Masuk“Kailangan nating mag-usap ngayon din, Georgina.”
“Ngayon?” ulit ko, nagtatakang napatitig sa kanya at napasandal sa pintuan ng unit ko, braso’y naka-cross, at masusi ko siyang pinakatitigan. “Alas-onse na, Nathan.” “Limang minuto lang,” sagot niya. “Please.” Pinagmasdan ko ang mukha niya. Pagod. Gabi na. Pero matigas pa rin ang tindig. Parang ayaw pa ring bumitaw sa kung anong hinahabol niya. Huminga ako nang malalim. “Fine,” sabi ko. “Pero saglit lang.” Tumango siya agad, parang natakot akong magbago ng isip. Sumakay kami sa kotse niya. Walang salita sa unang ilang minuto. Tanging ugong ng makina at tahimik na lungsod ang saksi sa bigat na namamagitan sa amin. “May drive-thru café dito,” sabi niya bigla. “Gusto mo ng coffee? Cookies?” Umirap ako nang bahagya. “Hindi ito date, Nathan.” “Alam ko,” sagot niya. “Pero kailangan nating magising. Pareho.” Hindi ako sumagot. Pagdating namin sa café, nag-order siya nang hindi na nagtatanong. Dalawang hot coffee. Isang box ng cookies. Alam niya pa rin. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi kami nagtagal. Dumiretso kami sa isang tahimik na park malapit sa ilog. Tahimik. Madilim. Ilaw ng poste lang ang nagbibigay-linaw sa paligid. Pagbukas ko ng pinto ng kotse, sinalubong ako ng malamig na hangin. Parang gusto akong gisingin. Naglakad kami patungo sa isang bench. Tahimik pa rin. “Sabihin mo na,” sabi ko, nakatayo pa rin, hindi umuupo. Huminto siya sa harap ko. At bago pa ako makapag-react, bigla niya akong hinila palapit at niyakap. Isang mahigpit. Walang babala. Nanigas ang katawan ko. “Bitawan mo ako,” mahina pero mariin kong sabi. “Sandali lang,” bulong niya. “Please.” Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya sa dibdib ko. Mabilis. Magulo. “Yung eksenang nakita mo noon,” sabi niya, hindi ako binibitawan, “—malaking pagkakamali ‘yon. Isang sandaling kahinaan. Isang desisyong pinagsisisihani ko hanggang ngayon.” Namutla ang mga daliri ko sa likod niya. “Pinagsisisihan ko,” idinugtong niya. “Araw-araw.” Pinilit kong kumawala. “Huwag mo na ‘yang balikan.” Binitiwan niya ako. Pero hindi umatras. Tinitigan niya lang ako. “Hindi ko kayang kalimutan,” sabi niya. “Ako, kinailangan kong kalimutan,” sagot ko. “Para mabuhay.” Tahimik siya. “Hindi ko na gustong pag-usapan ang nakaraan,” mariin kong dugtong. “Tapos na ‘yon. Matagal na.” “Hindi pa tapos sa akin,” sabi niya. “Pero tapos na sa akin,” putol ko. “At kailangan mong igalang ‘yon.” Huminga siya nang malalim. “Bukas ang hearing.” “Alam ko,” sagot ko. “At magkakalaban tayo.” “Simula nang tanggapin ko ang kaso,” sabi ko, “hindi ko alam na Aragon ang akusado. Kung alam ko, baka—” “Baka tinanggihan mo?” mabilis niyang tanong. Hindi ako sumagot agad. “Hindi,” sagot ko sa huli. “Tatanggapin ko pa rin. Dahil hindi ko binabase ang prinsipyo ko sa apelyido.” Parang may dumaan sa mata niya. Isang saglit na pag-unawa. Isang iglap na paghanga. O baka pagod lang. “Gusto ko lang ng malinaw na laban,” sabi niya. “Walang personalan.” “Pareho tayo,” sagot ko. “What we have is purely professional.” “Totoo ba?” tanong niya, mababa. “Dapat,” sagot ko. “At mananatili.” Tumalikod ako, naglakad palayo ng ilang hakbang, saka huminto. “Please, Nathan,” dagdag ko, hindi lumilingon, “let’s move on.” Tahimik siya sa likod ko. Naririnig ko ang mabagal niyang