Teilen

CHAPTER 54: Where Is Dani?

last update Veröffentlichungsdatum: 10.11.2026 14:27:31

CHAPTER 54: Where Is Dani?

“BAKIT may isang bakanteng upuan?”

Napatingin si Doña Victoria sa dining table habang nag-aalmusal ang pamilya Del Fierro. Wala si Dani sa usual niyang upuan. Sa totoo lang, wala naman siyang pakialam kung present o absent ang babae. Pero gusto niyang malaman kung bakit hindi ito bumaba para mag-almusal.

Kung ang dahilan lang naman ay tinatamad itong tumulong sa mga gawaing-bahay, siguradong may maririnig na naman ito sa kanya.

“Nasaan si Dani, Drake?” tanong niya sa
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 56: A Warm Embrace

    CHAPTER 56: A Warm Embrace—KALALABAS lang ni Dani sa bathroom ng hotel suite. May kaunting singaw pa ng mainit na tubig sa likod niya. Basa pa ang mahaba niyang buhok, at may ilang hiblang nakadikit sa leeg at balikat niya.Suot niya ang malambot na puting bathrobe na ibinigay ng hotel. Mukha siyang pagod na pagod, pero kahit papaano ay presko na ang pakiramdam niya matapos tanggalin ang makeup na suot niya mula pa kagabi.NMaputla ang mukha niya dahil halos hindi siya nakatulog. Paano naman siya makakatulog? Buong gabi siyang nakakulong sa restroom ng hotel ballroom. Wala siyang nagawa kundi maghintay hanggang may makakita at magbukas ng pinto.Paglabas niya ng bathroom, bahagya siyang nagulat. Nandoon si Light. Nakaupo ito sa sofa sa loob ng suite at kanina pa siya hinihintay. Sa maliit na mesa sa harap nito ay may nakahandang almusal tulad nglugaw na may chicken strips, isang basong mainit na gatas, at ilang hiwa ng prutas.Dahan-dahang umangat ang tingin ng lalaki. Sinuri niya an

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 55: The Unexpected Donor

    CHAPTER 55: The Unexpected Donor“SIGURAFL ka bang hindi pa rin lumalabas si Dani hanggang ngayon?” mahinang tanong ni Irish kay Yngrid habang magkatabi silang nakaupo sa living room ng Del Fierro mansion.Maaga pa, pero halos lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa sala na. Ang tatlong lalaki lang ang papasok sa trabaho ngayong araw, sina Light, Raven, at Drake. Samantala, parehong naka-leave sina Yngrid at Irish. Pagod daw sila sa event noong nakaraang gabi kaya nagdesisyon silang magpahinga muna.Buti na lang, pareho silang hindi empleyado na kailangang magpaalam sa boss kapag gustong mag-leave. May sarili silang negosyo at trabaho, kaya malaya silang mag-adjust ng schedule. Ganoon din naman ang tatlong lalaki. May kanya-kanya silang kumpanya at negosyo, pero hindi sila basta-basta nagkakansela ng trabaho kung walang importanteng dahilan.“Sinabihan ko na ’yung staff sa hotel na buksan ang pinto ngayong umaga,” sagot ni Yngrid nang hindi man lang lumilingon kay Irish. Nasa kandungan n

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 54: Where Is Dani?

    CHAPTER 54: Where Is Dani?“BAKIT may isang bakanteng upuan?”Napatingin si Doña Victoria sa dining table habang nag-aalmusal ang pamilya Del Fierro. Wala si Dani sa usual niyang upuan. Sa totoo lang, wala naman siyang pakialam kung present o absent ang babae. Pero gusto niyang malaman kung bakit hindi ito bumaba para mag-almusal.Kung ang dahilan lang naman ay tinatamad itong tumulong sa mga gawaing-bahay, siguradong may maririnig na naman ito sa kanya.“Nasaan si Dani, Drake?” tanong niya sa bunsong anak. “Baka naman late na naman gumising. Maaga naman tayong nakauwi kagabi. Nine pa lang, nasa bahay na tayo.”“Hindi ko rin alam, Mom. Hindi ko siya nakita mula kagabi,” walang interes na sagot ni Drake habang kumakain.Wala rin naman siyang pakialam kung nasaan ang asawa niya ngayon. Hindi niya rin maalalang ni-lock niya ang pinto ng kuwarto nila kagabi. Baka naman dahil sa mga tingin ni Dani sa kanya noong nakaraang gabi, bigla na itong nagkaroon ng lakas ng loob na isipin na may pag

