Share

Chapter 19

R-18 (😭)

"Hi. . ."

Agad akong napalingon sa pintuan kung saan pumasok si Captain na may dala-dala pang tray na may laman na mga pagkain. Nakangiti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay hawak-hawak ang kumot na tanging nag tatakip sa katawan kong hubad.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya tsaka umupo. Nilingon ko din ang bintana ng kwarto kung saan kitang-kita ko ang maliwanag na sikat ng araw.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"1:47 PM" Sagot niya at umupo sa harap ko. Nilapag niya muna ang tray sa gilid bago inabot sa akin ang T-shirt niya, "Bihis ka muna." Aniya.

Agad na namula ang pisngi ko ng sabihin niya iyon. Halo-halo ang emosyon ko ngayon dahil sa nangyari kagabi! Anong gagawin ko? Magpapanggap ba ako na wala lang iyon sa akin? Hindi kaya isipin niya na sanay na sanay ako sa mga ganun kaya di ako affected?

"Nakakahiya naman. . ." Hindi ko na napigilan sabihin iyon.

Napayuko ako at napatakip ng mukha gamit ang dalawa kong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status