ログインNGUMITI lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba hija, huwag mong isipin iyon isa pa, meron naman akong pera at wala akong alam na pagkakagastusan ko kaya hayaan mo lang akong tulungan ka.” sagot nito sa kaniya. Napakagat labi naman si Bella nang marinig niya ang sinabi nito dahil naantig ang kanyang puso. Kung may tatlong demonyo sa kanyang pinapasukan, mabuti na lang at may natitira pang anghel sa buhay niya. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim. “O siya magluluto na muna ako para sa ating hapunan, gawin niyo muna ang inyong mga assignments!” sabi niya at sabay-sabay naman na tumango ang mga ito bago nagsitakbuhan patungo sa kwarto ng mga ito. Ilang sandali pa ay sinulyapan niya ang matanda. “Pasensya na po kayo aling Ruth kung medyo malilikot ang apat, kakulitan pa lang po kasi nila. Pinahirapan po ba nila kayo kanina?” maingat niyang tanong dito ngunit mahina itong napailing.“Hindi naman hija kaya wala kang dapat ipag-alala.” nakangiti nitong sagot sa kaniya. “Isa pa, napaka
HINDi kaagad napansin ni Kyle si Xander dahil nakatuon ito kay Bella at bukod pa doon ay sa likod na pinto kasi si Xander dumaan at hindi sa harapan kaya nang mapansin siya nito ay talagang nagulat ito. “Si-sir, ano pong ginagawa niyo rito?” tanong nito sa kaniya.Sa halip na sagutin ang tanong nito ay mabilis niyang iniikot ang kanyang wheelchair at naghanda ng lumabas. Wala siyang dapat sabihin kay Kyle o ni sagutin man lang ang mga tanong nito dahil hindi naman niya iyong responsibilidad. Ilang sandali pa ay hinabol siya nito. “Uhm sir, sa susunod na linggo ay darating ang ating client galing sa Italy at—” bago pa man nito matapos ang sasabihin ay mabilis niya na itong pinutol.“Hindi mo na kailangan pang isipin ang tungkol doon dahil ako na ang bahala sa kanila.” putol niya sa kung ano pang sasabihin nito bago tuluyang umalis ng hindi na pinapakinggan ang magiging sagot nito. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Kyle habang nakasunod ng tingin dito. Inasahan na niyang siya ang m
NAPAPUNAS ng mariin si Bella sa kanyang bibig at puno ng pagkadiri ang kanyang mukha. Napaka abnormal talaga ng lalaking ito kahit na kailan. Sa dami ng sasabihin nito ay ang magkagusto pa talaga siya rito, like hello? Sinong tanga ang magkakagusto sa katulad nito? Napakunot naman ng noo si Xander ng wala sa oras ng mga oras na iyon nang makita niya ang nandidiring ekspresyon ng babae. “Napaka baboy mo at higit sa lahat ay napaka presko mo!” inis na bulalas nito.Kaagad na nagdilim ang kanyang mga mata dahil sa harap harapan nitong pandidiri sa kaniya samantalang kung tutuusin ay napakaraming babae ang gustong makalapit sa kaniya tapos ito ay ganito lang ang magiging reaksyon? Hindi niya maiwasang hindi mapangiti at hindi makapaniwala. “Anong tinatayo-tayo mo diyan? Tulungan mo akong tumayo!” bulyaw niya rito ngunit hindi lang siya nito pinansin at sa halip ay tinalikuran siya para umalis. Anak ng! Malalamig ang mga mata ni Bella na nagmartsa paalis. Bakit kailangan niya pa itong
NAGSIMULA nang kumain si Bella habang kausap niya ang kanyang anak. Mamaya kasi ay babalik na namana siya sa loob para magtrabaho. Maya-maya ay muling nagtanong ang kanyang anak. “Kumain na po ba kayo Mommy?” tanong nito sa kaniya.Mabilis na uminom ng tubig si Bella bago pa siya mabulunan. “Oo, kumain na ako.” “Anong inulam mo Mommy?” muling tanong ng kanyang anak at dahil dito ay napasulyap siya sa siomai na baon niya at sa kapirasong fried chicken na tira pa ni Max kanina. “Marami. May karne, may isda at may mga prutas pa.” pagsisinungaling niya.Samantala, naging madilim naman ang ekspresyon ni Xander habang nakatingin sa kinakain ng babae dahil hindi niya akalain na magagawa nitong magsinungaling sa anak nito. Talaga bang may puso ito? Isa pa ay hindi niya maiwasang hindi mapaisip, ganun na ba talaga ito kahirap? Nauubos ba ang pera nito para sa mga anak? Isa pa, hindi ba at normal na kahit na maghiwalay sila ng ama ng mga anak niya e diba ay kailangan na bigyan siya ng susten
