เข้าสู่ระบบJena's POV Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumatagos mula sa manipis na kurtina patungo sa aking mukha, kasabay ng pamilyar at nakakapanatag na bigat ng matipunong brasong mahigpit na nakayakap sa aking baywang. Sandali akong natigilan, pinakikiramdaman ang mabining paghinga sa aking likuran at ang init ng katawang nakadikit sa akin. Sinubukan kong gumalaw nang marahan upang hindi siya magising, ngunit sa halip na makawala mula sa kanyang bisig, lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ni Shaun mula sa aking likuran, hinihila ako pabalik sa kanyang dibdib na tila ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo.
"Huwag ka munang bumangon asawa ko" paos niyang bulong sa aking tainga, ang kanyang malalim na boses ay puno pa ng antok ngunit may kasamang awtoridad. Ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking balat at nagdulot ng matinding kilabot sa aking batok pababa sa aking gulugod. "Maaga pa," sabi niya bago marahang hinalikan ang gilid ng aking leeg.
"Shaun, kailangan kong pumasok sa opisina. Marami akong dapat na ayusin ngayong araw," sagot ko habang pilit na lumilingon sa kanya sa kabila ng kanyang mahigpit na yakap. Nang magtama ang aming paningin, nakita ko ang kanyang magulong buhok na bumabagsak sa kanyang noo at ang mapang-akit niyang ngiti habang nakapikit pa ang kanyang mga mata, mukhang napakainosente ngunit mapanganib sa parehong pagkakataon.
Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at tinitigan ako nang malalim. Ito isang titig na tila hinuhubaran ang buo kong pagkatao. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi, pababa sa aking leeg, hanggang sa aking hubad na balikat na nakalabas mula sa makapal na puting kumot. "Ako ang nagmamay-ari ng kalahati ng industriyang ito, Jena. Kung sasabihin kong magpapahinga ka ngayong umaga, walang sinuman sa buong kumpanya ang maglalakas-loob na kwestyunin ka o magreklamo."
"Pero…" nauutal kong sambit at pilit na nilalabanan ang panghihina ng aking tuhod dahil sa haplos niya. "Hindi ako pwedeng umasa lang sa pangalan mo. Kailangan kong patunayan sa kanila na karapat-dapat ako sa posisyong iniwan ni Papa."
Hindi na niya ako pinatapos sa aking paliwanag. Mabilis niyang sinakop ang aking mga labi. Hinalikan niya ako nang malalim at marahan at pinaparamdam ang kanyang buong pag-angkin sa bawat dampi ng kanyang mga labi. Ang halik niya ay nagsimula nang banayad ngunit unti-unting naging mapusok na tila nagbababala na siya ang masusunod. Hindi ko nagawang tumanggi at tumugon ako sa kanyang halik, ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg at nalulunod sa nakakapaso niyang init. Nang sa wakas ay maghiwalay ang aming mga labi, pareho kaming naghahabol ng hininga, ang aming mga noo ay magkadikit habang ang tibok ng aming mga puso ay nag-uunahan.
"Sige na asawa ko, maligo ka na. Sabay tayong pupunta sa kumpanya mo," sabi niya nang may bahagyang ngisi sa labi bago tuluyang bumangon mula sa kama. Wala siyang pakialam sa kanyang hubad na pangangatawan habang naglalakad patungo sa banyo, ipinapakita ang kanyang malapad na likod at matipunong pangangatawan na tila inukit mula sa bato. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang likod niya, puno ng paghanga at pagnanasa na hindi ko kailanman naramdaman sa iba.
Pagkalipas ng isang oras, magkasama kaming bumaba mula sa kanyang mamahaling sasakyan at pumasok sa mataas na gusali ng kumpanya ng aking ama. Ang bawat hakbang namin sa marmol na sahig ng lobby ay tila umaalingawngaw. Ang lahat ng empleyado na nadadaanan namin ay biglang natigilan sa kanilang ginagawa nang makita kaming magkahawak-kamay. Kitang-kita ang gulat at pagkamangha sa kanilang mga mata. Si Shaun Montemayor, ang kinatatakutang bilyonaryo na bihirang magpakita sa publiko at kilala sa pagiging mailap, ay nakatayo sa tabi ko na parang isang tapat at mapagbantay na anino, suot ang kanyang itim na amerikana na lalong nagpatalas sa kanyang makisig at nakakasindak na anyo.
