공유

Chapter 62.3

last update 게시일: 2026-05-01 23:13:34

NA-BLANGKO NG ILANG segundo ang isipan ni Gail nang muling marinig ang pagtawag nito sa kanya gamit ang apelyido ng asawa. Tutal ilang sandali na lang at matatapos na sila sa divorce, hindi na lang siya magrereklamo sa tawag ng abogado kahit nakakarindi at hindi naman siya sanay na i-address sa ganung apelyido. Gusto niyang kahit sa nalalabing araw ng pagiging asawa ni Leon ay may taong mag-acknowledge na naging asawa nga siya ng isang Leon Lombardi kahit puro pasakit lang ang naging hatid nito
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update.....
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 62.3

    NA-BLANGKO NG ILANG segundo ang isipan ni Gail nang muling marinig ang pagtawag nito sa kanya gamit ang apelyido ng asawa. Tutal ilang sandali na lang at matatapos na sila sa divorce, hindi na lang siya magrereklamo sa tawag ng abogado kahit nakakarindi at hindi naman siya sanay na i-address sa ganung apelyido. Gusto niyang kahit sa nalalabing araw ng pagiging asawa ni Leon ay may taong mag-acknowledge na naging asawa nga siya ng isang Leon Lombardi kahit puro pasakit lang ang naging hatid nito sa kanya sa mga nakalipas na taong naging maybahay siya ng nasabing lalaki.“Have a nice day, Attorney Dankworth.”Sa kabilang banda, inabangan na ni Nica si Leon sa parking lot ng napagkasunduan nilang restaurant na kakainan nila.“Si Jaxon?” Inaasahan ni Nica na kasama nito ang anak. Excited pa naman ang mga magulang niyang makita ang bata. “Hindi sumama—” “Hindi sumama o hindi pumayag si Gail na sumama siya sa’yo?” Ilang saglit na natigilan si Leon sa biglaang pagsabog ni Nica na para ba

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 62.2

    HUSTONG BABA NI Gail ng tawag ay hinarap niya ang asawa upang magtanong dito at sabihin na rin ang naging usapan nila ng kanyang tiyuhin. Hindi naman inalis ni Leon ang paningin sa kanya nang makita ang paninitig na ng asawa niya. “Sa tawag ni Tito sabi niya tinawagan daw siya ng isa sa mga staff mula sa Lombardi Enterprises. Gustong makipag-cooperate ng project sa company niya. Legit ba iyon? Anong dahilan mo Leon para tulungan siya ngayon?”Ibinuka ni Leon ang bibig upang magsalita nang muling dugtungan ni Gail ang litanya niya.“I know you don't want to owe me and my grandmother, and you hope to thank us in this way, but my grandmother and I went to the hospital to see your mother not because of you. Dahil iyon sa naging trato niya sa akin at relasyon nila ni Lola kung kami pumunta. Huwag sanang iyon ang isipin mo, Leon. As for the project naman and stuff, hindi namin kailangan.” If they do business with the Lombardi Enterprises, Nica’s family will definitely object and cause t

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 62.1

    KUNG LUMAKAD KASI si Gail akala mo namamasyal ito sa ilalim ng buwan o sa gitna ng taniman ng mga bulaklak. Napakabagal na para bang nais niyang namnamin ang bawat sandali na naroon siya sa lugar. Lingid sa kaalaman ni Leon, sa mga sandaling iyon ay nais ni Gail pahintuin ang pag-andar ng oras. Marahil ay dahil kakaiba ang sayang hatid ng bonding nila ngayon sa kanyang puso. Feeling ng babae ay hindi sila nakatakdang maghiwalay kaya nahiling niya rin ito.“Bakit ako magkakasipon? Basa naman na ako.” bulong-bulong ni Gail na walang lakas iparinig iyon sa asawa.Inabutan na siya agad ni Leon ng tuwalya pagdating niya sa harap ng cottage. Akmang ito pa nga sana ang magbabalot sa katawan ni Gail ngunit kinuha na iyon ng babae. Hindi na niya hinintay gumalaw ang asawa. Nahihiya na siya sa mga mata ng tatlong batang nakatitig sa kanila na tila magandang panoorin ang eksenang iyon sa harapan nila ngayon. Malamang ikukuwento na naman iyon ng mga pinsan sa kanilang Lola. Iginalaw na lang ni Ga

