Share

Chapter 26

Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis.

Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan.

Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?”

Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon.

Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga.

Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha.

Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.
naiad

Thank you for reading my story :)

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status