Ilang sandali, sumakay kami sa pribadong elevator patungo sa pinakamataas na palapag. Nang bumukas ang p***o ay diretso kaming naglakad patungo sa opisina ng CEO.
"Ito na ang opisina mo Jena," sabi niya pagkapasok namin sa malawak at maaliwalas na executive suite. Iginala ko ang aking paningin mula sa bagong ayos na mga muwebles hanggang sa mga dokumentong maayos ng nakasalansan sa paligid, halatang pinaghandaan niya ito. "Inayos ko na ang lahat para maging komportable ka. At ito naman ang magiging mesa ko."
Kumunot ang noo ko nang ituro niya ang isang malaking mahogany desk sa kabilang bahagi ng malawak na opisina na ilang metro lamang ang layo mula sa akin. Nakapatong na roon ang kanyang laptop at ilang mahahalagang folders. "Teka, bakit may mesa ka rito? Akala ko ba napag-usapan na natin na hindi mo pakikialaman ang pamamahala ko sa kumpanyang ito, Shaun?"
Lumapit siya sa akin nang may mabagal ngunit siguradong mga hakbang. Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at ngumiti ng bahagya, isang ngiting nakakaloko ngunit puno ng sinseridad sabay sambit ng, "Hindi ko pakikialaman ang trabaho mo, Jena. Ikaw pa rin ang masusunod sa bawat desisyon. Dito lang ako magtatrabaho ngayong linggo. Hindi ko hahayaang lumapit sa iyo ang mga gahamang board members na nagtangkang manloko sa ama mo nang wala ako sa tabi mo para bantayan sila."
Napangiti ako sa kanyang sinabi, biglang natunaw ang anumang pagtutol na nasa isip ko. Sa likod ng kanyang pagiging dominante, istrikto, at malamig na awra sa ibang tao, naroon ang matinding pagnanais niyang protektahan at alagaan ako. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ang laylayan ng kanyang kwelyo, at maingat na inayos ang kanyang kurbata.
"Salamat, Shaun. Pero kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako ang dating Jena na madaling matakot," tugon ko habang nakatingala sa kanya ng nakangiti.
"Alam ko Jena," sagot niya ng may pagmamalaki sa kanyang tinig. Hinawakan niya ang aking baywang, hinila ako palapit sa kanya, at marahang hinalikan ang aking noo. Isang halik na puno ng respeto at pagmamahal. "Pero asawa kita. At habang humihinga ako, walang sinuman o anuman sa mundong ito ang pwedeng manakit, magpabagsak, o manloko sa pag-aari ko lalo na sayo asawa ko," dominanteng sambit ng aking asaw
Jena's POVIsang buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami ni Shaun sa harap ng hukom at ng aming mga pamilya. Sa loob ng maikling panahong iyon, ang kumpanya ng aking ama ay tuluyan nang nakabangon mula sa bingit ng bankruptcy at mas lumalago pa ngayon sa tulong ng mga bagong kliyente at investors. Ngunit sa kabila ng tagumpay sa negosyo, may isang mabigat na bagay ang patuloy na bumabagabag sa aking isipan araw-araw. Malapit nang matapos ang unang quarter ng aming isang taon na kontrata, at sa bawat paglipas ng oras, mas lalo akong natatakot isipin na darating ang araw na tuluyan ng matatapos ang lahat ng ito.Nasa loob kami ngayon ng kanilang malawak at marangyang penthouse, kung saan nangingibabaw ang katahimikan sa bawat sulok nito. Sa labas, walang tigil ang malakas na buhos ng ulan. Ang sunod-sunod na pagpatak nito sa malalaking salaming bintana ay tila nakikisabay sa magulong pintig ng aking puso, habang ang malamig na hanging sumisingit mula sa siwang ng mga bintana ay bahag
