Share

7

Author: Red Auza
last update Huling Na-update: 2021-09-02 20:48:18

=ZION's POV=

 

 

Sakay sa maangas kong motor na parang ako ay nakasunod ako sa van na sinakyan nina master Alexa. Tokneneng, ang guapo ko talaga lalo kapag naa-arawan. 

 

Hindi ko alam kung anong trip ng apat at magkakasama sila sa iisang sasakyan. Ang maarteng si Bethany, si master Alexa, Gabriel at ang driver nilang si santo papa. 

 

Magkasama naman sina Nathaniel at Gabriela.

 

Habang kami nina Hades at Penelope ay nagkanya-kanya ng motor pero nakasunod sa sasakyan ni master. Naisip ko lang na pag may umutot sa apat sabog silang lahat. Wala lang naisip ko lang, guapo ako eh.

 

Habang sumusunod sa galaw ko ang motor dahil ako dapat ang masunod ay hindi ko pa rin akalain na magkakaisa ang lahat sa plano para kay master. 

 

Tahimik lang ang guapong ako na nakikinig sa pag-uusap nila, hangga't hindi hinihingi ang opinyon dapat quite lang. Walang may gustong magsalita hanggang sa nabuksan ang usapan tungkol sa magaganap na meeting na siyang kinagulat namin.

 

"We call a meeting to tell you something, If the meeting later is against Alexa, then we have no choice but to take the title forcefully." Teka sinasabi ba ni Penelope na force? Sapilitan ýon sa tagalog 'di ba?

 

"We call you to asked if your with us or no," sabi ni Hades saka tumingin saglit kay master Alexa at binalik sa amin ang tingin. "If yes, then you have to stay with us, if no, you will be free to leave after the meeting. But the next time we meet, you're an enemy," dugtong niya.

 

'Paano nga kung hindi aayon kay master ang mapag-usapan mamaya?' tanong ko sa guapo kung sarili.

 

"Anong gagawin?" tanong ni Bethany, ayan na naman siya sa pag-epal.

 

"We want to know your answer first, who amongst of you will stay with Alexa's side?" tanong ni Hades.

 

"I'll warn you to answer honestly, Ini-isip niyo pa lang ay alam ko na ang sagot. Gusto lang namin marinig sa bibig niyo mismo ang sagot," dugtong ni Penelope.

 

"Count me in," unang presenta ni santo papa. Napangiti naman si Penelope na mukhang inasa-ahan na niya ang sagot na iyon.

 

"Me either," sabay na sagot ng kambal na nagkatinginan pa at sabay na natawa.

 

"And so do I," pahuhuli ba si Nath? Malamang hindi.

 

"Honestly, my loyalty is in the title, not with you Alexa." Nakita ko naman na nag-iba ang mukha ni Pen. Mukhang sumablay siya dito. "But my mom said I have to be loyal with you no matter what, so I guess its a winwin kaya I'm in." Narinig ko naman na nag tss si Penelope bago mag smirk. 

 

Lahat naman sila napatingin sa akin kaya mabilis akong sumagot.

 

"Aba, akala niyo ba kayo lang, sýempre ako din. Ayoko mag-isa no!" Lahat sila oo, tapos ako hindi, syempre hindi papahuli sa yes ang guapong ako. Isa pa kung hindi dahil kay master, baka sumalangit na rin ako kasama ng aking mga magulang.

 

"The signal is Yes or No." Lahat kami napatingin kay master nang magsalita siya. Nandito pala siya? pfft.

 

"When Alexa agreed and say Yes, then, we don't need to do any actions," sabi ni Penelope na sinegundahan naman ni Hades.

 

"Pero pag sinabi niyang No to disagree, shoot everyone inside the meeting, excluding our parents." Oo, nga pala nandoon pala mga magulang nila sa meeting. Pera teka shoot everyone ba sabi niya? 

 

"Wait, paano kung mag-react parents natin?" Nag-aalalang tanong ni Bethany. "Gagi, mas sa nanay ko pa lang baka maubos na tayo."

 

"They won't shoot us," kampanteng sabi ni Hades.

 

"They're on our side," sabi ni master. "Let's go!" pagkasabi niya noon ay nauna na siyang tumayo saka naman nakasunod ang dawala niyang alalay.

 

Teka sinabi ba niyang nasa panig namin ang magulang nila? Oks yon ah

 

Malapit na kami makarating sa lokasyon nang bigla kami nahinto sa traffic light. Ang bagal kasi nitong santo papa na 'to ee, akala mo may hinahatid sa sementeryo at masyadong pa cool magmaneho. Hindi pa rin naman niya mapapantayan ang kaguapuhan ko kahit magbagal pa siya ng takbo. Hindi rin kami pwede mauna dahil back-up kami ni master.

 

 

 

=AZRAEL's POV=

 

Nakita kong nag green na dito sa pwesto ko kaya naman tumabi na ako at tumungo sa kabila para doon mag-alok ng paninda. Nakita kong bumukas ang bintana ng isang mamahalin na van at agad na kumaway ang driver. Mabilis akong tumungo sa gawi niya at malapad na ngumiti.

