"Deal or No Deal?" natutuksong mga salita galing kay Carmelita. Nasisiyahan si Carmelita sa kanyang ginagawa at hindi na kayang maghintay. Inalis ni Yedd ang kamay ni Carmelita at tumayo. "NO DEAL" ang tunog ng kanyang boses ay sobrang galit na ikinagulat ng dalaga. Lumisan ito sa lugar na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Ikinagulat man ni Carmelita ito pero nagaganahan siya sa kanyang ginagawa. It's challenging her to do more. "Makukuha rin kita, Yedd" masayang sabi ni Carmelita habang tinitingnan ang binata na lumalabas sa pintuan.
"Nagtatrabaho ka ba dito?" salitang galing sa likod ni Carmelita. Hindi na nito hinintay si Carmelita lumingon at umupo ito sa kinauupuan ni Yedd kanina. Nang makita ng dalaga na nagulat si Carmelita nagbigay ito ng matamis na ngiti. Ang suot ng dalaga ay fitted na damit kagaya kay Carmelita ngunit iba ang kulay at desenyo. "HI, I'M MARTHA."
"CARMELITA, Costumer lang ako dito" sabi ni Carmelita sabay bigay ng shake hands sa babae.
"Narinig ko kasi kanina na inaalok mo yung lalaki. Dito sa bar na ito bawal kaming mag-alok dapat ang lalaki ang aalok. Sasabihan sana kita na bawal yang ginagawa mo. Pasensiya na." ang boses ng babae sobrang linaw kaya napadali ni Carmelita ng pag-intindi.
"It's Okay Martha. Ilang taon ka na?"
"18"
"Pareho lang pala tayo" sagot ni Carmelita kasabay ng ngiti.
"Ba't mo naman na pag-isipan mag-alok?? Wag kang tumulad sa amin, Mahihirapan kang makahanap ng lalaking tatanggap sa pagkatao mo. Sayang yang wangis at katawan mo paglalaruan lang at pandirian. Carmelita mag-aral ka mo na mahaharap mo rin ang tunay na kaligayan." ang mga salita ni Martha nagbigay ng kirot sa puso niya. Pagkatapos binitawan ni Martha ang mga salita tumayo ito at binigyan ng tapik sa balikat si Carmelita.
Kanina pa tulala si Carmelita sa sinabi ni Martha hindi niya kayang tanggapin na walang tatanggap sa kanyang pagkatao, na walang magmamahal at lalong hindi niya kayang habang buhay na ganito ang sitwasyon. Pangarap ni Carmelita noon pa na magkaroon ng anak, gusto niyang mabuhay ng payapa at mawawala lang ang lahat dahil sa sumpa, hindi niya kayang tanggapin ito.
Ibinalik ni Carmelita ang sarili sa kanyang unang kinaroroonan at uminom ng alak. Sa tuwing na aamoy ang alak sa gabi ang sexual na pananasa ni Carmelita ay nagigising. Matapos maubos ang alak agad na naghanap si Carmelita.
Pagkatapos ng paghahanap agad nag tungo ang dalawa papuntang hotel. Guwapo ang mukha ng lalaki patungo sa katawan nito ngunit ang edad nito ay 35 na at sinabi nito na may asawa na siya. Wala rin namang pinipili ang sumpang ito kaya ginawa ni Carmelita ang nararapat na gawin para sa sumpa. Kinabukasan, kagaya ng dating gawi maaga siyang lumisan sa lugar. Pagdating sa bahay, agad siyang nagtungo sa kanyang silid-tulugan at inihiga ang sarili sa malambot na kama.
Bago isinara ang mga mata sinabihan muna niya ang mga magulang ng mga bata na wag ng ipapunta sa paaralan ang kanilang mga anak dahil may pupuntahan siya mamaya at alam ni Carmelita na matatagalan siyang magigising pagmatutulog siya ulit. Sa isang iglap nawala ang saya ng dalaga ng matapos ang ginagawa nang makatanggap ng balita. Gumuho ang mundo niya hindi dahil hindi siya nakatulog kundi sa tawag na natanggap galing sa police station. Nagbigay ng kirot sa puso ni Carmelita ang mga salitang binitawan ng isang pulis at dahilan ng pagpatak ng mga likido na galing sa kanyang mga mata.
Habang inaayos ang sarili ginamit ito na pagkakataon ni Carmelita na tawagan si Yedd. Ipaalam niya na pinapupunta sila sa station. Ang balitang iyon ay nagpangamba kay Yedd, sa boses kasi ni Carmelita lungkot ang nangingibabaw. Sinabi na ng pulis kay Carmelita pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito sa iba kaya para sa kanya ang station na lang ang bahala magsabi kay Yedd.
