng asawa. For the first t

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 11

    DAHAN-DAHAN niyang pinagapang ang kamay sa may bandang tiyan niya pataas sa umbok niyang dibdib. Rumaramdam, pumipisil, at dumadama. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. She just feel that she really need to do this. Kasi kung hindi, parang hindi siya kakalma.Umayos siya ng higa sa kama pagkatapos mahubad ang suot niyang manipis na nightgown. Tanging panty na lang niya ang natira sa katawan ni Vanessa. Inalis niya ang kumot sa kaniyang katawan, pakiramdam ni Vanessa ay sagabal lang iyon sa gagawin niya at dumadagdag iyon sa init na bumabalot sa kaniyang buong katawan. Mainit ang kaniyang pakiramdam.Dalawang araw na siya sa bahay nila pero walang Gian sumundo sa kaniya. Hindi sa nag-eexpect siyang kukunin at susunduin siya ng asawa pero… Okay fine! Umaasa talaga siya, hindi naman mali iyon ‘di ba? May karapatan naman siguro siyang umasa.Wala naman sigurong masama kung aasa si Vanessa. Baka naman sa loob ng limang buwan na pagsasama nila ay nakaramdam na ito ng kahit kunting

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 10

    HINDI na nagsayang pa ng oras at panahon si Vanessa. Matapos niyang marinig ang papalayong sasakyan ni Gian ay agad niyang pinahiran ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata na kahit ilang beses na niyang pinahiran ay ayaw pa ring tumigil sa pagtulo. Gulong-gulo ang isip niya at idagdag pang doble ang sakit na nararamdaman niya.Dahan-dahan siyang tumayo, humawak pa siya sa pader para maalalayan ang sarili. Palagay niya’y hindi niya kayang tumayong mag-isa, kailangan pa niyang may hawakan siya upang makatayo. Hinang-hina ang kaniyang pakiramdam, diin na diin ang pagkasaksak ni Gian gamit ang mga matatalim na salita.Nanginginig pa rin siya, nanginginig ang tuhod at bawat kalamnan niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito — awa, lungkot at sakit. Pero ang awa sa sarili ang mas nangingibabaw ngayon. Naaawa siya sa sarili dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya kayang patawarin ni Gian at sa hindi nito pagbigay ng panahon sa kaniya upang magpali

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 9

    SHE’S wearing a white halter neckline dress with a tie back. It’s a bonnie type and the length of her dress is an ankle level. A long dress that made her elegant and sophisticated. She’s wearing a back negligee necklace that make her neck so much adorable.For her toes, she’s wearing a black T-strap that hugged her feet in so much glamorous way. Lumilikha iyon ng tunog sa bawat yapak na ginagawa niya. She’s wearing a cheerful smile in her heart shape lips that also wears a light pink lipstick.Makintab ang shiny niyang buhok na hanggang baywang, naka-ponytail iyon at bagsak na bagsak. Kailangan pa niyang magpa-rebond para magaya ang buhok ng pinsan niyang si Sharon. Gusto lang niyang maging straight ang buhok niya kahit panandalian lang.Wala na siyang maramdaman na kaunting inggit sa halos perpekto na niyang pinsan. Na-realized niya kasi, bakit kailangan niyang mainggit? She’s unique in her own way. Wala siyang naiisip na dahilan para kainggitan pa ang pinsan.Mahal naman niya ang me

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status