Home / Mafia / Dangerously Yours / CHAPTER 1 — Ang Gabing Hindi Ko Dapat Pinuntahan

Share

Dangerously Yours
Dangerously Yours
Author: MyssMarie

CHAPTER 1 — Ang Gabing Hindi Ko Dapat Pinuntahan

Author: MyssMarie
last update publish date: 2026-03-24 20:25:08

Hindi ko alam kung anong eksaktong nagtulak sa’kin na pumasok sa lugar na ‘yon.

Kung tatanungin ako kinabukasan, malamang sasabihin ko—pagod lang ako. Na gusto ko lang magpahinga, lumayo sandali sa paulit-ulit na routine ng buhay ko. Na wala namang masama sa isang gabing gusto ko lang maramdaman na… buhay ako.

Pero kung magiging totoo ako sa sarili ko. Alam kong hindi lang ‘yon.

May parte sa’kin na curious.

May parte sa’kin na gustong sumubok.

At may parte sa’kin na pagod na maging “maingat.”

Kaya kahit alam kong hindi ako bagay sa lugar na ‘to… pumasok pa rin ako.

Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong agad ako ng malamig na hangin at mas malamig na pakiramdam. Hindi ito ‘yung tipikal na bar na maingay at puno ng tawanan. Hindi rin ito ‘yung cozy na café na may soft music at warm lights.

Iba ‘to.

Masyadong tahimik.

Masyadong kontrolado.

Ang ilaw ay dim—hindi romantic, kundi parang may tinatago. Ang bawat sulok ay may anino na parang may sariling buhay. Ang mga tao ay bihis ng maayos, elegante, pero walang gaanong emosyon sa mukha.

Parang lahat sila… may alam na hindi ko alam.

At sa sandaling iyon, dapat na akong umatras.

Dapat lumabas na ako.

Pero hindi ko ginawa.

Huminga ako nang malalim, saka tuluyang pumasok.

Isang maling hakbang.

Isang desisyong hindi ko na mababawi.

“Miss?”

Napatingin ako sa bartender nang marinig ko ang tawag niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo sa gilid, parang nawawala.

“Ah—sorry,” mahina kong sagot, pilit ngumiti. “Pwede bang… kahit anong light lang?”

Tumango siya, pero may kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa’kin parang sinusukat niya ako. Parang iniisip niya kung dapat ba akong pagsilbihan… o paalisin.

Hindi ko pinansin.

Ayokong mag-overthink.

Umupo ako sa isang stool sa bar, pilit inaayos ang sarili ko. Inilapag ko ang bag ko sa tabi, saka pinagmasdan ang paligid. May mga taong nag-uusap sa maliliit na grupo, may ilan na tahimik lang, at may iba na parang may hinihintay.

Walang masyadong tumatawa.

Walang masyadong masaya.

At habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na hindi ako kabilang dito.

“Relax,” bulong ko sa sarili ko.

Isang gabi lang ‘to.

Walang mangyayari.

Pero hindi pa ako nakakalahati sa iniisip ko nang may biglang naupo sa tabi ko.

Hindi siya gumawa ng ingay.

Walang paalam. Walang kahit anong senyales.

Pero naramdaman ko agad.

Parang may biglang bumigat sa hangin. Parang may presensya na hindi mo kayang balewalain kahit gustuhin mo.

At doon nagsimula ang lahat.

“Hindi ka bagay dito.”

Mababa ang boses niya. Hindi malakas, pero sapat para marinig ko nang malinaw.

Napapikit ako sandali bago ako dahan-dahang lumingon.

At sa unang tingin pa lang…

Alam kong delikado siya.

Hindi dahil sa itsura niya—bagama’t hindi maikakaila na gwapo siya sa paraang hindi pilit. Malinis ang bihis niya, maayos ang galaw, at may natural na confidence na hindi kailangang ipakita.

Pero hindi ‘yon ang nakapagpigil ng hininga ko.

Kundi ang mga mata niya.

Diretso. Tahimik. At parang may tinatagong bagyo.

“Excuse me?” sagot ko, pilit pinapatatag ang boses ko.

Hindi siya agad nagsalita.

Sa halip, tinitigan lang niya ako—parang binabasa. Parang sinusuri kung sino ako, kung bakit ako narito, at kung ano ang dapat niyang gawin sa’kin.

At hindi ko nagustuhan ‘yon.

“First time mo dito,” sabi niya sa wakas.

