UMATRAS si Katherine nang lumapit pa nang husto ang apat. "H-Hindi ako sasama sa inyo," aniyang kinakabahan."Sumama na lang po kayo, Ma'am."Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng tao na mahihingan ng tulong. Pero ni anino ay wala man lang dumadaan.Hanggang sa tuluyan na siyang hinawakan sa braso. Hindi naman siya makapalag dahil hawak niya ang strap ng damit. Hindi siya pwedeng mahubaran sa harap ng mga hindi kilalang tao.Kaya kahit anong pakiusap sa mga ito ay hindi siya pinakinggan. Tinakpan pa nga ang bibig niya upang hindi makasigaw. Mayamaya pa ay dinala siya sa isang bakanteng kwarto.At kahit papaano ay maayos naman siyang pinakawalan. Pagkatapos ay agad ring umalis ang mga ito.Hindi pa man niya nalilibot ang paningin sa lugar ay hinala na agad ang buhok niya dahilan kaya napaluhod siya."Kanina pa talaga kita gustong kalbuhin," boses ni Jean.Kung ganoon ay ito pala talaga ang nagpadukot sa kanya."Jean," boses ng isang matandang babae.Kaya nag-angat ng tingin s
BAHAGYANG nagmulat ng mata si Katherine nang mahimigan ang boses ng asawa.Kahit nanlalabo ang paningin ay naaaninag niyang kaharap si Cain at yakap-yakap siya."N-Nandito ka," anas niya saka bahagyang ngumiti.Sa wakas, dininig ng langit ang hiling niyang iligtas silang dalawa ng anak.Kahit nananakit ang likod dahil sa hampas ay gumalaw si Katherine, gusto niyang tumayo."'Wag kang gumalaw," ani Cain. "Sa'n ka pa nila sinaktan?"Mariing napapikit si Katherine. Sobrang hapdi ng likod niya, hindi siya makakilos nang maayos, kahit kaunti lang.Si Jean naman na katabi si Amalia ay naglakas-loob na magsalita bago pa maisumbong ni Katherine, "Cain, alam mo bang binasag niya ang mamahaling vase ni Lola. Saka... tingnan mo nga ang ayos ng damit niya. Paniguradong may ginawa siyang kababalaghan para masira ng ganyan ang suot niyang damit. Nakikipaglandian siguro siya sa ibang lalake."Ang malamlam at maamong ekspresyon ni Cain para sa asawa ay bigla na lang nagbago nang tingnan ang pinsan."
BINALIKAN ni Cain ang asawa saka ito pinasan sa likod. "'Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa ospital para magamot na ang sugat mo sa likod," aniya kay Katherine.Pagkatapos ay nilingon ang Ina para magpaalam na aalis sila patungo sa ospital.Paglabas ng kwarto ay inutusan niya ang isang staff na magdala ng tela na pwedeng ipangbalot sa buong katawan ni Katherine. Nabigay naman agad nito ang kailangan saka sila dumiretso sa kotse.Pagsakay sa backseat ay kinandong niya si Katherine na paharap ang upo sa kanya. Ganoon ang ayos ng dalawa dahil hindi ito makakasandal.Habang bumabiyahe ang sasakyan paalis sa lugar ay tinawagan niya ang kaibigan."Hi, baby! Miss me?" biro pa ni Levi mula sa kabilang linya."Sa'n ka ngayon?""Secret~""Hindi ako nakikipagbiruan," seryosong saad ni Cain."Nandito sa ospital namin. Bakit ba, may nangyaring masama sa'yo?""Good, papunta na kami riyan.""Sino?""Si Katherine, may sugat siya."Nagmulat ng mata si Katherine nang marinig ang pangalan. "Sinong kau
SABAY na nilingon ng dalawa ang hospital bed kung saan ay natutulog si Cain, na tila walang natamong pinsala sa katawan.Payapa at napakaamo ng mukha na animo ay hindi marunong magalit."Sige, maiwan na muna kita. Kung may kailangan ka o gustong kainin ay tumawag ka lang," ani Levi.Pag-alis nito ay lumapit si Katherine sa kama at pinagmasdan ang gwapong mukha ng asawa."Mabuti na lang at hindi ka napuruhan sa mukha," aniyang kinakausap ito kahit tulog. "Kung nagkataon, sayang. Pero kahit siguro puro sugat at pasa ang mukha mo'y gwapo ka pa rin sa paningin ko," aniyang malakas ang loob sabihin ang mga ganoong salita dahil wala itong malay.Dahil kung nagkataong gising ito? Nunca'ng magsasalita siya. Ilang sandali pa ay mas lalong lumakas ang loob niya at dahan-dahang nilapit ang kamay sa mukha nito. Marahang hinaplos ang pisngi lalo na ang matangos nitong ilong pababa hanggang sa labi at adam's apple na unang beses niyang nahawakan.Kahit noon pa man kasi ay hindi siya nangahas na haw
