Share

128

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-14 21:51:03

MAAGA pa lang ay nasa opisina na si Jav. Nakatutok siya sa laptop, hawak ang tasa ng kape habang abala sa pagbabasa ng reports. Paminsan-minsan ay binubuksan niya ang phone para i-check kung may message si Elorda, pero wala pa rin. Nagpaalam ang asawa niya na dadalawin ang mga kaibigan. Pinayagan niya upang kahit paano ay makaluwag-luwag sa dibdib ni Elorda, na makausap ang mga kaibigan.

Samantala, si Elorda naman ay kasama sina Mylene at Tess sa maliit na tindahan na negosyo nilang magkaibigan.

“Naku, Elorda, buti na lang dumaan ka! May bago kaming paninda, mainit pa!” masiglang sabi ni Mylene habang inaabot ang paper bag na may suman at bibingka.

“Oo nga,” sabat ni Tess habang nagbubuklat ng mga bagong dumating na damit sa rack. "Tsaka, may chika ako sa’yo mamaya, ’yung kapitbahay naming si—”

Napatawa si Elorda habang pinapakinggan ang dalawa. Para siyang nasa gitna ng mini-barkadahan na walang humpay sa kuwentuhan. Panay ang asar sa kanya ni Mylene dahil sa bagong suot niyang b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   151

    "BAKIT kasi hindi mo pa sabihin sa Inay at Itay mo na kasama mo sa bahay iyang haliparot mong kapatid?" Gigil na tanong ni Tess. Hindi na rin nakatiis si Elorda na 'di sabihin sa mga kaibigan ang kanyang nararamdaman habang kasama sa bahay si Elaine. Naging maayos ang bonding ng buong pamilya ni Elorda. Nakabawi naman si Jav sa kanila na talagang sinulit nila ang pamamasyal. At ngayon naman ay pumasyal si Elorda sa tindahan nila. Gusto niyang ilabas ang kanyang lahat ng pagdududa. "E, kasi ayoko na maging kontrabida sa tingin ni Elaine. Ayoko na muling magkaroon kami ng problema..." "Pero sa ginagawa mo, kayo ng asawa mo ang parang nawawalan ng tiwala sa isa’t isa. Kagaya mo na lang, nagdududa ka kay Jav. Sa tingin ko naman ay napakabait ng asawa mo. Parang malabo na lokohin ka nun," sabi naman ni Mylene. Kilala niya si Jav at may tiwala si Elorda sa kanyang asawa. Pero sa kapatid niya parang mahirap. Nagawa na ni Elaine noon ang traydurin siya. Nakuha nito si Harry sa kanya. Nata

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   150

    BINIHISAN nina Neng at Elorda ang kambal. “Neng, bantayan mo na muna sila. Magbibihis lang ako para pagdating ni Kuya Jav handa na tayo. Kaya ikaw din, magbihis ka na,” utos ni Elorda. “Opo, Ate Elorda,” sagot ni Neng. Lumabas si Elorda sa kuwarto at dahan-dahang naglakad pabalik sa kanilang kuwarto ng mag-asawa. Halos hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mukha habang iniisip ang gagawing family bonding mamaya. Habang naliligo, humahaplos ang kanyang boses sa mga himig ng paborito niyang kanta. Nang matapos, ibinalot niya ng tuwalya ang kanyang buhok. Isinuot niya ang kanyang simpleng pulang dress na hanggang tuhod ang haba na tinernuhan ng puting sandals. Tila handa na siya para sa masayang sandali kasama ang pamilya. Napatingin si Elorda sa wall clock. Alas tres na ng hapon, binalingan naman niya ang kanyang phone. Hindi pa tumatawag si Jav. 'Di rin niya alam kung anong oras sila aalis. Ang sinabi lamang ni Neng ay uuwi nang maaga ang asawa para ipasyal sila. Pero wala pa