Hindi iyon tanong.

Alam na niya.

Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi. Pero sa paraan ng pagtitig niya, parang walang saysay ang pagsisinungaling.

Kaya nanahimik na lang ako.

Ngumiti siya—pero hindi iyon nakaka-comfort.

Mas lalo lang akong kinabahan.

“Hindi ka dapat nakikita dito,” dagdag niya, bahagyang yumuko palapit sa’kin.

Napakunot ang noo ko. “Bakit? May dress code ba na hindi ko alam?”

Mahina siyang natawa—isang tunog na walang saya.

“At ikaw,” bulong niya,

“…hindi ka mukhang sanay sa mga taong hindi marunong magpatawad.”

Napalunok ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit… pero parang may mali sa sinabi niya.

Hindi ito casual conversation.

Parang may hidden meaning.

Parang may babala.

Bago pa ako makasagot, may lalaking lumapit sa kanya. Nakasuot ng itim, seryoso ang mukha, at hindi man lang ako tinignan.

May ibinulong ito sa kanya.

At doon ko nakita ang pagbabago.

Mabilis lang. Halos hindi mapapansin ng iba.

Pero nakita ko.

Tumigas ang panga niya. Naging mas malamig ang titig niya. Parang may naalala siyang hindi maganda—o may desisyong kailangan niyang gawin.

Tumango siya sa lalaki, saka tumayo.

Akala ko aalis na siya nang hindi na ako papansinin.

Pero bago siya tuluyang umalis—

Tumingin siya sa’kin ulit.

Mas matagal.

Mas mabigat.

“At dahil nakita kita,” sabi niya, malamig at sigurado,

“…hindi na kita pwedeng i-ignore.”

Napatayo ako. “Wait—ano ba—”

“Umalis ka na.”

Napatigil ako.

Hindi iyon suggestion.

Utos iyon.

“At huwag ka nang babalik dito,” dagdag niya, saka tumalikod.

At gano’n lang—

Iniwan niya ako.

Walang paliwanag. Walang dahilan. Walang kahit anong linaw.

Napabuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.

“Ang yabang naman nun,” bulong ko sa sarili ko.

Pero kahit anong pilit kong i-dismiss ang nangyari… hindi mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya.

Parang may nakita siya sa’kin na hindi ko alam.

Parang may dahilan kung bakit gusto niya akong paalisin.

At higit sa lahat—

Parang hindi pa doon matatapos ang lahat.

Hindi na ako nagtagal.

Kinuha ko ang bag ko at agad na lumabas ng bar, hindi na tinapos ang inumin ko. Paglabas ko, sinalubong ako ng mas malamig na hangin ng gabi.

Huminga ako nang malalim.

“Ang weird,” bulong ko.

Tahimik ang kalye. Kaunti lang ang ilaw. At kahit hindi ko maipaliwanag—

Parang may mali.

Nagsimula akong maglakad, pilit binabalewala ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib ko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ko iyon.

May sumusunod.

Hindi ko alam kung sigurado ako.

Pero may nararamdaman ako.

Isang presensya.

Mabigat.

Tahimik.

At papalapit.

Huminto ako.

Dahan-dahan akong lumingon.

Walang tao.

Walang kahit ano.

Napailing ako. “Paranoid ka lang,” sabi ko sa sarili ko.

Naglakad ulit ako mas mabilis na ngayon.

Pero sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman na hindi ako nag-iisa.

Hanggang sa—

May kamay na humawak sa pulso ko.

Napasinghap ako, agad na lumingon

At tumigil ang mundo ko.

Siya.

Nakatayo sa harap ko, mas malapit kaysa sa inaasahan ko.

At mas mapanganib.

“Sinabi ko sa’yo na umalis ka,” malamig niyang sabi.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako makapagsalita.

Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko mabilis, malakas, at puno ng takot.

“Ano bang—” pilit kong sabi, pero naputol ako nang higpitan niya ang hawak sa pulso ko.

“May nakakita sa’yo,” dagdag niya.

“Anong ibig mong sabihin—”

“Hindi mo dapat narinig ang usapan kanina.”

Napakunot ang noo ko. “Wala akong narinig—”

“Hindi mahalaga.”

Mas lalo siyang lumapit.

At sa unang pagkakataon…

Natakot talaga ako.

“Simula ngayong gabi,” bulong niya,

“…hindi ka na safe mag-isa.”

Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala.

“Ano…?”