KUNG wala pa marahil iniindang sakit sa katawan ay baka nakagawa na sina Cain at Katherine ng milagro sa ospital. Mabuti na lamang at sa kondisyon ng katawan ng dalawa ay hindi na nila kayang gawin iyon.Makailang-beses na hinawakan ni Katherine ang pisngi upang maibsan ang pamumula. Hiyang-hiya siya matapos dahil nabalewala lang ang sinabi niya kaninang kondisyon.Kahit anong pilit ay hindi niya mahindian si Cain. Sobrang rupok niya pagdating sa asawa.Inayos niya ang suot na damit at baka may pumasok na Doctor o hindi kaya ay si Levi, na mahilig manukso.Si Cain naman, matapos ang kanilang pinagsaluhang halik ay gumanda ang mood. Sayang nga lang at hindi niya pa kayang igalaw ang tagiliran. Sa dami ng pwedeng mapuruhan ay iyong malapit pa sa pelvic. Gustuhin niya man gumalaw ay mahihirapan lang siya. Ayaw niya namang madismaya si Katherine kung magkataon dahil hindi lang mukha at katawan ang kaya niyang ipagmalaki.Maging ang nasa ibaba at ang skills niya pagdating sa romansa."Ayos
MARAHAN at walang tunog na sinara ni Katherine ang pinto ng banyo saka napatingin kay Levi."Ano, lalabas muna kami para makapag-usap kayo," aniya saka naglakad patungo sa pinto."Dito ka lang," ani Cain na nasa kama. Yakap man ni Margaret ay hindi niya naman ito hinawakan. Tiningnan niya ang dalaga saka kinausap, "Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na. Wala kang dapat ipag-alala sa'kin dahil bumubuti na ang lagay ko." Tapos ay tiningnan ang kaibigan. "Pakihatid siya sa sarili niyang kwarto."Napakamot naman sa likod ng ulo si Levi. Sa lahat ng inutos nito ay ngayon lang siya hindi natuwa. Hindi madadaan sa biro ang nangyayari at ramdam niya ang bigat ng atmosphere. Maaliwalas naman ang panahon pero parang kumukulimlim naman sa kwarto."Ayokong umalis, Cain! Dito lang ako." Pagmamatigas ni Margaret."Bumalik ka na't may naka-schedule kang check-up ngayon," ani Cain."Pero gusto kitang samahan," anito saka tiningnan ng kakaiba si Katherine.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Levi sa tatlo hangg
IBINALIK ni Cain si Margaret sa kwarto nito at nagpatawag ng doctor upang matingnan. Dahil panay ang daing ng dalaga na may masakit sa katawan.Umiiyak pa nga ito habang hawak siya sa kamay.Matapos masuri ng Doctor ay hindi pa rin ito tumitigil."Sobrang sakit talaga, Cain.""Alin ba ang masakit? Gusto mo'ng ipatawag ko na si Levi para siya na ang tumingin sa'yo?"Mabilis ang pag-iling ni Margaret sa narinig. Kapag ito ang sumuri ay siguradong mabibisto nitong nagkukunwari lang siya."M-May makirot lang pero okay na 'ko. 'Di mo na siya kailangan pang tawagin at baka makaabala pa ako."Hinaplo-haplos naman ni Cain ang likod nito. "'Wag ka ng umiyak, bubuti rin ang pakiramdam mo mamaya."Sa ganoong tagpo dumating si Lyn. Nang makitang umiiyak ang alaga ay bigla siyang nag-alala. "Sa'n ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap, anong nangyari sa'yo?""May masakit lang sa katawan ko," ani Margaret."At bakit? Ano bang nangyari?"Pasimple namang tumingin si Margaret kay Cain. Ayaw niyang m
MABILIS ang paglalakad ni Cain na animo ay may susugurin habang nakasunod naman si Levi.Nang nasa may entrance na sila ng hospital ay bigla siyang humarang, "Sandali nga lang, Cain. Ito bang lalakeng nagngangalang Luke, ay alam mo kung saan hahanapin?"Matalim ang tingin ni Cain nang balingan ang kaibigan. "Mahalaga pa ba kung alam ko o hindi? Ang importante rito ay ang mabawi si Katherine." Saka ito hinawi palayo at muling naglakad patungo sa nakaparada nitong sasakyan."Kung kilala mo 'yung tao, I'm sure na magkakilala rin ang dalawa. Ano bang relasyon meron sila?""Wala silang relasyon!"Awtomatikong tumigil si Levi nang tumaas ang boses ng kaibigan. "Chillax, nagtatanong lang naman. Ang init agad ng ulo mo." Saka ito muling sinundan.Pagkasakay sa kotse ay napakamot siya sa ulo. "Seryosong usapin, Cain. Kailangan natin ng direksyon kung sa'n pupunta. Alam mo ba kung ga'no kamahal ang gasolina ngayon?""Magmaneho ka na lang kaysa dada ka nang dada."Sa huli ay wala rin nagawa si L
PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'
NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma