로그인ISABELA’s POV
“Perfect couple talaga ang dalawang ito, oh! Parehong maganda at gwapo, mababait at matulungin pa!” anang isang matandang tumatakbo para sa pagka alkalde mayor.
Parang nasusunog ang balat ko nang hawakan ni Enrique ang bewang ko at hilahin ako palapit sa kanya.
“Thank you po. Swerte po talaga ako sa misis ko, sobrang supportive nito sa akin palagi.” Hinalikan niya pa ang tuktok ng noo ko.
Akmang iirap ako nang mapatingin ako kay Daddy na masama ang titig sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang pilit na ngumiti at humawak sa dibdib ni Enrique.
“Ang sweet sweet naman!” ani konsehala. “Ganyan talaga dapat ang mga babae, supportive sa asawa at gagawin ang lahat para maabot ng lalake ang pangarap niya.”
Tumayo si Daddy at nakangiti akong tinapik sa balikat, “Alam niyo ba? Dati, pangarap ni Isa ang maging isang nurse. Pero nung maikasal siya dito sa manungang ko, kusa niyang binitiwan ang pangarap niya para mas maalagaan daw ang asawa niya.”
“Naku totoo ba? Bibihira na lang ang ganyang babae ngayon. Kadalasan kasi gusto nila sila na ang masusunod. Mga hindi na marunong sumunod sa asawa,” anang isa pang matanda.
Hindi na lang ako umimik. Sa tuwing naaalala ko na isinuko ko ang pangarap ko dahil sa kanya, nagsisisi ako.
“Are you okay?”
Nagsitayuan ang mga balahibo sa batok ko nang ibulong iyon ni Quen sa tainga ko.
“O-Oo, okay lang ako.”
“Naiinitan ka ba? Gusto mo ng tubig? Kukuhanan kita.”
Napapikit ako ng mariin. Gusto kong sampalin ang puso ko. Bakit ba siya tumitibok ng mabilis? T*nga ba siya?
Tumango na lang ako para mailayo ang sarili ko sa kanya. Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang matatanda nang may isang ice cream truck na huminto sa harap namin.
“Hello po! Naiinitan ba kayo? May dala akong ice cream for you guys!”
Otomatiko akong napairap nang makita si Viviene sa tabi ng driver ng ice cream truck. Talagang nakaimprenta pa ang mukha nilang dalawa ni Enrique sa katawan ng sasakyan. Mabilis na nagsilapitan ang lahat doon. Maging si Quen na kukunan daw ako ng maiinom ay lumapit din sa kanya at ibinigay ang tubig na para dapat sa akin.
Biglang lumubog ang puso ko. Ang kilig na nararamdaman ko kanina ay napalitan na naman ng galit.
Paanong biglang parang wala na ako sa paligid kapag nakikita niya si Viviene?
Lahat sila ay nagsikuha ng ice cream. Gusto kong sigawan si Daddy nang pati ako kinuhanan niya at pilit iyong pinakain sa akin. Nakangisi pa sa akin ang Viviene na iyon habang kinakain ko ang dala niya.
“Ibang level ka talaga, Viviene! Buti nakapunta ka pa dito? Balita ko may solo action movie ka daw ah? Wala ka bang taping?” tanong ni Daddy sa kanya na parang tuwang-tuwa pa.
Alam naman niya na iyang babaeng iyan mismo ang kabit ni Quen pero parang wala man siyang pakialam.
“Actually lunch break ko lang po ngayon pero dumaan muna ako dito. I want to support my love team, alam niyo naman po. We’re partners!” Yumakap pa siya sa braso ng asawa ko, “And I know mainit ngayon dito kaya dinalhan ko muna kayo ng pampalamig.”
“Ang sweet naman talaga ng batang ito, kaya pinagpapala eh!”
“Alam niyo? Sa mga ganitong klaseng babae talaga ako nabibilib eh. May sariling buhay, may sariling career. Hindi na lang nakaasa sa pera ng lalake.”
“Naku! Hindi naman po, at saka huwag niyo pong sabihin iyan. Nandito po si Isabela.” Nagsitinginan sa akin ang lahat habang lumapit naman sa akin ang babaeng higad at akmang aangkla sa braso ko nang iwasan ko siya, “Isa, huwag kang magagalit ha? Alam naman ng lahat na you’re sacrificing a lot. Kaya okay lang naman sa akin kung nakaasa ka sa pera ni Quen.”
Tinaasan ko siya ng isang kilay, “Okay lang sa iyo? Bakit? Sino ka ba? Kailangan ko ba ng permission mo para magamit ang pera ng asawa ko?”
“A-Ahhh t-that’s not what I mean, Isa.” Uta-utal na siya. “Naku kayo naman po kasi eh! Naoffernd na tuloy si Isa!”
“Isa, huwag ka namang pikon. Lahat naman tayo may kanya-kanyang opinyon hija. At saka dapat matuto ka rito kay Viviene para hindi ka nakaasa sa asawa mo.”
Napakuyom ang pareho kong kamao. Ang magaling kong asawa, ni hindi man lang ako ipinagtanggol. Lumapit lang siya sa tainga ko at bumulong.
“I told you.”
Nang matapos kami sa pag-iikot ay humiwalay ako sa kanilang lahat. Mas pinili kong pumunta sa isang coffee shoip sa kabilang barangay makalayo lang sa kanila.
“One americano for Silas!” sigaw ng barista.
Mabilis akong tumayo para kunin ang order ko. Hindi pa rin makalma ang mga ugat ko sa sobrang gigil sa babaeng iyon. Lalong naninikip ang dibdib ko kapag naaalala ko kung paano ako malimutan ng lahat nung dumating siya.
“Thank you,” sabi ko sa barista sabay kuha sa order ko.
Pero paghawak ko sa cup ay isang malaking kamay din ang sumabay sa akin sa pagdampot doon.
“This is mine, Miss,” anang malaking boses sa gilid ko.
Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang isang lalakeng kung makatingin akala mo nabili niya ang coffee shop.
“Bakit? Isa ba pangalan mo? Badtrip ako huwag kang sumasabay dyan.”
Tinalikuran ko siya pero marahas niya akong hinila.
“Aww! Fvck!”
“Sh*t! Ikaw naman kasi bakit ka nanghihila?!”
Aligaga kong pinunasan ang natapon na kape sa polo niya.
“Ikaw naman kasi bakit ka nanghihila?!” alma ko habang sinusubukan siyang punasan pero marahas niyang inalis ang kamay ko.
“Kasalanan ko pa eh kinuha mo iyong kape ko? Miss! Sabihin mo kaninong kape iyon?” baling niya sa barista.
“Th-that’s for Sir Silas po, Ma’am.”
Nakagat ko nang mariin ang labi ko. Lupa, lamunin mo ako ng buong-buo, ngayon na please! Nakakatakot pa naman makatitig ang lalakeng ito! Umurong lahat ng sungit ko sa kanya kanina. Lalo na nang magsimulang umigting ang panga niya.
“I have an important event to attend to, paano na ito?” tanong niya.
Wala akong dalang pera, at ayokong gamitin ang card ni Enrique. Bahala na si Batman. Hindi ako pwedeng mapahiya dito.
Tinaasan ko siya ng kilay at saka namewang, “Kasalanan mo din naman! Bakit ba kasi nanghihila ka! Edi kung sinabi mong kape mo iyan sana hindi nangyari ito!”
Tinitigan niya ako ng matagal. Iyong tipong parang tumatagos hanggang kaluluwa.
“B-Bakit ganyan ka makatingin?”
Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya sa akin ang mukha niya. Gwapo pala ang h*******k na ito, kaso napaka antipatiko!
Pilit akong umuurong pero paghakbang ko ay tumama na ang likod ko sa counter. Hindi pa doon natrapos ang nerbyos ko dahil lalong nagwala ang puso ko nang hawiin niya ang buhok sa mukha ko at lumapit siya sa tainga ko.
“You’re quite interesting, woman.”
ISABELA's POV Bumaba ang tingin niya sa hawak kong pregnancy notebook. Itatago ko sana iyon pero mabilis niyang naagaw sa akin at binklat.“Akin na yan! Ano ka ba?! Bakit ba–”“You’re pregnant?!”singhal niya. “Alam ba ni Enrique ito?!”Inagaw ko sa kanya ang notebook, “Ano bang pakialam mo?! Ano naman sa iyo kung alam niya o hindi?!”Kita ko ang takot sa mga mata niya habang paulit-ulit siyang umiiling.“Hindi ito pwede. Sisiguruhin kong mawawala ka sa buhay namin no matter what it takes.”Hanggang sa makauwi ako ay hindi na mawala ang pangingilabot ko dahil sa sinabi niya. Pero ano bang magagawa ko? At saka wala naman akong balak pang sumama sa gulo ng buhay nila. Hindi na niya kailangang gumawa pa ng kahit na ano dahil ako na mismo ang aalis.Abala ako sa pagtitimpla ng tsaa nang mapansin kong may mga tao sa katapat naming bahay. Matagal na rin nung huling may magpunta doon. Ang alam ko ang caretaker lang ang palaging nanadon. Pero ngayon mukhang may mga naglilipat ng gamit.Nilapi