“At dahil kasalanan ko ‘to,” dagdag niya,

“…ako ang aayos.”

“Hindi ko kailangan ng—”

“Kailangan mo.”

Putol. Sigurado. Walang pagtutol.

At sa paraan ng pagkakasabi niya—

Alam kong wala akong choice.

Hinila niya ako papunta sa isang itim na sasakyan na hindi ko napansin kanina.

“Wait—hindi ako sasama—”

“Too late.”

Binuksan niya ang pinto, saka ako tinulak papasok.

“Anong ginagawa mo?!” sigaw ko, pero bago pa ako makalabas

Sumara ang pinto.

At siya ang sumunod.

Tahimik ang loob ng sasakyan.

Mabigat ang hangin.

At habang unti-unting umaandar ang sasakyan

Napagtanto ko ang isang bagay.

Hindi ko siya kilala.

Hindi ko alam kung sino siya.

Pero sa gabing ‘to

Naging parte na ako ng mundo niya.

At pakiramdam ko…

Wala na akong paraan para makalabas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dangerously Yours   CHAPTER 12 — Hindi Ka Ligtas Sa Kanya

    Hindi ako gumalaw.Kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis si Solid, nandito pa rin ako sa kama, nakatitig sa pintuan.Tahimik ang buong kwarto, pero ang dibdib ko parang may sariling mundo—ang lakas ng tibok, ang bigat ng pakiramdam.Sinabi niyang huwag akong lalabas.Sinabi niyang kahit anong mangyari.Pero hindi mawala sa isip ko ang pangalan na iyon.Valeria.Bumalik siya. At hindi siya nag-iisa.Napapikit ako sandali, pilit kinakalma ang sarili ko.Kaya ko ‘to. Kailangan kong magtiwala kay Solid.Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng kaba.Hanggang sa may marinig akong mahihinang boses mula sa labas.Hindi ko sinasadya.Pero tumayo ako.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan, pilit hindi gumagawa ng ingay.Nakabukas nang bahagya ang pinto.At mula roon, narinig ko sila.“YOU REALLY BROUGHT HER HERE?”Isang lalaki. Hindi ko kilala. Malalim. Mapanganib.“ I didn’t bring her for you,” sagot ni Solid. Malamig. Diretso.Tumigil ako. Mas lalo akong napalap

  • Dangerously Yours   CHAPTER 11 — Huwag Kang Lumayo

    Nagising ako sa pakiramdam na may nakatingin sa’kin.Dahan-dahan akong dumilat.At siya agad ang bumungad.Si Solid Devereaux.Nakatayo sa gilid ng kama, tahimik, pero nakatingin nang diretso sa’kin—parang chine-check kung okay pa ako.“Creepy mo,” mahina kong sabi.Bahagya siyang ngumiti.“Gising ka na.”“Kanina pa.”Umupo ako, napangiwi ng bahagya sa sakit.Agad siyang lumapit.“Careful.”Hinawakan niya ang braso ko—maingat, pero may halong urgency.“Okay lang ako,” sabi ko.“Hindi ka okay.”Diretso.Walang debate.Tahimik.Pero hindi awkward.Iba.Mas… komportable.“Hindi ka umalis kagabi,” sabi ko.“Hindi.”“Bakit?”Sandali siyang natahimik.Tapos—“Gusto ko.”Napalunok ako.Hindi ko alam kung bakit—pero mas kinabahan ako sa simpleng sagot niya kaysa sa lahat ng nangyari kahapon.“Solid…”“Hmm?”“Hindi ka ba napapagod?”“Sa’yo?”Napatingin ako sa kanya.“At hindi ako napapagod.”Bahagya akong napangiti.Lumapit siya.Mas malapit kaysa dati.Parang natural na lang sa kanya.“At hi

  • Dangerously Yours   CHAPTER 9 — Wala Nang Atrasan

    Solid Devereaux POVAmoy dugo.Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi pa tapos.Nakatayo ako sa gitna ng warehouse, baril pa rin sa kamay ko. Isa-isa nang bumabagsak ang mga tauhan ni Valeria, pero wala akong pakialam sa kanila.Isa lang ang mahalaga.Siya.Si Marie.Late ako.At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.Hinayaan kong may makalapit sa kanya. Hinayaan kong may makakuha sa kanya.At ngayon—may dugo siya sa kamay niya.Dahil sa’kin.“Sir—”“Get her to the car.”Hindi ako lumingon.Hindi ko kayang tingnan siya ngayon.Dahil kung makita ko ulit ang dugo sa kanya—mas lalala lang ‘to.Tahimik.Pero naramdaman ko pa rin ang presensya niya.Hindi siya umalis agad.Hindi siya bumitaw.“Solid…”Mahina.Pero sapat para tumigil ako.Napapikit ako sandali.Huminga nang malalim.At pilit kinontrol ang sarili ko.Pero hindi ko kaya.Hindi ngayon.“Go.”Mababa ang boses ko.Mas delikado kaysa dati.“Please…”At doon—napapikit ulit ako.Dahil sa isang salita lang—halos bumigay ako

