เข้าสู่ระบบJena's POV
Naging maayos ang unang dalawang linggo namin bilang mag-asawa, ngunit para sa akin, tila isang panaginip pa rin ang lahat. Sa opisina ng Montemayor Holdings, nananatili kaming propesyonal at seryoso sa pagtatrabaho. Ngunit sa tuwing sasapit ang gabi at kami na lang dalawa sa loob ng kanyang marangyang penthouse sa itaas ng lungsod, biglang nag-iiba ang hangin. Hindi nawawala ang init at ang nakakapasong tensyon sa pagitan namin. Ang bawat sulyap niya, ang bawat hindi sinasadyang pagkakadikit ng aming mga balat sa kusina o sa sala, ay nagdudulot ng kakaibang kuryente sa buo kong sistema. Unti-unti, sa likod ng kanyang matigas na pader, nakikilala ko ang tunay na Shaun. Hindi lang pala siya isang malamig, at walang puso negosyante gaya ng sabi ng lahat. Sa likod ng mga saradong p***o, isa siyang lalaking maalaga, mapagmasid sa maliliit na detalye at matindi kung magmahal, kahit hindi pa niya ito sinasabi ng direkta sa pamamagitan ng mga salita.
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang dumalo kami sa isang prestihiyosong charity gala na dinaluhan ng mga pinakakilalang negosyante, at elite sa Maynila. Suot ko ang isang pulang magarang silk dress na hapit sa aking katawan na pinili mismo ni Shaun para sa gabing iyon. Nang makita niya akong bumaba sa hagdan kanina, halos hindi kumurap ang kanyang mga mata, at ang kanyang titig ay sapat na upang uminit ang aking mga pisngi.
Pagpasok pa lang namin sa napakalaking bulwagan na napapalamutian ng mga kristal na chandelier at gintong disenyo, agad nang napunta sa amin ang atensyon ng lahat. Ang mga bulung-bulungan ay hindi maiwasan dahil sa biglaang kasal ng isang Shaun Montemayor.
"Huwag kang lalayo sa tabi ko," bulong niya sa akin habang naglalakad kami sa gitna ng bulwagan. Ang kanyang malalim at kalmadong boses ay dumampi sa aking tainga, habang ang kanyang mainit na kamay ay mahigpit at mapang-angkin na nakahawak sa aking baywang, tila ipinapaalam sa lahat ng naroroon kung sino ang nagmamay-ari sa akin.
"Nandito lang ako Shaun," sagot ko nang nakangiti, pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa lapit niya saken.
Ngunit nang lumapit ang ilang kilalang foreign investors upang batiin at kausapin siya tungkol sa isang proyekto, bahagya akong umatras upang bigyan sila ng espasyo. Sa mga sandaling iyon, habang abala si Shaun sa pakikipag-usap, isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa gilid. Lumapit sa akin si Gilbert Valderrama ang dati kong masugid na manliligaw noong kolehiyo na anak ng isa sa mga pinakamahigpit na karibal ni Shaun sa mundo ng negosyo.
"Jena, hindi ko inakala na totoo ang balita," sabi ni Gilbert habang bahagyang ngumingiti at iniaabot sa akin ang isang baso ng champagne. "Kasal ka na pala kay Montemayor. Akala ko ay isa lamang itong malaking tsismis sa business world. Sigurado ka bang masaya ka sa kanya? Alam naman nating lahat kung gaano kalamig at walang pakiramdam ang taong iyon pagdating sa emosyon," aniya.
Hindi ko kinuha ang basong iniaabot niya. Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga mata,
"Masaya ako, Gilbert. Higit pa sa inaakala mo. At hindi siya ganoon, hindi mo siya kilala," mariing sagot ko. Handa na akong tumalikod at umalis nang biglang may mainit at mabigat na kamay na humawak sa aking balikat, marahang hinihila ako palapit sa kanyang dibdib.
Nilingon ko si Shaun. Madilim ang kanyang mukha, magkasalubong ang makakapal niyang kilay, at ang kanyang mga mata ay nakatitig nang matalim at mapanganib kay Gilbert. Ang malamig at nakakatakot niyang awra bilang isang makapangyarihang CEO ay ramdam na ramdam sa buong paligid, sapat upang mapaatras nang bahagya ang ibang bisitang malapit sa amin.