Naunang dumating sa police station si Yedd, Hindi muna siya pumasok sa loob sa halip hinintay si Carmelita sa labas. Nagtatalo na ang kanyang damdamin at utak, alam niyang ang balitang ito ay masama.
"Carmelita!" nang matanaw ni Yedd na lumalabas ng sasakyan si Carmelita agad niya itong sinalubong. Ang mga mata maihahalintulad sa drug adik at ang katawan nito parang lantang gulay. Sa kilos at galaw ng dalaga alam na ni Yedd na tama ang kanyang hinala.
Agad nagtungo ang dalawa sa loob, bumati si Yedd sa mga tauhan habang ang katabi niya ay walang pake sa nangyayari, alam niya kailangan niyang maging matatag.
"Kayo ho ba yung naghahanap kay Ankara Verdosa?" natauhan si Carmelita sa mga salitang ito ng pulis kaya siya na ang sumagot "Opo, Kami po yun".
" Maupo kayo" pinaupo ng pulis ang dalawa sa dalawang silya na nasa harapan ng kanyang mesa.
" Natatandaan niyo po ba ang kulay ng kanyang damit? Ma'am ang Sir. "
Si Yedd na ang sumagot dahil alam niya ang huling pinuntahan ni Ankara, nakita rin niya sa CCTV ng hospital ang damit nito paglabas ng kwarto hanggang sa paglisan sa hospital. "Itim po ang kulay ng kanyang jacket paired with jeans at may suot po itong mask, Sa katunayan may litrato po ako." Ipinakita agad ni Yedd sa pulis ang litrato naramdam ang lungkot sa mga mata.
"Magkatulad ang kanyang damit sa damit na ito tama?" agad ipinakita ng pulis ang larawan na nakalagay sa A4 na papel. Tugma ang mga damit nasinuot ni Ankara ng gabing iyon ngunit hindi na mamumukhaan ang wangis nito. Hindi na hinintay ng pulis ang sagot ng dalawa ng makita ang mga ito natulalang tulala habang tumitingin kaya nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.
" Ang bilis nag-agnas ng kanyang katawan. Mabuti na ilibing niyo na ang kanyang katawan."
"Makikita dito sa larawan na may lupid sa leeg ng dalaga, hindi siya pinatay siya ang kumitil ng kanyang buhay."
"Kung gusto ninyong imbestigahan pa ang nangyari lumapit lang kayo sa amin."
Hindi na napigilang lumuha ni Carmelita sa harapan, hindi niya kayang tanggapin ang pagkawala ng kaibigan. Hindi lang si Carmelita ang nagluluksa pati rin si Yedd na pilit tinatago ang nararamdaman. "Saan po ba niyo siya natagpuan?"
" Sa bakanteng lote yung malapit sa WPGHospital."
Dear Readers,Happy New Year!!!Kumusta? I hope everything is going well for you guys and to your family. Here's the backstory if you're wondering why I haven't updated for almost 2 years already.This Goodnovel account is connected to my Facebook account which is hacked. Back then, I can't access it anymore. It's been a breakdown to me that time imagining a lot of opportunities open up in one fell swoop suddenly vanished. Among those years, I won't deny the fact that I'm bluer than blue everyday, I tried my best to fix this access inability but it didn't work as expected. Yet, with God's and my parents' guidance I was able to get through it and make those years as motivations for me to get even better to my passion.Yesterday, I was so emotional and jump as high as I can when suddenly I get back to my account. Just time passes, with patience and perseverance, and a little bit exploration to the media and Technology I was able to get back to my account. Visiting today, regaining enoug
_WPGH HOSPITAL_" Dr.Yedd, ikalulungkot ni Ankara kapag sinasaktan mo ang iyong sarili. Magpahinga ka, Magpalakas at Magbago." aral na galing sa bibig ni Pauline habang dextrose nito. Labis ang awa at lungkot na nadama ni Pauline para sa binata, Nadatnan kasi niya ito kahapon sa bahay nito na nakahandusay sa sahig at nilalamig. Wala itong gana na kumain at puro paglalaro nalang ng ginagawa. Sa ginagawang pasakit ni Yedd sa kanyang sarili, nawalan ng mga bitamina ang kanyang pangangatawan sanhi upang mawalan siya ng bigat at manghina ang buong katawan."Lahat nalang ng tao na minamahal ako, nawawala. May mali ba sa akin?." nang marinig ang sagot ng binat binigyan ito ng tapik sa balikat ni Pauline. "Huwag ka munang mag-isip sa mga problema mo ngayon, nakakasama ito sa iyong kalusugan. Just take a rest and just forget it for awhile." matapos bitawan ni Pauline ang mga aral na mga salita, ngumiti siya at tuma