ISABELA's POV“Brother, this is my wife, Isabela. You can call her Isa.”Malamig at butil butil ang pawis ko. Diyos ko, anong gagawin ko? Ang lalakeng patuloy kong pinagpapantasyahan ang mismong kapatid pala ng asawa ko!“H-hello, Silas. Nice to meet you, a-ako nga pala si Isa.”Magpapanggap na lang akong hindi kami magkakilala para hindi kami mahalata.“Nice to meet you again, Isa. Asawa mo pala ang Kuya ko?” nakangisi niyang sabi.Mabilis na nangunot ang noo ni Enrique. Lord, help! Anong klase ba naman ang lalakeng ito, napakaslow! Hindi niya man lang nagets ang gusto kong gawin!“Magkakilala kayo?” takang tanong ni Enrique.“A-ahh hindi, hindi! Baka naman ibang tao lang iyong tinutukoy niya. N-napkamalan mo lang siguro ako, Silas.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ang lalakeng ito, tinawanan lang ako!“No, we met sa coffee shop the other day. Napakarami nga nating… ginawa. Hindi ba?”Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod non. Napanganga ako habang matalim naman ang t
ISABELA’s POVKung bakit ba naman kasi napakamalas ko?! Arrgghh!“Pasok ka muna rito, hahanapan kita ng maisosoot. Wala namang ibang tao rito dahil busy sa eleksyon ang Daddy ko. Wait mo ako dyan.”Nakapamulsa lang siya habang tumatango-tango. Silas daw ang pangalan niya sabi kanina sa coffee shop. Akala ko talag Isa ang sabi nung barista kanina, nakakahiya!“Tama pa ba tong ginagawa ko sa buhay ko? Pisteng yawa talaga! Kung bakit naman kasi ang lutang ko eh!” Panay ang ikot ng mata niya sa kwarto ko nang iwan ko siya. Mabuti na lang ay hindi nakalock ang kwarto nila Mommy kaya naman mabilis akong nakapuslit at nakakuha ng polo mula ron. “Mister! Nasaan ka—?”Napalunok ako nang humarap siya sa akin. Hinubad na niya ang polo niyang natapunan ng kape. Litaw na litaw ang abs niyang mga nakaumbok at ang biceps niya… p-parang ang sarap yakapin.“Hoy babae! Akin na iyong damit. Baka matunaw ako sa titig mo nyan?” nakangisi niyang sabi. “Feelingero ka no? Hindi ako nakatitig sa iyo!” Inir
ISABELA’s POV“Perfect couple talaga ang dalawang ito, oh! Parehong maganda at gwapo, mababait at matulungin pa!” anang isang matandang tumatakbo para sa pagka alkalde mayor.Parang nasusunog ang balat ko nang hawakan ni Enrique ang bewang ko at hilahin ako palapit sa kanya.“Thank you po. Swerte po talaga ako sa misis ko, sobrang supportive nito sa akin palagi.” Hinalikan niya pa ang tuktok ng noo ko.Akmang iirap ako nang mapatingin ako kay Daddy na masama ang titig sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang pilit na ngumiti at humawak sa dibdib ni Enrique.“Ang sweet sweet naman!” ani konsehala. “Ganyan talaga dapat ang mga babae, supportive sa asawa at gagawin ang lahat para maabot ng lalake ang pangarap niya.”Tumayo si Daddy at nakangiti akong tinapik sa balikat, “Alam niyo ba? Dati, pangarap ni Isa ang maging isang nurse. Pero nung maikasal siya dito sa manungang ko, kusa niyang binitiwan ang pangarap niya para mas maalagaan daw ang asawa niya.”“Naku totoo ba? Bibihira na lang
TEASER:“Hmmhh~~~” Nababaliw na nga siguro ako pero wala na akong pakialam. Gusto kong makalimot.Hinaplos ko ang batok niya at marahan siyang sinabunutan habang patuloy kong nilalaliman ang paghalik sa kanya.“Hngghh~~~” Ang sarap sa tainga ng ung*l niya. Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya na lalo pang nagpapainit sa katawan ko.All my life, I’ve been that perfect daughter na laging sumusunod sa gusto ng mga tao sa paligid ko. Pero sa pagkakataong ito, wala akong pakialam. Pumatong ako sa lalakeng ni hindi ko alam kung ano ang buong pangalan. Kung si Enrique nga paulit-ulit na nagpapakasarap kasama ang Viviene na iyon, kaya dapat ako rin.“S-Stop!” hingal niyang sabi. Buong lakas siyang humiwalay sa mga labi ko pero pilit pa rin akong lumalapit sa kanya. “Bakit? Takot ka? Natatakot ka ba sa asawa ko?” Umiikot na ang paningin ko pero pilit ko pa ring inaabot ang mga labi niya. Paulit-ulit ko ring idinidikit ang pagkababae ko sa naninigas niyang pagkalalake. “The hell I care