paghinga. “Hindi ganoon kadali,” sabi niya sa huli. “Pero kailangan,” sagot ko. Pagbalik namin sa kotse, hindi na kami nag-usap. Walang kahit anong himig. Walang kahit anong tanong. Sa biyahe pauwi, tinitigan ko ang mga ilaw sa kalsada. Isa-isa silang naglalaho sa salamin, parang mga alaala na pilit kong tinatakasan. Pagdating sa apartment ko, bumaba ako agad. “Georgina,” tawag niya. Huminto ako sa pinto. “Bukas,” sabi niya,“I won’t go easy on you" Napangiti ako nang bahagya. “You should be,” sagot ko. “ coz I don't wanna fight a half-hearted opponent.” Nagkatinginan kami sandali. Isang labang hindi na maiiwasan. Isang relasyong pilit binubura. Pumasok ako sa unit ko nang hindi na lumilingon. Sa loob, tahimik. Nakahiga na si Gian. May iniwang pagkain sa mesa para sa akin. Umupo ako, kumain ng ilang subo, pero hindi ko malasahan. Ang isip ko’y nasa korte na. Bukas, magsisimula na ang laban. At alam kong hindi lang legal na argumento ang babangga sa akin. Kundi ang mga multong pilit kong ibinaon. Humiga ako, pumikit, pero nanatiling gising ang diwa. Kinabukasan, maagang nagising ang buong sistema ko. Nakasuot ako ng itim na power suit. Minimal makeup. Matatag na postura. Sa salamin, tinitigan ko ang sarili ko. “Para kay Gian,” bulong ko. Pagdating sa korte sa Pasig, sinalubong ako ni Liza at Atty. Robles. “Handa na po ang lahat,” sabi ni Liza. Tumango ako. “Let’s do this.” Sa loob ng courtroom, naroon na ang mga Aragon. Si Vicente—nakaupo, tuwid ang likod, mukha’y bato. At si Nathan—nakatayo sa harap, hawak ang files, mata’y seryoso. Nagtagpo ang mga tingin namin. Walang ngiti. Walang bati. Laban na ito. Nagsimula ang hearing. Palitan ng argumento. Objection. Counter. Motion. Ramdam ko ang bawat atake. Pero mas ramdam ko ang determinasyon. Hindi ako uurong. Sa gitna ng palitan, napansin ko ang pagpasok ng isang babae sa likod—si Laura. Nanikip ang dibdib ko. May hawak siyang folder. At nakatingin siya sa akin. Ngumiti. Isang ngiting may dalang banta. Tumayo siya bigla. “Your honor,” malakas niyang sabi, “I have evidence regarding the character of the opposing counsel.” Umalingawngaw ang bulungan sa silid. Tumayo ako agad. “Objection. Character assassination.” Ngumiti siya lalo. “Hindi po paninira kung katotohanan.” Tumingin ang judge sa akin. “Ms. Sandoval?” Tumayo ako nang tuwid. “Handa po akong sagutin anumang alegasyon.” Binuklat ni Laura ang folder. At sa sandaling iyon, nakita ko ang larawan. Isang larawan namin ni Nathan sa park, magkalapit, magkahawak ng braso. Nanlamig ang batok ko. “Hindi po ba malinaw,” sabi ni Laura, “na may personal na ugnayan sila ng defense counsel?” Sumabog ang bulungan. Napatingin ako kay Nathan. Nanigas siya. “Your honor,” mariin kong sabi, “that photo was taken out of context. Walang anumang relasyon—” “Meron,” biglang singit ni Laura. “At handa akong magpatunay.” Nagkagulo ang loob ko. Ito na. Ito ang digmaan sa labas ng batas. At sa harap ng lahat, sa harap ng hukom, sa harap ni Nathan, kailangan kong pumili... Ihahandog ko ba ang buong katotohanan? O poprotektahan ko ang lihim na maaaring sumira sa aming lahat? Huminga ako nang malalim, tumingin sa judge, at binuka ang bibig... “Your honor, what she doesn’t know is—”"Atty. Sandoval, hindi ko akalain na makakasabay kita rito sa annual gala ng corporate sector, at mukhang