로그인
Dwight
Amoy ng puting rosas, kandila, at pormalin ang sumasalubong sa bawat taong pumapasok sa isa sa pinakasikat at pinakamahal na funeral homes dito sa Maynila. Tahimik ang buong bulwagan. Halos lahat ng naririto ay nakasuot ng itim, nagbubulungan, at nakikiramay sa pamilyang naulila. Sa gitna ng mamahaling kabaong na napapalibutan ng mga bulaklak, nakahimlay ang matalik kong kaibigan—si Vance Walter Ledesma. Nakatayo lang ako sa isang sulok, nakatitig sa salamin ng kabaong niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na wala na siya. Vance was always the life of the party. Siya ang unang tumatawa, ang pinakamalakas ang loob, at ang huling taong iisipin mong susuko sa buhay. Pero heto siya ngayon. Malamig na bangkay. Tanging ang mga magulang niya at kaming malalapit niyang kaibigan ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya. Sa publiko at sa media, isang aksidente habang nagsu-surfing siya sa Siargao ang ipinalabas ng pamilya Ledesma para protektahan ang pangalan nila. Pero ang totoo? He killed himself. Pinili niyang tapusin ang sarili niyang buhay sa loob mismo ng kanyang condo unit. At ang dahilan? Walang nakakaalam. Kahit ako na pinakamatalik niyang kaibigan, wala akong ideya. Ni hindi ko siya kinakitaan ng kahit anong senyales na may mabigat siyang pinagdadaanan. Noong nakaraang linggo lang, magkasama pa kami. Umiinom, nagtatawanan, at nagpaplano pa ng susunod naming out-of-town trip. Paanong ang taong walang bakas ng lungkot sa mukha ay bigla na lang magpapakamatay? "Dwight, hijo..." Napalingon ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos sa braso ko. Si Tita Amanda, ang mommy ni Vance. Namumugto ang mga mata niya at halatang ilang araw nang walang maayos na tulog. Katabi niya si Tito Walter na nakayuko lang at tulala. Nag-iisang anak lang si Vance. Alam kong gumuho ang mundo nila nang mawala siya. "Tita," mahina kong sambit at hinawakan ang kamay niya. "Kumain na po ba kayo? Dapat po ay nagpapahinga muna kayo sa kwarto sa likod." Umiling siya at pinilit ngumiti kahit patuloy sa pag-agos ang luha niya. "Hindi ko kaya, Dwight. Hindi ko kayang iwan ang anak ko. Pero... may gusto sana akong ibigay sa'yo." Inilahad niya sa akin ang isang katamtamang laking kahon na gawa sa matigas na karton. May nakabalot pang manipis na tali rito. "Ano po ito, Tita?" tanong ko habang tinatanggap ang kahon. "Nakita namin 'yan sa ilalim ng kama ni Vance sa condo niya," sagot niya, nanginginig ang boses. "Nandoon 'yan kasama ng ilan niyang personal na gamit. Sinubukan kong tingnan kanina pero... hindi ko kaya, Dwight. Masyadong masakit. Ikaw ang best friend niya. Ikaw ang kapatid niya sa ibang ina. Mas makakabuti siguro kung ikaw na lang ang magtago niyan." Tumango ako at niyakap ang kahon sa dibdib ko. "Ako na po ang bahala rito, Tita. Pangako." "Salamat, anak. Magpahinga ka na rin muna. Kaninang umaga ka pa nandito at nag-aasikaso ng lahat." Tama si Tita Amanda. Simula nang mabalitaan ko ang nangyari kahapon ng madaling-araw, hindi pa ako nakakatulog nang maayos. Dahil parehong wasak ang mga magulang ni Vance at wala siyang ibang kapatid, ako na ang tumayong panganay para asikasuhin ang lahat. Mula sa pakikipag-usap sa mga pulis para manatiling pribado ang kaso, hanggang sa pag-aayos ng burol dito sa funeral homes, ako ang kumilos. Nagpaalam na ako sandali kina Tita Amanda at Tito Walter. Bitbit ang kahon, lumabas ako ng funeral homes at sumakay sa sasakyan ko. Kailangan