Masuk“Ma’am, mag-e-early out po ba kayo?”
“Oo,” sagot ko kay Liza habang sinasara ko ang laptop ko, “kailangan kong dumaan sa mall. Late uuwi si Gian. May basketball training daw.” Napatingin siya sa akin. Alam niya ang ibig sabihin nun—takeout dinner, tahimik na gabi, at maagang pahinga bago ang hearing bukas laban sa mga Aragon. “Ihanda ko na po ba ang files para bukas?” “Naipasa mo na lahat,” sabi ko. “Ang kailangan ko na lang ngayon ay malinaw na isip.” Tumango siya. “Mag-iingat po kayo.” Paglabas ko ng opisina sa BGC, ramdam ko agad ang bigat ng paparating na araw. Bukas, haharap ako sa korte laban sa pamilyang minsang sumira sa buhay ko. At sa gitna ng lahat ng iyon, kailangan kong manatiling matatag para kay Gian. Sa parking, pumasok ako sa kotse at dumiretso sa mall. Gabi na, pero buhay na buhay pa rin ang lugar—ilaw, ingay, people walking every where. Eksaktong kailangan ko para ma-distract ang utak ko kahit sandali. Pagkaparada ko, kinuha ko ang phone ko at tinext si Gian. Me: Babe, anong gusto mong dinner? Gian: Kahit ano, Love. Huwag ka magpagod. I love you. Napangiti ako nang bahagya. Pero hindi nagtagal. Habang naglalakad ako papunta sa restaurant wing, may biglang humarang sa akin. “Georgina.” Isang boses na matagal ko nang kinamumuhian. Huminto ako. Mabagal na lumingon. “Laura,” malamig kong bati. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang isang puting blouse na bahagyang gusot, buhok na parang minadaling ayusin, at mga matang puno ng dramatikong luha. Sa isang kamay niya, may hawak siyang maliit na bag. Sa kabila, nakasiksik ang cellphone na tila handang mag-record anumang sandali. “Pwede ba tayong mag-usap?” malambing niyang sabi. “Hindi,” diretso kong sagot. “Wala tayong dapat pag-usapan.” Umangat ang baba niya, at doon ko nakita ang pamilyar na ngiting puno ng pagkukunwari. “Alam mo, kahit kailan hindi ka nagbago. Palaging malamig. Palaging mataas ang tingin sa sarili.” “Kung tapos ka na sa monologue mo, may hinahabol akong oras,” sagot ko. Humakbang siya palapit. “Hindi pa ako tapos.” Napapansin ko ang ilang taong napapalingon sa amin. Eksaktong gusto niya. Eksena. Drama. Atensyon. “Anong gusto mo, Laura?” tanong ko, mababa pero mariin. Bigla siyang huminga nang malalim, saka itinulak ang sarili niyang balikat sa akin. Hindi malakas. Sapat lang para magmukhang may banggaan. “Aray!” sigaw niya agad. Napaatras ako, gulat. “Ano’ng ginagawa mo?” “Bakit mo ako tinulak?” umiiyak niyang sigaw, sabay hawak sa braso niya. Mabilis na lumapit ang ilang tao. May naglabas ng phone. May nagtanong kung okay lang siya. “Hindi kita tinulak,” mariin kong sabi. “Ikaw ang lumapit sa akin.” “Sinungaling!” sigaw niya. “Palagi kang ganyan, Georgina! Palaging ikaw ang biktima sa kwento mo!” Huminga ako nang malalim. Hindi ako papatol sa eksena. Pero hindi rin ako papayag na baligtarin ang katotohanan. “Security,” tawag ko, malakas. Mabilis na may dalawang guard na lumapit. “Ma’am, ano pong problema?” “Paki-review ang CCTV sa area na ito,” sabi ko, diretso. “Ngayon din.” Nanlaki ang mga mata ni Laura. Isang iglap lang. Pero sapat para makita ko ang pagkabahala. “Hindi na kailangan ‘yan,” mabilis niyang sabi. “Uuwi na lang ako.” “Hindi,” sagot ko. “Kailangan.” Dinala kami sa security office ng mall. Tahimik. Mabigat. Ramdam ko ang tensyon sa bawat hakbang. Pagpasok namin, agad na pinull out ng head security ang footage. Umupo ako sa harap ng monitor, diretso ang likod, matatag ang titig. Lumabas sa screen ang malinaw na eksena: ako, naglalakad. Siya, papalapit. Ang deliberate niyang pagbangga