공유

Chapter 2

작가: Lianna
last update 게시일: 2026-11-18 22:08:39

Dwight

Dalawang araw matapos mailibing si Vance, maaga pa lang ay binabaybay ko na ang kahabaan ng SLEX patungong Batangas.

Sakay ng aking matte-black SUV, tahimik lang akong nakatingin sa kalsada habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga nabasa ko sa notebook ni Vance.

Hindi pa rin humuhupa ang galit sa dibdib ko. Habang papalapit ako sa destinasyon ko, mas lalong tumitibay ang desisyon ko. Hindi pwedeng matapos nang ganoon na lang ang lahat. Kailangang makita ko mismo kung sino ang babaeng naging mitsa ng buhay ng matalik kong kaibigan.

Calaca, Batangas.

Ito ang lugar na madalas puntahan ni Vance nitong mga nakaraang buwan. Base sa mga litratong nasa kahon at sa mga detalyeng nakasulat sa journal niya, hindi naging mahirap para sa akin na matunton ang eksaktong barangay kung saan nakatira si Avril Felipe.

Pagpasok ko sa bayan ng Calaca, agad akong sinalubong ng sariwang hangin mula sa dagat at ang tahimik na pamumuhay ng mga tao rito. Malayo sa ingay, usok, at gulo ng Maynila.

Ipinarada ko ang sasakyan ko malapit sa isang maliit na tindahan hindi kalayuan sa dalampasigan. Bumaba ako, suot ang simpleng itim na t-shirt at sunglasses, at naglakad palapit sa mga nagkukumpulang residente roon.

"Magandang umaga po," bati ko sa isang ginang na nagwawalis sa harap ng tindahan.

"Magandang umaga rin, hijo. Mukhang dayo ka rito ah? Sino bang hinahanap mo?" magiliw na tanong niya.

"Opo, galing pa po akong Maynila. Nagbabakasakali lang po akong makita ang isang kakilala. Si Avril Felipe po. Dito po ba siya nakatira?"

Nagkatinginan ang ginang at ang isa pang babae na nakaupo sa bangko. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nila—mula sa pagtataka ay napalitan ito ng paghanga at respeto.

"Ah, si Avril! Oo, dito nga nakatira ang batang iyon. Nasa bahay lang siguro nila ngayon sa dulo ng kalyeng ito, malapit sa simbahan," sagot ng ginang.

"Kaano-ano ka ba niya? Kaibigan ka ba niya o…..?"

"Kaibigan lang po," mabilis kong sagot, pilit itinatago ang pait sa boses ko.

"Matagal na po kaming hindi nagkikita. Gusto ko lang sanang kumustahin."

Natawa nang mahina ang isa pang babae.

"Naku, hijo, mabuti na lang at napadaan ka ngayon. Kung nagkataon na sa susunod na buwan ka pa pumunta rito, hindi mo na siya maaabutan."

Kumunot ang noo ko. "Bakit po? Aalis na po ba siya papuntang ibang bansa?"

"Hindi sa ibang bansa, hijo," nakangiting sagot ng ginang. "Nakatakda na siyang pumasok sa kumbento. Magmamadre na si Avril."

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko.

Magmamadre?

"Seryoso po ba kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Si Avril Felipe, papasok sa kumbento?"

"Oo naman! Matagal na niyang pangarap iyon," kwento ng ginang, halatang ipinagmamalaki ang dalaga.

"Sa katunayan, nitong mga nakaraang buwan ay binigyan lang siya ng kanilang kongregasyon ng panahon para makapagpahinga rito sa probinsya. Iyon ang panahon para siguruhin niya ang kanyang bokasyon at damdamin bago siya tuluyang pumasok sa kumbento at mag-alay ng buhay sa Diyos."

Habang nagsasalita ang ginang, unti-unting nagdudugtong-dugtong ang lahat ng piraso sa isip ko.

Ang mga nakaraang buwan. Iyon ang eksaktong panahon kung kailan nakilala siya ni Vance dito sa dalampasigan ng Calaca. Ibig sabihin, noong mga panahong nililigawan at hinahabol siya ng kaibigan ko, nakatali na pala ang isip at puso niya sa pagpasok sa kumbento!