mas lalo kang gumaganda ngayon kaysa noong huli tayong nagkaharap sa arbitrasyon," nakangiting bati ni CEO Marcus Alcantara habang inilalagay ang isang basong champagne sa harap ko habang nakatayo kami malapit sa grand staircase ng ballroom."Maraming salamat, Mr. Alcantara, pero sa pagkakaalala ko ay hindi social gathering ang pinunta ko rito kundi para sa networking ng Davao Integrity Firm," sagot ko habang bahagyang umiwas sa paglapit niya na may dalang masyadong pormal ngunit mapanlinlang na motibo."Alam ko namang career-driven ka, Georgina, kaya nga humahanga ako sa iyo... paano kung pag-usapan natin ang posibleng merger ng mga kompanya natin habang sumasayaw tayo rito?" pagpapatuloy niya habang iniaabot ang kamay niya sa akin na parang wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa paligid."Wala akong balak sumayaw ngayong gabi, at kung tungkol sa merger, maaari mong i-e
"Kung hindi mo kayang sabayan ang bilis ng pagbasa ko sa kasong ito, mas mabuting ikaw na lang ang magbitiw kaysa mapahiya tayong dalawa sa harap ng buong faculty," diretsong sabi ko habang ibinabagsak ang isang makapal na codal provisions sa ibabaw ng mahabang wooden table sa dulo ng library.Napaigtad si Gian sa bigla kong pagbato ng libro ngunit hindi man lang natinag ang ekspresyon ng pagiging kalmado niya habang nakadekwang itong nakatingin sa akin nang may mapang-asar na kislap sa mga mata niya."Ang aga mo namang uminit ang ulo, Florence... kaya pala mas pinipili mong mag-isa dahil wala sigurong makatagal sa maldita mong ugali," sagot niya habang dahan-dahang inaayos ang pagkakakompyuter ng mga kasong pinag-aaralan namin para sa nalalapit na inter-collegiate moot court competition.Nanggigigil akong umupo sa tapat niya at itinulak ang laptop palapit sa mukha niya para ipakita ang maliit na error sa citation niya na pilit niyang itinatago sa draft niya."Hindi ako maldita, sadya
"Sino ba ang kumakatawan sa kabilang panig para masigurong hindi tayo mapapahiya sa huling yugto ng simposyum na ito?" tanong ko habang inaayos ang cuffs ng suit ko habang nakatayo sa likuran ng malaking court room ng unibersidad kung saan idinaraos ang inter-collegiate debate. "Si Gian Aragon po, sir, mula sa freshman law department," sagot ni Steve nang may pag-aalinlangan sa boses habang hawak ang tablet para iabot sa akin ang mga dokumento. Napatigil ako sa pag-aayos ng kwelyo nang marinig ko ang apelyido at ang pangalan na ilang taon ko nang pinapanood mula sa malayo nang may kirot sa dibdib. Umabante ako nang bahagya para sumilip sa glass panel ng gallery kung saan tanaw na tanaw ang entablado. Doon ko siya nakita. Nakatayo si Gian sa podium, hawak ang lapel mic habang deretsong nakatingin sa mga hukom nang walang bakas ng kaba. Ang tindig niya, ang paraan ng pagbuka ng labi niya para magbato ng batas nang walang pag-aalinlangan, at ang talim ng mga mata niya kapag sumasagot s