sa sarili niya sa akin. Ang kunwaring pagkadapa. Ang paghawak niya sa braso niya, sabay iyak. Tahimik ang silid. Isang guard ang marahang umubo. “Ma’am,” sabi ng head security, “self-inflicted po ang nangyari.” Hindi ako ngumiti. Hindi ako nagtaas ng kilay. Tumingin lang ako kay Laura. Namumutla siya. “Gusto mo pa bang ipaglaban ‘yan?” tanong ko. Nanginginig ang labi niya. “Hindi mo naiintindihan…” “Hindi,” putol ko. “Ikaw ang hindi nakakaintindi. Hindi mo na ako kayang takutin. Hindi mo na ako kayang sirain.” Biglang tumayo siya. “Akala mo kung sino ka na! Dahil ba CEO ka, pwede mo na akong yurakan?” “Hindi,” sagot ko. “Pero dahil sinisiraan mo ako sa publiko, pwede kitang kasuhan.” Napaupo siya muli. “Pumirma ka sa incident report,” sabi ng guard. Wala siyang nagawa kundi sumunod. Paglabas namin ng security office, mabilis siyang umalis, halos tumatakbo. Wala na ang tapang. Wala na ang eksena. Nanatili akong nakatayo sandali. Nanginginig ang mga kamay ko—not sa takot, kundi sa galit na pilit kong kinokontrol. Ilang segundo pa, huminga ako nang malalim at tinuloy ang paglakad. Pero hindi pa tapos ang gabi. Habang nasa restaurant ako para mag-order, may naramdaman akong presensyang pamilyar. Isang bigat sa hangin. Isang init na hindi ko na kailangang lingunin para makilala. “Hindi ka pa rin nagbabago,” sabi ng boses sa likod ko. Pumikit ako saglit bago lumingon. “Hindi ka pa rin marunong rumespeto ng espasyo, Nathan.” Nakatayo siya sa likod ko, nakasuot ng dark jacket, mata’y seryoso. Hindi siya galit. Hindi rin kalmado. Isang mapanganib na gitna. “Nakita ko,” sabi niya. “Wala akong pakialam sa nakita mo.” “May pakialam ako.” Napangiti ako nang mapait. “Since when?” Lumapit siya. Isang hakbang lang. Sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Since hindi ko kayang balewalain ang mga taong gustong saktan ka.” Natawa ako, maikli. “Huwag mo akong gawing proyekto ng konsensya mo.” “Hindi kita ginagawang proyekto,” sagot niya. “Ginagawa kitang responsibilidad.” “Hindi mo ako responsibilidad,” malamig kong sabi. “At hindi mo ako pag-aari.” “Hindi ko sinabing pag-aari kita.” “Wow? You had the audacity to assume that? Pero ganoon ang kilos mo.” Sandali siyang natahimik. Tinitigan ako, parang may hinahanap sa mukha ko na ayaw kong ibigay. “Bukas ang hearing,” sabi niya. “Alam ko.” “Hindi ito magiging madali.” “Wala namang madali sa laban sa mga Aragon.” Parang may tinamaan. Kumunot ang noo niya. “Hindi ako ang kalaban mo,” sabi niya. “Totoo,” sagot ko. “Pero ikaw ang defense niya.” Isang matalim na titigan ang namagitan sa amin. “Georgina,” bulong niya, “let's talk ng maayos please.” “Cut the crap,” sagot ko. “May hinahabol akong errands.” Nanigas siya. “Errands?” ulit niya. “I have a boyfriend waiting for me” itinuwid ko. “May dahilan para lumaban. At hindi ka kasama doon.” Parang may gustong itanong. Parang may gustong igiit. Pero hindi niya ginawa. Sa halip, umatras siya nang bahagya. “Mag-iingat ka,” sabi niya. “Palagi,” sagot ko. Pag-uwi ko sa condo, tahimik na ang paligid. Dumating ang pagkain. Inayos ko sa mesa. Naupo ako, tinitigan ang dalawang set ng kubyertos. Nag-text si Gian. Gian: Love, pauwi na ako. Gutom na gutom ako. Napangiti ako. “Bilisan mo,” bulong ko sa sarili. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, ramdam ko ang paparating na unos. Bukas, haharap kami sa korte. At hindi lang reputasyon ang nakataya. Kundi ang mga lihim na pilit kong binabaon. Tumunog ang phone ko. Isang mensahe mula sa unknown number. Hindi ka pa tapos sa akin. Nanlamig ang mga daliri ko. Tinype ko ang sagot ko nang walang pag-aalinlangan. Me: Hindi pa nga. At bago ko maipindot ang send, may kumatok sa pinto. Malakas. Sunod-sunod. Mabigat. Huminga ako nang malalim, tumayo, at binuksan. At sa mismong bungad ng gabi, sa ilalim ng ilaw ng hallway, naroon siya... mukha’y seryoso, matang nagbabala... “Kailangan nating mag-usap ngayon din, Georgina.”"I-abot mo sa akin ang USB drive na iyan bago ko pa sunugin ang buong lamesa ninyo sa sobrang dumi ng arrangement ninyo," pambungad na asik ko habang ibinabagsak ang dalawa kong mabigat na binder sa harap ng lamesa sa student lounge."Kalma ka lang, Florence... inaabot ko lang naman kay Gian ang reviewer para sa Evidence Law," pabebe at nakangiting tugon ng magandang junior student habang halos idikit ang kanyang dibdib sa balikat ni Gian habang nakaupo sila sa couch."Nakahawak na ang daliri mo sa reviewer niya, kailangan pa bang magdikit pati balikat mo sa kanya para lang makabasa ng tatlong kabanata?" matalas kong ganti habang ang mata ko ay parang gustong magpakawala ng kidlat sa kanilang dalawa.Napatigil ang babae at mabilis na umayos ng upo matapos makita ang galit sa mukha ko. Si Gian naman ay dahan-dahang nag-angat ng tingin mula sa kanyang iPad, iniaayos ang kanyang gulo-gulong buhok, at itinukod ang kanyang siko sa gilid ng couch habang nakatitig sa akin nang may nakatutuks
"Isuot mo muna itong silk robe ko, Queen Verdict... baka lamigin ka paglabas mo ng shower room matapos ang napakahabang araw mo sa opisina," malambing na pambungad ni Nathan habang maingat niyang inilalagay ang malambot na tela sa aking mga balikat bago dahan-dahang pinalilibutan ng kanyang mga braso ang aking bewang mula sa likod."Kaya ko namang kumuha ng sarili kong damit, Nathan... at pwede bang huwag kang masyadong yumakap nang mahigpit dahil basa pa ang buhok ko," pabalang ngunit nanginginig kong ganti habang ang init ng kanyang dibdib ay mabilis na nagpapatakbo sa dugo ko."Gusto kong humawak sa iyo, Georgina... gusto kong iparamdam sa iyo gabi-gabi na wala ka nang kailangang takutan kapag kasama mo ako rito sa loob ng kwarto natin," pabulong niyang tugon habang ang kanyang mga labi ay dahan-dahang pumapaikot sa gilid ng aking leeg, nag-iwan ng mga halik na nagpadaloy ng napakalakas na kuryente sa aking buong katawan.Napakipkip ako at napahawak nang mahigpit sa kanyang mga bra
"I-ipapanalo mo ba talaga ang kasong ito para sa akin kahit sabihin ng ibang tao na wala akong pambayad sa isang Aragon na katulad mo?" tanong ng batang nanay na kliyente ko habang nanginginig ang kanyang kamay na nakahawak sa lumang folder sa loob ng maliit na consultation room."Manatili kang nakatayo sa likod ko sa loob ng korte, at siguraduhin mong ibigay mo sa akin ang buong tiwala mo dahil hinding-hindi ko hahayaang mawalan ka ng pamilya ngayong araw," tapat kong sagot habang ipinapasok ko ang huling ebidensya sa aking leather briefcase.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hahawak ako ng isang kaso bilang lead student practitioner nang walang tulong mula kay Mom o kay Dad. Ang buong courtroom ay puno ng mga taga-media, mga propesor mula sa Law Center, at mga matatandang abogado na gustong makita kung may maipagmamalaki ba talaga ang nag-iisang anak nina Atty. Nathan Aragon at Atty. Georgina Sandoval."All rise! The Regional Trial Court of Pasig City is now in session!" sigaw ng
"Ibababa mo ba ang salamin ng sasakyan para sagutin ang mga walang kwentang tanong ng mga tsismosong reporters na iyan, o papanoorin mo lang silang harangan ang daan natin patungo sa parking lot?" pambungad na iritable kong tanong habang pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kumikislap na ilaw ng mga camera sa labas ng sasakyan."Huwag mong dungawin ang mga ilaw na iyan, Georgina... umupo ka lang nang maayos at hayaan mong ako ang mag-ayos ng gulong ito," malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Nathan habang ang kanyang isang kamay ay mabilis na umaabot sa likod ng leeg ko para ihila ako paitaas sa kanyang dibdib."Nathan! Ano bang ginagawa mo? Nasa tapat tayo ng gusali at kitang-kita ng buong media ang ginagawa mo sa loob ng kotse!" nanginginig kong bulong habang ang dalawang palad ko ay napapadapo sa kanyang malapad at mainit na dibdib."Manatili ka lang sa pwestong iyan kung ayaw mong ibaba ko ang bintana para ipakita sa kanilang lahat kung gaano kita kagustong halikan ngayon," pa
"Iabot mo sa akin yang lalagyan ng grilled salmon bago pa ubusin ng tatay mo ang lahat ng paborito kong serving ngayong gabi, Babe," utos ng mom ko habang itinuturo ang plato sa tapat ng siko ko."Love, ako ang nagpaluto niyan para sa iyo at sinadya kong ihain nang mas marami para siguradong busog ka matapos ang mahabang araw mo sa korte," malambing ngunit pabalang na ganti ni Dad habang maingat niyang inililipat ang pinakamagandang parte ng isda sa plato ni Mom."Huwag mo akong idaan sa ganyang klase ng pambobola, Nathan... at pwede bang umayos ka ng upo dahil halos ikulong mo na ako rito sa tabi mo," pang-aasar ni Mom habang ang kanyang mga pisngi ay namumula sa kuryenteng nararamdaman niya sa pagdikit ng kanilang mga braso.Nakatitig ako sa kanilang dalawa habang hawak ang aking kubyertos sa gitna ng malawak na dining hall ng penthouse nina Dad. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong labing-pitong taon ng buhay ko na nakaupo kaming tatlo sa iisang mesa bilang isang tunay na pam
"Akin na nga yang highlighter, Aragon... ikaw na naman ang nagmamay-ari ng kalahati ng lamesa rito sa study hall!" inis kong pambungad habang pilit kong inaabot ang neon marker sa tapat ng kanyang siko."Sino ba kasing nagsabi sa iyong makihati sa pwesto ko, Gutierrez?" nakangising ganti ni Gian habang mas lalo niyang ipinapaypay ang kanyang suit jacket bago dahan-dahang iniaabot ang highlighter sa akin."Makihati? Tandaan mo, apat na oras na ako rito sa library bago ka dumating at naghasik ng pabango mo sa buong kwarto!" singhal ko sa mababang boses habang pilit kong itinutulak pababa ang matinding panginginig ng aking kamay noong nagdait ang aming mga daliri."Amoy pabango lang, nagagalit ka na agad... bakit, naapektuhan ka ba tuwing napapalapit ako sa iyo?" bulong niya habang dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa akin, ang kanyang mga mata ay pinaliligiran ng matinding pang-aakit na nagpapatayo ng balahibo ko sa leeg.Napatigil ako at napakipkip sa sobrang lapit ng kanyang mu
“Kailangan nating mag-usap ngayon din, Georgina.”“Ngayon?” ulit ko, nagtatakang napatitig sa kanya at napasandal sa pintuan ng unit ko, braso’y naka-cross, at masusi ko siyang pinakatitigan. “Alas-onse na, Nathan.”“Limang minuto lang,” sagot niya. “Please.”Pinagmasdan ko ang mukha niya. Pagod. G
“Umalis ka na, Nathan.”Tumama sa dingding ang boses ko na parang bala. Walang paunang babala. Walang lambing. Diretso sa pagitan ng mga mata niya.Nakatayo siya sa pintuan ng unit ko, basang-basa ang ulan sa balikat ng itim niyang suit, mata’y nanlilisik, parang may hinahanap na kasalanan. At sa l
“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stre
“Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol







