Home / Romance / Ex Contract: With a Baby / Chapter 5 Hot Kisses

Share

Chapter 5 Hot Kisses

Author: She
last update publish date: 2026-08-29 17:58:45
Kinaumagahan, agad kong tinawagan si Yaya upang puntahan si Yumi sa mansion. Nasa bahay kasi siya at hindi na sumama pa sa amin kahapon para naman daw masulit namin ang time namin bilang isang buong pamilya. Pagkatapos masundo ni Yaya si Yumi ay dumeretso na rin ako sa aking trabaho. Maaga ngayong araw dahil marami akong naiwang trabaho kahapon dahil sa kasal namin ni Ethan.

Pag dating ko sa aking mesa bigla akong natigilan dahil sa tatlong pulang rosas na nakapatong sa aking table. Nang tigna
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ex Contract: With a Baby   Chapter 5 Hot Kisses

    Kinaumagahan, agad kong tinawagan si Yaya upang puntahan si Yumi sa mansion. Nasa bahay kasi siya at hindi na sumama pa sa amin kahapon para naman daw masulit namin ang time namin bilang isang buong pamilya. Pagkatapos masundo ni Yaya si Yumi ay dumeretso na rin ako sa aking trabaho. Maaga ngayong araw dahil marami akong naiwang trabaho kahapon dahil sa kasal namin ni Ethan. Pag dating ko sa aking mesa bigla akong natigilan dahil sa tatlong pulang rosas na nakapatong sa aking table. Nang tignan ko ito ay may nakalagay na note. "Good morning, Mrs. Castillo from your handsome husband." "Tssk.." napangiti ako ng mabasa ang nakalagay sa note. Ngunit napawi rin agad ng sumingit bigla ang kontratang pinermahan ko kahapon. "Ano ka ba Mia? Kontrata lang ang lahat sa inyo ni Ethan bawal kang mainlove ulit." bulong ng isip ko. Ibinaba ko na ang mga bulaklak sa desk ko at nag umpisa na ako sa aking trabaho. Hindi na rin ako nag lunch para matapos ko ang tambak kong gawain hanggang sa um

  • Ex Contract: With a Baby   Chapter 4 Kontrata o Pag ibig

    VIP room- St. Luke's Hospital- 7: AM Nagising ako sa amoy ng kape at lugaw. Pagdilat ko, Nakita ko agad si Ethan na nakaupo sa sofa. Naka tuxedo parin mula pa kagabi at mukhang hindi natulog. Natuon ang paningin ko sa mesa na may isang tray na puno ng pagkain. Samantala sa kabilang side naman ng bed ni Yumi ay may coloring book at teddy bear na kasing laki niya. "Para kanino ang mga iyan?" mahinang tanong ko. Tumingin siya sa akin at kapansin pansin ang malalaki niyang eyebags. Halatang walang pahinga buong gabi. "Kay Yumi," sagot niya. "Nagising siya kaninang alas singko at naghahanap ng Mommy." dagdag pa niya. Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nagkulang nanaman ako sa anak ko. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko. "Kasi alam kong pagod kana dahil tatlong araw ka na yatang hindi natutulog ng maayos." Lumapit siya at iniabot yung lugaw. "Kumain ka muna tapos pagnatapos ka saka natin pag usapan to." sabi niya sabay turo sa

  • Ex Contract: With a Baby   Chapter 3 Ang pagkikita ng Mag-ama

    Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa

  • Ex Contract: With a Baby   Chapter 2 First Day as PA

    Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili

  • Ex Contract: With a Baby   Chapter 1 Ang CEO at ang Nakaraan

    Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas

  • Ex Contract: With a Baby   PROLOGUE

    Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status