Beranda / Romance / Craving For Love / Chapter 129: Crush

Share

Chapter 129: Crush

Penulis: Love Reinn
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-04 23:58:03
MARCO POV

“Wow, mukhang ang sarap tingnan,” namamanghang sabi ni Ara habang nakatingin sa tatlong kaldero ng nilagang baka sa gitna ng mesa. Binili ko para sa kanya. Dumaan kasi kami sa nirekomenda niyang restaurant.

“Kain ka lang, ‘wag kang magtitira,” nang-eengganyo ko sa kanya.

Noong kinuwento sa akin ni Jill kung gaano kalakas kumain ng nilagang baka ang nobya ko, ay hindi ako naniwala. Kako, mahinhin kumain si Ara.

Pero ngayong nakikita mismo ng mga mata ko na makailang beses siyang pabalik-balik sa kaldero para magsandok ng ulam, sa palagay ko, totoo nga. May mga bagay pa pala akong ‘di alam sa kanya.

“Kain ka rin, oh. Puno pa ‘yong isang kaldero,” pag-aalok niya sa akin habang nginangatngat ang hawak na mais.

Oo, isa, dahil malapit na niyang maubos ‘yong dalawa. Parang tama nga na magpanggap na muna akong bulag dahil mas komportable siyang gawin ang gusto niya.

“Ayos na ako rito sa lumpia. Kumain naman ako kanina,” pangiting tugon ko sa kanya.

Pinaglapat niya an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Craving For Love   Chapter 130: Report

    MARCO POV“Bye, Love,” paalam ni Ara sa akin pagkahalik niya sa pisngi ko. Saka siya bumaling sa pinarang taxi at sumakay roon.Nagmamadali siya. Siguro dahil mag-uumaga na. Naiwan naman kami nina Dos at Jack na nakatanaw sa sinakyan niya na umalis din agad.“Hindi mo pa rin ba nasasabi sa kanya ang tungkol sa totoo mong pagkatao, Sir Marius?” nag-aalalang tanong ni Dos sa akin.Malalim akong huminga. “Hindi pa. Naghahanap pa ako ng t’yempo para aminin sa kanya ang lahat.”Nagkatinginan silang dalawa.Bumaling ako sa convenience store kung saan bumibili ng ice cream sina Jill at Lolly. Kita ko sa glass wall kung paano sila magtawanan na para bang close na close sila.Hindi lang ako kay Ara kailangang magtapat ng katotohanan. Sa palagay ko, mas komplikadong ipaliwanag ang lahat sa pamangkin ko. Lumaki siya sa simpleng buhay. Siguradong mahihirapan siyang mag-adjust sa magulong mundo ng mga Silvestre.Napatingin ako sa billboard. Naalala ko ang nangyaring aksidente sa Northford Universi

  • Craving For Love   Chapter 129: Crush

    MARCO POV “Wow, mukhang ang sarap tingnan,” namamanghang sabi ni Ara habang nakatingin sa tatlong kaldero ng nilagang baka sa gitna ng mesa. Binili ko para sa kanya. Dumaan kasi kami sa nirekomenda niyang restaurant. “Kain ka lang, ‘wag kang magtitira,” nang-eengganyo ko sa kanya. Noong kinuwento sa akin ni Jill kung gaano kalakas kumain ng nilagang baka ang nobya ko, ay hindi ako naniwala. Kako, mahinhin kumain si Ara. Pero ngayong nakikita mismo ng mga mata ko na makailang beses siyang pabalik-balik sa kaldero para magsandok ng ulam, sa palagay ko, totoo nga. May mga bagay pa pala akong ‘di alam sa kanya. “Kain ka rin, oh. Puno pa ‘yong isang kaldero,” pag-aalok niya sa akin habang nginangatngat ang hawak na mais. Oo, isa, dahil malapit na niyang maubos ‘yong dalawa. Parang tama nga na magpanggap na muna akong bulag dahil mas komportable siyang gawin ang gusto niya. “Ayos na ako rito sa lumpia. Kumain naman ako kanina,” pangiting tugon ko sa kanya. Pinaglapat niya an