"May problema ba rito, Valderrama?" malamig na tanong ni Shaun, ang kanyang boses ay mababa ngunit puno ng nakakakilabot na babala.
Napalunok si Gilbert at agad na ibinaba ang hawak niyang baso. "Binabati ko lang si Jena, Montemayor. Matagal na kaming magkakilala," sagot ni Gilbert, ngunit bakas ang matinding kaba at pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "Sige, mauuna na ako," huling sambit niya habang papalayo
Nang makaalis si Gilbert, hindi na nag-aksaya ng oras si Shaun. Agad niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako palabas, patungo sa isang pribadong balkonahe sa dulong bahagi ng hotel kung saan walang ibang tao. Pagkasara ng glass door, marahan niya akong isinandal sa pader at ikinulong sa pagitan ng kanyang matitipunong braso.
"Shaun, ano bang ginagawa mo? Nag-uusap lang kami," sabi ko habang nakatingin sa galit at nag-aapoy niyang mga mata. Ramdam ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"Ayokong nakikita kang ngumingiti o nakikipag-usap sa ibang lalaki, Jena. Lalo na sa lalaking iyon," mariing sabi niya, ang kanyang boses ay paos, mababa, at puno ng hindi maitagong selos. Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang dalawa niyang kamay, habang ang kanyang hinlalaki ay marahang humahaplos sa aking ibabang labi. "Akin ka lang. Sa kontrata man o sa totoong buhay, akin ka lang," tugon niya
Bumilis nang husto ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Ang takot at kaba na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ay biglang naglaho, napalitan ng matinding kilig at saya. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang nakatitig sa kanya. "Nagseselos ka ba, Shaun Montemayor?"
Tinitigan niya ako nang malalim ng ilang segundo, tila nakikipaglaban sa kanyang sariling pride, bago siya bumuntong-hininga nang malalim at isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat. "Oo, nagseselos ako. Nakakabaliw isipin na may ibang lalaking tumitingin sa iyo, Jena. Hindi ko kaya."
Inangat ko ang kanyang mukha gamit ang aking mga kamay at hinalikan siya nang marahan sa labi, isang halik na puno ng pag-amin at pagmamahal. "Wala kang dapat ipagselos. Ikaw lang ang gusto ko, Shaun. Noon pa man, ikaw na."
Natigilan siya sa aking pag-amin, bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, ngunit agad ding napalitan ng matinding pagnanasa at pagmamahal ang ekspresyon sa kanyang mukha. Hinapit niya ang aking baywang palapit sa kanya. "Umuwi na tayo, Jena. Hindi na ako makapaghintay na makasama ka nang tayong dalawa lang."
Jena's POVIsang buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami ni Shaun sa harap ng hukom at ng aming mga pamilya. Sa loob ng maikling panahong iyon, ang kumpanya ng aking ama ay tuluyan nang nakabangon mula sa bingit ng bankruptcy at mas lumalago pa ngayon sa tulong ng mga bagong kliyente at investors. Ngunit sa kabila ng tagumpay sa negosyo, may isang mabigat na bagay ang patuloy na bumabagabag sa aking isipan araw-araw. Malapit nang matapos ang unang quarter ng aming isang taon na kontrata, at sa bawat paglipas ng oras, mas lalo akong natatakot isipin na darating ang araw na tuluyan ng matatapos ang lahat ng ito.Nasa loob kami ngayon ng kanilang malawak at marangyang penthouse, kung saan nangingibabaw ang katahimikan sa bawat sulok nito. Sa labas, walang tigil ang malakas na buhos ng ulan. Ang sunod-sunod na pagpatak nito sa malalaking salaming bintana ay tila nakikisabay sa magulong pintig ng aking puso, habang ang malamig na hanging sumisingit mula sa siwang ng mga bintana ay bahag
