Share

CHAPTER 5

Author: YORMI
last update publish date: 2026-10-16 14:19:08

Calyxandra POV

Maaga akong nagising kinabukasan para pumasok sa trauma center. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging dinner namin sa rooftop restaurant kagabi. Habang naghahanda sa harap ng salamin, napansin kong mas magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na tulad noon na halos ayaw kong pumasok sa ospital dahil baka makasalubong ko si Lucas. Ngayon, suot ko na ulit ang puting lab gown ko nang walang bigat sa dibdib. Sa wakas, nagagawa ko na ulit ang trabahong matagal kong pinaghirapan.

Pagdating ko sa lobby, sinalubong agad ako ng isa sa mga resident doctor para i-update ako sa mga pasyente bago ang morning endorsement. Habang naglalakad kami papunta sa conference room, napansin ko ang ilang nurse at staff na nag-uusap sa tabi ng information desk. May hawak silang mga kopya ng newspaper at nakatutok sa mga news article sa kani-kanilang cellphone.

Ano na naman kaya ang pinag-uusapan nila? Sana hindi na naman ako ang laman ng balita.

"Dra. Alonte, nakita niyo na po ba ito?" tanong ng isang junior resident habang inaabot sa akin ang tablet na may headline tungkol sa dating ospital ni Lucas.

Binasa ko ang headline: Major Scandal at St. Jude Medical Center: Board of Directors Under Investigation Due to Alleged Falsification of Records and Illegal Suspension.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inakalang ganito kabilis lalabas ang balita tungkol sa kasong isinampa namin. Nasa artikulo ang pangalan ni Lucas bilang isa sa mga taong iniimbestigahan dahil sa umano'y pagpapasa ng pekeng ulat tungkol sa nangyari sa akin sa ER. Ginamit ang ulat na iyon para pagtakpan ang gulo sa ospital. May kasama pang litrato niya habang kinukuhanan ng pahayag ng mga reporter sa labas ng gusali.

Buti nga sa iyo. Akala mo siguro, sapat na ang impluwensya mo para makalusot ka sa lahat ng ginawa mo.

Bago ko pa matapos basahin ang artikulo, bumukas ang pribadong elevator sa dulo ng hallway. Lumabas si Sir Andres, nakasuot ng itim na suit at pulang kurbata. Seryoso ang mukha niya habang may kausap sa telepono. Nang mapansin niya ako, tinapos niya ang tawag at naglakad palapit sa amin. Pati ang mga staff na kanina lang ay abalang nag-uusap, biglang natahimik nang makita siya.

"Mukhang nabasa mo na ang balita ngayong umaga," bungad ni Sir Andres nang huminto siya sa harap ko. Seryoso ang tono niya, pero halata sa mukha niyang inaasahan na niya ang paglabas ng balita.

"Oo, nabasa ko na," sagot ko habang ibinabalik ang tablet sa junior resident. "Hindi ko akalaing ganito kabilis lalabas ang balita tungkol sa imbestigasyon. Akala ko, ilang linggo pa ang hihintayin natin."

"May sapat na ebidensya na, at kumikilos na ang mga abogado. Pero hindi ibig sabihin nito, tapos na ang lahat," sagot ni Sir Andres. "Ngayong hapon ang unang pagdinig para sa kasong defamation at damages. Kailangan nating pumunta sa korte dahil kailangan ang sworn testimony mo."

Tumango ako. "Handa na ako, Sir Andres. Wala naman akong dapat itago. Sasabihin ko lang ang totoong nangyari."

"Mabuti," sagot niya habang inaayos ang folder na hawak niya. "Susunduin kita sa opisina mo mamayang alas-dos. Sabay na tayong pupunta sa korte."

Mabilis na lumipas ang buong umaga. Kahit abala ako sa pag-check ng mga pasyente at pag-apruba ng mga surgical schedule, paminsan-minsan ay bumabalik sa isip ko ang pagdinig mamayang hapon. Ilang buwan din akong nagtiis sa mga paratang at kahihiyang idinulot nila sa akin. Ilang beses kong kinuwestiyon ang sarili ko, kahit alam kong wala akong ginawang masama. Ngayon, may pagkakataon na akong sabihin ang panig ko at patunayan ang totoo.

Eksaktong alas-dos ng hapon nang kumatok ang secretary ko para sabihing naghihintay na si Sir Andres sa ibaba. Pagdating ko sa lobby, nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng itim na Land Cruiser. Nakasuot siya ng sunglasses, pero agad niya itong tinanggal nang makita akong papalapit.