kong makahinga. Kailangan kong mapag-isa kahit ilang oras lang. Imbes na umuwi sa mansyon namin, dumiretso ako sa Eclipse, ang high-end bar na pagmamay-ari ng pamilya namin dito sa Maynila. Ito ang naging mundo ko sa nagdaang mga taon. Habang ang kuya kong si Dylan ay abala sa pagiging CEO ng Samaniego Group of Companies, pinili kong pamahalaan ang bar na ito. Ayokong makigulo sa politika ng corporate world. Dito sa bar, malaya ako. Dito, hawak ko ang oras ko. Dahil hapon pa lang, sarado pa ang bar at ang mga staff ay naghahanda pa lang para sa operasyon mamayang gabi. Binati nila ako pagpasok ko pero tinanguan ko lang sila. Dumiretso ako sa pribadong hagdan patungo sa itaas kung saan naroon ang sarili kong kwarto. Pagpasok ko sa silid, inilapag ko ang kahon sa ibabaw ng coffee table at pagod na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nakatitig lang ako sa puting kisame. Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko, pero ayaw makisama ng isip ko. Sa bawat pagpikit ko, mukha ni Vance ang nakikita ko. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Magkakilala na kami simula pa noong elementary, pero mas naging solid ang samahan namin noong high school hanggang college. Lahat ng kalokohan, magkasama kami. Naalala ko pa noon ang pustahan namin kung sino ang unang magkaka-girlfriend nang seryoso, pero pareho kaming natalo dahil pareho naming ayaw magpatali. We used to count how many girls we dated in a month. We were both certified womanizers. Walang seryosohan. Walang iyakan. Isa lang ang golden rule naming dalawa: No strings attached. Ayaw namin ng commitment dahil para sa amin, sakit lang sa ulo ang pag-ibig. We just wanted fun. Gusto lang naming i-enjoy ang buhay at ang kabataan namin. Pareho kaming mahilig sa adrenaline rush. Kapag wala kami sa bar, nasa race track kami para makipagkarera ng sasakyan. Kapag sawa na kami sa syudad, bumibiyahe kami papunta sa iba't ibang dagat para mag-surfing, mag-cliff diving, o kung ano-ano pang extreme sports na maisipan namin. Kaya hindi ko maintindihan. Paanong ang isang lalaking nabubuhay para sa saya at kalayaan ay biglang pipiliing wakasan ang sarili niyang buhay? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa kahon na nakapatong sa mesa. Huminga ako nang malalim bago lumapit at kinuha ito. Inalis ko ang nakabalot na tali at dahan-dahang binuksan ang takip. Sa unang tingin, mukhang mga ordinaryong gamit lang ang nasa loob. Pero nang isa-isahin ko ito, unti-unting nanlamig ang buong katawan ko. Ang unang bumungad sa akin ay isang lumang Polaroid camera at ilang piraso ng litrato. Kinuha ko ang mga larawan. Lahat ng iyon ay kuha ng iisang babae. Isang dalaga na may mahaba at itim na buhok, mapupungay na mga mata, at napakatamis na ngiti. Nakasuot siya ng simpleng bestida, at sa background ng mga litrato ay makikita ang malawak na bukirin at ang dalampasigan. Batangas. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako. Nitong mga nakaraang buwan, madalas nawawala si Vance tuwing weekend. Kapag tinatanong ko kung saan siya nagpupunta, ang lagi niyang sagot ay nagpapahangin lang siya sa Batangas. Akala ko noon, nagsu-surfing lang siya roon o may bagong babae na pinagtitripan. Hindi ko alam na may babaeng kinahuhumalingan na pala siya roon. Ibinalik ko ang tingin sa loob ng kahon. May nakita akong isang maliit na kwintas na may pendant na seashell, at isang lumang notebook. Kinuha ko ang notebook at binuklat. Sulat ito ni