  • Craving For Love   Chapter 128: Parke

    MARCO POVDiretso lang ang tingin ko sa malayo habang nakaupo sa espantadong parte ng parke. Abala ang mga taong namamasyal sa paligid samantalang para naman akong naestatwa sa posisyon ko. Nakahilig kasi ang ulo ni Ara sa balikat ko. Si Lolly naman ay ginawang unan ang hita ko. May ale pa na naghulogng barya sa lata na malapit sa amin. Akala ata pulubi kami. Hilaw na lang akong natawa sa ginawa niya.“Mag-ina mo?” usyusong tanong niya sa akin. Nakataas pa ang kilay kina Ara at Lolly.“Ikakasal pa lang po,” magalang na tugon ko. May halong ngiti. Hindi ko naman itatanggi ang bagay na ‘yon. Kung pwede nga ay ipagsisigawan ko pa. Masyado lang talagang maraming nangyari kaya hindi pa kami makapagdesisyon ni Ara ng araw ng pag-iisang dibdib namin. May mga komplikadong bagay pa na kailangang ayusin.“Aba, may anak na kayo, ikakasal pa lang? Kabataan nga naman. Tapos nandito pa kayo at namamalimos. Siguro wala na rin kayong pambili ng bigas at gatas. Nasira na tuloy ang kinabukasan niyo

  • Craving For Love   Chapter 127: Muli

    SAMARA POV ‘Two old friends meet again, wearin' older faces~’ “Aray, ano ba?!” asik ng babaeng nakabangga ko sa daan. “S-Sorry,” hinging paumanhin ko na hahawakan sana siya pero tinabig niya ang kamay ko. “Tatanga-tanga,” pairap niyang dagdag saka siya umalis. Napabuntong-hininga na lang ako sa nangyari. Kung ordinaryong araw lang sana ay makikipagbangayan ako sa kanya. Pero ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Hindi pa ako nakakapagdesisyon sa sinabi sa akin ni Atty. Santivanez. Pwede kong kunin ang kopya ng cctv footage ng pag-alis at pagpasok ni Kakai sa mansyon na siyang magpapawalang sala kay Manang Letty. Ngunit sa palagay ko, mas lalala lang ang sitwasyon. Ang masasangkot kasi ay ang mismong stepsister at madrasta ko. Ayokong bigyan ng panibagong problema si Daddy. Napag-usapan namin na ‘wag na munang sabihin sa kanya ang nangyari at itago na lang kung ano mang nadiskubre namin. ‘Mas mabuting patayin na lang ang apoy habang hindi pa ito nagliliyab,’ naalala kong payo ni

  • Craving For Love   Chapter 126: Pagpili

    SAMARA POV“‘Wag po kayong mag-alala, Manang Letty. Gagawin ko po ang lahat ng paraan makalaya kayo rito,” pangako ko kay Manang Letty.Nasa presinto na kami at magkaharap na nakaupo. Nakapatong ang magkahawak naming kamay sa mesa. Noong dinala siya rito ng mga pulis ay agad akong sumakay ng taxi para sundan siya. Kung pwede nga lang ay hindi na ako aalis sa tabi niya.“Hindi naman ako sa sarili ko nag-aalala, kundi sa ‘yo. Wala pang malay ang daddy mo. Baka kung anong masamang bagay na naman ang maisip ni Ma’am Olivia. Ayokong mag-isa ka,” naiiyak na tugon nito. Medyo nanghihina na ang boses niya dulot ng pagod dahil sa nangyaring hulihan kanina.Pareho kaming hindi pa nahihimasmasan sa mga nangyari. Hindi namin alam kung ano ang dapat gawin.Ang balak ko lang naman ay aminin kay daddy ang pagtataksil na ginagawa ng madrasta ko. Pero nabaliktad lang ang pangyayari. Ako ang napahamak. Ang masakit pa, nadamay pa si Manang Letty. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong laban sa kanya.“Ara,

  • Craving For Love   Chapter 125: Muling Pagkikita

    THIRD PERSON POV“Mommy,” matamlay na tawag ni Monica sa ina nang dumaan ito sa tapat niya.Nakita niya ang ginawa nito kina Samara at Manang Letty. Aaminin niyang naiinggit siya sa stepsister niya pero grabe naman ata na paratangan ang mga ito ng krimen na ‘di naman nila ginawa. Hindi niya maintindihan ang mommy niya.Bumaling si Mrs. Licaforte sa kanya. Agad na napakunot ang noo nito nang makita ang reaksyon ng mukha niya. “Anong itsura ‘yan, Monica? ‘Wag mo sabihing naaawa ka sa matandang ‘yon?” pagsusungit nito. Ang pinakaayaw niya sa anak niya ay ang pagiging mahina nito.Napabuga ng hangin si Monica dahil sa bigat ng pakiramdam niya. “Kailangan ba talagang umabot sa gano'n, Mommy? Mali naman ata—”“Mali?” agad na pagputol ni Mrs. Licaforte sa sinasabi niya. “Kung sakaling nagkabaliktad ang posisyon niyo ni Ara at ikaw ang walang mana, ‘yon ang mali. Alam mo namang ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa kapakanan mo, Monica. Unahin mong kaawaan ang sarili mo bago ang iba,” pan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status