Jena's POVNaging maayos ang unang dalawang linggo namin bilang mag-asawa, ngunit para sa akin, tila isang panaginip pa rin ang lahat. Sa opisina ng Montemayor Holdings, nananatili kaming propesyonal at seryoso sa pagtatrabaho. Ngunit sa tuwing sasapit ang gabi at kami na lang dalawa sa loob ng kanyang marangyang penthouse sa itaas ng lungsod, biglang nag-iiba ang hangin. Hindi nawawala ang init at ang nakakapasong tensyon sa pagitan namin. Ang bawat sulyap niya, ang bawat hindi sinasadyang pagkakadikit ng aming mga balat sa kusina o sa sala, ay nagdudulot ng kakaibang kuryente sa buo kong sistema. Unti-unti, sa likod ng kanyang matigas na pader, nakikilala ko ang tunay na Shaun. Hindi lang pala siya isang malamig, at walang puso negosyante gaya ng sabi ng lahat. Sa likod ng mga saradong pinto, isa siyang lalaking maalaga, mapagmasid sa maliliit na detalye at matindi kung magmahal, kahit hindi pa niya ito sinasabi ng direkta sa pamamagitan ng mga salita.Ngunit nagbago ang ihip ng han
Jena's POVNagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumatagos mula sa manipis na kurtina patungo sa aking mukha, kasabay ng pamilyar at nakakapanatag na bigat ng matipunong brasong mahigpit na nakayakap sa aking baywang. Sandali akong natigilan, pinakikiramdaman ang mabining paghinga sa aking likuran at ang init ng katawang nakadikit sa akin. Sinubukan kong gumalaw nang marahan upang hindi siya magising, ngunit sa halip na makawala mula sa kanyang bisig, lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ni Shaun mula sa aking likuran, hinihila ako pabalik sa kanyang dibdib na tila ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo."Huwag ka munang bumangon asawa ko" paos niyang bulong sa aking tainga, ang kanyang malalim na boses ay puno pa ng antok ngunit may kasamang awtoridad. Ang kanyang mainit na hininga ay dumampi sa aking balat at nagdulot ng matinding kilabot sa aking batok pababa sa aking gulugod. "Maaga pa," sabi niya bago marahang hinalikan ang gilid ng aking
Jena's POVKinabukasan din ay ipinakuha ni Shaun ang lahat ng aking mga gamit mula sa luma naming tahanan. Walang sinayang na oras ang kanyang mga tauhan; sa loob lamang ng ilang oras ay maayos nang naempake at nadala ang lahat ng kakailanganin ko. Pagkatapos ng isang mabilis, simple, ngunit pribadong kasalan sa harap ng isang judge kinahapunan, dinala niya ako pabalik sa kanyang marangyang penthouse sa gitna ng siyudad na magsisilbi na naming tahanan sa loob ng isang taon.Habang sakay kami ng pribadong elevator paakyat sa pinakamataas na palapag, ramdam ko ang bigat ng gintong singsing na isinuot niya sa aking daliri. Tahimik lamang siya sa aking tabi, ngunit ang bawat paghinga niya ay tila nagpapabilis sa tibok ng aking dibdib. Hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip ko na legal na akong asawa ni Shaun Montemayor, ang lalaking kinatatakutan at hinahangaan sa buong mundo ng negosyo."Ito ang magiging kwarto mo," aniya nang makarating kami sa itaas, habang binubuksan ang isang malaki
Jena's POVAng malamig na hanging nagmumula sa malawak na salaming bintana ng penthouse ay marahang dumampi sa aking balat, nagdulot ng kilabot na gumapang hanggang batok ko. Mula sa ikalimampung palapag, tanaw ko ang kumikislap na mga ilaw ng siyudad, tila mga bituing bumaba mula sa kalangitan. Gayunman, hindi sapat ang nakamamanghang tanawin at malamig na simoy ng aircon upang pawiin ang init na namumuo sa aking dibdib habang nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko.Si Shaun Montemayor. Isang pangalang kinatatakutan sa mundo ng negosyo at iginagalang ng mga makapangyarihan. Siya ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa Pilipinas. Sa edad na dalawampu’t pito, pinamumunuan na niya ang pinakamalaking imperyo ng real estate sa Asya. Sinusubaybayan ng media ang bawat kilos niya, at tila batas sa stock market ang bawat salitang binibitawan niya. Ngayon, hawak din niya ang natitirang pag-asa ng kumpanyang ilang dekadang itinayo at pinaghirapan ng aking ama."Basahin mo,