 

"Boss anong atin?" tanong ko saka sumilip sa loob ng sasakyan na medyo ka-edad ko lang ýata ang mga naroon. Ang swerte ng mga anak mayaman na 'to at pa cool-cool lang sa buhay. Pero hindi ako naiingit ha, sadyang nauna lang talaga silang pinagpala.

 

"Isang menthol kendi," sabi niya saka nag-abot ng isandaan. Ang angas nito, isang kendi lang binibili tapos isandaan pera, nahiya pa siyang gawing isanlibo.

 

"Wala ho ba kayong barya?" tanong ko nang mabigay ko na ang kendi.

 

"Nah, keep the change," sabi niya saka aktong isasara ang bintana.

 

"Saglit ho," awat ko kaya binalik niya pagbaba ang bintana.

 

"Bakit?" takang tanong niya.

 

"Bibigyan ko na lang kayo ng maraming kendi, at turon," sabi ko saka inabot sa kanya ang tatlong pirasong turon na natira saka dumakot ako ng isang dakot ng kendi.

 

"Ano naman gagawin ko diyan?" Kunot noo niyang tanong sa akin. Narinig ko naman ang katabi niyang tumawa tapos ýong mga nasa likod na dalawang chicks ay kalmado lang. Yong isa lang pala kasi itong nasa likod ng driver kanina pa nakataas ang kilay habang naka-de kwatro.

 

"Bigay niyo na lang ho sa mga girprend niyo pang snak nila." Ngumiti ako sa dalawang babae na ang isa ay masama akong tiningnan habang ang isa ay agad na nag-iwas ng tingin noong nakita ko siyang tumingin sa akin.

 

"And what makes you think that we eat that kind of stupid food?" tanong noong isa sa likod ng driver na kanina pa nakataas ang kilay.

 

"Naku ma'am, wag niyo ho tinatawag na stupid ang pagkain. Gawa ho ýan ng Diyos at ang daming batang kalye na matutuwa pag nakatanggap ng ganyan." Medyo may kasamaan ang ugali niya. Tinawag ba naman na stupid ang pagkain. Palibhasa mayaman sila kaya hindi marunong magpahalaga sa pagkain.

 

"Ýon naman pala, bakit hindi mo sa kanila ibigay-----" 

 

"Dam*" Hindi natapos ng babaeng maarte ang sasabihin niya nang biglang nagmura ang katabi niya. Tumikhim naman ang nasa passengers seat maging ang driver ay umayos habang napasipol.

 

"Dude, paki-kuha na lang ýong mga turot na binigay mo kay santo papa at ibigay mo na lang sa iba. Masasayang lang ýan sa amin dahil hindi namin alam ýan. Pati na rin ýong kendi dahil si santo papa lang naman mahilig niyan at hindi niya rin ýan kayang ubusin," sabi noong lalaki sa passenger seat. Hindi naman mukhang palasimba 'tong driver kaya paano siya naging santo papa?

 

Mukha nga'ng tambay sa sugalan at inom inaatupag.

 

"Turon at hindi turot," sabi ko saka kinuha ang pagkain at ang kendi sabay balik sa isandaan na binigay noong driver.

 

"Oh, bakit mo binalik?" tanong ng driver na nakakunot ang noo.

 

"Sabi ni mommy, wag manlamang sa kapwa. Hindi na bale na ikaw malamangan kaysa ikaw ang manlamang. Kaya libre ko na lang ho ýon kendi," sagot ko at aktong aalis na sana nang biglang magsalita ang babae sa likod na katabi noong maarte.

 

"Take that fvcking turon and that fvcking candy and give him back the fvcking hundred peso bill, so we can fvcking leave." Wala akong naintindihan kundi puro fvcking lang. Ang bastos naman ng bunganga niya. Ka-babaeng tao mura lumalabas sa bibig. Sana pala hindi na lang siya nagsalita.

 

"Wag na h-----"

 

"Akin na ýan." Hindi ko natapos ang sasabihin ko at nagulat din ako nang kunin lahat ng driver ang paninda ko, pati ýong hopia, mani, popcorn, at iba pa.

 

"Boss," awat ko pero wala na akong nagawa dahil nasa kanya na lahat.

 

"Ito bayad?" Sabay abot ng isanlibo, napatingin naman ako sa pera saka napalunok. "Kulang ba, sagli---"

 

"Ok na 'to boss, may sukli pa 'to pero bigay ko na lang sa simbahan dahil mukhang nagmamadali kayo," sabi ko saka tumingin sa babaeng nakatingin sa akin pero agad din nag-iwas ng tingin. "Thankyou miss byutipol," sabi ko saka sumaludo sa kanila sabay alis.

 

Sakto rin na nag green na ang light.

 

B'wenas!

 

Sakto, magtatanghalian na, pupunta na ako sa Riggs building para magdeliver ng packlunch sa iilang empleyado.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Deck Of Cards (Filipino)   25

    ZION's POV

  • Deck Of Cards (Filipino)   24

    =SABRINA POV=Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng &ya

  • Deck Of Cards (Filipino)   23

    =AZRAEL POV="Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay.Ang bahay naman ay may seco

  • Deck Of Cards (Filipino)   22

    "Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli

  • Deck Of Cards (Filipino)   21

    =SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."

  • Deck Of Cards (Filipino)   20

    =AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status