Jena's POVNaging maayos ang unang dalawang linggo namin bilang mag-asawa, ngunit para sa akin, tila isang panaginip pa rin ang lahat. Sa opisina ng Montemayor Holdings, nananatili kaming propesyonal at seryoso sa pagtatrabaho. Ngunit sa tuwing sasapit ang gabi at kami na lang dalawa sa loob ng kanyang marangyang penthouse sa itaas ng lungsod, biglang nag-iiba ang hangin. Hindi nawawala ang init at ang nakakapasong tensyon sa pagitan namin. Ang bawat sulyap niya, ang bawat hindi sinasadyang pagkakadikit ng aming mga balat sa kusina o sa sala, ay nagdudulot ng kakaibang kuryente sa buo kong sistema. Unti-unti, sa likod ng kanyang matigas na pader, nakikilala ko ang tunay na Shaun. Hindi lang pala siya isang malamig, at walang puso negosyante gaya ng sabi ng lahat. Sa likod ng mga saradong pinto, isa siyang lalaking maalaga, mapagmasid sa maliliit na detalye at matindi kung magmahal, kahit hindi pa niya ito sinasabi ng direkta sa pamamagitan ng mga salita.Ngunit nagbago ang ihip ng han
Jena's POVNagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumatagos mula sa manipis na kurtina patungo sa aking mukha, kasabay ng pamilyar at nakakapanatag na bigat ng matipunong brasong mahigpit na nakayakap sa aking baywang. Sandali akong natigilan, pinakikiramdaman ang mabining paghinga sa aking likuran at ang init ng katawang nakadikit sa akin. Sinubukan kong gumalaw nang marahan upang hindi siya magising, ngunit sa halip na makawala mula sa kanyang bisig, lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ni Shaun mula sa aking likuran, hinihila ako pabalik sa kanyang dibdib na tila ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo."Huwag ka munang bumangon asawa ko" paos niyang bulong sa aking tainga, ang kanyang malalim na boses ay puno pa ng antok ngunit may kasamang awtoridad. Ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking balat at nagdulot ng matinding kilabot sa aking batok pababa sa aking gulugod. "Maaga pa," sabi niya bago marahang hinalikan ang gilid ng aking
Jena's POVKinabukasan din ay ipinakuha ni Shaun ang lahat ng aking mga gamit mula sa luma naming tahanan. Walang sinayang na oras ang kanyang mga tauhan; sa loob lamang ng ilang oras ay maayos nang naempake at nadala ang lahat ng kakailanganin ko. Pagkatapos ng isang mabilis, simple, ngunit pribadong kasalan sa harap ng isang judge kinahapunan, dinala niya ako pabalik sa kanyang marangyang penthouse sa gitna ng siyudad na magsisilbi na naming tahanan sa loob ng isang taon.Habang sakay kami ng pribadong elevator paakyat sa pinakamataas na palapag, ramdam ko ang bigat ng gintong singsing na isinuot niya sa aking daliri. Tahimik lamang siya sa aking tabi, ngunit ang bawat paghinga niya ay tila nagpapabilis sa tibok ng aking dibdib. Hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip ko na legal na akong asawa ni Shaun Montemayor, ang lalaking kinatatakutan at hinahangaan sa buong mundo ng negosyo."Ito ang magiging kwarto mo," aniya nang makarating kami sa itaas, habang binubuksan ang isang malaki
Jena's POVAng malamig na hanging nagmumula sa malawak na salaming bintana ng penthouse ay marahang dumampi sa aking balat, nagdulot ng kilabot na gumapang hanggang batok ko. Mula sa ikalimampung palapag, tanaw ko ang kumikislap na mga ilaw ng siyudad, tila mga bituing bumaba mula sa kalangitan. Gayunman, hindi sapat ang nakamamanghang tanawin at malamig na simoy ng aircon upang pawiin ang init na namumuo sa aking dibdib habang nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko.Si Shaun Montemayor. Isang pangalang kinatatakutan sa mundo ng negosyo at iginagalang ng mga makapangyarihan. Siya ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa Pilipinas. Sa edad na dalawampu’t pito, pinamumunuan na niya ang pinakamalaking imperyo ng real estate sa Asya. Sinusubaybayan ng media ang bawat kilos niya, at tila batas sa stock market ang bawat salitang binibitawan niya. Ngayon, hawak din niya ang natitirang pag-asa ng kumpanyang ilang dekadang itinayo at pinaghirapan ng aking ama."Basahin mo,