Vance. Kilalang-kilala ko ang magulo pero pamilyar niyang sulat-kamay. Binasa ko ang unang pahina, at habang nililipat ko ang bawat papel, parang pinipiga ang puso ko sa galit at panghihinayang. Avril Felipe. Iyan ang pangalan ng babae and I assume na siya rin ang nasa larawan. Sa mga sulat ni Vance, detalyado niyang ikinuwento kung paano niya nakilala si Avril sa isang maliit na bayan sa Batangas. Kung paano siya nahulog nang husto sa simpleng dalagang ito. Ang kaibigan kong dating kinamumuhian ang salitang 'commitment' ay nagmakaawa para lang mahalin ng babaeng ito. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin, pero siya lang ang gusto kong makasama habambuhay,” basa ko sa isa sa mga pahina. “Pero ayaw niya sa akin. Paulit-ulit niya akong tinatanggihan. Sinabi niyang magkaiba ang mundo namin.” Napakuyom ang kamao ko habang binabasa ang mga sumunod na entry. Mas lumala ang mga nakasulat sa mga huling pahina. Puno ito ng sakit, pagmamakaawa, at desperasyon. “Handa akong talikuran ang lahat ng meron ako sa Maynila para sa kanya. Pero pinagtabuyan niya pa rin ako. Hindi ko na kaya. Para akong unti-unting pinapatay sa tuwing nakikita kong ayaw niya sa akin. Kung hindi rin lang siya mapapasaakin, wala nang silbi ang buhay ko.” Nabitawan ko ang notebook at napahawak ako sa ulo ko. Nanginginig ang mga kamay ko. "Damn it, Vance! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" sigaw ko sa loob ng tahimik na kwarto. Sinisi ko ang sarili ko. Matagal na pala siyang nagdurusa. Matagal na pala siyang dinudurog ng babaeng iyon, pero wala akong kaalam-alam. Masyado akong naging kampante na masaya siya. Masyado akong naging abala sa sarili kong mundo kaya hindi ko napansin na unti-unti na palang namamatay ang kaibigan ko. Kung nalaman ko lang sana ito nang mas maaga, sana napigilan ko siya. Sana nailayo ko siya sa babaeng iyon. Baka buhay pa si Vance ngayon. Pinulot ko ulit ang mga litrato ni Avril Felipe. Tinitigan ko nang matagal ang maamo niyang mukha. Sa likod ng inosente at simpleng hitsura niya, nagtatago ang babaeng naging dahilan kung bakit nakahiga ngayon sa kabaong ang nag-iisa kong kapatid sa turing. Pinaglaruan niya ang damdamin ni Vance. Pinaasa niya at pagkatapos ay itinapon na parang basura hanggang sa mawalan ng pag-asa ang kaibigan ko. Isang madilim at malamig na desisyon ang nabuo sa isip ko. Hindi pwedeng magpatuloy nang masaya at tahimik ang buhay ng babaeng ito habang nagluluksa ang pamilya Ledesma. Hindi pwedeng walang managot sa pagkamatay ni Vance. Kailangan kong pumunta sa Batangas. Kailangan kong makilala si Avril Felipe. Hahanapin ko siya. Papasukin ko ang mundo niya, kung paano niya pinasok at sinira ang mundo ni Vance. I will make her fall for me. I will make her feel the exact same pain, desperation, and hopelessness that she gave to my best friend. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya. I need to have my revenge.Avril Maaga pa lang ay naghanda na ako para sa ipinangako kong pamamasyal kay Dwight. Isinuot ko ang paborito kong puting bestida na abot hanggang sakong at isinukbit ang maliit kong bag na gawa sa abaka. Pagbaba ko sa sala, naabutan ko na siyang nakaupo sa kawayang upuan at nakikipagkwentuhan kay Nanay habang umiinom ng kapeng barako.Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at ngumiti. Nakasuot siya ng simpleng kulay-abong polo na nakatupi hanggang siko at maong na pantalon. Sa simpleng ayos niyang iyon, hindi maikakaila ang kakaibang dating niya na tila hindi bagay sa tahimik at payak naming baryo."Magandang umaga, Avril," bati niya, malumanay ang boses at puno ng galang. "Handa ka na ba?""Magandang umaga rin, Dwight. Oo, tara na para hindi tayo abutan ng matinding init sa daan," sagot ko bago ako nagpaalam kay Nanay.Gamit ang mamahalin niyang sasakyan, unang pinuntahan namin ang Lumang Simbahan ng San Rafael Arkanghel sa kabayanan. Tahimik lang kaming naglakad sa loob ng simb