Nagpasalamat ako sa mga kausap ko at naglakad patungo sa dalampasigan. Kailangan kong mag-isip. Habang tinatanaw ko ang malawak na dagat, mas lalong nag-alab ang galit at pagkamuhi sa buong pagkatao ko.

Pinaasa niya si Vance.

Kilala ko ang matalik kong kaibigan. Kahit gaano siya kahilig sa babae, may prinsipyo si Vance. Hindi siya kailanman susugal at magpapakatanga kung alam niyang dehado na siya sa umpisa pa lang.

Kung sinabi lang sana agad ng babaeng ito na papasok siya sa kumbento, hindi na sana umasa si Vance. Hindi na sana siya nagmakaawa at humantong sa puntong wawakasan niya ang sarili niyang buhay!

Sa halip na layuan agad si Vance, hinayaan niya itong mahulog nang husto.

Ginamit niya ba ang kaibigan ko para lang subukan kung gaano katatag ang bokasyon niya? Ginawa niya bang pagsubok ang pagmamahal ni Vance para lang patunayan sa sarili niya na handa na siyang magmadre?!

Napakuyom ang mga kamao ko hanggang sa bumaon ang kuko ko sa aking palad.

Napakamakasarili!

Sa likod ng maamo niyang mukha at pagiging relihiyosa, isa pala siyang babaeng walang pakialam sa damdamin ng iba.

Sinira niya ang buhay ni Vance para lang sa sarili niyang bokasyon.

Tumingin ako sa direksyon ng lumang simbahan kung saan itinuro ng ginang ang bahay nina Avril. Isang panibagong plano ang nabuo sa madilim kong isipan.

Kung inaakala niyang makakapasok siya sa kumbento nang payapa at malinis ang konsensya habang nakabaon sa lupa ang kaibigan ko, nagkakamali siya.

Aagawin ko siya sa Diyos!

Hindi ko siya hahayaang maging madre.

Gagamitin ko ang lahat ng alam ko—ang mukha ko, ang karisma ko, at ang bawat galaw na natutunan ko—para paibigin siya.

Sisirain ko ang bokasyon na pinagmamalaki niya. At kapag tuluyan na siyang nahulog sa akin, kapag handa na niyang talikuran ang kumbento para sa akin... doon ko siya iiwan at dudurugin, gaya ng ginawa niya kay Vance.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad patungo sa bahay nila.

Simula na ng laro, Avril Felipe!

*****

Bawat hakbang ko palapit sa dulo ng kalye ay tila sinasabayan ng malakas na tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa nag-uumapaw na galit.

Madaling mahanap ang bahay nina Avril. Gaya ng sabi ng ginang sa tindahan, nasa dulo ito ng kalye, ilang metro lang ang layo mula sa lumang simbahan ng bayan. Isa itong simpleng bahay na gawa sa bato at kahoy, napapalibutan ng mabababang bakod na gawa sa kawayan at mga halamang namumulaklak.

Maaliwalas, tahimik, at malinis. Walang bakas ng luho, pero ramdam ang kapayapaan.

Napangisi ako nang mapait.

Kapayapaan!

Ang kapal ng mukha niyang mamuhay nang payapa pagkatapos ng ginawa niya kay Vance.

Huminto ako sa tapat ng nakabukas na tarangkahan. Inayos ko ang suot kong itim na t-shirt at tinanggal ang sunglasses ko, isinabit ito sa kwelyo ng damit ko. Bago pa man ako makatawag para magtao-po, isang boses ng babae ang narinig ko mula sa gilid ng bahay.

"Nay, isasampay ko lang po itong mga nilabhan ko sa likod bago ako pumunta sa simbahan!"

Napatigil ako. Kahit hindi ko pa siya nakikita, parang nanlamig ang batok ko.

Mula sa likod ng mga halamang gumamela, lumabas ang isang dalaga na may bitbit na plastic basin na puno ng mga basang damit.