"Itong sumpa, kailan ito matatapos?" ubod ng lungkot ang bumalot sa mga mata ng dalaga matapos bitawan ang mga salita. Sa totoo lang napapagod na siya sa kanyang ginagawa, gusto niyang mabuhay ng normal, maging malaya kagaya ng iba. Nang marinig ang sagot ng anak, gumuho ang pag-asang natitira sa kanyang puso. Ang hirap bigyan ng kasagutan at solusyon ang kakaibang pinag-dadaanan ng anak. Natahimik ang ina sa problema ng anak, inilagay niya ang tingin sa panganay na anak at nagbigay ng malungkot na tingin dito."Kinalulungkot ko Carmelita, Hindi din namin alam."" Ginawa namin ang lahat mahanap at makita si Floresca, pero binigo kami ng tadhana. Ang naging pag-iimbestiga ng kapulisan ay sobrang malabo sa tingin nila namatay ang matanda, sa ibang panig pinatay naman ito.""Sa tingin namin ni Mom, Hindi ang matanda ang gumawa ng sumpa, Nais niya lang ipaalam sa atin ang pangyayari at maghanda. Hind
Hanggang sa pagdating ng umaga patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan na nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin. Sa kakaibang klima na nadama, nagising ang dalaga na kanina pa mahimbing na natutulog. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, kinakabahan siyang tumingin sa sariling hubad na katawan, pero sa sunod na paglipat ng atensiyon mas lalo lang siyang kinabahan nang salubungin siya ng dalawang mga mata ng binata. Mga matang puno ng katanungan, saya at lungkot."Carmelita, Wala ka bang nararamdaman sa akin??" tanong ng binata para sa minamahal na pagsinta. Nahirapan si Carmelita na sagutin ang katanungan, hindi niya alam kung ano ang dapat na isasagot kaya mas minabuti niyang tumahimik. Kung sasabihin niyang "hindi" bumagabag ang kanyang damdamin, kung sasabihin niyang "Oo" ang puso'y sumasaya pero ang utak pilit pinapaalala ang kanyang maduming pagkatao."Carmelita, May pagtingin ka din b
Matapos ang kwentuhan, pinauwi ni Carmelita ang mga kabataan. Ubod ng saya ang mukha ng mga mag-aaral habang umaalis sa silid-aralan. Kagaya ng ipinangako ni Carmelita, nagtungo siya kasama si Zack sa isang sikat na kainan. Nababalutan ng magarang desenyo at mga mayayaman na panauhin ang kainan. Dinadayo ito ng mayayaman dahil sa husay ng mga ito magserbisyo, pang- five star talaga ang dating. Lahat ng mga panauhin na dumadayo may marka lahat ng saya, pero sa kakaiba ang naging reaksyon ni Carmelita. Naging malungkot at may galit ito, hindi dahil sa presyo ng pagkain kundi sa magiging usapan nila ng binata."Nakuha mo ba yung bulaklak?" kanina pa tahimik na kumakain silang dalawa, kaya bilang lalaki naglakas loob si Zack na magsalita. Kumuha ito ng atensiyon ni Carmelita pero hindi ito hadlang upang itigil niya ang kan
"Ano ba bitawan niyo ako!" malakas na sigaw ni Carmelita habang pinipilit ang sarili na kumakawala sa mga kamay ng mga ito. "Miss, Hindi ka namin sasaktan. Nais kang makausap ng aming pinuno." Natahimik si Carmelita sa mahinahon na salita ng malakas at may dating na lalaki. Sa halip na makipagtalo sumunod si Carmelita sa mga ito. Pagdating sa silid, pinaalis ng may-ari ang mga tauhan at inilagay ang lahat ng atensiyon sa dalaga. "MAUPO KA" sabi ng binata. Sa pagtingin ni Carmelita sa lalaki, sa mukha nito hanggang sa pangangatawan ang kanyang sekswal na pagnanasa ay nagdiwang. Sa halip na umupo sa upuan na inihandong ng lalaki, nagtungo sa direksyon ng lalaki si Carmelita na siyang kakaupo lang. Masayang umupo sa mga heta ng binata ang dalaga habang hinahaplos ang malambot nitong labi. Ito ang unang pagkakataon ng lalaki na makaramdam ng ibang pagnanasa. Ang ganda, ang mabangong katawan at hininga at a