NAPUNO ng sakit ang mga mata ni Kyle na nakatingin sa babaeng pinakamamahal niya. Napakatagal niya itong hinanap at ngayong nakita na niya itong muli ay wala na siyang balak pang pakawalan ito. Sa halip na tanggapin ang pagtanggi nito ay muli siyang nagsalita at humakbang palapit dito saka ito niyakap. “Plesa Bella, pwede bang magsimula tayo ulit?” mahina ngunit punong-puno ng emosyon na tanong niya rito. Mas lalo pang humigpit ang yakap niya ito. “Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka.” Mabilis na nakapag-isip si Bella kung paano siya makakawala sa kamay ni Kyle. dahil hawak niya ang mga gamit niya panglinis ay itinaas niya ang kanyang kamay kung saan ay hawak niya ang walis at bigla na lang itong itinusok sa tiyan nito. Napasigaw ito sa sakit ng wala sa oras at pagkatapos ay bigla na lang siyang nabitawan. Naging malamig ang kanyang mga matang nakatingin dito. “Sinabi ko na sayo Kyle, tapos na tayong dalawa at kung patuloy kang lalapit sa akin ay pasensyahan na lang tayo…” nag-aap
ISANG tikhim ang narinig ni Bella mula sa kanyang likuran dahilan para matigilan siya at pagkatapos ay dahan-dahang lumingon dito at nakita niya ang lalaking nakaupo sa wheelchair at matiim na nakatitig sa kaniya. Ilang sandali pa ay pinaandar nito ang wheelchair hanggang sa makarting ito sa mesa nito at nagsalita. “Mukha naman yatang magaling kang mag-alaga ng halaman. Bakit hindi na lang kaya ikaw ang mag-alaga niyan?” tanong nito sa kaniya.Natigilan si Bella nang marinig niya ang sinabi nito. Ibig bang sabihin ay kanina pa ito doon at narinig ang mga sinabi niya? Sunod-sunod na napalunok siya at hindi naiwasang hindi mapayuko. “Uhm, narinig niyo po ba ang sinabi ko?” alanganin siyang ngumiti. “Masyado niyo namang siniseryoso ang sinabi ko sir.” Walang pakialam na tiningnan siya ng lalaki. “Kapag namatay yan ay kasalanan mo.” malamig ang mga mata nitong sabi sa kaniya.“E paano kung mas gumanda pa ito sir? Bibigyan mo ba ako ng reward?” tanong niya ng nagbabakasakali. Baka kasi bi
NAPAILING na lang siya dahil sa sinabi ng kanyang kapatid at pagkatapos ay napabuntong hininga. “Hindi mo pa maiintindihan ngayon ang ibig kong sabihin dahil hindi mo pa nararanasang magmahal.” sagot niya rito.Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. “Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salita
BAGO pa man may mangyari sa kanilang dalawa ni Sevi, mabuti na lang ay napigilan niya ito. Ngunit hindi siya nito hinayaang lumayo sa kaniya. “So, pumapayag ka ng makasama ako?” tanong nito sa kaniya na nagniningning ang mga mata na parang isang bata.Nag-iwas siya ng tingin at napabuntong hininga
MEDYO masakit ang ulo ni Addie nang magising siya kinabukasan. Nang bumangon siya ay kaagad siyang sinalubong ng malakas at preskong hangin mula sa karagatan. “Gising ka na pala.” sabi ng isang baritonong boses mula sa likod niya.Dahan-dahan siyang napalingon dito at pakiramdam niya ay para bang n
PAGKASARA ng pinto ay napasalampak sa sahig si Andromeda, ang kanyang mga mata ay walang tigil sa pag-iyak. Naninikip din ang dibdib niya sa halo-halong emosyon. Kung kailan tanggap na niya, nakalimot na siya ay muli lang itong magpapakita sa kaniya. Pakiramdam niya ngayon ay parang kahapon lang ul