Si Avril Felipe.

Mas maganda siya sa personal kaysa sa mga Polaroid pictures na nakita ko sa kahon ni Vance. Wala siyang kahit anong kolorete sa mukha. Nakatali nang maluwag ang mahaba at itim niyang buhok, at may ilang hiblang tumatakas na dumidikit sa pawisan niyang noo.

Nakasuot lang siya ng kupas na t-shirt at mahabang palda na abot hanggang bukung-bukong.

Habang naglalakad siya patungo sa sampayan, napansin niya ang presensya ko sa tapat ng tarangkahan.

Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko.

Nagtagpo ang mga mata namin. Bilugan, malalim, at puno ng inosenteng pagtataka ang mga mata niya. Walang bahid ng kasamaan. Walang bakas ng pagiging manloloko. Kung hindi ko lang nabasa ang mga sulat ni Vance, malamang ay isa rin ako sa mga malilinlang ng maamo niyang mukha.

The face of an angel, hiding the heart of a killer, bulong ng isip ko.

Ibinaba niya ang hawak na palanggana sa isang kahoy na bangko at pinunasan ang basang kamay sa gilid ng kanyang palda bago lumapit sa akin.

"Magandang umaga po," magalang at mahinhin niyang bati. Bahagya siyang ngumiti, isang ngiting walang halong pagkukunwari.

"May hinahanap po ba kayo?"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Itinago ko ang poot sa likod ng isang matamis at mapagkaibigang ngiti—ang parehong ngiti na ginagamit ko sa Maynila para mapaamo ang sinumang babae.

"Magandang umaga rin," sagot ko, sinisigurong malumanay ang boses ko.

"Ikaw ba si Avril Felipe?"

Kumunot nang bahagya ang noo niya, halatang nagtataka kung bakit kilala siya ng isang estrangherong halatang taga-syudad.

"Opo, ako nga po. Pasensya na po, pero... magkakilala po ba tayo?"

"Hindi pa," sagot ko sabay abot ng kanang kamay ko sa pagitan ng mababang tarangkahan.

"Ako nga pala si Dwight. Dwight Carlos Sananiego."

Tiningnan niya ang nakalahad kong kamay bago tumingin ulit sa mga mata ko. Nag-alangan siya nang ilang segundo, pero dahil siguro sa likas na pagiging magalang, tinanggap niya rin ito.

Malambot at bahagyang malamig ang kamay niya. Sa sandaling dumampi ang balat niya sa akin, parang may kuryenteng dumaan sa sistema ko—isang matinding paalala ng dahilan kung bakit ako narito.

"Kumusta, Avril?" dagdag ko, hindi agad binibitawan ang kamay niya habang mataman siyang tinititigan.

"Pasensya na kung bigla na lang akong sumulpot dito sa bahay niyo."

Dahan-dahan niyang binawi ang kamay niya at umatras nang bahagya.

"Walang anuman po, Sir Dwight. Pero... ano pong sadya niyo sa akin?"

Sir Dwight. Napangisi ako sa isip ko. Masyado siyang pormal.

"Nagpunta ako rito sa Calaca para maghanap ng tahimik na lugar," pagsisinungaling ko, sabay lingon sa paligid na para bang namamangha ako sa lugar nila.

"Galing akong Maynila. Masyadong nakakapagod ang trabaho roon kaya naisipan kong magbakasyon muna rito sa probinsya. Nagtanong-tanong ako sa bayan kung sino ang pwedeng tumulong sa akin para makahanap ng matutuluyan at makapaglibot dito, at pangalan mo ang itinuro nila."

Isang malaking kasinungalingan, pero sinabi ko iyon nang walang kakurap-kurap.

Napaawang ang bibig ni Avril.

"Po? Ako ang itinuro nila? Naku, baka nagkakamali lang po sila. Hindi po ako tour guide, at isa pa po..." Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya at napayuko siya nang bahagya.

"...hindi na po kasi ako pwedeng magtagal sa mga ganyang gawain. Malapit na po akong umalis."

"Aalis?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"Saan ka pupunta?"

Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti.

"Papasok na po ako sa kumbento sa susunod na buwan. Kaya inaayos ko na lang po ang mga gamit ko at nagpapahinga na kasama ang nanay ko."

Habang sinasabi niya iyon, nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Ang saya at pagkasabik na makapagsilbi sa Diyos.

Biglang kumulo ang dugo ko. Napakasaya niya habang ang kaibigan ko ay nakalibing na sa ilalim ng lupa.

"Ganoon ba?" malumanay kong sabi, pilit itinatago ang pait sa boses ko.

"Sayang naman. Pero... may isang buwan ka pa naman pala rito, hindi ba? Hindi naman siguro masama kung makikipagkaibigan ka muna sa isang dayo bago ka tuluyang pumasok sa kumbento?"

Nag-alinlangan siya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtatalo ng isip niya—kung tatanggihan ba niya ako o pagbibigyan dahil sa pagiging mabuting Kristiyano.

"Avril? Sino 'yang kausap mo sa labas?"

Pareho kaming napalingon nang lumabas mula sa pintuan ng bahay ang isang matandang babae na may hawak na walis tingting. Ito siguro ang nanay niya.

"Nay, si... Sir Dwight po," pakilala ni Avril.

"Galing daw po siyang Maynila at naghahanap ng matutuluyan dito sa atin."

Lumapit ang nanay niya sa amin at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti naman ako nang magalang at bahagyang yumuko bilang pagbibigay-respeto.

"Magandang umaga po, Nanay," bati ko.

"Magandang umaga rin, hijo," sagot ng matanda, halatang nakuha ko agad ang loob niya.

"Naku, kung naghahanap ka ng matutuluyan, tamang-tama! May bakanteng kwarto kami rito sa itaas na pinapaupahan namin minsan sa mga bisita. Malinis naman iyon at malapit pa sa dagat.

Nanlaki ang mga mata ni Avril. "Nay? Pero..."

"Ano ka ba, Avril? Dagdag kita rin natin iyon bago ka umalis," putol ng nanay niya, bago muling bumaling sa akin.

"Kung gusto mo, hijo, pwede mong tingnan ang kwarto. At itong si Avril, wala naman siyang masyadong ginagawa ngayong linggo kundi tumulong sa simbahan. Pwede ka niyang samahan kung gusto mong mamasyal sa dalampasigan."

Tumingin ako kay Avril. Nakita ko ang bahagyang pagkabalisa sa mukha niya, pero hindi siya makatanggi sa nanay niya.

Tadhana nga naman, bulong ko sa sarili ko habang nagpipigil ng ngisi. Pati ang nanay mo, tinutulungan akong makalapit sa'yo.

"Maraming salamat po, Nanay. Malaking tulong po iyan," sagot ko, bago ko ibinalik ang tingin ko sa dalagang nakayuko lang sa harap ko.

"Mukhang magkakasama tayo nang madalas sa mga susunod na araw, Avril."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Sa loob ng maamong mga matang iyon, sisiguraduhin kong ako na lang ang makikita niya bago pa man matapos ang buwang ito

Hindi ka magiging madre, Avril. Akin ka lang!

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Dwight's Dark Desire The Billionaire's Affair Bk. 14   Chapter 4

    Avril Maaga pa lang ay naghanda na ako para sa ipinangako kong pamamasyal kay Dwight. Isinuot ko ang paborito kong puting bestida na abot hanggang sakong at isinukbit ang maliit kong bag na gawa sa abaka. Pagbaba ko sa sala, naabutan ko na siyang nakaupo sa kawayang upuan at nakikipagkwentuhan kay Nanay habang umiinom ng kapeng barako.Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at ngumiti. Nakasuot siya ng simpleng kulay-abong polo na nakatupi hanggang siko at maong na pantalon. Sa simpleng ayos niyang iyon, hindi maikakaila ang kakaibang dating niya na tila hindi bagay sa tahimik at payak naming baryo."Magandang umaga, Avril," bati niya, malumanay ang boses at puno ng galang. "Handa ka na ba?""Magandang umaga rin, Dwight. Oo, tara na para hindi tayo abutan ng matinding init sa daan," sagot ko bago ako nagpaalam kay Nanay.Gamit ang mamahalin niyang sasakyan, unang pinuntahan namin ang Lumang Simbahan ng San Rafael Arkanghel sa kabayanan. Tahimik lang kaming naglakad sa loob ng simb