"Let's go," aya niya habang binubuksan ang p***o ng passenger seat para sa akin.

Tahimik ang biyahe papunta sa Regional Trial Court. Pareho kaming hindi gaanong nagsasalita. Alam naming mahalaga ang pagdinig na ito, lalo na para sa akin. Pagdating namin sa korte, sinalubong kami ng ilang reporter na naghihintay sa labas. Sunod-sunod ang tanong nila tungkol sa kaso, pero hinarang sila ng security personnel ni Sir Andres para makapasok kami nang maayos.

Pagpasok namin sa courtroom, nakita ko agad si Lucas na nakaupo sa kabilang panig kasama ang abogado niya. Halata sa mukha niyang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog nang maayos. Nang magtama ang mga mata namin, agad siyang umiwas ng tingin. Samantala, panay naman ang bulong ng abogado niya sa kanya, na para bang pinapaalalahanan siya kung ano ang dapat gawin.

Diyan ka magaling. Kapag hindi mo na kayang ayusin ang sarili mong problema, sa iba ka nagtatago.

Nang tawagin ang pangalan ko, tumayo ako at pumunta sa witness stand. Sinagot ko nang diretso at maayos ang mga tanong ng hukom at ng abogado namin. Isinalaysay ko ang nangyari noong gabing iyon—kung paano ako pumasok sa recovery room para i-update ang charts at kung paano ako hinarang at pinagbintangan ni Lucas. Ipinaliwanag ko rin kung paano niya ginamit ang insidente para pagtakpan ang relasyon niya kay Celine at ang paggamit niya ng pera para sa ibang pamilya.

Habang inilalahad ko ang mga detalye, nagsimulang magbulungan ang mga tao sa loob ng courtroom. Nakita kong lalong namutla si Lucas. Nakayuko lang siya at halos hindi makatingin sa hukom. Nang ilahad ng abogado namin ang mga ebidensya, kabilang ang CCTV footage at mga sworn statement ng ilang staff, wala na siyang madaling maibigay na paliwanag para kontrahin ang mga ito.

Pagkatapos ng pagdinig, habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan ni Sir Andres, saka ko lang naramdaman kung gaano ako kapagod. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot o sa bigat ng mga paratang laban sa akin. Para bang unti-unti nang nawawala ang bigat na matagal kong pinasan.

"Magaling ang naging sagot mo kanina," sabi ni Sir Andres habang binubuksan ang p***o ng kotse para sa akin. "Diretso ka at hindi ka nagpaligoy-ligoy. Mahirap kontrahin ang mga ebidensyang malinaw at may basehan."

"Salamat sa tulong mo, Sir Andres," sabi ko habang sumasakay. "Kung hindi dahil sa tiwala at suporta mo mula pa sa simula, baka hindi ko na naipaglaban ang sarili ko nang ganito."

Sumakay na rin si Sir Andres sa driver's seat. Bago niya paandarin ang sasakyan, lumingon muna siya sa akin.

"Wala kang kailangang ipagpasalamat sa akin nang sobra, Calyxandra. Ipinaglaban mo ang sarili mo, at nandito lang ako para tulungan kang makuha ang pagkakataong nararapat sa iyo." Saglit siyang tumingin sa akin bago nagpatuloy. "At hangga't kaya ko, hindi ko hahayaang basta ka na lang apihin ng kahit sino."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO   CHAPTER 5

    Calyxandra POVMaaga akong nagising kinabukasan para pumasok sa trauma center. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging dinner namin sa rooftop restaurant kagabi. Habang naghahanda sa harap ng salamin, napansin kong mas magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na tulad noon na halos ayaw kong pumasok sa ospital dahil baka makasalubong ko si Lucas. Ngayon, suot ko na ulit ang puting lab gown ko nang walang bigat sa dibdib. Sa wakas, nagagawa ko na ulit ang trabahong matagal kong pinaghirapan.Pagdating ko sa lobby, sinalubong agad ako ng isa sa mga resident doctor para i-update ako sa mga pasyente bago ang morning endorsement. Habang naglalakad kami papunta sa conference room, napansin ko ang ilang nurse at staff na nag-uusap sa tabi ng information desk. May hawak silang mga kopya ng newspaper at nakatutok sa mga news article sa kani-kanilang cellphone.Ano na naman kaya ang pinag-uusapan nila? Sana hindi na naman ako ang laman ng balita."Dra. Alonte, nakita niyo na po ba ito?" tanong ng i

  • Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO   CHAPTER 4

    Calyxandra POVTinanggap ko ang tasa ng kape mula kay Andres habang pinapanood namin si Lucas na mabilis na umalis. Malaki na ang ipinagbago ng itsura niya kumpara noong mga panahong untouchable pa siya sa dati naming ospital. Kitang-kita ko ang desperasyon sa mukha niya, pero wala akong naramdamang awa. Ang nararamdaman ko na lang ay relief dahil unti-unti ko nang nakukuha ang hustisya para sa sarili ko.Buti nga sa iyo. Akala mo kasi, habang-buhay kang makakalusot sa lahat ng panloloko mo."Mukhang hindi lang stress ang problema niya ngayon. Pati yata tulog niya, hindi na maayos," komento ni Andres habang umiinom din ng kape niya. Nakatingin siya sa direksyon kung saan lumabas si Lucas. "Kasama sa mga ihahain natin sa korte bukas ang formal request para sa suspension ng medical license niya habang ongoing ang investigation. Kapag naaprubahan iyon, mawawala muna sa kanya ang karapatang mag-operate."Napalingon ako kay Andres. "Talaga? Akala ko aabutin pa ng ilang buwan bago magkaroon

  • Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO   CHAPTER 3

    Calyxandra POVNatahimik ang buong paligid matapos magsalita ni Andres. Kitang-kita ko kung paano lumunok si Lucas habang pilit na pinapanatili ang composure niya sa harap ng mga investors at board members mula sa dati naming ospital. Ang mga dati naming kasamahan na kasama niya ay halos sabay-sabay na umiwas ng tingin, halatang nahihiya sa nangyari.Buti nga sa inyo. Akala n'yo ba, habang-buhay kayong makakapagtago sa likod ng mga kasinungalingan ninyo?"Mr. Legaspi," bati ng pinuno ng mga investors habang pilit na ngumingiti at nag-aabot ng kamay kay Andres. "It's an honor to be here. Pasensya na kung nagkaroon ng konting... issue. Maybe we can continue the tour sa ibang bahagi ng facility."Tumango si Andres, pero nanatiling malamig ang ekspresyon niya. Hindi man lang niya tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki."Sure. Just make sure na sa susunod na mag-aayos kayo ng courtesy visit, pipili kayo ng mga taong marunong rumespeto sa lugar na ito. I don't want people bringing their tra

  • Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO   CHAPTER 2

    Calyxandra POVKinabukasan, habang tahimik akong nakaupo sa loob ng pansamantalang opisina na ibinigay sa akin ni Andres sa bagong private medical facility, hindi ko maiwasang mapatingin sa salamin. Suot ko na ang bago kong puting lab gown, malinis at plantsado, na may nakaburdang pangalan ko at posisyon bilang Chief Resident.Iba pala talaga kapag ang taong nagbibigay sa iyo ng opportunity ay kinikilala ang kakayahan mo at hindi natatakot na mas higitan mo siya. Hindi tulad ni Lucas, na ginamit ang kasipagan at talento ko para iangat ang sarili niyang career nang hindi man lang iniisip ang lahat ng sakripisyong ginawa ko.Kagabi, pagkatapos ng pag-uusap namin sa café, inihatid niya ako sa isang malinis na condominium unit malapit sa facility. Sinabi niyang temporary housing muna iyon para sa akin habang inaayos namin ang legal documents para sa kasong isasampa namin laban sa dati kong ospital at kay Lucas. Wala akong binayaran, pero alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanya dahi

  • Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO   CHAPTER 1

    Calyxandra POVNasa kaliwang palad ko ang maliit na velvet box habang nakatayo ako sa labas ng private recovery suite ni Dr. Lucas Fontanilla. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halo-halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Anniversary namin ngayon, at limang taon kaming nagtiis sa long-distance relationship, residency grind, at walang katapusang puyatan para lang makarating sa puntong ito. Lahat ng naipon ko, inilaan ko sa down payment ng bahay na ipinangako niyang bibilhin namin kapag na-promote na siya bilang senior consultant."Lucas..." bulong ko sa sarili ko habang naghahanda nang itulak ang pinto.Pero natigilan ako nang marinig ang boses ng isang babae mula sa loob. Mahina, umiiyak, at pamilyar. Si Dra. Celine Marquez, ang dating chief resident na bigla na lang nag-abroad two years ago."Lucas, thank you. Kung hindi dahil sa perang inilaan mo para sa bahay ninyo ni Calyxandra, baka hindi na-operahan si Kiel," hagulgol ni Celine.Nanigas ang buong katawan ko sa narinig."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status