Share

Kabanata 5

Author: Evelyn M.M
Walang kahit ano sa araw na ito ang naging masama. Ang araw ay makinang at tila maayos ang lahat habang nag drive ako sa mga pamilyar na daan.

Ang chapel ay puno ng tao noong dumating ako. Halos lahat ay pumunta para sa huling bisita nila.

Sinuri ko ang lugar at nakuntento na makita ang lahat ay nasa lugar. Walang kahit sino sa iba ang nakatulong pagdating sa paghahanda sa libing. Ako ang sumalo ng lahat.

Ngunit, hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ito bilang pagkakataon para bayaran ang ginawa niya para sa akin. Tutal, pinakain niya ako, binigyan niya ako ng damit at kwarto na tirahan.

Magsisimula na ang service noong halos lahat ay nakaupo na. Nagdesisyon ako na umupo sa kabilang dulo. Hindi tama ang umupo katabi ng iba. Lalo na at hindi tama ang umupo ako sa tabi ni Emma.

“Mommy, bakit po tayo nakaupo dito… hindi po ba’t nakaupo dapat tayo sa tabi ni lola?” Ang tanong ni Noah, tumuro siya kung nasaan ang iba.

Syempre, kakaiba ang tingin sa amin ng mga tao, ngunit wala akong pakialam. Tutal, hindi naman isang sikreto na hindi ako tanggap ng pamilya ko pagkatapos ng lahat ng nangyari.

“Marami nang nakaupo. Ayaw kong gumawa tayo ng gulo.” Nagsinungaling ako.

Tila hindi siya naniniwala sa akin, ngunit pinili niyang hayaan ito. Dumating ang pari at nagsimula ang sermon, may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Naging tense ako. Alam ko ang presensya at amoy ng cologne. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at nakaupo siya dito. Dapat ay kasama niya ang kanyang mahal na Emma. Mas pipiliin ko kung nanddon siya.

Parang bitter talaga ako. Totoo naman. Bitter, galit at nasaktan.

“Dad.” Ang malakas na bulong ni Noah, at lumingon ang ilang tao para tumingin sa amin.

Tumingin ako ng galit sa kanila, lumingon sila palayo.

“Pwede po ba akong umupo sa pagitan niyong dalawa?” Ang bulong sa akin ni Noah.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at may maliit na mga himala. Hindi ko kailangan lumapit sa nakakasakal na presensya niya.

Kumilos ako, nagawa kong makipag palit ng upuan sa kanya. Sa oras na ginawa namin ito, naramdaman ko na gumaan ang tension.

“Lahat tayo ay balang araw na mawawala sa mundong ito, ang tanong ay kung paano tayo aalis? May diperensya ka bang nagawa? Binago mo ba at napabuti ang mga buhay ng mga taong nakilala mo sa buhay mo? O aalis ka ng may pagsisisi?” Ang tanong ng pari.

Hindi ko mapigilan na pag isipan ito. Kung mamamatay ako ngayong araw, sino ang dadalo sa libing ko? May pakialam ba ang mga taong nasa paligid ko? Sino ba ang niloloko ko? Syempre hindi. Baka nga magdiwang pa sila na may handaan. Ang tanging maaapektuhan sa pagkamatay ko ay si Noah. Siya lang at wala nang iba.

Malungkot talaga ito, ang buhay na meron ako. Wala ako masyadong kaibigan dahil pinipigilan ko ang sarili ko. Nakatira ako sa anino ng perpektong si Emma, pati hindi ako magiging sapat. Hindi ako kasing ganda niya, kasing seksi niya, kasing talino niya, at hindi ako mamahalin tulad ng pagmamahal sa kanya ng iba. Hindi ako perpekto na tulad ni Emma. Wala lang ako kumpara sa kanya.

Kahit ngayong mas matanda na ako, ako pa rin ay nasa anino niya. Walang kahit sinong may pakialam sa sakit o pagdurusa ko. Ang lahat ay tungkol kay Emma. Ang sakit niya ay higit sa akin. Ang kaligayahan niya ay prayoridad kumpara sa akin. Lagi siyang nauuna sa isipan ng lahat habang ako ay naiiwan sa tira-tira ng mga pagmamahal nila.

“Mommy.” Bumalik ako sa sarili ko dahil sa boses ni Noah.

Sa oras na yun, napagtanto ko na tapos na ang service at umaalis na ang lahat.

“Ava, ayos ka lang ba?” Lagi akong nanginginig sa malalim na boses niya.

Ayaw ko siyang kausapin, paano pa ang tumingin sa kanya? Ngunit kailangan ko itong gawin, dahil sa susunod na sampung taon, hati kami sa kustoriya ni Noah.

Nagkibit balikat ako at tumayo ako, hindi ko siya tiningnan. Alam ko na mukhang bastos ito, ngunit hindi ko lang siya matingnan. Ito ay dahil ang alaala na nakatingin siya ng mapagmahal kay Emma ay sariwa pa rin sa isipan ko.

“Tara na, Noah. Umalis na tayo.”

Tumayo si Noah at naglakad kami papunta sa pinto. Nang makalabas na kami, sinalubong kami ng maraming tao na gustong makiramay. Nakita ko ang ilan sa mga katrabaho ko at kumaway ako sa kanila.

Hindi pa namin nililibing ang tatay ko, ngunit pagod na ako.

“So, nagdesisyon ka na rin na ipakita ang mukha mo,” Tumunog ang bitter na boses ni Emma sa likod ko.

Tumalikod ako at hinarap ko siya. Ang mukha niya ay pula, namamaga ang mga mata niya, ngunit mukha pa rin siyang isang diyosa.

Hay. Ayaw ko talaga siyang harapin ngayon.

“Wag ngayon, Emma. Pwede bang ilibing muna natin si tatay?”

Ngumiti siya, pagkatapos ay lumapit siya upang ako lang ang makakarinig sa kanya.

“Oo, ililibing natin siya, pero sasabihin ko sayo na mananatili ako. Inagaw mo ang pamilya ko noong nakaraang mga taon, pero tapos na ito. Plano kong agawin ang lahat, pati na rin ang lalaking nararapat para sa akin.” Pagkatapos ay tumabi siya at umalis sa oras na tawagin kami ng pari na pumunta kung nasaan ang sementeryo.

Tumingin si Noah sa akin at sa paalis kong kapatid na babae, ngunit wala siyang sinabi. Nabigla ako sa mga sinabi ni Emma, ngunit konti lang.

Ang hindi niya naiintindihan ay wala siyang kailangan agawin dahil ang lahat ng ito ay hindi naman sa akin. Ang pamilya na tinutukoy niya ay sinasamba siya. At si Rowan? Lalaki niya pa rin naman si Rowan.

Pinigilan ko ang sakit na gusto akong lunurin, dinala ko si Noah sa lugar kung saan ang magiging huling pahingahan ng tatay ko.

Tumayo ako ng may distansya mula sa nanay ko, kay Emma at Travis. Magkakasama sila. Kapag tumingin ka sa amin, isiipin mo lang na isa akong estranghero na bumisita sa libing sa halip na parte ng pamilya nila.

“Abo sa abo…” Ang sabi ng father habang binaba nila ang katawan ng tatay ko sa lupa.

Pagkatapos, tinakpan nila ng lupa ang kabaong niya hanggang sa nalibing na siya ng tuluyan. Ang iyak ng nanay ko ang pinakamalakas habang nagmamakaawa siya na bumalik sa kanya ang tatay ko. Sina Emma at Travis ay lumuluha ng tahimik habang yakap nila si nanay.

Niyakap ko si Noah habang umiyak siya sa tabi ko. Nagkaroon ng luha sa mga mata ko nang makita ko na ganito siya. Ayaw ko siyang nasasaktan. Pinusuan ko ang mga luha niya. Kailangan ko maging malakas para sa kanya. Kailangan niya ako ngayon.

Muling lumapit ang mga tao sa amin para makiramay. Tinanggap ko ito ng basta basta. Ito ay para bang parehong nandoon ako at wala. Sa oras na bumalik ako sa isipan ko, ang karamihan sa mga tao ay wala na.

“Mommy, nandoon po si pa at ma,” Hinila niya ako para ituro ang mga magulang ni Rowan.

Nandoon sila kasama si Rowan at ang kambal niyang si Gabriel.

Tumayo ako ng awkward habang binati ko sila. Tumingin lang sila ng saglit sa akin, ngunit wala silang sinabi. Alam namin na hindi ako ang pinili nila para sa anak nila.

“Pwede po ba akong kumuha ng snacks kasama sila?” Ang tanong ni Noah at tumango ako.

Hindi pa siya kumakain ng ilang oras, kaya gutom na siya. Noong umalis sila, naiwan kaming awkward na nakatayo sa tabi ng isa’t isa. Ngayon at ang pokus niya ay wala na kay Noah, ito na ay nakay Emma ngayon, na siyang nakatayo ng may maliit na distansya mula sa amin.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang tunog ng isang kotse na nag preno. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nagpaputok ang mga lalaking may hawak na baril. Sa oras na bumaril sila, nakita ko na tumalon si Rowan para kay Emma.

Tumayo ako ng gulat habang pinanood ko na prinotektahan niya ang katawan ni Emma.

Hindi ako makapaniwala na iniwan niya ako para protekatahan si Emma. Bakit pa ba ako nagulat? Ito ay patunay lang na kahit kailan ay hindi ako magiging prayoridad niya. Nang makita ko na prinotektahan niya si Emma gamit ang buhay niya, may isang parte na nabasag ng tuluyan sa loob ko.

“Tabi!” Ang isang lalaki na may suot na bullet proof jacket ang sumigaw sa akin.

Tinulak niya ako paalis ng daan, ngunit huli na ang lahat. May tumagos sa balat ko at bumagsak ako mula sa impact. Nawalan ako ng hininga sa sandaling yun.

“Tumawag kayo ng ambulansya.” Lumuhod siya sa tabi ko at naglagay ng pressure sa sugat ko.

Nalilito ako at nakakaramdam ng sakit. Sinabi ko sa kanya na ayos lang ako, ngunit nakita ko na nababasa na ng dugo ang dress at kamay ko. Ayaw kong makakita ng dugo.

“Diyos ko… Noah.” Ang bulong niya.

Siya ang huling naisip ko bago naging madilim ang lahat.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 539

    Hey Loves, so I’m just from reading you comments and you’ve really told me how you feel😅.Everyone is entitled to their own opinion and I respect that. I can’t do anything to change them and that’s is completely okay.I’ve gotten some really good criticism and I want to thank those who have pointed me towards my mistakes. I always struggle with writing an ending and that’s why it can sometimes come off as rushed. Don’t worry I’ll be working on that in my next book.As for Emma and Calvin, I want you all to understand that this was always the way it was supposed to end, at least in this book.Emma didn’t love Calvin, she was sorry for what she did but she never loved him with same depth he loved her. In other words, she loved him but she wasn’t in love with him. Calvin deserved to feel that love with someone else given that Emma couldn’t reciprocate. Go back to some of her therapy sessions and you’ll realize that yes she was remorseful but not because along the way she fell in love

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 538

    Harper.Lumulutang ako sa isang malambot na puting ulap ng pagtulog. Mainit ang pakiramdam ko, naramdaman kong may kapayapaan, at naramdaman kong mahal ako.Dahan dahan, nagsisimula akong magising. Si Gabriel ay nasa likuran ko, ang kanyang mga braso sa paligid ng yakap. Ginagawa niya ito sa tuwing natutulog tayo. Hawakan mo ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig na parang natatakot na mawala ako kung hindi siya.Kumalas ako ng kaunti na sinusubukan na makalabas ng kanyang mga braso. Sa halip na palayain ako, hinigpitan niya ang kanyang mga kamay, na nagtutulak sa akin na mas malapit sa kanyang katawan.Huminto ako kapag naramdaman ko siya. Kapag naramdaman ko ang kanyang hindi mapag aalinlanganan na matigas na kahoy sa umaga. Ang aking mga hormone ay sumusulong at kaagad ko siyang gusto. Gusto kong maramdaman itong ibaon sa loob ko.Mayroon kaming isang malusog na sekswal na buhay, ngunit may mga oras na gusto mo lang. Sa tatlong mga bata, kung minsan mahirap na walang tigil na nag