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   149

    "K-KUYA Jav, puwede ba ako sumabay sa'yo pauwi sa bahay?" parang nakikiusap na tanong ni Elaine. Napatigil si Jav sa kanyang ginagawa. Napahinga siya ng malalim saka tumingin kay Elaine na tila naghihintay ng kanyang sagot. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. "Ilalabas ko ang pamilya ko mamaya, so I'm leaving early today. You can just get a cab. Kung wala kang pamasahe, bibigyan kita," diretsong sagot niya, sabay kuha ng tatlong libo mula sa wallet at inilapag iyon sa mesa. "Kung kulang pa 'yan, sabihin mo lang. Pero please, Elaine, ayoko talagang makarating sa asawa ko na nagtatrabaho ka rito sa JE. She doesn’t even come here in JE for me," dagdag pa niyang litanya. "Talaga? Hindi pa nakakapunta rito sa kompanya si Ate Elorda?" "Yes," mabilis niyang tugon, sabay iwas ng tingin. "Hindi sa ayaw niyang pumunta sa JE. Mas gusto lang ng kapatid mo na tahimik ang buhay naming dalawa, na hindi masyadong alam ng lahat kung sino ang asawa ko. Pero I’m proud that I married her. Ayaw

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   148

    BUMUKAS ang pinto ng kuwarto at dinig ni Elorda ang pagsara nito. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata at nagtulog-tulugan. Dumating na si Jav at ala una na ng madaling araw. Hindi naamoy ni Elorda na lasing ang asawa pero madaling araw na itong umuwi. Batid niya na may muling pagbabago si Jav pero pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi iyon totoo. Na mali ang nararamdaman niyang pagdududa sa kanyang kalooban. Maya-maya’y lumundo ang kama. Pigil na pigil ni Elorda ang kanyang paghinga. Hindi niya nagawang gumalaw nang dumampi ang halik ni Jav sa kanyang labi. Parang gustong lumuha ni Elorda pero pigil na pigil niya ang sariling damdamin. Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay ni Jav sa beywang niya. Kinabukasan, nagmulat ng mga mata si Elorda. Napabangon siya at napaupo. Wala na siyang katabi. Napaikot ang kanyang tingin sa buong kuwarto nila ni Jav. Walang trace ng kanyang asawa. Nakaalis na siguro ito at pumasok na sa trabaho. Pero nang mapaharap siya sa tabi ng ka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   147

    NAPATIGIL sina Lindrick nang biglang pumasok si Elaine sa loob ng opisina. "Kuya Jav, nagbreak ka na? Nagugutom na ako, sa canteen tayo," tanong at aya ni Elaine. Napabaling ng tingin si Jav kay Lindrick. May makahulugang tingin ang kaibigan niya sa kanya. "A-Ah, Elaine, pasensiya na. But my friend is here, we are going somewhere," tangging sagot ni Jav, iniiwasan na sumama ang loob ng hipag niya. Ginagawa niya ang lahat para iwasan si Elaine. Hangga't maari ay ayaw na niyang magkakasama sila na sila lamang, may ibang taong makakita at makarating kay Elorda ang sekretong itinatago niya sa asawa. Natuon ang tingin ni Elaine kay Lindrick. Tumango ito sa kanya. "Yes. Actually, that is why I'm here. Yayain ko si Jav, may invitation kami sa isang seminar out of Manila," pagsisinungaling ni Lindrick. Sinenyasan ni Jav ang kanyang kaibigan habang hindi nakatingin si Elaine sa kanya. Napakunot ang noo ni Elaine. "Seminar? Out of Manila?" ulit niya, halatang nagtataka. "Bakit ngayon ko

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   146

    HALOS araw-araw ay napapansin ni Elorda na umaalis si Elaine, ngunit hindi niya alam kung saan ito laging pumupunta. Mag-iisang linggo na mula nang tumira ang kapatid niya sa kanilang bahay kasama si Jav. "Elaine, aalis ka na naman. Saan ka ba nagpupunta?" Usisa na ni Elorda. Bihis na bihis na naman ito, kipkip ang bag at nakahanda na para umalis. "Naghahanap po ako ng trabaho, Ate Elorda." Tinitigan ni Elorda ang kapatid. "Sigurado ka ba? Anong trabaho naman ang gusto mong matanggap ka?" "Kahit ano na lang, Ate. Ang mahalaga ay may trabaho na ako para hindi na ako umaasa sa inyo ni Kuya Jav..." "Hindi ka naman namin inoobliga na maghanap ng trabaho. Ang gusto namin ng Kuya Jav mo ay maging maayos muli ang inyong pamilya ni Harry," sabi ni Elorda. Walang pumipilit kay Elaine para maghanap ng trabaho. Kaya naman nila ang gastos at hindi sila kinakapos. May sarili ring pera na nakukuha si Elorda galing sa tindahan. "Kung gusto mo sa tindahan ka na lang. Tulungan mo si Ate Tess mo.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status