Share

Chapter 22

"MAY ganitong lugar pa pala sa Pilipinas?”

“Kung gusto mo nang umuwi at mag-bathtub, feel free to go home. At saan kaba nakatirang abnoy ka? Likas sa yaman ang Pilipinas.”

“Seneryoso mo naman kaagad. Ouch!”

Napamura si Raziel nang tumama sa mukha niya ang sanga ng punong kahoy.

“Tumingin-tingin din kasi sa dinadaanan `pag may time.”

Itulak kaya niya itong CL na `to? Mukhang sinasadya nitong dumaan sa masukal na daanan para lang pahirapan siya. Kanina pa sila nagpaikot-ikot sa lugar na iyon subalit puro pa rin mga puno ang nakikita niya.

“Malayo pa ba tayo?” naiiritang tanong niya.

Nagsisimula ng mangati ang katawan niya. Gusto na niyang maligo. Pero hindi naman niya hahayaang hindi makita ang lugar na pinagdalhan ng mga hayop ng kidnappers ni Lyxelle.

“Malapit na.”

Umuklo ito at hinawi ang sangang punong-puno ng mga dahon. Ewan kung ano ang pangalan ng punong iyon. Sinenyasan siya nito. Kaagad naman siyang lumapit at umuklo rin. May itinuro ito, ang kuwebang nabanggit nito.

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status