  • Dangerously Yours   CHAPTER 8 — Kapag Ikaw, Wala Akong Pipigilan

    Tahimik ang buong mansyon.Pero hindi ako mapakali.Simula nung umalis si Valeria, parang may mali na hindi ko maipaliwanag. Kahit anong gawin ko, bumabalik lang sa isip ko yung tingin niya—parang may balak.Parang hindi pa tapos.“Hindi ka pa natutulog?”Napalingon ako.Nakatayo si Solid sa may pintuan.“Hindi ako inaantok,” sagot ko.Lumapit siya, mas seryoso kaysa usual.“Stay inside tomorrow.”Napakunot ang noo ko. “Bakit?”“Just do it.”“Solid—”“Marie.”Isang salita lang.Pero sapat para tumahimik ako.Kinabukasan, pilit kong sinunod ang sinabi niya.Pero hindi nawala yung kaba.Kaya nung may nag-knock sa pinto—hindi ako nagduda agad.“Miss Marie?”Isang babaeng boses.Hindi ko kilala.Pero normal.“May pinapadala si Sir.”Napahinto ako.Hindi sinabi ni Solid na may ipapadala siya.Pero—hindi rin niya sinabi na wala.Maling desisyon.Binuksan ko ang pinto.Mabilis ang lahat.Isang kamay sa bibig ko.Isang braso na humila sa’kin.“Don’t scream.”Hindi ko nagawa.Hindi ako makah

  • Dangerously Yours   CHAPTER 7 — Huwag Mo Siyang Subukan

    Hindi ako agad nakagalaw.Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harap namin—elegant, composed, at halatang sanay makuha ang gusto niya.At ang mas nakakainis?Parang wala siyang pakialam sa presensya ko.“Interesting,” ulit niya, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ako umiwas.Hindi rin ako ngumiti.Kung may laro siyang gustong simulan—hindi ako aatras.“At sino siya?” tanong niya ulit.Tahimik ako.Pero si Solid—hindi.“Sa’kin siya.”Diretso.Walang pag-aalinlangan.At doon na naman ako napahinto.Napansin ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon ng babae.Hindi galit.Hindi rin nasaktan.Kundi… curious.“Sa’yo?” ulit niya, parang tinutukso siya.Lumapit siya ng kaunti.“Since when?”“Hindi mo kailangan malaman.”Malamig ang boses ni Solid.Final.Tahimik.Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.“At ikaw,” sabi ng babae, ngayon ay diretsong nakatingin sa’kin. “Alam mo ba kung sino siya?”Napataas ang kilay ko.“Alam ko kung sino ang kaharap ko.”Bahagya siya

  • Dangerously Yours   CHAPTER 6 — Hindi Kita Bibitawan

    Hindi pa rin steady ang paghinga ko.Kahit tahimik na ulit ang paligid, parang may natira pa ring kaba sa dibdib ko. Yung tipong konting ingay lang, mapapalingon ka agad.“Stop thinking.”Napalingon ako.Nakatayo si Solid Devereaux sa harap ko, diretso ang tingin. Hindi siya galit. Pero hindi rin siya kalmado.“Hindi ko kayang hindi mag-isip,” sagot ko.Lumapit siya. Dahan-dahan. Sigurado.“At hindi ko kayang makita kang ganyan.”“Ganyan paano?”“Parang mawawala ka.”Napatigil ako.Hindi ko inaasahan ‘yon.Tumayo ako, halos hindi ko na iniisip ang ginagawa ko.Lumapit ako sa kanya.“Hindi ako mawawala,” sabi ko, mahina.Sandali siyang natahimik.Tapos—Hinila niya ako.Mahigpit.Napasinghap ako nang maramdaman ko ang bisig niya sa paligid ko.“Hindi mo alam kung gaano ka kalapit mawala kanina,” bulong niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status