  • Dwight's Dark Desire The Billionaire's Affair Bk. 14   Chapter 3

    AvrilBanayad ang hampas ng maliliit na alon sa dalampasigan ng Calaca. Nakaupo ako sa isang malaking piraso ng tuyong kahoy malapit sa pampang, pinagmamasdan ang dahan-dahang pagkulay-kahel ng kalangitan habang papalapit ang dapithapon. Dito ako madalas pumunta kapag gusto kong mag-isip, magdasal, o kaya ay magpalipas lang ng oras.Ngunit sa hapong ito, tila hindi ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng estrangherong bigla na lang sumulpot sa tarangkahan ng bahay namin kaninang umaga. Si Dwight Carlos Samaniego . Matangkad, matipuno, at halatang galing sa marangyang pamilya sa Maynila. Kahit nakasuot lang siya ng simpleng itim na kamiseta, hindi maitatanggi ang tikas at ang kakaibang presensya niya.Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa malayong dagat. Nagtataka talaga ako. Sa dami ng magaganda at mamahaling hotel at beach resort dito sa bayan ng Calaca at sa mga karatig-bayan ng Nasugbu at Lemery, bakit sa maliit at simpleng bahay pa namin siya napadpad

  • Dwight's Dark Desire The Billionaire's Affair Bk. 14   Chapter 2

    DwightDalawang araw matapos mailibing si Vance, maaga pa lang ay binabaybay ko na ang kahabaan ng SLEX patungong Batangas. Sakay ng aking matte-black SUV, tahimik lang akong nakatingin sa kalsada habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga nabasa ko sa notebook ni Vance.Hindi pa rin humuhupa ang galit sa dibdib ko. Habang papalapit ako sa destinasyon ko, mas lalong tumitibay ang desisyon ko. Hindi pwedeng matapos nang ganoon na lang ang lahat. Kailangang makita ko mismo kung sino ang babaeng naging mitsa ng buhay ng matalik kong kaibigan.Calaca, Batangas.Ito ang lugar na madalas puntahan ni Vance nitong mga nakaraang buwan. Base sa mga litratong nasa kahon at sa mga detalyeng nakasulat sa journal niya, hindi naging mahirap para sa akin na matunton ang eksaktong barangay kung saan nakatira si Avril Felipe.Pagpasok ko sa bayan ng Calaca, agad akong sinalubong ng sariwang hangin mula sa dagat at ang tahimik na pamumuhay ng mga tao rito. Malayo sa ingay, usok, at gulo ng Mayn

  • Dwight's Dark Desire The Billionaire's Affair Bk. 14   Chapter 1

    DwightAmoy ng puting rosas, kandila, at pormalin ang sumasalubong sa bawat taong pumapasok sa isa sa pinakasikat at pinakamahal na funeral homes dito sa Maynila. Tahimik ang buong bulwagan. Halos lahat ng naririto ay nakasuot ng itim, nagbubulungan, at nakikiramay sa pamilyang naulila. Sa gitna ng mamahaling kabaong na napapalibutan ng mga bulaklak, nakahimlay ang matalik kong kaibigan—si Vance Walter Ledesma.Nakatayo lang ako sa isang sulok, nakatitig sa salamin ng kabaong niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na wala na siya. Vance was always the life of the party. Siya ang unang tumatawa, ang pinakamalakas ang loob, at ang huling taong iisipin mong susuko sa buhay.Pero heto siya ngayon. Malamig na bangkay.Tanging ang mga magulang niya at kaming malalapit niyang kaibigan ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya. Sa publiko at sa media, isang aksidente habang nagsu-surfing siya sa Siargao ang ipinalabas ng pamilya Ledesma para protektahan an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status