"Siguraduhin mo lang na hindi ka sinusundan ng mga reporter na iyan bago mo ako ihatid sa sasakyan ko, Nathan.. ayaw ko ng panibagong gulo sa media bukas ng umaga."Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking coat habang naglalakad kami sa madilim na bahagi ng basement parking ng unibersidad kung saan idinaos ang mock trial ni Gian. Ang tunog ng aking matitigas na takong ay umaalingawngaw sa sementadong sahig, sumasabay sa mabibigat at tiyak na mga hakbang ni Nathan sa aking tabi. Naamoy ko ang mamahaling leather at pabango na nagmumula sa kanyang suot na suit.. isang pamilyar na amoy na nagpapadala ng hindi maipaliwanag na tensyon sa aking sistema. Lumipas ang ilang oras mula nang matapos ang dinner namin kasama si Gian, ngunit ang bigat ng kanyang mga binitawang salita doon sa restaurant ay tila nakasabit pa rin sa hangin ngayon."Pinauna ko na ang sasakyan ni Gian kasama si Steve para makasiguro na walang makakagambala sa atin dito, Georgina," sagot niya habang bahagyang bina
"Huwag mong harangan ang daan ko kung wala kang balak na gumalaw nang mabilis, Aragon.. nakakahadlang ka sa mga taong may totoong direksyon sa buhay."Napatigil ako sa gitna ng siksikang pasilyo ng San Beda College of Law habang bitbit ang makakapal na case digests para sa pre-week ng mock trial. Isang matalim at pamilyar na boses ang bumasag sa konsentrasyon ko mula sa aking likuran. Lumingon ako at doon ko nakita si Florence Guttierez.. ang top law student ng aming karibal na unibersidad, suot ang kanyang mahigpit na nakatali na buhok at ang kanyang signature na crisp white corporate shirt na walang kahit isang lukot. Hawak niya ang isang makapal na bersyon ng Rules of Court, ang kanyang mga kilay ay bahagyang nakataas habang diretsong nakatitig sa akin na tila ba ako ay isang basurang nakaharang sa kanyang ginto. Ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay naglalabas ng matinding awtoridad, isang ugali na labis kong kinaiinisan dahil ipinapaalala nito sa akin ang matigas na karakter
"Siguraduhin mo lang na hindi ito isa sa mga laro mo, Nathan.. dahil kung gagamitin mo si Gian para lang mapalapit sa akin, hinding-hindi mo na muling makikita ang anak mo."Napatigil ako sa pag-aayos ng aking cuffs nang marinig ang matigas na boses ni Georgina sa kabila ng linya. Ang hawak kong cellphone ay tila uminit dahil sa bigat ng babala na binitawan niya bago siya tuluyang pumayag sa hapunan na ito. Nakatayo ako sa gitna ng pribadong silid ng isang tahimik at eksklusibong restaurant sa Bonifacio Global City, kung saan ang tanging maririnig ay ang banayad na kalascas ng mga kubyertos mula sa ibang mesa at ang mahinang tugtog ng piano sa background. Ang bawat hakbang ng mga waiter na nag-aayos ng mga baso ay nagpapataas ng tensyon sa aking dibdib. Alam kong pumayag lang siya dahil kasama si Gian.. alam kong ito lang ang natatanging paraan para makasama ko silang dalawa nang hindi ako hinaharangan ng kanyang mga bodyguard."Naka-reserve na ang lamesa natin, Georgina.. naghihintay
“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stre
“Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol
“Ma’am, mag-e-early out po ba kayo?”“Oo,” sagot ko kay Liza habang sinasara ko ang laptop ko, “kailangan kong dumaan sa mall. Late uuwi si Gian. May basketball training daw.”Napatingin siya sa akin. Alam niya ang ibig sabihin nun—takeout dinner, tahimik na gabi, at maagang pahinga bago ang hearin
“Umalis ka na, Nathan.”Tumama sa dingding ang boses ko na parang bala. Walang paunang babala. Walang lambing. Diretso sa pagitan ng mga mata niya.Nakatayo siya sa pintuan ng unit ko, basang-basa ang ulan sa balikat ng itim niyang suit, mata’y nanlilisik, parang may hinahanap na kasalanan. At sa l