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 537

    "Sigurado," Ibabalik niya ang aking ngiti tulad ng paglalakad sa amin ni Killian."Narito ako upang nakawin ng aking magandang asawa." Ang kanyang tinig ay raspy at hindi ko maiwasang matunaw sa timbre. Ito ay sobrang sexy."Sayo na siya." Binitawan ako ni Calvin at humakbang sa tabi bago maglakad palayo.Hinila ako ni Killian sa kanyang mga bisig, tinitiyak na walang puwang sa pagitan namin. “Okay ka lang ba? Ang iyong likod ay nasasaktan? Ang iyong mga binti? "Tingnan kung ano ang sinabi ko sa iyo? Siya ay isang pating bilang isang abogado ngunit nagmamalasakit at mapagmahal bilang asawa. Hindi ko rin alam na may tipo ako hanggang sa makilala ko siya."Okay lang ako, mahal ko, medyo nagaalala," Tawa ko, itinulak ang aking sarili na mas malapit sa kanya."Sinabi ko na ba sayo na mahal kita?" Tanong niya.Hindi ko maiwasang mapangiti habang itinutulak ko ang aking sarili ng tumingkayad at bumulong malapit sa kanyang mga labi. "Halos isang libong beses ngayon, hindi na ako ay na

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 536

    Si Molly ay isa sa aking mga abay na babae at ganoon din sina Ava, Connie, Letty, Harper at Kinley. Sila ay naging aking mga batang babae sa nagdaang apat na taon mula nang aksidente. Siyempre, hindi ko mapalitan si Molly, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan, ngunit nagpapasalamat ako na mayroon ako sa kanila.Dagdag pa, kahapon sinabi sa akin ni Molly na iniisip niya na lumipat dito. Tuwang tuwa ako. Mahal ko siya. Ngunit inamin namin na mahirap gawin ang buong pagkakaibigan na malayo. Ako ay matapat sa buwan na siya ay nasa paligid.Bumagsak ang musika at lumapit si Gunner, sinira ang lahat ng iba pang pag uusap."Maaari ba akong magsayaw sayo, Mom?"Mayroong isang serye ng mga aaws at isinusumpa ko ang aking puso ay natutunaw mismo sa lugar."Syempre, aking gwapong lalaki anak," Sagot ko bago kunin ang kanyang kamay.Si Gunner ay labing apat, ngayon ay isang teenager. Maniwala ka ba diyan? Siya ay kasing taas ko at sigurado ako sa ilang taon na siya ay magiging mas mataas

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 535

    Emma.Sumasayaw ako kasama si Molly, pinahihintulutan ang musika na maghugas sa akin. Medyo masakit ang likod ko, pero hindi mahalaga kapag sobrang saya ko.Ang aking damit ay kumikislap sa paligid ko habang sinisigaw namin ang lyrics ng Cruel Summer ni Taylor Swift sa tuktok ng aming mga baga. Sumama sa amin si Ava, na buntis nang husto. Natawa ako dahil iniisip niya na sumasayaw siya, ngunit hindi. Hindi ko rin alam kung anong tawag sa ginagawa niya.Mabibilang ko ang ilang beses kung kailan ako naging pinakamasaya. Ang isa ay noong nakapasa ako sa bar exam. Ang pangalawa ay noong tinawag ako ni Gunner na mom sa unang pagkakataon sa mahabang panahon. At ang pangatlo ay ngayon. Sa araw ng aking kasal.Tama ang narinig mo. Kakakasal ko pa lang at hindi ako magiging mas masaya.Natandaan ang cute lawyer na sinabi ko kay Ava noong birthday ni James? Well, hindi siya sumuko, kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Panay ang tanong niya, at ang ibig kong sabihin, ay halos araw araw s

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 534

    Kaya dumating na tayo sa dulo ng Ex-Husband’s Regret at sa mga side story. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mo sa librong ito. Ito ang pinakamahabang librong naisulat ko at sa ngayon ang pinakamatagumpay kong libro. Hindi ito magiging matagumpay kung hindi dahil sa iyong suporta. Kaya kaysa sa inyo. maraming salamat po. Salamat sa iyong paglalakbay mula sa simula hanggang sa katapusan. Ibig sabihin ang mundo ay nananatili ka sa akin.Ngayon, gusto kong iannounce na susunod na ang kwento ni Noah. Ito ay tinatawag na [The Billionaire's Fight For Redemption] Inaayos ko pa ang plot, pero magiging available ito sa kalagitnaan ng Oktubre, kaya abangan ito. Magkakaroon tayo ng side story tungkol kay Gunner at malamang isa pa tungkol kay Lilly.Narito ang isang sneak peek ng The Billionaire's Fight for Redemption. Ito ay isang magaspang na draft.Sierra.Naglalakad ako sa aisle. Bumibilis ang tibok ng puso ko at mabagal ang mga hakbang ko. Ang mga rosas at putin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status