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 53: Locked Away

    CHAPTER 53: Locked Away“SIGURADUHIN mong walang magbubukas ng pinto hanggang bukas ng umaga,” mahinang utos ni Yngrid sa isang hotel staff. “Kapag kulang pa ’yan, sabihin mo lang. Magdadagdag ako ng bayad.”Mabilis na tumango ang staff at bahagyang yumuko. “Opo, Ma’am. Maraming salamat po.”Ngumiti si Yngrid. Isang maliit na ngiting puno ng kasiyahan dahil alam niyang nagtagumpay ang plano niya. Pagkatapos, iniwan niya ang staff at bumalik sa lobby kung saan naghihintay ang pamilya nila para umuwi.Unti-unti nang umaalis ang mga bisita. Sa labas ng hotel, naglalaro ang mga ilaw sa makikintab na sasakyan habang isa-isang umaalis ang mga ito sa driveway.Isang SUV na lang ang hindi pa umaalis. Ang itim na SUV ni Light. Mayamaya pa'y mabilis na sumakay si Yngrid sa passenger seat.“Love…” mahinang tawag ni Yngrid, pilit na pinapalambot ang boses.Saglit siyang nilingon ni Light. “May naiwan ka ba?” walang emosyon ang tanong nito, sabay abot niya kay Yngrid ang anak nilang si Althea na k

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 52: A Hidden Truth

    CHAPTER 52: A Hidden Truth—“DANI?”Napalingon si Dani nang marinig ang pangalan niya mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang tumawag sa kanya. Mabilis niyang ibinalik sa mesa ang maliit na dessert plate na hawak niya kanina.“Carla?”Masayang lumapit ang isang magandang babae na halos kaedad niya. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan siya nito na para bang sinusubukang tiyakin kung siya nga ba ang dating kaibigan.“Oh my God! Dani, ikaw nga!” Napatawa si Carla. “Grabe, ang ganda-ganda mo na! Kung hindi ko nakita yung tattoo mong rose sa paa, baka hindi talaga kita nakilala!”Napangiti si Dani. “Hindi ko alam na nandito ka rin, Carla. Sino'ng kasama mo? By the way, graduate ka na ba?”“Isa-isa lang!” natatawang sagot ni Carla. “Kasama ko si Mommy. And yes, graduate na ako. Katatapos ko lang din ng clinical internship.”“Wow! May degree ka na ngayon?“Mabilis na tumango si Carla. “Finally! Licensed midwife na rin ako soon, hopefully.” Hindi pa rin nawawala

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 51: A Question of Blood

    CHAPTER 51: A Question of Blood—“SELOS? How does it feel? Masakit ba?”Bahagyang yumuko si Drake habang nakatingin kay Irish. May pilyong ngiti sa labi niya, pero seryoso ang mga mata nito. Nasa likuran ni Irish ang pader, habang nakaharang naman sa harap niya ang matangkad na lalaki.“D-Drake, huwag kang ganyan. Paano kung may makakita sa atin?” bulong ni Irish. Inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib ng lalaki para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Pero hindi umatras si Drake.“Let them,” mahinang sagot niya. “Ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ganito.”Napatingin si Irish sa kanya. “Hindi mo kailangang magalit dahil lang sumama ako kay Raven.”“Hindi ako galit dahil sumama ka sa kanya.”“Then what's your problem?”Bahagyang ngumisi si Drake. “Hindi ko gusto na nakikita kitang nakikipag-close sa ibang lalaki. Lalo na kapag nakangiti ka sa kanila na para bang wala ako.”Napairap si Irish. “Sumama lang ako kay Raven dahil formalities iyon. Hindi ko naman puwedeng sabihi

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status