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.3

    NAPALINGON NA SI Leon sa bulto ni Gail na tapos ng magpalit noon. Naburo na ang kanyang mga mata sa katawan ng babae na noon niya lang ulit napagmasdan ng matagal. Perfect pa rin ang kurba nito kahit na ang suot ay rashguard lamang din. Nang titigan siya ni Gail dahil narinig nito ang kanilang usapan, napaiwas na ng tingin si Leon na binaling na sa kanyang anak. Marahan niyang hinaplos ang ulo nito. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang ibalik ang tingin kay Gail. “Hindi naman kita minamadaling magdesisyon, Jaxon. Pwedeng pagkatapos natin mag-surfing saka ka mag-decide.” “Okay…” maikling tugon ni Jaxon na tumakbo na palapit sa kanyang ina, alam na niya agad ang desisyon mamaya. Magkakasabay na silang naglakad patungo ng dalampasigan matapos na magpalit ni Leon ng damit. Bitbit ni Leon ang surfing board ni Jaxon at Gail habang akay ang isang kamay ng bata. Wala siyang planong mag-surfing, naroon lang siya upang alalayan ang kanyang mag-ina at mga pinsan nitong nauuna na s

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.2

    BAGO PA MAN MAKAPAGSALITA si Gail upang sabihin na hindi ni Leon kailangang sumama dahil kaya naman niyang e-handle ang mga bata, hindi niya inaasahang biglang papayag si Leon sa nais ng kanyang inang mangyari. Buong akala niya ay tatanggi ang lalaki at idadahilan na busy siya sa kanyang trabaho. Ngunit naging taliwas na doon ang nangyari.“Okay, Mom. Sasama na ako sa kanila.” Jaxon was overjoyed to learn that his father was also going. Si Gail naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.“Talaga, Daddy? Sasama ka sa amin mag-surfing ngayon?” “Oo, Jax. Bakit? Ayaw mo ba akong sumama sa inyo?”Kumibot-kibot na ang bibig ni Leon habang nakatitig pa rin sa magiging reaction ng kanilang anak. “Of course, gustong-gusto ko. Kagabi pa nga kita inaaya di ba? Sabi mo titingnan mo pa. Sasama ka pala eh.” Tumawa lang si Leon na inayos na ang mga documents sa kanyang lamesa. Inihanda na rin ni Gail ang kanilang sarili. Nagpaalam na sila sa Ginang na halos mapunit ang labi nang dahil sa matingkad n

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.1

    PUNO NG INIS NA siyang hinarap ni Nica. Hindi niya ikinaila iyon. Pinakita na ang inis sa pamamagitan ng paghalukipkip ng babae. Bumusangot din ang mukha niya, dinisplay pa ito sa harapan ni Yohan.“Kanina ka pa ah? Spokeperson ka ba ni Gail? Pansin ko lang na pinagtatanggol mo siya nang pinagtatanggol. May gusto ka ba sa kanya?!” Itinaas ni Yohan ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko. Nilingon niya si Caden na kasama nila. “Huwag ka ngang magbigay ng isyu, Nica, marinig ka ni Leon baka isipin noon totoo ang sinabi mo!” Sumulyap pa si Yohan kay Caden, tila humihingi ng tulong. Iniwasan naman siya ng tingin ng lalaki na nakapako na sa papalapit na bulto ni Leon ito. “Tama na iyan. Huwag niyo ng iparinig pa kay Leon ang mga kalokohan niyo.” tanging saway ni Caden na nagtataka na rin sa gawi ni Yohan.“Tara na…” seryoso ang mukhang sambit ni Leon na diretsong lumulan sa loob ng sasakyan oras na makalapit sa kanila. Nagkatinginan naman ng may kahulugan sina Yohan, Caden at Nica sa

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 10.2

    PAGKARAAN PA NG ilang sandali ay sa wakas nagawa ng makapili ni Gail ng kanyang damit na isusuot. She chose a long, off-white silk dress with embroidery. Napipilitan lang siya doon pero wala na siyang ibang option kaya iyon na lang ang kanyang pinili. Nang mabayaran ang damit at maibalot na rin iyo

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 7.2

    DOON NAINTINDIHAN PA ni Gail na kahit na ayaw ni Jaxon siyang maging ina, nagseselos pa rin ito kapag may ibang batang nagkaroon ng interes sa kanya. She found it amusing. Nang bahagyang kumalma ang anak ay nilingon na niya si Sweetie na unti-unting lumpit sa kanila nang mag-senyas si Gail na lumap

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 7.1

    MATAPOS NA KUMAIN ay hindi na rin nagtagal doon ang mag-ina. Hinayaan naman sila ng matandang babae na umalis na. Habang nasa byahe, panay ang message ni Jaxon kay Nica na nagre-reply naman sa kanya nang panaka-naka nga lang. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Gail. Pinilit na lang niyang huwag m

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 6.2

    LUMIPAD NA ANG kanilang paningin sa kamay ni Gailyn. Even though her married life with Leon was cold and distant after marriage, Gailyn always wore the wedding ring na mismong ang biyenang babae niya ang naghanda. Kahit pa si Leon ay hindi iyon sinusuot. Hindi nila mapilit ang lalaki kaya bakit par

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status