LOGINVIP room- St. Luke's Hospital- 7: AM
Nagising ako sa amoy ng kape at lugaw. Pagdilat ko, Nakita ko agad si Ethan na nakaupo sa sofa. Naka tuxedo parin mula pa kagabi at mukhang hindi natulog. Natuon ang paningin ko sa mesa na may isang tray na puno ng pagkain. Samantala sa kabilang side naman ng bed ni Yumi ay may coloring book at teddy bear na kasing laki niya. "Para kanino ang mga iyan?" mahinang tanong ko. Tumingin siya sa akin at kapansin pansin ang malalaki niyang eyebags. Halatang walang pahinga buong gabi. "Kay Yumi," sagot niya. "Nagising siya kaninang alas singko at naghahanap ng Mommy." dagdag pa niya. Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nagkulang nanaman ako sa anak ko. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko. "Kasi alam kong pagod kana dahil tatlong araw ka na yatang hindi natutulog ng maayos." Lumapit siya at iniabot yung lugaw. "Kumain ka muna tapos pagnatapos ka saka natin pag usapan to." sabi niya sabay turo sa isang folder na nasa ibabaw ng mesa. MARRIAGE CONTRACT Nanlamig ako nang mapagtanto kong ano ang nilalaman ng folder na tinutukoy niya. Halos hindi ko malunok ang lugaw na isinubo ko nang maalala ang mga sinabi niya. Binuksan niya ang folder at binasa ito sa harapan ko. "Six months, civil wedding, walang reception at walang bisita." basa niya ng mabilis. "Sa mata ng batas at ng pamilya ko mag asawa tayo. Para kay Yumi at para narin maprotektahan siya." dagdag pa niya. "Teka," putol ko sa sasabihin niya. "Protektahan?kanino?." naguguluhang tanong ko. Lumapit siya at umupo sa gilid ng bed pero hindi dumidikit sa akin. "Sa nanay ko." Bumuntong hininga siya. "Alam mo kung sino si Doña Isabella Castillo, Mia. Pag nalaman niyang may apo siya sa labas sisirain niya kayo. Kaya niya kayong ipakidnap para lang hindi ako mapahiya." paliwanag niya. Napalunok ako nang maalala ko ang nakaraan. Dati pinagbawalan niya akong pumasok sa bahay nila dahil mahirap lang daw ako. "Kaya kailangan nating magpakasal," dugtong niya. "Para maging lehitimo si Yumi. Para hindi siya matawag na bastarda." dagdag pa niya. Biglang tumahimik ang sandali. Tanging tunog lang ng monitor ni Yumi ang naririnig. Nag iisip ako kung dapat ko nga bang pakasalan ang taong nang iwan sa amin ng limang taon. "Kung para kay Yumi..."sabi ko. "Payag ako." Ngumiti siya ngunit hindi saya na umaabot sa mata, ngiting iisipin mo na napilitan lang siya dahil alam niyang pumayag ako sa kasal ngunit si Yumi ang dahilan. "Thank you," sagot niya. Pagkatapos ng aming kasunduan ay pumirma na ako sa kontrata na ibinigay niya sa akin. Hindi para maging ganap na asawa ni Ethan kundi para maging ganap na Castillo si Yumi. Ang pagpapakasal ko sa kanya ay kontrata lamang at ito ang pinakamahirap na desisyon na aking magagawa. CASTILLO TOWER- 2 Days Later Pagpasok namin, lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Si Ethan ay naka itim ng barong at naka simple white dress lang ako. Si Yumi naman ay naka kulay pink at buhat siya ni Yaya dahil tulog pa. Pag bukas ng elevator, nadatnan namin si Doña Isabella, 60 years old pero mukhang 40 dahil sa mga yayamaning kasuotan niya. Meron din itong diyamante na kuwintas sa leeg. Naka pula at ang ayos tingnan pero yung tingin niya ay parang gusto kaming kainin ng buhay. "Anak Ethan," malamig niyang bati. "Anong kalokohan to?." tanong niya. "Ma." kalmado si Ethan. "Pakakasalan ko si Mia ngayon." saad niya. Natigilan ang mga tao sa buong lobby ng kompanya. "SAAN MO NAPULOT YAN?!"gulat na sigaw ni Doña. "LIMANG TAON KANG NAWALA TAPOS BABALIK KA WITH SOME-." "Watch your mouth, Ma." Putol ni Ethan sa sasabihin ng kanyang Ina sa mahinang boses ngunit may diin. "Asawa ko siya, at apo mo si Yumi." dagdag pa niya. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Doña Isabella ng marinig niyang apo niya si Yumi. "Apo?" tumawa siya ngunit peke. "Yang batang yan? sino nagsabi? sunod sunod niyang tanong. Ipa DNA test mo muna iyan Ethan bago mo sabihing apo ko iyan." May galit na sabi ni Doña. Kinuha ni Ethan ang kaliwang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. "Hindi na kailangan." sabi niya. "Kamukha ko ang bata at ako na ang nagsasabi anak ko si Yumi." pagmamalaki niya. Unti unting lumapit si Doña Isabella sa akin at nalanghap ko ang amoy ng mamahaling pabango niya. Tila sinusuri niya ang buo kung katawan dahil kung titignan niya ako ay mula ulo hanggang paa. "Kung pera ang habol mo sa anak ko ibibigay ko. Name your price and I will give it to you kahit magkano pero sa isang kundisyon. Umalis ka at layuan mo ang anak ko dalhin mo ang anak mo at magpakalayo layo kayo dahil hindi kayo nababagay na maging pamilya ni Ethan. Ethan is the CEO of the Castillo Group at ikaw ano ka ba? Isang basura." mahabang litanya ni Doña Isabella. Umiling iling ako. "Hindi po ako nagbebenta ng anak ko ma'am. At mas lalong hindi po kami nabibili ng kahit na anong halaga ng pera niyo." sumbat ko. "Sinungaling!" sigaw ng Doña sabay sampal sa aking kaliwang pisngi na ikinatingin ng mga staff sa lobby. Bago pa man ako makareact ay nauna ng nagsalita si Ethan. Hinawakan niya ang braso nang kanyang Ina. "Don't you ever touch her again Ma or else." Boses na hindi ko na makilala mababa ngunit may galit. "Or so help me God, Ma, I'll cut you off from every thing." dagdag pa niya. Nanginig ang Doña ng marinig ang mga salitang iyon mula kay Ethan. "Anak...pinapahiya mo ako para lang sa babaeng iyan?" tanong ng Doña. "No, Ma," Tumingin si Ethan sa akin at kay Yumi. "pinoprotektahan ko lang ang pamilya ko." dagdag pa niya. Hindi na naka imik pa ang Doña dahil sa pagkakapahiya niya sa mga staff na naka tingin sa kanya. Alam niyang siya ang tinitingnan ng lahat. 15 minutes later- City Hall "Opo." Yun lang ang sabi ko, Singsing, perma at halik sa pisngi. Tapos na ang kasal namin ni Ethan at isa na akong ganap na Mrs. Mia Castillo. Walang nagawa ang Ina ni Ethan kundi tumahimik habang kinakasal kami ng Judge. Pagkatapos ng aming kasal ay bumuhos ang malakas na ulan. "Umuwi na tayo," sabi ni Ethan at lumabas kami ng Hall ng sabay kasama ang aming anak. Binuksan niya ang pintuan ng kotse para sa akin at kay Yumi. Habang nasa biyahe tahimik naming binabaybay ang malalakas na buhos ng ulan at si Yumi ay nakatulog sa carseat. Nakatingin ako sa bintana ng kotse ng biglang magtanong si Ethan. "Masaya ka ba?" Napatingin ako sa kanya. "Ethan ang kasal natin ay kontrata lang at hindi panghabang buhay. Pumayag ako hindi para maging masaya kundi para sa ikabubuti ni Yumi," sagot ko. Tumango tango naman siya. "Oo, kontrata lang." Pero nang sabihin niya iyon ay tila may lungkot sa mga mata niya. Malamig ang boses at halatang hindi niya gustong kontrata lang ang kasal namin. Pag dating namin sa mansion ay agad niya kaming dinala sa loob. Malaki at sobrang ganda ng buong paligid. Marble, chandelier at tatlong palapag. "Dito muna kayo sa guest wing," sabi niya. "Yung kwarto ni Yumi katabi ng kwarto mo at yung kwarto ko ay sa kabilang dulo." paliwanag niya. Tumango tango naman ako. "Okay." Nang sumapit ang gabi habang binabantayan ko si Yumi nang biglang may kumatok sa p***o. "Puwede ba akong pumasok?" tanong niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na siya at umupo sa sahig. Pinagmamasdan ang natutulog niyang anak. "Maganda siya," bulong niya. "Mana sayo ang mga mata niya." dagdag pa niya. "At mana naman sayo ang ilong." sagot ko. Tumawa siya nang mahina. "Mabuti na lang." "Mia," biglang niyang sambit. "Ano,"? sagot ko. "Sorry kung ganito yung naging simula natin ulit. Gusto ko man maging totoo pero natatakot ako." sabi niya. "Bakit?" muli kong tanong. "Kasi baka iwanan mo nanaman ako." sagot niya. Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang sasabihin niya. "Ikaw yung umalis at nang iwan Ethan." "Alam ko." Lumapit siya at hinawakan niya ang kamay ko. "Pero ngayon ako naman ang takot dahil baka ako naman ang iwanan mo." Sabi niya bago humalik sa noo ko. Magaan na halik pero sapat para maramdaman ko ang dampi nito sa noo ko. "Goodnight, Mrs. Castillo." bulong niya. Pag alis ni Ethan, muli kong tiningnan ang marriage contract na nasa ibabaw ng mesa. Six months pero bakit pakiramdam ko, habang tumatagal mas nahihirapan akong tandaan na kontrata lang ang lahat sa amin?Kinaumagahan, agad kong tinawagan si Yaya upang puntahan si Yumi sa mansion. Nasa bahay kasi siya at hindi na sumama pa sa amin kahapon para naman daw masulit namin ang time namin bilang isang buong pamilya. Pagkatapos masundo ni Yaya si Yumi ay dumeretso na rin ako sa aking trabaho. Maaga ngayong araw dahil marami akong naiwang trabaho kahapon dahil sa kasal namin ni Ethan. Pag dating ko sa aking mesa bigla akong natigilan dahil sa tatlong pulang rosas na nakapatong sa aking table. Nang tignan ko ito ay may nakalagay na note. "Good morning, Mrs. Castillo from your handsome husband." "Tssk.." napangiti ako ng mabasa ang nakalagay sa note. Ngunit napawi rin agad ng sumingit bigla ang kontratang pinermahan ko kahapon. "Ano ka ba Mia? Kontrata lang ang lahat sa inyo ni Ethan bawal kang mainlove ulit." bulong ng isip ko. Ibinaba ko na ang mga bulaklak sa desk ko at nag umpisa na ako sa aking trabaho. Hindi na rin ako nag lunch para matapos ko ang tambak kong gawain hanggang sa um
VIP room- St. Luke's Hospital- 7: AM Nagising ako sa amoy ng kape at lugaw. Pagdilat ko, Nakita ko agad si Ethan na nakaupo sa sofa. Naka tuxedo parin mula pa kagabi at mukhang hindi natulog. Natuon ang paningin ko sa mesa na may isang tray na puno ng pagkain. Samantala sa kabilang side naman ng bed ni Yumi ay may coloring book at teddy bear na kasing laki niya. "Para kanino ang mga iyan?" mahinang tanong ko. Tumingin siya sa akin at kapansin pansin ang malalaki niyang eyebags. Halatang walang pahinga buong gabi. "Kay Yumi," sagot niya. "Nagising siya kaninang alas singko at naghahanap ng Mommy." dagdag pa niya. Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nagkulang nanaman ako sa anak ko. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko. "Kasi alam kong pagod kana dahil tatlong araw ka na yatang hindi natutulog ng maayos." Lumapit siya at iniabot yung lugaw. "Kumain ka muna tapos pagnatapos ka saka natin pag usapan to." sabi niya sabay turo sa
Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili
Nanginginig ang kamay ko habang pinipundot ang doorbell ng 50th floor ng Castillo Tower. Limang taon ko itong pinaghandaan at limang taon ko rin itong tinakbuhan. Pero ngayon wala na akong choice dahil kailangang kailangan ng anak ko. Para kay Yumi walang hindi ko kanyang gawin.Ding dong...Bumukas ang salamin na pinto at bumungad sa akin ang receptionist na naka pulido ang make up at uniform."Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong sa akin."Yes, Mia Reyes. 9:00AM interview for Personal Assistant position," sagot ko. Pinilit kong ngumiti ay maging matatag ang boses kahit na gusto ko nang tumakbo palabas ng building ng sandaling iyon. Tiningnan niya ang tablet niya ng mga oras na iyon."Ah, yes. Please wait here. Tatawagan ko lang po si Sir."Habang naghihintay ay umupo ako sa mamahaling sofa sa lobby. Ang lamig ng aircon tumatagos hanggang buto at nakadadagdag pa sa panginginig ng aking mga kamay hindi dahil sa malamig kundi dahil sa kaba.Ethan Cas
Limang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala.Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko.Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may lima