AvrilBanayad ang hampas ng maliliit na alon sa dalampasigan ng Calaca. Nakaupo ako sa isang malaking piraso ng tuyong kahoy malapit sa pampang, pinagmamasdan ang dahan-dahang pagkulay-kahel ng kalangitan habang papalapit ang dapithapon. Dito ako madalas pumunta kapag gusto kong mag-isip, magdasal, o kaya ay magpalipas lang ng oras.Ngunit sa hapong ito, tila hindi ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng estrangherong bigla na lang sumulpot sa tarangkahan ng bahay namin kaninang umaga. Si Dwight Carlos Samaniego . Matangkad, matipuno, at halatang galing sa marangyang pamilya sa Maynila. Kahit nakasuot lang siya ng simpleng itim na kamiseta, hindi maitatanggi ang tikas at ang kakaibang presensya niya.Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa malayong dagat. Nagtataka talaga ako. Sa dami ng magaganda at mamahaling hotel at beach resort dito sa bayan ng Calaca at sa mga karatig-bayan ng Nasugbu at Lemery, bakit sa maliit at simpleng bahay pa namin siya napadpad
DwightDalawang araw matapos mailibing si Vance, maaga pa lang ay binabaybay ko na ang kahabaan ng SLEX patungong Batangas. Sakay ng aking matte-black SUV, tahimik lang akong nakatingin sa kalsada habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga nabasa ko sa notebook ni Vance.Hindi pa rin humuhupa ang galit sa dibdib ko. Habang papalapit ako sa destinasyon ko, mas lalong tumitibay ang desisyon ko. Hindi pwedeng matapos nang ganoon na lang ang lahat. Kailangang makita ko mismo kung sino ang babaeng naging mitsa ng buhay ng matalik kong kaibigan.Calaca, Batangas.Ito ang lugar na madalas puntahan ni Vance nitong mga nakaraang buwan. Base sa mga litratong nasa kahon at sa mga detalyeng nakasulat sa journal niya, hindi naging mahirap para sa akin na matunton ang eksaktong barangay kung saan nakatira si Avril Felipe.Pagpasok ko sa bayan ng Calaca, agad akong sinalubong ng sariwang hangin mula sa dagat at ang tahimik na pamumuhay ng mga tao rito. Malayo sa ingay, usok, at gulo ng Mayn
DwightAmoy ng puting rosas, kandila, at pormalin ang sumasalubong sa bawat taong pumapasok sa isa sa pinakasikat at pinakamahal na funeral homes dito sa Maynila. Tahimik ang buong bulwagan. Halos lahat ng naririto ay nakasuot ng itim, nagbubulungan, at nakikiramay sa pamilyang naulila. Sa gitna ng mamahaling kabaong na napapalibutan ng mga bulaklak, nakahimlay ang matalik kong kaibigan—si Vance Walter Ledesma.Nakatayo lang ako sa isang sulok, nakatitig sa salamin ng kabaong niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na wala na siya. Vance was always the life of the party. Siya ang unang tumatawa, ang pinakamalakas ang loob, at ang huling taong iisipin mong susuko sa buhay.Pero heto siya ngayon. Malamig na bangkay.Tanging ang mga magulang niya at kaming malalapit niyang kaibigan ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya. Sa publiko at sa media, isang aksidente habang nagsu-surfing siya sa Siargao ang ipinalabas ng pamilya Ledesma para protektahan an







